You are on page 1of 8

8

ARALING PANLIPUNAN
IKATLONG MARKAHAN – MODYUL 1
PANAHON NG RENAISSANCE
ALAMIN
Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang
mga mahahalagang pangyayari sa panahon ng Renaissance. Ang kaalaman mo sa
panahong ito ay mabisang hakbang upang iyong makilala at mapahalagahan ang mga
naging ambag nito sa larangan ng pagbabagong pulitiko, ekonomiko at sosyo- kultural.
Makikilala mo rin ang mga taong naging tanyag sa kanilang mga obra maestra sa iba’t
ibang larangan.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa Panahon ng Renaissance na nahahati sa mga
sumusunod na paksa:

Paksa 1- Kahulugan ng Renaissance


Paksa 2- Ang Humanismo
Paksa 3- Mga Ambag ng mga Humanista

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:


• Naipaliliwanag ang mga dahilan kung bakit sa Italya nagsimula ang Renaissance;
• Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pagsibol ng Renaissance;
• Naipaliliwanag ang papel na ginagampanan ng mga Humanista sa pagusbong ng
Renaissance;
• Naiisa-isa ang mga obra ng mga kilalang humanista sa iba’t ibang larangan;
• Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng Renaissance;
• Nasusuri ang pulitikal, pangkabuhayan, at sosyo-kultural na kalagayan ng Europa sa
panahon ng Renaissance;

TUKLASIN
Sa kasalukuyan, isa sa pinakamayamang kontinente sa daigdig ang Europa. Taglay
nito ang mga pamana at mga bagong ideya sa iba’t ibang larangan. Ano kaya ang mga
dahilan at napanatili nito ang kanyang katatagan?
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1: AKO AY MATATAG
Panuto: Magbigay ng tatlo hanggang limang mga salita o lupon ng mga salitang
naglalarawan sa isang matatag na bansa. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

