You are on page 1of 6

PANAHON NG KALIWANAGAN SA EUROPE (Age of Enlightenment)

Ano ang Panahon ng Kaliwanagan?


• Ito ay isang kilusang pilosopikal at intelektwal noong 18th na siglo sa Europe na nakapokus sa
pangangatwiran o pagrason ng mga ideya bilang paraan ng pagkamit ng katotohanan at
maiwaksi sa mga maling paniniwalang nakasanayan, bulag sa pananampalataya, at mga
paniniwalang superstitious.

MGA MAHAHALAGANG KAISIPAN SA PANAHON NG KALIWANAGAN


Dalawang kaisipan tungkol sa Gobyerno ng England
• Ang Kaliwanagan sa England ay pinasimulan ng dalawang politikal na intelektwal na sina Hobbes
at Locke. Ang dalawang intelektwal na nabanggit ay may malaking ginampanan at ambag sa
pagpapalaganap ng Kaliwanagan sa Europe. Gayunpaman, magkaiba ang kanilang kaisipan at
konklusiyon pagdating sa usaping pamahalaan at likas na katauhan ng mga tao.
THOMAS HOBBES
• Inihayag ni Hobbes ang kanyang kaisipan sa kanyang librong Leviathan.
Ang pangyayaring Digmaang Sibil na nangyari sa England ang
nagkumbinsi sa kanyang konklusiyon na ang mga tao ay natural na
makasarili at masama.
• Ayon sa kanyang akda, ang mga tao ay pantay-pantay ngunit dahil sa
kagustuhang makuha ang mga bagay-bagay na inaasam ay nagdudulot
ito ng kompetisyon at kawalan ng tiwala sa isa’t isa. Ang ganitong
pangyayari ay nagdulot ng pagiging dominado ng iba at maaari nilang
makontrol ang mas mababa sa kanila. Bukod pa rito nasambit niya sa
kanyang libro na kung walang pamahalaan na magmamando ng
kaayusan, tiyak na magkakaroon ng awayan o digmaan sa pagitan ng
https://thegreatthinkers.org/ho
bbes/introduction/
bawat tao. Naniniwala si Hobbes na kumikilos ang tao dahil sa
pansariling interes. Gusto ng tao na magkaroon ng kapangyarihan, pag-
aari, at maraming kakilala.
Ano ang solusyong naisip ni Hobbes upang magkaroon ng kaayusan sa lipunan?
• Ayon sa kanya, upang maiwasan ang nasabing karahasan at matamo ang kaayusan dapat daw
magkaroon ng Social Contract o kasunduang panlipunan. Ang social contract na tinutukoy ni
Hobbes ay kinakailangang isuko ng tao ang kanilang karapatan sa isang malakas na pinuno
bilang kapalit nito ang kaayusan at seguridad sa lipunan. Dahil sa ugaling makasarili ng mga tao
ay kinakailangang magkaroon ng buong kapangyarihan na panghawakan ng pinuno ang
kanyang mga nasasakupang mamamayan.
Anong sistema ng pamamahala ang ninanais ni Hobbes ayon sa kanyang akdang Leviathan?
• Hindi direktang sinabi ni Hobbes ang sitemang Absolute Monarchy ngunit ito ay isang halimbawa
na kanyang tinukoy. Sa pagkakaroon ng absolute monarchy, ang hari ay magkakaroon ng ganap
o buong karapatang kontrolin ang kanyang nasasakupan upang magpataw ng kaayusan at
pagsunod.
KAUNTING KAALAMAN:
LEVIATHAN

