You are on page 1of 8

BICOL UNIVERSITY

College of Education
Daraga, Albay

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naisa-isa ang mga taong nakilala sa Rebolusyong Pangkaisipan
2. Naiuugnay ang Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses

II. Paksang-Aralin
a. Paksa
1. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkasipan sa Rebolusyong
Amerikano at Pranses
b. Sanggunian
Araling Panlipun 8 Quarter 3 Week 5 Ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa
Rebolusyong Amerikano at Pranses
https://www.youtube.com/watch?v=DCbcdHGSjLk
c. Kagamitan
1. Laptop, projector, pisara, chalk/marker

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
Panimulang Gawain

Pagbabalik-aral

▪ Nooong nakaraang aralin ay


natalakay ang Ikalawang yugto ng • Opo
Imperyalismong kanluranin.
Natatandaan pa ba?
• Ito po yung pananakop ng isang
▪ Kung natatandaan pa ano na nga makapangyarihang bansa sa isang
ang Imperyalismo? mahina o maliit na bansa upang
palawakin ang kanilang lupain at
maging isang pangagdaigdigang
makapangyarihan.
▪ Mahusay! Mukhang naintindihan
niyo ang nakaraang aralin, kaya
naman dumako na tayo sa sunod na
aralin.

Panlinang Gawain

Pagganyak

▪ Video clip Presentation

▪ Mayroon akong ipapakitang video


clip, panoorin niyo ito ng Mabuti at
pagkatapos nito ay mayroon akong
mga katanungan.

▪ Ngayong tapos na nating panoorin • Tungkol po sa Rebolusyon mam!


ang palabas, tungkol saan ba ang
ating pinanood?

▪ Ayon sa ating napanood, ano sa ▪ Sa tingin ko po ay may kaugnayan ito


tingin niyo ang ating tatalakayin sa Rebolusyon at sa kasaysayan.
ngayong hapon?

▪ Magaling!

Paglalahad ng Paksa

▪ Ngayong araw ay pag-aaralan natin


ang kaugnayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan sa Rebolusyong
Amerikano at Pranses.

▪ Ano kaya ang naging ugnayan ng


rebolusyong pangkaisipan sa
pagsibol ng rebolusyong amerikano
at pranses?

▪ Sinu-sino ang mga taong nakilala sa


Rebolusyong Pangkaisipan?

▪ Ano ang naging impluwensiya ng


Elightenment sa kasaysayan?

▪ Ating talakayin

Pagtatalakay

▪ Ano nga ba ang ibig sabihin ng ▪ Tinatawag din po itong Panahon ng


Rebolusyong Pangkaisipan? Maaari Kaliwanagan o Enlightenment
niyo bang ibahagi sa klase kung ano
ang unang pumapasok sa isip niyo ▪ Kilala din po ito sa tawag na Age of
pag naririnig niyo ang salitang ito? Reason mam!

▪ Tama! Ang Rebolusyong


Pangkaisipan o Enlightenment ay
tumutukoy sa mabilisang pagbabago
ng institusyon ng isang lipunan.
Tinatawag din itong age of reason
dahil nakasentro ito sa katuwiran o
reason upang masagot ang mga
suliranin sa lipunan.

▪ Sinu-sino nga ba ang mga


pilosopong namayagpag sa panahon
ng kaliwanagan?

▪ Ating kilalanin

▪ John Locke
- may akda ng lathalaing Two
Treatises of the Government.
Ang mga sulating ito ay pagpuna
sa monarkiyang pamamahala.