SURIIN
ANG PAG-USBONG NG RENAISSANCE
Sa pagtatapos ng Gitnang Panahon o Middle Ages, maraming namatay sa Europa
sanhi ng Black Death at mga digmaan. Dahil dito, marami sa mga mamamayan ang
nagsimulang mawalan ng tiwala sa Simbahan. Kinuwestyon din nila ang mga umiiral na
paniniwala at gawi ng lipunan. Kinalaunan, sa pangunguna ng mga edukado, isinantabi
nila ang mga halagahin at paniniwalang pinairal ng Simbahan at ibinaling nila ang
kanilang atensyon sa kadakilaan ng nagdaang sibilisasyon ng Greece at Rome. Ang
panahong 1300-1600 ay kakikitaan ng napakataas na antas ng malikhaing pag-iisip sa
mga Europeano. Ito ang tinatawag na Renaissance.
Ang salitang Renaissance ay hango sa salitang Pranses na nangangahulugan ng
“muling pagsilang” o rebirth. Layunin nito na muling ibalik ang kadakilaan ng kulturang
Greco-Romano sa pamamagitan ng pagpapanumbalik ng mga karunungang klasikal at
pagbibigay-halaga sa mga gawa at kakayahan ng tao sa aspeto ng sining, agham,
literatura at panitikan.
2
Ang Italya ay matatagpuan malapit sa Dagat Mediterranean. Dito karaniwang
dumadaong ang mga barkong nagdadala ng bagong produkto. Malaki ang paghanga
ng mga taga-Europa sa Italya dahil dito nagsimula ang ilang mahalagang pag-aaral at
pagtuklas kaya naging sentro ito ng pag-usbong ng Renaissance.
Sa panahong ito muling pinatili at pinanumbalik ang mga sinaunang kulturang
klasikal ng Gresya at Roma, na nakapagdulot ng sigla sa kaisipan ng Europa at nagbigay
daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, agham at eskultura.
Umunlad din ang kanilang agrikultura bunga ng pagbabago sa kagamitan at
pamamaraan sa pagtatanim.
Naging inspirasyon din ang Renaissance sa mga mangangalakal dahil naging
maunlad ang ekonomiya at sa larangan ng eksplorasyon binigyang sigla ang mga
manlalakbay na galugarin ang mundo na kung saan naitatag ang mga bagong imperyo
ng Europeong mananakop. Sa panahong ito nabuhay muli ang interes ng mga
mamamayan sa kalikasan ng tao. Naglabasan ang mga taong may taglay na kakayahan.
Nabuksan ang isipan ng mga tao na gamitin ang kanyang abilidad at talento sa pagtuklas
ng mga bagay-bagay at nagresulta ng mga ambag na napakinabangan ng lipunan.
MGA SALIK SA PAGSIBOL NG RENAISSANCE SA ITALYA
Isa sa pinakamahalagang salik ng pagsibol ng renaissance sa Italya ay ang
kinaroonan nito. Sa mapa ng daigdig, matatagpuan ang Italya sa pagitan o dakong gitna
ng Kanlurang Europa at Kanlurang Asya. Dahil sa magandang lokasyon nito, nagkaroon
ng bentahe ang mga lungsod-estado ng Italya na sa panahong iyon, ang
pinakamayaman sa Europa, na nagkaroon ng pagkakataon na makipagkalakalan sa
mga bansa sa Kanlurang Asya at Kanlurang Europa. Nakatulong din ang kinaroonang
sentral ng Italya sa pagtanggap ng iba’t- ibang kaisipan mula sa Kanluran at Silangan.
Nabigyang- sigla ang kanilang pagnanasang mapanumbalik ang tagumpay ng
kabihasnang klasikal ng sinaunang Roma. Mahalagang papel ang ginampanan ng mga
unibersidad sa Italya, naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga
teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano. Sa pagkakaroon
ng malayang pag-aaral sa unibersidad, naging praktikal ang mga tao sa kanilang
pananaw sa buhay at mas naging malaya sa paglinang ng kanyang mga kakayahan at
kagustuhan. Higit na hinangad ng mga tao ang lubos na kasiyahan sa kasalukuyang –
buhay.
ANG HUMANISMO
Ang Humanismo ay isang kilusang intelektuwal na naniniwalang dapat pagtuunan
ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Gresya at Roma. Ito ay pinangunahan ng mga
Humanista. Sila ay mga iskolar na nanguna na muling maibalik ang karunungang klasikal
sa pamamagitan ng pag-aaral ng wikang Latin at Greek, Retorika, Kasaysayan, Pilosopiya,
Musika, Matematika, at Agham.
Ang kilusang ito ay hindi laban sa Kristiyanismo, manapa, ipinadadama nito na hindi
lamang ang paghahanda sa sarili sa susunod na buhay ang pangunahing tungkulin sa
mundo. Kundi, dapat din hangarin ng tao ang lubos na kasiyahang pangkasalukuyan. Sa
larangan naman ng sining at panitikan, sa halip na sumusunod sa istilo na ginagawa noong
panahong midyibal, ikinintal ang makabagong pamamaraan sa pagpinta at pagsulat,
binigyan daan ang realismo, perspektiba at kariktan sa panitikan.

3
MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T IBANG LARANGAN
LARANGAN MGA HUMANISTA KONTRIBUSYON
Francesco Petrarch Kilala siya kinilala bilang
“Ama ng Humanismo.”
Sinulat niya sa Italyano ang
“Songbook” isang koleksiyon
ng mga sonata ng pag-ibig
patungkol sa kanyang
minamahal na si Laura.

Giovanni Boccacio Isinulat niya ang


“Decameron”, isang tanyag
na koleksiyon ng isang
daang nakakatawang
salaysay.
Sining at Panitikan
Miguel de Cervantes Isa siyang nobelista. Isinulat
niya ang “Don Quixote de la
Mancha.” Ang laman ng
kanyang nobela ay katawa-
tawang kasaysayan ng mga
kabalyero.

Nicollo Machievelli Isinulat niya ang “The Prince”


kung saan ipinayo niya na
dapat gumamit ng
katusuhan, kalupitan at
panlilinlang ang mga pinuno
para matamo ang
kapangyarihan
William Shakespeare Kilala siya bilang “Makata ng
mga Makata.”
Isinulat niya ang kilalang
mga dula gaya ng “Julius
Caesar,” “Romeo and
Juliet,” “Hamlet,” “Anthony
and Cleopatra,” at
“Scarlet.”

Desiderius Erasmus Kilala siya bilang “Prinsipe ng


Sining at Panitikan mga Humanista.”
Isinulat niya ang “In Praise of
Folly” kung saan tinuligsa niya
ang hindi mabuting gawa ng
mga pari at karaniwang tao.

