You are on page 1of 2

FIRST MONTHLY EXAMINATION IN ARALING PANLIPUNAN 8

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel


TEST I. Multiple Choice
1. Ito ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
a. Likas na yaman b. Demograpiya c. Daigdig d. Heograpiya
2. Ano ang ibig sabihin ng salitang griyego na GRAPHIA?
a. Paglalarawan b. Daigdig c. Lokasyon d. Linear
3. Ano ang ibig sabihin ng salitang FAUNA?
a. Human Life b. Animal Life c. Plant Life d. Insect Life
4. Ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng isang lugar.
a. Lokasyon b. Arctic Circle c. Rehiyon d. Time
5. Pang ilang planeta ang daigdig mula sa araw?
a. 3 b. 7 c. 5 d. 6
6. Ilang planeta ang mayroon sa solar system?
a. 3 b. 5 c. 4 d. 8
7. Ito ay ang matigas at mabatong bahagi ng daigdig.
a. Araw b. Crust c. Stratosphere d. Atmosphere
8. Ito ay ang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.
a. Mantle b. Atmosphere c. Hemisphere d. Daigdig
9. Ito ay ang kaloob-loobang bahagi ng Daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.
a. Orbit b. Atmosphere c. Core d. Equator
10. Ito ay ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig
a. Kontinente b. Karagatan c. Arctic Circle d. Lokasyon
11. Ano ang tawag sa super kontinente na pinaniniwalaang pinangalingan ng mga kontinente ng daigdig?
a . Hemisphere b. Antartika c. Africa d. Pangaea
12. Ang super kontinente ay pinalilibutan ng anong karagatan?
a. Panthalassa Ocean b. Super Ocean c. South China Sea d. Timor Sea
13. Ang super kontinente ay nahati sa dalawa, ano ang dalawang bahagi ng kalupaan na ito?
a. Taiwan at Japan b. Luzon at Visayas c. Laurasia at Gondwana d. China at Korea
14. Ilan ang mga kontinente ng daigdig?
a. 7 b. 6 c. 8 d. 21
15. Ano ang kontinenteng may malaking suplay ng ginto at dyamante?
a. Asya b. Australia c. China d. Africa
16. Ito ay ang kontinentang nagtataglay ng pinakamaraming bansa.
a. Africa b. Australia c. China d. Asya
17. Ito ay ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo.
a. Africa b. Antartika c. Asya d. Pangaea
18. Ang kontinenteng ito ay walang taong naninirahan maliban sa mga siyentipikong nag aaral tungkol dito.
a. Antartika b. South America c. North America d. Europe
19. Ano ang pinakamalaking kontinente sa daigdig?
a. South Amerika b. Europe c. Europe d. Asya
20. Ang bansang ito na matatagpuan sa asya ay ang may pinaka malaking populasyon sa mundo.
a. China b. Japan c. Luzon d. Taiwan
21. Ito ay ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng mundo.
a. Asya b. Nile c. Europe d. Antartika
22. Ito ay ang pinaka maliit na kontinente sa daigdig.
a. Europe b. Antartika c. Asya d. Australia
TEST II. Enumeration

23. 90 Degrees North (________________________)

24. 66.5Degrees North (________________________)

25. 23.5 Degrees North (________________________)

26. 0 Degrees (________________________)

27. 23.5 Degrees South (________________________)

28. 66.5 Degrees South (________________________)

29. 90 Degrees South (________________________)

30-36 Ano ano ang mga kontinente ng Daigdig?


37-39 Ano ang mga bahaging bumubuo sa struktura ng daigdig?
40-47 Ano ano ang mga planetang nasa ating solar system?
48-50 Mag bigay ng tatlong pinakamalalalim na karagatan sa buong mundo.

GOODLUCK!!!

You might also like