Alam mo ba na ang pangalang Leviathan na pamagat ng libro ni


Thomas Hobbes ay nakuha sa Bibliya ng isang sea monster.
Ngunit ayon kay Hobbes, makikita sa larawan na ang Leviathan
ay isang higante na ang katawan ay bibubuo ng mga tao. Ang
ulo naman nito ay ang soberano o ang pinuno. Ang hawak
niyang espada ay sumisimbolo sa kapangyarihang sekular at
ang bakulo (tungkod ng obispo) ay sumisimbulo sa
kapangyarihang espiritwal o pansimbahan.
https://pixels.com/featured/frontispiece-of-the-
leviathan-by-thomas-hobbes-abraham-bosse.html
JOHN LOCKE
• Si Locke ay mayroong perspektibo tungkol sa likas na katauhan
ng mga tao. Naniniwala siya na ang mga tao ay natuto sa
kanyang mga karanasan at kayang mapaunlad ang kanyang
sarili.
• Ayon sa kanya, ang mga tao ay ipinanganak ng maylaya at
pantay-pantay na mayroong natural rights- life, liberty, at
property. Ang pagkakaroon ng pamahalaan ay mainam dahil
binibigyan nila ng proteksyon ang mga karapatang ito. Kung
hindi magagawa ito ng pamahalaan, may karapatan ang mga
mamamayan na palitan at paalisin ang namamahala.
• Malaki ang impluwensya ni Locke lalo na sa kasalukuyan dahil
sa kaniyang paniniwalang, ang kapangyarihan ng pamahalaan
ay galing sa pahintulot ng mamamayan naging pundasyon ito
https://medium.com/@michaelkingsle ng modernong demokrasya sa kasalukuyan.
I-KONEK NATIN!
y/locke-on-personal-identity-
PEOPLE POWER REVOLUTION
10d8b052c8e7 v (EDSA REVOLUTION)

Maraming Pilipino ang nagmartsa sa kahabaan ng EDSA


upang ipakita ang kanilang suporta sa muling pagbabalik
ng totoong demokrasya sa ating bansa at iwaksi ang
diktaturyang pamamahala ni Marcos noon. Ito ay tanda
na ang kapangyarihan at buhay ng ating gobyerno at
pamahalaan ay nakasalalay sa kamay ng kanyang
nasasakupan. Ang People Power Revolution ay https://kahimyang.com/kauswagan/general-
ginugunita tuwing Pebrero 25 upang bigyang pugay at blogs/2311/the-glorification-of-1986-edsa-uprising-
kahalagahan ang mga tao sa likod ng
panunumbalik ng kalayaan sa ating bansa. why-our-independence-day-celebrations-are-so-muted
ANG MGA PHILOSOPHES (FIHL-UH-SAHFS)

