Detalyadong Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 8
I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naisa-isa ang mga taong nakilala sa Rebolusyong Pangkaisipan
2. Naiuugnay ang Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses
II. Paksang-Aralin
a. Paksa
1. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkasipan sa Rebolusyong
Amerikano at Pranses
b. Sanggunian
Araling Panlipun 8 Quarter 3 Week 5 Ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa
Rebolusyong Amerikano at Pranses
[Link]
c. Kagamitan
1. Laptop, projector, pisara, chalk/marker
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
Panimulang Gawain
Pagbabalik-aral
▪ Nooong nakaraang aralin ay
natalakay natin ang Ikalawang yugto
ng Imperyalismong kanluranin. • Opo
Natatandaan pa ba?
• Ito po yung pananakop ng isang
▪ Kung natatandaan pa anon a nga makapangyarihang bansa sa isang
ang Imperyalismo? Yes? ______? mahina o maliit na bansa upang
palawakin ang kanilang lupain at
maging isang pangagdaigdigang
makapangyarihan.
▪ Mahusay! Mukhang naintindihan
niyo ang nakaraang aralin, kaya
naman dumako na tayo sa sunod na
aralin.
Panlinang Gawain
Pagganyak
▪ Video clip Presentation
▪ Mayroon akong ipapakitang video
clip, panoorin niyo ito ng Mabuti at
pagkatapos nito ay mayroon akong
mga katanungan.
▪ Ngayong tapos na nating panoorin • Tungkol po sa Rebolusyon mam!
ang palabas, tungkol saan ba ang
ating pinanood?
▪ Ayon sa ating napanood, ano sa ▪ Sa tingin ko po ay may kaugnayan ito
tingin niyo ang ating tatalakayin sa Rebolusyon at sa kasaysayan.
ngayong hapon?
▪ Magaling!
Paglalahad ng Paksa
▪ Ngayong araw ay pag-aaralan natin
ang kaugnayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan sa Rebolusyong
Amerikano at Pranses.
▪ Ano kaya ang naging ugnayan ng
rebolusyong pangkaisipan sa
pagsibol ng rebolusyong amerikano
at pranses?
▪ Sinu-sino ang mga taong nakilala sa
Rebolusyong Pangkaisipan?
▪ Ano ang naging impluwensiya ng
Elightenment sa kasaysayan?
▪ Ating talakayin
Pagtatalakay
▪ Ano nga ba ang ibig sabihin ng ▪ Tinatawag din po itong Panahon ng
Rebolusyong Pangkaisipan? Maaari Kaliwanagan o Enlightenment
niyo bang ibahagi sa klase kung ano
ang unang pumapasok sa isip niyo ▪ Kilala din po ito sa tawag na Age of
pag naririnig niyo ang salitang ito? Reason mam!
▪ Tama! Ang Rebolusyong
Pangkaisipan o Enlightenment ay
tumutukoy sa mabilisang pagbabago
ng institusyon ng isang lipunan.
Tinatawag din itong age of reason
dahil nakasentro ito sa katuwiran o
reason upang masagot ang mga
suliranin sa lipunan.
▪ Sinu-sino nga ba ang mga
pilosopong namayagpag sa panahon
ng kaliwanagan?
▪ Ating kilalanin
▪ John Locke
- may akda ng lathalaing Two
Treatises of the Government.
Ang mga sulating ito ay pagpuna
sa monarkiyang pamamahala.
• Nakapaloob sa
dalawang Treatises
ni Locke na ang tao
sa kanyang natural
na kalikasan ay may:
1. may karapatang mangatwiran
2. may mataas na moral
3. mayroong mga natural na
karapatan ukol sa Kalayaan, buhay
at pag-aari
4. kapag ang monarkiya o
pamahalaan ay hindi na kayang
pangalagaan at ibigay ang mga
natural na karapatan ng tao,
maaaring makasira ito sa
kasunduan at maaaring mauwi sa
pag-aklas
▪ Sa paanong paraan kaya ▪ Malaki po ang naging impluwensiya
nakaimpluwensiya ang Two ni John Locke sap ag-usbong ng
Treatises of the Government ni rebolusyong Amerikano sa
Locke sa paghangad ng Kalayaan ng pamamagitan ng kanyang dalawang
mga Amerikano mula sa Great lathalain o Two Treatises of the
Britain? Government, ang ideya ni Locke ang
naging basehan ng mga Amerikano
na lumaya mula sa pagiging kolonya
ng Great Britain.
