You are on page 1of 8

PAG-USBONG NG KONSEPTO NG RENAISSANCE

Ano ang Renaissance?


• Ang renaissance ay mula sa salitang French na ang ibig sabihin ay “rebirth” o muling pagsilang.
Ito ay lumaganap sa Europe noong 14th hanggang 17th upang bigyang pansin ang muling
pagbabalik ng pag-aaral sa klasikal na intelektwal at kultural na hatid ng Greece at Rome. Ang
mga tao sa Renaissance ay napukaw ang interes sa pag-aaral sa klasikal na pilosopiya, agham,
sining, kultura, at panitikan dahil naging daan ito upang malinang nila ang kanilang kakayahan
at abilidad.

Ano ang kaibahan ng panahon ng Medieval sa Renaissance?


• Pagdating sa kalagayang pantao, ang mga tao sa Medieval ay nakapokus sa Simbahan dahil ang
institusyon ito ang naging sandalan at maimpluwensya sa buhay ng mga tao. Ngunit sa
Renaissance, sa pag-usbong ng klasikal na intelektwal at kultural, ito ang naging oportunidad
ng mga tao na muli nilang nilinang ang kanilang kakayahan.

Ano ang mga sanhi o dahilan ng pag-usbong ng Renaissance?


1. Interaksyon sa ibang kultura. Sa panahon ng Medieval natigil ang malawakang kalakalan dahil
sa feudalism ngunit sa paglipas ng taon at ito’y bumagsak unti unting nagbukas ang iba’t ibang
mga ruta ng kalakalan. Dahil sa kalakan, nagkaroon ng pagtaas ng interaksyon ng mga tao sa
iba’t ibang karatig bansa. Tandaan na hindi lang produkto at serbisyo ang lumalago dahil ang
ibang kaisipan, kultura at tradisyong hatid ng ibang bansa ay siyang ring naipapasa at nai-akma
ng ibang Europeans sa kanilang buhay.
2. Muling pagkatuklas ng Klasikal na Kaalaman. Ang muling pagkakatuklas at pagsasabuhay ng
pilosopiya, kultura, at sining ng Greece at Rome ang naging basehan ng mga tao sa Renaissance
upang malinang nila ang kanilang kakayahan.
3. Inobasyon at Humanista. Ang pagkakatuklas ng imbensyong printing press ay nagdulot ng
malawakang pagbabago sa kultural na pamumuhay ng mga Europeans. Naging mura at mabilis
ang paggawa ng mga kopya ng libro na ginawa ng mga humanista. Ang pag-usbong ng mga
humanista ang naging pundasyon ng matatag na pagsilang ng Renaissance. Ang mga humanista
ang nanguna sa pagpapalawak ng mga kaalaman base sa lohikal na pang-unawa.

Saan nag-umpisa ang pagsilang ng konsepto Renaissance?


• Ayon sa ibang historyador, ang sentro ng pag-uumpisa ng Renaissance ay sa Florence, Italy. Ang
Florence ay naging sentro ng ng kultura ng buong Europe at ng Renaissance.

Bakit sa Italy naisilang ang Renaissance?


May mga ilang dahilan kung bakit sa Italy naisilang ang Renaissance. Ito ang mga sumusunod:
1. Pagkakaroon ng magandang lokasyon. Ang Italy ay
matatagpuan sa pagitan ng Silangan at Kanlurang
Europe. Dahil sa lokasyon nito na nasa gitna at
napapalibutan ng katubigan naging madali ang
pakikipagkalakalan at pakiki-ugnay sa mga
dumaraang negosyante. Maraming artisan,
mangangalakal, at iskolar na galing sa Imperyong
Byzantine ang nanirahan dito. Dahil dito, naging
tagpuan ang Italy ng maraming kultura at kaalaman
mula sa iba’t ibang dako ng kilalang daigdig.