• Ang Kaliwanagan ay nakarating din sa bansang France at ang Paris ang naging tagpuan ng mga
taong gustong pag-usapan ang pulitika at mga ideya. Ang tawag sa mga taong kritiko ng lipunan
ng France ay mga philosophes. Naniniwala sila na ang pangangatwiran ay dapat gamitin sa kahit
anong aspeto sa buhay.
JEAN JACQUES ROUSSEAU
• Karamihan sa mga philosophes ay naniniwala na ang
pangangatwiran, siyentipiko, at sining ay nakatutulong sa pag-
unlad ng pamumuhay ng mga tao. Ngunit para kay Rousseau ang
pagkabuo ng sibilisasyon ang dahilan ng pagkawala ng kabutihan
sa mga tao. Nasambit niya ang katagang, “Man is born free, and
everywhere he is in chains.” Sa pagpapaliwanag ni Rousseau,
noong primitibong panahon, ang mga tao ay ipinanganak na
malaya at pantay. Gayunpaman, habang unti-unting nagiging
civilized ang mga tao at nabubuo ang sibilisasyon, ang taong
malakas at makapangyarihan ay may kontrol na ipilit na ipatupad
ang mga hindi makatarungang mga batas para sa ibang tao.
• Naniniwala si Rousseau na ang tanging magandang gobyerno ay
https://en.wikipedia.org/wiki/Jean-
Jacques_Rousseau
malayang binubuo ng mga tao at ang gabay nito ang tinatawag
niyang “general will” o pangkalahatang interes o kagustuhan. Sa
ganitong klaseng gobyerno, kinakailangang isuko ang kanilang
ibang karapatan para sa kabutihan ng lahat. Makikita ito sa libro
niyang The Social Contract. Magka-iba ang ideya ni Rousseau at
Hobbes pagdating sa konspeto ng social contract. Ayon kay
Rousseau, ang social contract ay kasunduan ng malayang
indibidwal upang magkaroon ng lipunan at pamahalaan.
Lousia-KNOW!
Ang librong the Social Contract na inilathala ni Rosseau noong 1762 ay naging kontrobersyal
sa panahong iyon. Ang nilalaman ng librong ito ay tumatalakay sa ideyang pagbuo ng isang
matagumpay na lipunan at nakapagbigay ng inspirasyon sa mga bansa sa Europe upang tuligsain ang
monarkiyang pamamahala. Halimbawa nito ay ang pagsiklab ng Rebolusyong Pranses noong 1789.
BARON DE MONTESQUIEU
• Ayon sa kanyang librong The Spirit of Laws, mayroong
paghihiwalay ng kapangyarihan sa pamahalaan — ang
lehislatura bilang tagagawa ng batas; ang ehekutibo na
tagapagpatupad ng mga batas; at ang hudikatura na
tagapagpaliwanag ng batas at tagahusga sa mga lumalabag.
Kilala ang konseptong ito bilang separation of powers. Ang
pagkakahiwalay ngunit pagkakapantay-pantay ng mga pangkat
na ito ay magbibigay ng tiyak na kalayaan at seguridad sa isang
estado.
• Ang pagkakaroon ng separation of powers ay maiiwasan ang
pagkontrol ng ilang grupo ng tao sa pamahalaan. Nabanggit ni
http://msciminohistoryclass.weebly.co
m/baron-de-montesquieu.html Baron na, “power should be a check to power” na kalaunan
mas kilala na sa kasalukuyan bilang “checks and balances.”

CESARE BECCARIA
• Siya ay isang Italian na philosophe na nakatuon ang ideya sa
sistemang panghustisya. Naniniwala siya na ang pagkakaroon
ng batas ay upang magkaroon ng lipunang kaayusan at hindi
tanda ng paghihiganti sa mga krimen.
• Sa kanyang akdang On Crimes and Punishment, inilahad niya
ang pang-aabuso sa hustisya. Ayon sa kanya, ang taong
naakusahan ng krimen ay may karapatang mapabilis ang
paglilitis (speedy trial) at ang pagpapahirap (torture) ay hindi
dapat gamitin bilang proseso at paraan ng pagpapa-amin ng
sala. Nasambit din niya na ang kaakibat ng parusa ay base sa
https://en.wikipedia.org/wiki/Cesare_
Beccaria
kanyang krimen na nagawa.

VOLTAIRE
• Ang totoo niyang pangalan ay Francois Marie Arouet.
• Sa kanyang mga isinulat, karamihan sa kanyang mga
pinapatamaan ay ang simbahan, aristocrat, at ang pamahalaan
kung kaya’t naging mainit ang mata ng pamahalaan ng France
sa kanya.
• Naniniwala siya sa kalayaang panrelihiyon at ang paghihiwalay
ng estado at ng simbahan. Kilala siya sa kanyang sinabi na
“Ecrasez l’infame” na ang ibig sabihin ay “Crush the infamous”
Tinutukoy nito ang kalaban ng mga tao ang superstition,
intolerance, at prejudice.
https://medium.com/@michaelkingsle
y/locke-on-personal-identity-
10d8b052c8e7
Ang mga Kababaihan sa Panahon ng Kaliwanagan
• Ang mga kababaihan ay hindi ganap na makapangyarihan sa panahong ito. Naging limitado ang
kanilang ambag sa lipunan kumpara sa kalalakihan, sila lamang ang tagasuporta ng mga gawain
ng kalalakihan sapagkat hindi naman lahat ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral. Ang
mga philosophes ay kanilang inusisa ang pamahalaan ngunit ang kanilang pag-iisip tungkol sa
mga kababaihan ay tradisyunal pa rin.