• Nakapaloob sa
dalawang Treatises
ni Locke na ang tao
sa kanyang natural
na kalikasan ay may:

1. may karapatang mangatwiran


2. may mataas na moral
3. mayroong mga natural na
karapatan ukol sa Kalayaan, buhay
at pag-aari
4. kapag ang monarkiya o
pamahalaan ay hindi na kayang
pangalagaan at ibigay ang mga
natural na karapatan ng tao,
maaaring makasira ito sa
kasunduan at maaaring mauwi sa
pag-aklas

▪ Sa paanong paraan kaya ▪ Malaki po ang naging impluwensiya


nakaimpluwensiya ang Two ni John Locke sa pag-usbong ng
Treatises of the Government ni rebolusyong Amerikano sa
Locke sa paghangad ng Kalayaan ng pamamagitan ng kanyang dalawang
mga Amerikano mula sa Great lathalain o Two Treatises of the
Britain? Government, ang ideya ni Locke ang
naging basehan ng mga Amerikano
na lumaya mula sa pagiging kolonya
ng Great Britain.
▪ Baron de Montesquieu

- kilalang pilosopo sa panahon ng


enlightenment dahil sa tahasang
pagtuligsa nito sa absolutong
monarkiyang nararanasan sa France.

- The Spirit of the Laws - tinalakay


niya sa aklat na ito ang iba’t ibang
pamahalaang namayani sa Europe.

- Balance of Power – tumutukoy sa


paghahati ng kapangyarihan ng
pamahalaan sa tatlong sangay:
✓ Ehekutibo
✓ Lehislatura
✓ Hudikatura

- Sa inyong palagay, ano ang naging • Sa aking palagay, Malaki ang


impluwensiya ng balance of power naging impluwensiya ng Balance of
sa Pilipinas? Power ni Montesquieu, hindi lamang
sa ating bansa pati narin sa buong
mundo dahil ang estado ay nahahati
sa mga sangay na may hiwalay at
independyenteng kapangyarihan.
▪ Francois Marie Arouet (Voltaire)

- Nakapagsulat ng higit 70 aklat na


may temang kasaysayan,
pilosopiya, politika at maging
drama.
- Maraming naging kaaway dahil sa
kanyang opinyon at ilang beses
nakulong dahil sa tahasang
pagtuligsa sa lipunan.
- Ano ang naging ambag ni Voltaire • Dahil sa napakaraming aklat na
sa Panahon ng Enlightenment? kanyang naisulat, malaki ang naging
impluwenisya ni Voltaire sa
Panahon ng Enlightenment. Isa na
dito ang Kalayaan sa
pananampalataya at malayang
kalakalan.
▪ Jean Jacques Rousseau

- Naggaling sa mahirap na pamilya,


kinilala dahil sa kahusayan sa
pagsulat ng mga sanaysay na
tumatalakay sa kahalagahan ng
kalayaang pang-indibidwal o
individual freedom.
- Naniniwala na ang pag-unlag ng
lipunan ang siyang nagnakaw sa
kabutihan ng tao.
- Social Contract – nakapaloob sa
aklat na ito na magkakaroon
lamang ng maayos na pamahalaan
kung ito ay nilikha ayon sa
pangkalahatang kagustuhan o
general will.
- Ano kaya ang kahalagahan ng • Isa sa mga pinakamahalagang
Social Contract ni Jean Jacques nakaimpluwensiya sa Panahon ng
Rousseau sa Panahon ng Enlightenment ay ang Social
Kaliwanagan? Contract ni Rosseau. Ayon po sa
ideyang ito, kapag ang pamahalaan
ay naging mapang-abuso, may
karapatan ang mga mamamayan na
mag-alsa at ibagsak ang
pamahalaan.

- Tama! Bukod dito, nagkaroon ba ito • Opo. Katulad na lamang dito sa


ng impluwensiya sa mundo? ating bansang Pilipinas, dahil sa
impluwensiya ng aklat na ito, ang
mga Pilipino ay nagkaroon ng
pangkalahatang kasunduan sa iba’t
ibang aspeto.

▪ Thomas Hobbes

- Pinaniniwalaan niya na ang


pagkakaroon ng kaguluhan ay likas
sa tao kaya dahil dito ay kailangan
ng absolutong pinuno upang supilin
ang ganitong mga pangyayari.
- Leviathan – inilarawan niya ang
isang lipunan na walang pinuno at
ang posibleng maging direksyon
nito tungo sa magulong lipunan.

