You are on page 1of 4

ANG PANAHON NG RENAISSANCE

MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI BAGO ANG PAGSIBOL NG RENAISSANCE SA EUROPA.

Sa pagbagsak ng Imperyong Roman at pananalasa ng ibat-ibang pangkat ng mga barbaro ay natapos ang Sinaunang Panahon at
pumasok ang pagsisimula ng Panahong Medieval.

Si Charlemagne o “Charles the Great ang itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari ng panahong Medieval. Pinamunuan niya
ang “Holy Roman Empire” na sinasabing muling bumuhay sa Imperyong Roman.

Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng pagbagsak ng Imperyong Roman at pananalakay ng mga tribong barbaro, naging kanlungan
ng mg tao ang Simbahan o ang relihiyong katoliko.

Namayagpag ang simbahang katoliko sa panahon ng Medieval at nagsimulang maging kristyano ang mga tao sa Europa,subalit
ng bumagsak ang Holy Roman empire,nawalan ng malakas na pinuno ang Imperyo.Sa kabilang banda, nagpapalawak rin ng imperyo
ang mga Muslim. Nakuha ng mga Muslim ang Jerusalem kung kayat nanawagan ang Papa ng paglulunsad ng mga krusada.

Pangunahing layunin ng ng paglulunsad ng mga krusada ang pagpapalaganap ng relihiyong Kristyanismo sa iba pang panig ng
Daigdig.Layunin rin nito na mabawi sa mga turkong Muslim ang banal na lungsod ng Jerusalem.kung mayroon man na magandang
naidulot ang krusada ito ay sa larangan ng kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga
lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang kristiyano ay napayaman din.

Ang sumunod na pangyayari ay ang pagtatatag ng sistemang Piyudalismo at ang paglago ng mga bayan.Ang paglakas ng kalakalan
ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong
teknolohiya aat mga bagong paraan sa pagtatanim. Bunga nito ay tumaas ang ani kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay
ang mga tao.

Natutunan ang paggamit ng salapi, nalinang ang pagpapautang at pagbabangko.Lumitaw rin ang mga Burgis, (Bourgeoisie) na
isang uri ng makapangyarihang tao. Sila ang mga negosyante o mga mangangalakal na may interes sa kalakalan.

Sa panahon ng paglitaw ng mga burgis, nagkaroon ng kakayanan ang tao na umangat sa lipunan na hindi nakabatay sa
kapanganakan ang antas ng buhay kundi sa kayamanan ng isang tao.

Nang lumaon ay nakapagtatag ng uri ng pamamahala na National Monarchy at ang pag-usbong ng mga tinatawag na Nation-Sate.
Ang mga pagbabagong ito ay nagbigay-daan sa paglakas ng Europa. Nabuo sa Europa ang mga bagong institusyong pampolitika,
panlipunan at pang ekonomiya. Ang paglakas rin ng Europa ay nagbigay-daan din sa pagpapalawak nito ng impluwensiya.

ANG PAGSISIMULA NG RENAISSANCE

Dahil sa pag-unlad sa agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan ng pagtatanim, umunlad ang produksyon
sa Europe noong Middle Ages. Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng mamamayan na
natugunan naman ng maunlad na kalakalan.Ang mga lungsod-estado sa Hilagang Italy ang nakinabang sa kalakalang ito. Ilan sa mga
lungsod-estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna at Genoa. Ang yaman ng mga
lungsod-estado na ito ay hindi nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at industriya.

Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika 14 na siglo, isinilang ang Renaissance. Ang Renaissane ay galing sa salitang
pranses na nangangahulugang “muling pagsilang” o “rebirth”. Muling pagkamulat, muling pagkabuhay o revival.

Maari itong ilarawan sa dalawang paraan, Una bilang isang kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang
kagandahan ng Sinaunang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon.
Ikalawa ay bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon.

Ito ang panahon nagbigay daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, iskultura , ekonomiya ay naging maunlad
at pati sa larangan ng eksplorasyon maraming manlalakbay nagalugad ang mundo. Mula rito, naglabasan ang mga taong may abilidad
at kakayahang angking talento.

Sa pangkalahatan, naging malawak ang pananaw ng mga tao na gamitin ang taglay na kakayahan at talento sa pagtuklas ng mga
bagay-bagay at napakinabangan ng husto sa lipunan na nagpapahanggang ngayon

Mga Salik sa Pagsibol ng Renaissance sa Italya (Bakit sa Italy?)

