You are on page 1of 4

PHOENIX INTERNATIONAL SCHOOL OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

Green Valley Subd., San Nicholas III, Bacoor, Cavite

Tel#:(02)710-5795

TEORYANG HUMANISMO

Ipinasa ni ipinasa kay

Frances Issah L. Pelagio Ms. Aichalyn Malaki


HUMANISMO
Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Ito ay isang pag-aaral sa pananaw
ukol sa paniniwala o prinsipyong tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao
ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya
ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya.

Ayon sa ipinahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan
ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran." Ninanais ng tao na
sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang
kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di
maikukubling kasaysayan.

Maaring Ilapat sa maraming paniniwala, pamamaraan at pilosopiyang nagbibigay-


tugon sa kalagayan at karanasan ng tao.

Nagmula sa salitang latin na nagpapahiwatig ng mga “di-siyentipikong”


larangan ng pag-aaral tulad ng wika at panitikan.
PRINSIPYO NG HUMANISMO

Binibigyang pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang


akdang pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagandang damdaming
taglay ng isang tao. Itinataas din ang karangalan ng taobilang sentro ng
akda.

ILAN SA MGA KILALANG HUMANISTA

IRVING BABBITT-isang Amerikanong iskolar at manunuring pangkarunungan. Siya


ay kilala bilang tagasulong ng humanismong klasikal.

PAUL ELMER MORE–isang Amerikanong mamamahayag, manunulat at manunuri. Naging


kasama ni Babbitt sa pagbuo ng isang proyekto bago matapos ang ika-19 na
siglo at kalaunan ay tinawag na Makabagong Humanismo.

SIR THOMAS MORE–isang Briton at kilala ng mga Romano Katoliko bilang banal.
Isang abogado, lingkod bayan at humanistang Renaissance.

FRANCESCO PETRARCH–isang italyanong iskolar, makata sa panahon ng Renaissance


sa Italya at kinikilala bilang ama ng humanism. Sinasabing ang pagkakatuklas
ni Petrarca ng mga sulat ni Cicero ang nagsimula ng ng Renaissance noong ika-
14 na siglo.
ANG HUMANISMO AY MAPAPANGKAT SA TATLO

1. HUMANISMO BILANG KLASISMO

 SA PANAHON NG RENAISSANCE LUMAGANAP AT UMANGKIN NG KAKAIBANG KAHULUGAN


 HUMANISTIKO ANG PANANAW KAPAG NILALAYON NITO ANG KAGANAPAN NG TAO AYON
SA PANINIWALA AT PAMANTAYAN NG KRISTIYANISMO.

 NANG DUMATING SA PILIPINAS, NAGING TAMPOK ANG KAKAYAHAN AT TALINO NG


TAO BILANG SENTRO NG KAHULUGAN.

2. MODERNONG HUMANISMO

 ANG BATAYANG PREMIS NG HUMANISMO AY NAGSASABI NA ANG TAO AY RASYUNAL NA


NILALANG NA MAY KAKAYAHANG MAGING MAKATOTOHANAN AT MABUTI.
 SA PILOSOPIYA, ITO AY NAGPAPAKITA NG ATITYUD NA NAGBIBIGAY DIIN SA
DIGNIDAD AT HALAGA NG INDIBIDWAL.

3. HUMANISMONG UMIINOG SA TAO

 MALAWAK ANG TEMA NG HUMANISMO.SA KATUNAYAN MAYROON ITONG IBA’TIBANG URI


TULAD NG:
o LITERAL HUMANISM
o SECULAR HUMANISM
o RELIGIOUS HUMANISM

PANGKALAHATANG KATANGIAN

 NAG-UUDYOK SA TAO NA ISIPIN ANG KANYANG KAGANAPAN, SA ANO MANG URI NITO
 NAGPAPAHALAGA SA AGHAM AT TALINO SA PAGTUKLAS NG NATATAGONG KAALAMAN
 NAGLALAYONG TUGUNAN ANG MGA PUNDAMENTAL NA PANGANGAILANGAN NG TAO AT
SAGUTIN ANG MGA PROBLEMANG KINAHAHARAP NILA.
 NAGPAPAHALAGA SA “KASALUKUYAN” AT “NGAYON”
 NAG-UUDYOK ANG LAHAT NG PAGPAPAHALAGA SA BUHAY, NG PAGIGING BUKAS ANG
ISIPAN SA ANO MANG BAGAY, AT NG KALAYAAN SA PAGGAMIT NG SARILING PAG-
IISIP DAHIL IYON ANG PINAKAMATAAS NA KAHULUGAN NG PAGIGING TAO.

You might also like