2. Pagkakaroon ng Unibersidad. Ito ang naging pook-


linangan ng kaisipan ng mga taong
nagpapakadalubhasa sa iba’t ibang larangan ng
kanilang interes. Nahasa ang ang kanilang kaisipan na
pag-aralan ang pilosopiya, sining, agham, at kultura
ng klasikal na Greece at Rome. https://www.britannica.com/summary/Renaissance-
Timeline

3. Ang Pamilyang Medici. Maraming mga angkan o pamilya sa


Italy ang naging patron o taga- suporta ng sining. Karamihan sa
mga kinomisyong likhang-sining noon ay pansimbahan kagaya
ng paggawa ng mga altar, kapilya, pinta, eskultura, at iba pa.
Ang pamilyang Medici ay isa sa mga pinakamakapangyarihan
at maimpluwensyang pamilya sa Florence, Italy dahil sa
kanilang yaman (ang kanilang negosyo ay pagbabangko
(banking)). Ang isa sa mga kilalang miyembro ng Medici ay si
Lorenzo de Medici o mas kilala sa tawag na Lorenzo the
Magnificent. Siya ay naging patron ng sining at importanteng
tauhan sa pagpapalaganap ng Renaissance dahil sinuportahan
niya ang mga artist sa pamamagitan ng mga komisyon. https://sites.google.com/site/sandrobotticelli
63/patrons

ANG HUMANISMO

Pagsapit ng ika-14th na siglo, lumitaw sa Italy ang isang kilusang kultural na tinatawag na
humanismo. Isinulong ito sa pagpaparangal sa kagalingan ng tao at pagpapahalaga ng klasikal na
kaalamang Greek at Roman. Kung noong Panahong Medyibal nakatuon ang mga tao sa di-
materyalistang pamumuhay upang makarating ang kanilang mga kaluluwa sa kalangitan, sa
Renaissance naman ay mas pinapahalagahan ang pamumuhay sa mundo. Hindi ito nangunguhulugang
iwinawaksi ang pananalig sa Diyos, bagkus mas binigyan nila ng halaga ang pagtugon sa kanilang mga
pangangailangan sa mundo upang mabuhay.

Ano ang isa sa mga prinsipiyo ng humanismo?


• Naniniwala ang mga humanista na ang sentro ng mundo ng tao ay ang kanyang sarili kung kaya’t
nararapat lamang na linangin ang sarili sa edukasyon, ahgam, panitikan, pilosopiya at sining.

MGA HUMANISTA
Ang mga sumusunod ay iba’t ibang mga humanista sa panahon ng Renaissance:
FRANCESCO PETRARCH
• Siya kilala bilang “Ama ng Humanismo” dahil malaki ang
ambag niya sa muling pagbabalik ng mga sinaunang Greek at
Roman na manuskrito o kasulatan. Masugid niyang hinanap
ang mga sinaunang dokumento na naging basehan ito sa
pag-aaral ng ibang humanista.
• Isa sa mga kilalang isinulat niya ang Canzoniere o mas kilala
sa tawag na Songbook. Ito ay koleksyon ng mga tula tungkol
sa pag-ibig at nararamdaman ni Petrarch para kay Laura.

www.fjhaydn.com/.a/6a0191
03645166970c022ad3a21afa2
00d-
popupt.ph/pin/56766472802
2367733/?nic_v2=1a4lyxaeq DANTE ALIGHIERI
• Siya ay isang Italyanong makata na kilala sa kanyang sinulat
na The Divine Comedy.
• Ang Divine Comedy ay sumasalamin sa buhay ng mga
Kristiyano kapag sila ay namatay. Isinalaysay ni Dante ang
paglalakbay ng kanyang kaluluwa sa tatlong yugto;
Impyerno, Purgatoryo, at Paraiso o Kalangitan. Ang isa sa
mga punto ng kwento ay kung paano natin makakamit ang
kaligtasan.