Michelangelo Bounarotti Dakilang Pintor at iskultor ng


Sistine Chapel sa Vatican.
Pinintahan niya ito ng mga
pangyayari sa Bibliya mula sa
paglikha hanggang sa
Malaking Pagbaha.

4
Leonardo da Vinci Isa siyang kilalang pintor,
arkitekto, iskultor, inhinyero,
imbentor, siyentista,
Pagpipinta musikero at pilosoper.
Pinakatanyag niyang obra
ay ang The Last Supper o
“Huling Hapunan.”

Raphael Santi Kilala siya sa katawagang


“Ganap na Pintor.”
Ilan sa kanyang tanyag na
obra ay ang: Sistine
Madonna, Madonna and
the Child, at Alba Madonna

Nicolas Copernicus Ipakilala niya ang isang


teorya na nagsasaad na ang
araw ang sentro ng
sansinukob. Ang mga
Agham planeta kasama ang daigdig
ay umiikot sa paligid ng araw.

Galileo Galilei Naimbento niya ang


teleskopyo na nakatulong
upang mapatotohanan ang
pahayag ni Copernicus.

Andreas Vesalius Isa siyang manggagamot na


nagbago ng pag-aaral ng
biology.
Maingat niyang pinag-aralan
ang anatomiya ng katawan ng
tao.
Siya ang nagsulat at
naglarawan ng unang
komprehensibong aklat sa
anatomy.
Zacharias Janssen Siya ang unang nakaimbento ng
compound microscope.
Ginagamit ang ito upang
matingnan ang maliliit na mga
sample na hindi makikilala sa
mata.

William Harvey Isa siyang manggagamot na


Ingles na unang kumilala sa
buong sirkulasyon ng dugo sa
katawan ng tao.
Ang pinakadakilang tagumpay
ni Harvey ay kilalanin na ang
dugo ay mabilis na dumadaloy
sa katawan ng tao.

5
Anders Celcius Si Anders Celsius, isang propesor
ng astronomiya sa Unibersidad
ng Uppsala, Sweden, ay
gumawa ng isang sukat ng
temperatura noong 1741.
Ang kanyang orihinal na sukat
ay may 0 º sa puntong
kumukulo ang tubig o boiling
point at 100 º kung saan
nanigas ang tubig o freezing
point.
Daniel Gabriel Fahrenheit Noong 1709 naimbento ni
Daniel Gabriel Fahrenheit ang
thermometer ng alkohol, at ang
thermometer ng mercury
noong 1714.
Ipinakilala niya noong 1724 ang
karaniwang sukatan ng
temperatura na nagdadala ng
kanyang pangalangFahrenheit
Scale- na ginamit upang
maitala ang mga pagbabago
sa temperatura.
Antonie Van Leeuwenhoek Kilala siya bilang “Father of
Microbiology”.
Nangunguna siya sa larangan
ng microscopy.
Una niya naobserbahan ang
bacteria sa pamamagitan ng
microscope.
MGA HUMANISTANG KABABAIHAN SA PANAHON NG RENAISSANCE
Kakaunti lamang sa mga kababaihan ang nabigyan ng pagkakataon na
makapasok sa mga unibersidad sa Italy. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang
sila ay makilala at makapag-ambag sa panahon ng Renaissance.
HUMANISTANG BABAE KONTRIBUSYON
Isotta Nogarola Siya ang may akda ng Dialogue on Adam and Eve at
Oration on the Life of St. Jerome

Laura Cereta Isinulong niya ang makabuluhang pagtatanggol sa pag-


aaral ng humanistiko para sa kababaihan.

Veronica Franco at Vittoria Kilala sila pagsusulat ng mga tula.


Colonna

6
Sofonisba Anguissola at Ipininta nila ang Judith and her Servant with the Head of
Artemisia Gentileschi Holoferness at ang Self Portrait as the Allegory of Painting.

