You are on page 1of 42

•Ang Gitnang

Panahon sa
Europe
• Sa kasaysayan ng Europa, ang
Middle Ages o medieval period ay
tumagal mula ika-5 hanggang sa
huli na ika-15 siglo. Nagsimula ito
sa pagbagsak ng Western Roman
Empire at lumipat sa Renaissance
at the Age of Discovery.
•From Tribes to Empires
to Kingdoms
•Madalas ding matawag
ang Gitnang Panahon na
Panahon ng Karimlan.
• Imperyong Frankish
- Anim na kaharian: Burgundian,
Frank, Ostrogoth, Sueves, Vandal at
Visigoth.
• sa mga kahariang nabanggit, ang
kaharian na naitatag sa Fance at
Germany ang makapangyarihan.
• Charlemagne
- Pinakatanyag na hari na namuno
sa Imperyong Frankish.
- Sa ilalim ng kanyang pamumuno,
halos dumoble ang lawak ng
teritoryo ng Kahariang Frankish.
• Kabilang sa mga
nasakop na
lupain ang
kasalukuyang
Germany, France,
hilagang Spain at
malaking bahagi
ng Italy.
• Hinati niya ang kanyang imperyo
sa county, na pinamumunuan ng
mga count.
• Nagtalaga siya ng mga Missi
dominici o “mensahero ng
emperador na nag-uulat sa kanya
taon-taon.
• Mark o March
- Mga distritong tanggulan, upang
ipagtanggol ang hangganan ng imperyo.
• Tinangkilik ni Charlemagne ang
pagpapaunlad ng kaalaman. Nagtatag
siya ng mga paaralan sa palasyo at
monasteryo, pinagyaman ang mga silid-
aklatan at sinuportahan ang pag-aaral ng
mga pari, monghe.
• Paghina at pagbagsak ng imperyong o
kahariang Frankish.
- unti-unting humina ang imperyo dahil sa
mga alitang politikal at mahihinang
pinuno.
- Isa pang dahilan ng paghina ng imperyo
ay ang pananalakay ng mga pangkat ng
Muslim sa hilagang Africa, Magyar sa
kanlurang Asya at Viking.
•Magyars Vikings
•Piyudalismo
at
Manoryalismo
•Ang pyudalismo, na kilala rin
bilang sistemang pyudal, ay
isang kombinasyon ng ligal,
pang-ekonomiya, militar, na
umunlad sa Medieval Europe
sa pagitan ng ika-9 at ika-15
siglo
• Buhay sa Lipunang Piyudal
• Fief
- Ito ay ang kapirasong lupa na ibinigay
ng mga panginoong maylupa sa mga
maharlika.
• Vassal
- Tawag sa maharlikang tumanggap ng
lupain.
• Act of Homage
- Isa itong seremonya na isinagawa
upang maging opisyal ang
kasunduan ng panginoong
maylupa at vassal.
- Nangako ang vassal ng katapatan
sa panginoong maylupa.
• Knight
- Nagpanatili ng kaayusan noong
panahong piyudal sa kanlurang
Europe.
- Sila ang mga mandirigmang Europeo
na nagtatanggol sa vassal at
panginoong maylupa.
• Chivalry
- Ay ang Sistema ng mga katangian at
pagpapahalaga na dapat taglayin ng
isang knight
- Kabilang ditto ang katapangan,
karangalan, pagiging magalang,
katarungan at ang kahandaang
tumulong sa mahihina.
•Buhay sa Manor
•Manoryalismo
- Ugnayang ekonomiko sa
pagitan ng panginoong
maylupa o maharlika at ng
mga serf
• Manor
- Isang malaking lupaing
pagmamay-ari ng panginoong
maylupa o ng vassal.
• Serf
- Ang magsasaka sa sistemang
manoryal
•Paglakas ng
Simbahang
Katoliko
•Kapangyarihan ng Simbahan
•Monastisismo
- Pagtalikod sa makamundong
pamumuhay upang ialay ang
sarili sa Diyos.
• Papal States
- Ang teritoryong ito ay nasa ilalim
ng tuwirang pamamahala ng
papa.
• Cannon Law
- Batas ng Simbahan na gumabay
sa kaasalan ng tao.
•Ekskomunikasyon
-Itiniwalag ang isang tao
mula sa Simbahan at
tinanggalan ng
pagkakataong mailigtas
ang kaluluwa.
•Interdict
- Hindi pinahihintulutang
makatanggap ng ano mang
sakramento o seremonyang
panrelihiyon ang isang
nagkasala laban sa Simbahan.
• Inquisition
- Isang hukuman na lumitis at
nagparusa sa mga taong
pinaghihinalaan o napatunayang
nagkasala ng hersey.
• Hersey
- Ano mang gawaing laban sa Simbahan
at katuruan nito.
• Krusada
- Ang mga Krusada ay isang serye ng mga
digmaang panrelihiyon na pinasimulan,
sinusuportahan, at kung minsan ay
pinamumunuan ng Simbahang Latin sa
panahong medieval. Ang termino ay
tumutukoy lalo na sa mga kampanya sa
Silangang Mediteraneo sa panahon sa pagitan
ng 1095 at 1271 na may layuning sakupin ang
Banal na Lupa mula sa pamamahala ng Islam.
•Isa sa mga isinagawang
krusada ay tinawag na
“children’s Crusade” noong
1212 na ikinasawi ng libo-
libong kabataan.
•Pag-unlad ng mga Bayan
•Agrikultura
•Kalakalan at Pagbabangko
•Edukasyon
• Three field system
- Sa sistemang ito ng crop
rotation, hinati ang sakahan sa
tatlong bahagi, tinamnan ang una
at ikalawang bahagi ng sakahan at
binungkal subalit hindi tinamnan
ang ikatlong bahagi.
• Guild
- Samahan ng mga mangangalakal at
mamumunuhang Europeo na may
magkatulad na produktong ginagawa
at ipinagbibili.
- Layunin ng guild na pangalagaan ang
kapakanan ng mga kasapi nito at
kanilang produkto.
• Ilan sa mga nagawa ng guild ang
pagkakaroon ng magkatulad na
presyo ng produkto, pagtatakda
ng limitasyon sa dayuhang
pangangalakal at pagpapanatili
ng magandang kalidad ng
produkto ng mga kasapi nito.
•Fair
- Naging tagpuan ng mga
mangangalakal at
mamumuhunan at lugar kung
saan ipinakilala at ipinagbili
ang mga produkto.
• Unibersidad
- Tumutukoy sa pangkat ng mga iskolar
na nagkita-kita upang magbahaginan
ng kanilang kaalaman.
• Scholasticism
- Ito ay ang paggamit sa pilosopiya ni
Aristotle sa pagsagot sa mga tanong na
may kaugnayan sa teolohiya.
• Beowulf
- Pangalan ng isang mandirigmang
Anglo-Saxon na lumupig sa
halimaw na si Grandel
- Ipinakita sa akdang ito ang buhay
sa hilagang Europe nonng
panahon ng digmaan.
• Song of Roland
- Ay ang akdang
French na
tumatalakay sa
katapangan ng mga
knight ni Charlemagne
sa pagtatanggol sa
Kristiyanismo.
• Divine Comedy (Dante Alighieri)
- Isang epikong tula tungkol sa paglalakbay
mula impiyerno patungong langit.
• The Canterbury Tales (Geoffrey Chaucer)
- Tungkol naman ito sa mga salaysay ng
isang pangkat ng mga pilgrim habang
naglalakbay patungong Canterbury Shrine
sa England.

You might also like