https://www.sciencephoto.co
m/media/724378/view/dante
-alighieri-italian-poet
https://www.pinterest.ph/pin https://en.wikipedia.org/wiki/
/812196114023234428/ Baldassare_Castiglione
GIOVANNI BOCCACCIO BALDASSARE CASTIGLIONE
• Siya ay isang Italyanong manunulat na • Siya ay kilala dahil sa librong isinulat niya na Il
nakilala dahil sa akdang Decameron. Libro de Cortegiano o Book of the Courtier.
• Ito ay koleksyon ng 100 na kwento tungkol • Ang librong ito ay isang gabay para sa mga
sa pagsasalaysay ng sampung kabataan na nangangarap maging isang courtier o katulong
tumakas mula sa naganap na salot o (assistant) ng hari o reyna sa royal court.
pandemya sa Florence. Bawat kabataan ay Tinuturo ang buhay sa royal court at anong
may 10 kwento. katangian ang dapat taglayin ng courtier.

https://todayinsci.com/R/Rab https://commons.wikimedia.o
elais_Francois/RabelaisFranco rg/wiki/File:Lucas_Cranach_th
FRANCOIS RABELAIS
is-Quotations.htm DESIDERIUS ERASMUS
e_Elder,_Portrait_of_Desideri
• Siya ay isang French na manunulat at kilala sa • Siya ay isang Dutch na iskolar at pari na kilala
us_Erasmus,_c._1530-36.jpg

akda niyang Gargantua et Pantagruel. sa sinulat niyang The Praise of Folly.


• Ito ay kalipunan ng mga nobela tungkol sa • Sa kanyang akda, tinuligsa niya ang mga
dalawang higanteng sina Gargantua at hindi mabuting gawain ng mga pari at
Pantaguel na isinulat upang gawing katawa- karaniwang tao. Naging kritiko siya ng
tawa ang mga taong hindi naniniwala sa Simabahan upang manawagan ng
humanismo. pagbabago.

NICCOLO MACHIAVELLI
• Siya ay isang pilosopo at kilala sa kanyang politikal na akda ang
The Prince.
• Ang The Prince ay tumatalakay sa pamumuno ng isang lider at
kung paano siya magtatagal sa kanyang trono.
• Nabanggit niya sa kanyang libro ang katagang, “it is better to be
https://www.britannica.com/biogr
aphy/Niccolo-Machiavelli

https://www.onthisday.com/peopl https://www.npg.org.uk/collection
e/miguel-de-cervantes-saavedra s/search/portrait/mw04514/Sir-
Thomas-More
MIGUEL DE CERVANTES THOMAS MORE
• Siya ay isang Spanish na manunulat at • Siya ay isang English na manunulat at kilala sa
kilala sa akda niyang Don Quixote de La akda niyang Utopia.
Mancha. • Isinulat niya ang Utopia gamit ang wikang
• Ito ay tungkol kay Don Quixote na Latin. Sa kanyang akda, inilarawan niya ang
nahumaling at nabaliw sa pagbabasa Utopia bilang isang ideal, mapayapa, at
tungkol sa chivalry. Ang kanyang mga perpektong lipunan.
nabasa ay kanyang isinabuhay. • Dystopia- tawag sa imahinaryong hindi
perpektong lipunan.

WILLIAM SHAKESPEARE
• Siya ay tinaguriang pambansang makata ng England at
kilala sa kanyang sinulat na 18 Sonnets.
• Patuloy na namamayagpag ang pangalan ni William sa
kasalukuyan dahil patuloy na pinag-aaralan ang kaniyang
mga akda. Ang mga sikat niyang sinulat ay ang Romeo and
Juliet, Macbeth, Hamlet, at Julius Caesar.
https://en.wikipedia.org/wiki/Willi
am_Shakespeare
LARANGAN NG IMBENSYON