PAGYAMANIN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: TAMA O MALI!
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay naglalahad ng wastong
impormasyon at MALI naman kung ito ay hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ang kahulugan ng salitang Renaissance ay “muling pagsilang” o rebirth.
2. Ang Renaissance ay sumibol sa bansang Italya dahil sa magandang kinalalagyan sa
larangan ng kalakalan at matatag na lipunan.
3. Ang unibersidad ay lugar kung saan ginanap ang palakasan.
4. Napaunlad ng Italy ang kanilang kabuhayan dahil sa tulong ng kalakalan.
5. Tumibay ang tiwala ng mga mamamayan sa simbahang Katoliko dahil sa Renaissance.
6. Ang mga Humanista ay mga iskolar na nangunguna sa pag-aaral ng karunungang
klasikal ng Greece at Rome.
7. Ang mga kalalakihan lamang ang sumikat sa Italya sa panahon ng Renaissance.
8. Marami ang naging pamana ng panahong Renaissance sa iba’t ibang larangan sa
kasalukuyan.
9. Ang Renaissance ay transisyonal na panahon ng Middle Age at Modern Age.
10. Natamo ng Renaissance ang rurok ng kaningningan sa larangan ng pagpipinta,
eskultura, sining, agham at arkitektura.

ISAGAWA
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: IGUHIT MO!
Panuto: Sa iyong kuwaderno, gumuhit ng isang simbolong mailalarawan ang Panahon ng
Renaissance. Nasa ibaba ang krayterya kung paano ka makakakuha ng marka.
Rubric sa Pagguhit
Krayterya Puntos
Kalinisan 5
Simbolong Naiguhit 5
Kaangkupan sa Konsepto 5
KABUUAN 15

TAYAHIN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Sino ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” sa panahon ng Renaissance?


A. Desiderius Erasmus C. Miguel de Cervantes
B. Francesco Petrarch D. William Shakespeare

2. Bakit tinawag na transisyonal na panahon ang Renaissance mula sa Medieval tungo


sa Modernong Panahon?
7
A. Nagpasaya sa buhay ng mga Europeong mamamayan.
B. Mas pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon.
C. Naging panatiko ang mga Europeo sa turo at aral ng Simbahang Katoliko
D. Nagdulot ng mga pagbabago na naging dahilan sa pagpapaunlad ng imbensiyon at
agham.

3. Alin sa mga pahayag ang HINDI nagsasaad ng kahalagahan ng Renaissance sa


kasalukuyang panahon?
A. Nagdudulot ito ng pagkakalito sa paniniwala ng mga katoliko.
B. Karamihan sa mga bansa ay binigyang halaga ang humanism.
C. Naging batayan ang sinaunang pag-aaral sa mga makabagong kaalaman.
D. Pinag-ibayo ang pagiging malikhain at paglikha ng mga bagong kaalaman sa iba’t
ibang larangan lalo na sa agham.

4. Ano ang pinagkakaabalahang gawain ng mga tao sa Italy bago sumibol ang
Renaissance?
A. Mga gawaing pambahay C. Pagpapaunlad ng kanilang agrikultura
B. Pagtuklas ng mga bagong lupain D. Mga gawain, aral at turo ng simbahan

5. Sinong sa mga humanistang babae ang may akda ng Dialogue of Adam and Eve?
A. Isotta Nogarola C. Sofonisba Anguissola
B. Laura Cerata D. Veronica Franco

6. Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng Renaissance?


A. Muling Pagbabago C. Muling Pagkatuto
B. Muling Pagkagising D. Muling Pagsilang

7. Sa anong bansa umusbong ang Renaissance?


A. France B. Germany C. Greece D. Italy

8. Sa anong larangan nakasalalay ang yaman ng mga lungsod-estado sa panahon ng


Renaissance?
A. Kalakalan at industriya C. Pagpapastol at pagbabarter
B. Pangingisda at pagsasaka D. Pagsasaka at pag-aalaga ng hayop

9. Anong kilusang intelektuwal ang nabuo noong panahon ng Renaissance?


A. Humanismo B. Pagbabago C. Propaganda D. Reporma

10. Sino sa mga sumusunod ang kinikilala bilang “Prinsipe ng mga Humanista?”
A. Desiderius Erasmus C. Nicollo Machievelli
B. Giovanni Boccaccio D. William Shakespeare

KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: DUGTUNGAN MO!
Panuto: Dugtungan ang pahayag na makikita sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

Ang Renaissance ay panahon na kung saan _______________________________________.

Ang mahalagang konsepto na aking natutunan ay______________ sapagkat __________.

Ang paksang nais kong ibahagi ay ___________ dahil___________________________________.


8

You might also like