MARY WOLLSTONECRAFT
• Isinulat niya ang “A Vindication of the Rights of Woman”
noong 1972. Sa kanyang sanaysay, hindi niya sinang-ayunan si
Rousseau pagdating sa konsepto ng edukasyon ng mga
kababaihan. Ayon sa kanya, ang mga kababaihan tulad ng mga
kalalakihan ay kailangan ng edukasyon upang maging
kapakipakinabang sa lipunan. Kahit na magiging ina sila sa
hinaharap, ang edukasyon ay magtuturo sa kanila upang
maging mas mahusay na ina. Kaniya ring isinaad na may
karapatan ang mga kababaihan na lumahok at makialam sa
politika.
• Hindi lang si Mary ang nagpa-angat ng estado ng kababaihan sa
https://en.wikipedia.org/wiki/File:Ma panahon ng Kaliwanagan bagkus ang mga mayayamang
ryWollstonecraft.jpg kababaihan ay nakatulong sa pagpapalaganap ng mga ideya ng
intelektwal o philosophe dahil sa pagtitipon na tinatawag na
salon.

KAUNTING KAALAMAN:
SALON

Ang salon ay nanggaling sa salitang French na


nangangahulugang “silid ng pagtitipon.” Ang
pagtitipong ito ay isinasagawa sa isang lugar, maaaring
bahay o hotel. Layunin ng salon na madagdagan ang
kaalaman ng mga kalahok sa pamamagitan ng pag-
uusap habang sila ay kumakain. Ito rin ang naging
tagpuan ng mga kababaihan upang makipagtalastasan sa
kanilang mga intelektwal na bisita. Ang nasa larawan ay
isang halimbawa ng salon sa bahay nila Madame
https://mitologies24.blogspot.com/2019/07/salon- Geoffrin.
enlightenment.html
Ano ang naging impluwensya ng mga kaisipan noong panahon ng Kaliwanagan sa kasalukuyang
politikal na pamamahala at lipunan sa Pilipinas?

Ideya o Kaisipan Philosophe o Obserbasyon at Impluwensya sa Pilipinas


Intelektwal
Natural Rights—life, Locke Makikita ang ating mga karapatan bilang mamamayang
liberty, property Pilipino sa Artikulo 3 o mas kilala sa tawag na Bill of Rights
ng ating 1987 Konstitusyon.
Separation of Montesquieu Ang Pilipinas ay isang republikang bansa na kung saan ang
powers kapangyarihan ay nahahati sa tatlong sangay ng
pamahalaan; tagapagpaganap (executive), tagapagbatas
(legislative), at tagahukom (judiciary)
Pagsasawalang bisa Beccaria Nagkaroon ng batas na tinatawag na RA 9745 o Anti
sa torture Torture Act na ipinagbabawal ang anumang klase ng
pagpapahirap (torture).
Religious Freedom Voltaire Nakasaad sa ating 1987 Kontitusyon Artikulo 2 Seksyon 6;
separation of the state and church. Nagbibigay garantiya
rin ang 1987 Kontitusyon Artikulo 3 ng pagkakaroon ng
malayang paghahayag at pagpili ng ating relihiyon.
Karapatang Voltaire Nakasaad sa ating 1987 Kontitusyon Artikulo 3 Seksyon 4
magpahayag ng na nagpapahintulot ng malayang pagpapahayag natin ng
saloobin ating saloobin.
Pagkapantay-pantay Wollstonecraft Sa kasalukuyan, patuloy pa ring isinusulong ang gender
ng karapatan ng mga equality. Gayunpaman, nagkaroon ang mga kababaihan na
Kababaihan pagkakataon na lumahok sa politika tulad ng dalawang
babae ng naging Presidente ng Pilipinas; Cory Aquino at
Gloria Macapagal. Bukod pa rito, nagkaroon din ng mga
grupo o organisasyon ang mga kababaihan upang isulong
ang kanilang mga karapatan tulad ng grupong GABRIELA.

You might also like