You are on page 1of 8

KAGAWAD RONALDO

Kilala nyo po ba si Nanay Puti?

- Oo.

Kung kakilala nyo po sya, kalian po sya nanirahan dito sa Brgy. Bagopaye?

- Siguro, ako ay (???) na akong kagawad ano? Ah After. Di pala, before akong maging kagawad.
Nakikita ko na siya dito sa Brgy. Bagopaye.

Ano po ang ginagawa niya simula nnung manirahan po siya dito?

- Ang alam ko ay siya ay nanggagamot- gamot ng sakit. Nag uuli sya. Pumupunta siya sa bayan.
Pag minsan nakikita naming sya sa Gen. Luna. Basta pauli-uuli sya. Malimit sya sa baranggay.

Nagamot nab a kayo ni Nanay Puti?

- Hinde pa. Pero nagkaroon kami ng, kumbaga ay nawalan kami ng hayop, eh alam naming na siya
ay nanghuhula, nagpahula kami sa kanila. Nagpahula kami. Pinahulaan naming kung saan
naroon an gaming hayop. Eh syempre nagpahula ka, magpupursigi kang maghanap. Kaya nung
mahulaan nya na malapit lang yung hayop namin, nagpursigi kaming maghanap. Pero hindi
naming sya nakita doon sa itinukoy niya na lugar, sa ibang lugar naming siya nakita.

Sa tingin nyo po, ano yung nabibigay ni nanay puti sa komunidad?

- (???) may naitutulong naman siya kait pa ba medyo siya’y ano eh, sa tingin ko eh medyo may
kaunti siyang ano sa pag-iisip, basta yun nga (???)

Sa tingin nyo po ba eh importante naman si nanay puti sa brgy. Bagopaye?

- Syempre, dahil may naitututlong naman siya dito sa amingn koomunidad.

Sa inyo pong pananaw, ano po ang mas prefer nyo, pumunta sa doctor kung may sakit man ang kakilala
nyo or kayo man po? Or mas uunahin nyong magpagamot kay nanay puti?

- Sa akin, sa akin lang na kuro-kuro ha, syempre mas madaling pumunta tayo sa doctor, at yun ay
talagang doctor yun eh, may pinag-aralan yun eh. Kesa magpabalik-balik tayo sa di natin
sigurado
ATE ELVIRA ADAP

Kilala nyo po ba si nanay puti?

- Oo

Naniniwala po ba kayo sa panggagamot na ginagawa nya?

- Oo naman

Sa paanong paraan po?

- Siya ay nag-aano, yung sa mga tawas tawas. Mga ganun.

Importante po kaya sa inyo kapag narito si nanay puti, kaysa dun sa pupunta pa kayo sa ospital?

- Pag ano, dito muna, bago sa ospital.


ELVIRA VILLARUEL

Kilala niyo po ba si nanay puti?

- Kaunti.

Naniniwala po ba kayo dun sa paraan ng panggagamot niya?

- Hindi masyado.

Kapag ano po kaya, pag nawala po kaya siya dito, ano po mas uunahin nyo, sa ospital po o kay nanay
puti?

- Albularyo, hindi naman kami nagpapagamot dun.

Kadalasan po talaga sa ospital, kapag merong may sakit sa inyo?

- Oo
FRIEND NG NANAY NI KIM

Kilala niyo po ba si nanay puti?

- Simula po noong, dati po noong, dito po siya sa amin nakatira, nakapisan pa siya sa amin dito.
Noon, utay-utay ko siyang, unti-unti ko siyang nakilala.

Naniniwala po ba kayo sa paraan ng panggagamot ni nanay puti?

- Oo naniniwala ako dahil minsan, noon nagpapagamot din ako sa kanya. Ay yung nararamdaman
ko, napapagaling niya.

Sa tingin nyo po ba importante si nanay puti? Ano po mas uunahin niyo, magpagamot sa doctor o kay
nanay puti muna?

- Ay inuuna ko muna sa kanya. Kung hindi niya talaga kakayanin, tsaka ako magdodoktor. Ganun
ang gawa ko, dahil yung aking mga bata, bago ako magdoktor, sa kanya ko muna kapag
nilalagnat. “Ate puti, tingnan mo nga ito bakit mainit ang palad, mainit ang noo, ganun ganito.
Ayon, hinihilot niya, kapag gumaling na edi siyempre, dadalhin ko pa bas a doctor? Eh gumaling
na sa kanya. Ganun ang gawa ko.

Sa tingin nyo po, yung ibang kilala niyo po na may kilala din po kay nanay puti eh yung din po ang
gagawin? O iba din po? Baka sila’y pupunta muna sa doctor po o katulad niyo po na kay nanay puti
muna?

- Ay kadalasan po ay sa kanya muna talaga, laging, basta ano sa kanya lalo na yung magpapatawas,
yung magpapahilot. Talagang sa kanya lagi ang takbo.
KAGAWAD JUNIE

Kilala niyo po ba si nanay puti?

