You are on page 1of 1

NERI SUZANE RESUMA

ADRIAN CONOPIO
8 ST. – BONAVENTURE

CRITICAL PAPER
BOURGEOISIE
INTRODUKSYON:
 Sa panahon natin ngayon, pagnenegosyo at paghahanapbuhay ang interes ng
karamihan sa mga tao. Napapanahon pa din ngayon ang mga artisano at mga
enterprenyur. Ang Bourgeoisie ay ang mga middle class at malalayang tao sa
bayan ng Europe noong gitnang panahon. Ito’y nagmula sa Europe at sila ang
mga tinutukoy na negosyante, artisano, mangangalakal, at mga bangkero.
Nakilala ang mga bourgeoisie noong panahon ni king Louis XIV. Sa panahon
noon, ang mga bourgeoisie ay kilala sa kanilang lungsod at sila din ang nag
papatibay ng sosyo-ekonomiko at produksyon. Ngunit sa panahon ngayon,
bihira nalamang ang salitang bourgeoisie dahil sa pagpapalit palit ng salita
nito. Sa papel na ito, maipapakita naming ang naitulong at kahalagahan ng
konseptong aming napili.
BUOD:
 Ang mga bourgeoisie ang tumulong sa pagunlad ng ekonomiko sa bansa at
sila ring umukopa sa posisyon sa pagitan ng magsasaka at maharlika. Ang
daigdig ng mga bourgeoisie ay hindi sa simbahan ngunit sa pamilihan. Punto
nito ay tanging pagnenegosyo lamang ang kanilang interes kesa sa
pakikidigma o sa kung ano pang bagay na pwede nilang ikahanap-buhay.
Ang kanilang yaman ay nanggagaling sa industriya at hindi ito nanggagaling
sa kanilang lupa. Naimpluwensyahan nito ang kultura sa pamamagitan ng
paggamit ng kanilang propesyon, upang makagawa ng reporma sa
pamahalaan. Naimpluwensyahan din nila ang pamahalaan at pagpapatupad
ng patakaran. Dahil din sakanilang naimpluwensya, itinuring din silang
kapakinabangan at sila ang nasa likod ng pagbabago sa mamamayan.
Umangat ang mga bourgeoisie dahil sa pagbabago sa sining na nagbigay din
ng kahinaan sa piyudalismo, dumami din ang mga mersenaryo at umusbong
ang sistemang guild. Ngunit, sa kabila ng kanilang pagangat, nagkaroon din
sila ng limitasyon na kung saan, tinutulan sila ng mga maharlika na makiisa sa
unang uri na posisyon. Punto nito na hindi sila maaaring maging pinuno sa
pamahalaan o militar. Dahil sakanilang limitasyon, nanatili sila sa pagsasakang
pamumuhay at nanatili pa din ang kapangyarihan ng mga maharika. Ngunit,
binigyan sila ng hari ng pagkakataon na bigyan ng posisyon sa pamahalaan
katumbas ng kanilang pagboto at representasyon sa konseho dahil sa kanilang
pagtulong sa pagunlad ng kaharian. Pinilit nilang mapabilang sa unang estado
ng mamamayan. Isa narin sa mahahalagang punto nito na binigyan nilang
pansin ang pagkapantay-pantay at kalayaan.

You might also like