Unang-una pinakamahalagang salik ang kinaroonang pangheograpiya, dahil sa magandang lokasyon nito. Nagkaroon din ng
pagkakataong makipagkalakalan sa mga bansa . Dahil dito nakatulong ito sa pagtanggap ng mga kaalaman at iba’t ibang kaisipan
mula sa Kanluran at Silangan.

Itinuturing din ng mga Italyano na sila ang may kaugnayan sa mga Romano dahil sa pananaw na ito, muling nabigyang-sigla ang
kanilang pagnanasang mapanumbalik ang tagumpay ang kabihasnang klasikal ng sinaunang Roma.
Mahalaga din ang papel na ginagampanan ng mga unibersidad sa Italya, dahil dito naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang
klasikal at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano.

Ang pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong makasining at masigasig sa pag-aaral. Ginamit nila ang kanilang
kayamanan sa pag-aanyaya sa mga matatalino at malikhaing manunulat at artista upang itaguyod na muli ang mga kaalaman o
kaisipang klasikal isa na dito ang pamilyang Medici na gumugol ng salapi upang itaguyod ang kanilang natatanging likhain.

ANG MGA HUMANISTA (ANG PAGLAGANAP NG HUMANISMO)

Sa panahon ng Renaissance lumaganap din ang kaisipang humanismo. Ang Humanismo ay isang kilusang intelektuwal nagbibigay
diin na kung saan nagtataguyod sa kakayahan, talino at kagandahang-asal o moralidad ng isang tao. At ito rin ay isang saloobing
gisingin at bigyang-halaga ang kulturang klasikal ng mga Griyego at Romano na gawing modelo ang mga ideyang ito.

Nabago sa panahong ito ang mga pananaw sa buhay ng tao, higit na silang mapagtanong at mapanuri sa mga bagay na dati’y madali
nilang tanggapin napanatili nila ang kanilang pagiging maka-diyos ngunit lagi silang nagtatanong at limitado ang kanilang pagsunod
sa turo o paniniwala ng simbahan.

Ang mga skolar na nangna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome ay tinawag na Humanist o Humanista dahil sila
ang tagapagtaguyod ng kilusang ito. Nangangahulugan din sila ay “guro ng humanidades” . Pinag-aralan ang wikang Latin at Greek,
komposisyon, retorika, kasaysayan, pilosopiya maging ang matematika at musika. Sa pag-aaral ng mga ito, napagtanto ng mga
humanista na gawing modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa mga asignaturang ito.

MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA-IBANG LARANGAN.

SA LARANGAN NG SINING AT PANITIKAN

FRANCISCO PETRARCH (1304-1374) – Ang “Ama ng Humanismo”. Pinakamahalagang isinulat niya


sa Italyano ay ang “Song Book”, isang koleksyon ng mga sonata ng pag ibig sa pinakamamahal niyang si
Laura.

Giovanni Boccacio (1313 – 1375) - Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kaniyang pinakamahusay
napanitikang piyesa ay ang“Decameron”, isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isandaang(100)
nakatatawang salaysay.

William Shakespeare (1564 – 1616) -Ang “ Makata ng mga Makata.”. Naging tanyag na manunulat sa
Ginintuang Panahon ng Englandsa pamumuno ni Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang
kamatayang dula gaya ng “Julius Caesar”, “Romeo at Juliet,”“Hamlet”, “Anthony at Cleopatra” at “Scarlet”

Desiderious Erasmus (1466 – 1536) - Prinsipe ng mga Humanista”. May-akda ng “ In Praise of Folly”
kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.

Nicollo Machievelli (1469 – 1527) - Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italy. May-akda
ng “ The Prince”. Napapaloob sa aklat na ito ang dalawang prinsipyo: “Ang layunin ay nagbibigay
matuwid sa pamamaraan” at “Wasto ang nilikha ng lakas”.

Miguel de Cervantes (1547 – 1616) - Sa larangan ng panitikan, isinulat niya ang nobelang “Don
Quixote de la Mancha,” aklat na kumukutya at ginawang katawa-tawa sa kasaysayan ang
kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period.
SA LARANGAN NG PAGPIPINTA

Michelangelo Bounarotti (1475 – 1564) - Pinakasikat na iskultor sa panahon ng Renaissance, ang


unang obra maestra ay ang estatuwa ni David. Ipininta din niya ang Sistine Chapel ng Katedral ng
Vatican. At ang La Pieta pinakamagandaat pinakabantog niyang likha.