JOHANNES GUTENBERG
• Siya ay isang German nan aka-imbento ng movable
printing press na palimbagan o imprenta noong 1945.
• Ang una niyang proyekto ay ang paglilimbag ng Bibliya sa
wikang Latin.
• Malaki ang kontibusyon ng pagkaka-imbento ng printing
press sa pagpapalaganap ng Renaissance dahil mabilis na
naikalat ng mga humanista ang kanilang kaisipan o
kasulatan sa publiko.
https://en.wikipedia.org/wiki/Joha
nnes_Gutenberg
LARANGAN NG SINING
RAPHAEL SANZIO
• Siya ay isang pintor at arkitekto na kilala sa kanyang serye
ng pinta tungkol kay “Madonna” (Christian art depiction for
Mother Mary). Ang mga kilalang obrang Madonna na
kanyang nagawa ay ang Sistine Madonna at Madonna of
the Chair
• Kinomisyon siya ni Pope Julius II upang mapintahan ng
fresco ang apat na malalaking silid sa Vatican na ngayon na
tinatawag na Stanze di Raffaello. Ang isa sa mga tanyag
niyang obra sa mga silid na ito ay ang School of Athens na
sumisimbolo sa kantayagan ng pilosopiya noong klasikong
https://www.biography.com/artist
panahon.
/raphael

Mga halimbawa ng obra ni Raphael:

Sistine Madonna Stanze di Rafaello (Sa gitna ng larawan ay makikita ang School of
Athens)
https://www.italian-renaissance- https://www.10cose.it/roma/stan
art.com/Sistine-Madonna.html ze-raffaello-roma

MICHAELANGELO BUONARROTI
• Siya ay eskultor, pintor, at arkitekto na kilala sa mga larangang
binanggit. Ang pinakasikat niyang eskultura ay ang David, na
halos 17 talampakan ang taas at gawa sa purong marmol. Siya
rin ang may gawa sa Pieta na imahen ni Maria na labis ang
pighati habang kaniyang kandungang ang walang buhay na si
Hesus.
• Kamangha mangha ang fresco sa kisame ng Sistine Chapel na
kaniyang ginawa. Ang mga nakapinta ay ang The Creation of
Adam, paglalarawan sa Old Testament kabilang na ang
https://www.alamy.com/stock-
photo-michelangelo-portrait-of-
paglalang sa mundo at kina adan at Eba, delubyo sa panahon
michelangelo-di-lodovico- ni Noah at iba’t ibang propeta.
buonarroti-simoni-
172400514.html

Fresco
painting sa
Sistine
Chapel

David
https://www.thoughtco.com/the-
sistine-chapel-ceiling-by-
LEONARDO DA VINCI
michelangelo-183004

• Siya ay pintor, arkitekto, musikero, matematiko, at imbentor


kung kaya’t tinawag siyang Renaissance Man. Taglay niya halos
lahat ng katangian at kakayahan taglay ng isang humanista.
• Naglakbay siya sa Milan at naglingkod sa pamilyang Sforza sa
Milan ngunit lumipat siya sa France noong sinalakay ang Milan.
• Sa kasalukuyan, nahuhumaling pa rin ang mga tao sa kanyang
pinta na Mona Lisa na makikita sa Louvre Meseum sa France.
Sinasabi na wala raw itong kilay at kilala siya sa kakaiba niyang
ngiti.
https://www.biography.com/artist • Siya rin ang nagpinta sa The Last Supper at kanyang iginuhit ang
/leonardo-da-vinci
Vitruvian Man na nagpapakita ng proporsyon ng katawan ng
https://www.discoverwalks.com/b
log/rome/top-10-facts-about-the-
https://www.leonardodavinci.net/ The Last Supper
last-supper-from-leonardo-da-
vinci/ http://shelleylake.com/blog/2019/
the-mona-lisa.jsp
Mona Lisa 12/13/vitruvian-man
Vitruvian Man

TECHTIVITY:
Upang mapalalim at mapukawang iyong interes tungkol sa obra ni Leonardo da Vinci,
maaari mong bisitahin ang website at panuorin ang mga vidyo:
• https://www.youtube.com/watch?v=yRK_uCMwZPY&ab_channel=TED-Ed
• https://www.youtube.com/watch?v=kMf8hFBJylA&ab_channel=SciShow

You might also like