▪ Ano sa palagay niyo ang naging ▪ Ang Kalayaan po ng Amerika mula


papel sa ideya ni Rousseau at iba sa Great Britain ay may malaking
pang mga pilosopo sa panahon ng papel sa pagsibol ng Rebolusyong
enlightenment sa pagkakaroon ng Pranses (1789) dahil sa
Rebolusyong Pranses? pamamagitan nito, ipinatalsik at
tuluyang pinabagsak ang
▪ Tama! Ipinalit nila ang ideya ng pamahalaang monarkiya pati na rin
Kalayaan, pagkakapantay-pantay at ang mga tradisyon at lumang
pagkakapatiran na may kaugnayan paniniwala at pamamaraan ng
sa konseptong Social Contract ni pamahalaan
Jean Jacques Rousseau. Ayon sa
ideyang ito na kapag ang isang
pamahalaan ay naging mapang-
abuso, may karapatan ang mga
mamamayan na mag-alsa at
ibagsak ang pamahalaan.

▪ Ano sa tingin niyo ang naging ▪ Sa tingin ko po, naliwanagan ang


impluwensiya ng Enlightenment sa mga taong mamulat sa katotohanan
kasaysayan? at natuto silang gumamit ng
pangangatwiran o reasoning.
▪ Magaling! Mahusay at naintindihan
niyo ang ating aralin ngayong araw.

Pangwakas na Gawain

Panuto: Gawaing indibidwal. Basahing


maigi ang teksto at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.

1. Sa paanong paraan kaya • Dahil sa Two Treatises ni Locke,


nakaimpluwensiya ang Two namulat ang mga Amerikano dahian
Treatises of the Government ni John upang ma-alsa at lumaban
Locke sa paghangad ng Kalayaan ng sa Monarkiyang Pamahalaan.
mga Amerikano mula sa Great
Britain?

2. Ano sa palagay niyo ang naging • Si Jean Jacques Rousseau ang


papel sa ideya ni Rousseau at iba sumulat ng konseptong SOCIAL
pang mga pilosopo sa panahon ng CONTRACT,ayon sa ideyang ito na
enlightenment sa pagkakaroon ng kapag ang isang pamahalaan ay
Rebolusyong Pranses? naging mapang-abuso,may
karapatan ang mga mamamayan na
mag-alsa at ibagsak ang
pamahalaan.
IV. Pagtataya
A. Panuto: Hulaan kung sino ang tinutukoy sa larawan.

HULA-RAWAN

1. Sumulat ng “The Spirit of Laws” a.

2. Mas kilala bilang Voltaire b.

3. Sumulat ng aklat na “The Social Contract” c.

4. May akda ng “Two Treatises of the d.


Government”

5. Sumulat ng librong “Leviathan” e.

Pagkilala

B. Panuto: Tukuyin kung sino ang tinutukoy sa bawat pangungusap.

6. Kaisipang inilathala ni Baron de Montesquieu tungkol sa paghahati ng kapangyarihan


ng pamahalaan.

7. Sa panahong ito natuto ang mga tao na gumamit ng pangangatwiran.

8. Isa sa mga hinahangaang pilosopo sa panahon ng Enlightenment na naniniwala sa


natural rights ng tao.

9. Kilala dahil sa kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay na tumatalakay sa


kahalagahan ng kalayaang pang-indibidwal o individual freedom.

10. Nakapagsulat ng higit 70 aklat na may temang kasaysayan, pilosopiya, politika at


maging drama.
V. Takdang-aralin

Magsaliksik tungkol sa Rebolusyong Pranses at Amerikano. Sagutin ang mga


sumusunod na gabay na tanong:

1. Dahilan ng mga Rebolusyon


2. Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses

Prepared by:

MARIE JUSTINE M. BARANQUIL


Practice Teacher

Approved by:

JERICHO VILLARIN
Cooperating Teacher

You might also like