Leonardo da Vinci (1452 – 1519) - Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang “ Huling
Hapunan”(The Last Supper), na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang labindalawang
disipulo. Siya din ay isang henyo na maraming nalalaman sa iba-ibang larangan. Kilalang pintor,
arkitekto, iskultor, inhinyero, siyentista, musikero at pilosoper.

Raphael Santi (1483 – (1520) - “Ganap na Pintor”, “Perpektong Pintor” Pinakamahusay napintor ng
Renaissance. Kilala sa pagkakatugmaat balance o proporsiyonng kanyang mga likha. Ilan sa kaniyang
tanyag na gawa ang obra maestrang “ Sistine Madonna, “Madonna and the at “Alba Madonna”

SA LARANGAN NG AGHAM SA PANAHON NG RENAISSANCE

Nicolas Copernicus (1473 – 1543) - Inilahad niya ang “Teoryang Heliocentric” “Ang pag-ikot ng
daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta at umiikot din ito sa paligid ng araw”.Pinasinungalingan
ng teoryang ito ang tradisyunal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal ding
tinangkilik ng simbahan.

Galileo Galilei (1564 – 1642) - Isang astronomo at matematiko noong 1610. Malaki ang naitulong ng
kanyang teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican.

Isaac Newton (1642 – 1727)- Ang higante ng siyentipikong renaissance. Sang-ayon sa kaniyang batas
ng Universal Law of Gravitation, ang bawat planeta ay may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon at
siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog. Ipinaliwanag niya na ang
grabitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas.

Tinatayang ang pag-usbong ng Renaissance ay hindi natatapos sa panahon na kung saan nakilala ang mga nabanggit na
siyentipiko bagkus ito ay nagpapatuloy magpakailanman hanggat ang tao ay naghahanap at naghahangad ng kasagutan sa kaniyang
mga tanong.

Ang ika-14 hanggang ika 16 na siglo ang sinasabing panahon na kung saan kakikitaan ng mga pagbabago mula sa madilim na
anino ng kalagitnaang panahon patungo sa modernong panahon.

Ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Renaissance ay nagbigay-daan sa pagyaman ng kabihasnan ng Daigdig dulot ng
malawak at maunlad na mga pag-aaral, pagmamasid, at pananaliksik. Ang transisyon g ito ay nagbigay-daan din sa pag-usbong ng
Rebolusyong Intelektuwal at malawak na kaalaman sa daigdig bunsod ng malayang pag-iisip at pagpapahayag ng bawat indibidwal.
Ang pagbabagong dulot na yugtong ito ay nakatulong sa pagsulong at pagbubuklod-buklod ng mga bansa sa katotohanang ang
pagpapahalaga sa kalayaan at kabutihan ay nauukol sa sangkatauhan.
ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE

Sa panahon ng renaissance, iilang kababaihan lamang ang tinanggap sa unibersidad o pinayagang magsanay ng kanilang propesyon
sa Italy. Gayunpaman ay hindi ito naging hadlang upang makilala ang mga kababaihan at ang kanilang ambag sa Renaissance.

ISSOTA NOGAROLA – isang taga Verona na may akda ng “Dialouge on Adam and Eve”(1451) at Oration on the life of St.
Jerome (1453) na kinakitaan ng kaniyang kahusayan sa pag-unawa sa mga isyong teolohikal.

LAURA CERETA – mula naman sa Brescia na bago mamatay sa gulang na 30 ay isinulong ang isang makabuluhang pagtatanggol
sa pag-aaral ng humanistiko para sa kababaihan.

Sa pagsulat ng tula, nariyan ang mahahalagang personalidad ng Renaissance sina Veronica Franco mula sa Venice at si Vittoria
Collona mula sa Rome.

Sa larangan ng pagpipinta ay nariyan sina Sofonisba Angiussola mula sa Cremona na may likha ng Self-portrait (1554) at si
Artemisia Gentileschi , anak ni Orazio na nagpinta ng Judith and her Maidservant with the Head of Holoferness (1625) at
Self- portrait as the Allegory of Painting (1630).

You might also like