- Kilala ko.

Kung kilala nyo po siya, kalian po sya nanirahan dito sa brgy. Bagopaye?

- Hindi ko alam, gawa ng dumating ako dito ay 2012, nandito na eh. Inabutan ko na yan dito.

Ano po yung napapansin nyong ginagawa nya dito sa baranggay?

- Yan kasi, ang alam ko ay nakatira sya kay ano, sino bay un, yung babae? Kay ka-Idad. Tapos si ka-
Idad ay nag kwan dito sa daycare, kasama sya. Wala naman siyang ginagawa. (???) pero yun lang,
napapansin kong lagi syang pauli-uli. Madalas sa catanauan siya napunta, ay ewan ko kung bakit
ganu. Tapos ay palaging syot niya ay puti, yung ganung damit. Parang meron din siyang kwan,
meron din syang kaunting karamdaman na hindi normal ang pag-iisip nya, parang ganun. Kasi
noon, mga 2004 o 2003, nagkaroon ng gamutan diito sa may ano, dyan sa , may kwan dito sa,
dya basta dito sa may center malapit sa may school. Na parang siya ang nagamot. Nung sya ay
nagamot para syang nahimatay eh. Ang sabi parang, ang sabi nila parang may sapi. Sinasapian
daw yung ganun. Eh yun lamang yung alam ko eh. Tsaka yung ano, palagi syang pauli-uli. Minsan
‘pag, mapapansin mo lang siyang solong naglalakda. Minsan nagtatatakbo. Ganun.

Sa tingin nyo po ba eh importante si nanay puti dito sa komunidad?

- Ay, importante rin. Kasi kung minsan ay nakakatulong. Meron nagsasabi na manggagamot, may
nagpapagamot. Siguro ay may napapagaling, merong hindi. Syempre importante sa ating
baranggay pag ganung nakakatulong, kasi sabi ng isa’y manggagamot.

Sa inyo po bang pananaw, kung kayo po ay may kamag-anak na naggka sakit, eh mas prefer nyo po na
pumunta nalang sa ospital muna o magpagamot muna kay nanay puti?

- Ay sa ospital nalang muna ako pupunta, kung sa akin man.


NANAY EDENA AREVALO

Kilala nyo po ba si nanay puti?

- Kilala

Naniniwala po ba kayo sa paraan ng panggagamot nya?

- Parang hindi

Eh ano po kaya, pag nawala pokaya si nanay puti ditp, mas pupuntahan nyo po ba ang ospital kesa sa
kanya?

- Ay oo naman. Syempre ospital. Di ako paniwalain sa ganun.


NANAY IDAD

Gaano nap o kayo katagal magkakilala ni nanay puti?

- Ah eh 20 years. Mahigit bente anyos yon. Nasa catanauan pa ako.

Kaano-ano po ba kayo ni nanay puti?

- Ah ano, walang relasyon kami, malibansa relasyon na pagkakaibigan na itinuring na akong ina,
itinuring kong anak. Parang vice versa.

Ginamot nap o ba kayo ni nanay puti?

- Oo.

Ano po yung ginamot sa inyo ni nanay puti?

- Sakit ng ulo. Tapos hindi makatulog.

Importante po ba dito si nanay puti dito sa brgy bagopaye?

- Oo

Sa anong paraan po?

- Takbuhan sya ng mga may sakit. Kesyo mayroong bayad o wala yung ginagamot nya.

Marami pa po bang naniniwala sa panggagamot ni nanay puti?

- Oo. Lalo na yung (???) yung mga sinasapian. Yung ano nga lang, maganda sana yung grupo na
may sakit, na naaanohan, navivideohan. Tangan nga lang at wala. Hindi panahon ng ano.
NANAY LYDIA RIEGO

Kilala nyo po ba si nanay puti?

- Oo naman, bilang kabaranggay at kapit bahay.

Nagamot nap o ba kayo ni nanay puti?

- Mga ilang, ilang beses na rin, sa haba ng panahong magkapitbahay.

Sa tingin nyo po, ano yung pinagkaiba nya sa lahat ng manggagamot o albularyo?

- Ang mga albularyo naman halos pare-pareho naman kaso kwan may kanya kanyang diskarte rin
sila. Halimbawa yung gamit nya sa pagtawas, kandila, o di kaya’y may langis, pag may kasamang
hilot, o di kaya’y (???) yung sinasabi mo na ano, kaso di pa ako nakatry nun eh.

Bakit kaya po kayo ay patuloy na nagpapagamot padin sa kanya?

- Syempre kilala mo na sya, atleast na ano, kilala mo sya, saka din syempre kilala mo. Pano,
nakakagaling talaga, magaling talaga. Lalo’t malapit.

You might also like