▪ Baron de Montesquieu
- kilalang pilosopo sa panahon ng
enlightenment dahil sa tahasang
pagtuligsa nito sa absolutong
monarkiyang nararanasan sa France.
- The Spirit of the Laws - tinalakay
niya sa aklat na ito ang iba’t ibang
pamahalaang namayani sa Europe.
- Balance of Power – tumutukoy sa
paghahati ng kapangyarihan ng
pamahalaan sa tatlong sangay:
✓ Ehekutibo
✓ Lehislatura
✓ Hudikatura
▪ Francois Marie Arouet (Voltaire)
- Nakapagsulat ng higit 70 aklat na
may temang kasaysayan,
pilosopiya, politika at maging
drama.
- Maraming naging kaaway dahil sa
kanyang opinyon at ilang beses
nakulong dahil sa tahasang
pagtuligsa sa lipunan.
▪ Jean Jacques Rousseau
- Naggaling sa mahirap na pamilya,
kinilala dahil sa kahusayan sa
pagsulat ng mga sanaysay na
tumatalakay sa kahalagahan ng
kalayaang pang-indibidwal o
individual freedom.
- Naniniwala na ang pag-unlag ng
lipunan ang siyang nagnakaw sa
kabutihan ng tao.
- Social Contract – nakapaloob sa
aklat na ito na magkakaroon
lamang ng maayos na pamahalaan
kung ito ay nilikha ayon sa
pangkalahatang kagustuhan o
general will.
▪ Thomas Hobbes
- Pinaniniwalaan niya na ang
pagkakaroon ng kaguluhan ay likas
sa tao kaya dahil dito ay kailangan
ng absolutong pinuno upang supilin
ang ganitong mga pangyayari.
- Leviathan – inilarawan niya ang
isang lipunan na walang pinuno at
ang posibleng maging direksyon
nito tungo sa magulong lipunan.
▪ Ano sa palagay niyo ang naging ▪ Ang Kalayaan po ng Amerika mula
papel sa ideya ni Rousseau at iba sa Great Britain ay may malaking
pang mga pilosopo sa panahon ng papel sa pagsibol ng Rebolusyong
enlightenment sa pagkakaroon ng Pranses (1789) dahil sa
Rebolusyong Pranses? pamamagitan nito, ipinatalsik at
tuluyang pinabagsak ang
▪ Tama! Ipinalit nila ang ideya ng pamahalaang monarkiya pati na rin
Kalayaan, pagkakapantay-pantay at ang mga tradisyon at lumang
pagkakapatiran na may kaugnayan paniniwala at pamamaraan ng
sa konseptong Social Contract ni pamahalaan.
Jean Jacques Rousseau. Ayon sa
ideyang ito na kapag ang isang
pamahalaan ay naging mapang-
abuso, may karapatan ang mga
mamamayan na mag-alsa at
ibagsak ang pamahalaan.
▪ Ano sa tingin niyo ang naging ▪ Sa tingin ko po, naliwanagan ang
impluwensiya ng Enlightenment sa mga taong mamulat sa katotohanan
kasaysayan? at natuto silang gumamit ng
pangangatwiran o reasoning.
Pangwakas na Gawain
Panuto: Gawaing indibidwal. Basahing
maigi ang teksto at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
1. Sa paanong paraan kaya
nakaimpluwensiya ang Two
Treatises of the Government ni John
Locke sa paghangad ng Kalayaan ng
mga Amerikano mula sa Great
Britain?
2. Ano sa palagay niyo ang naging
papel sa ideya ni Rousseau at iba
pang mga pilosopo sa panahon ng
enlightenment sa pagkakaroon ng
Rebolusyong Pranses?
IV. Pagtataya
A. Panuto: Pagtapat-tapatin: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A.
Hanay A Hanay B
1. Sumulat ng “The Spirit of Laws” a. Jean Jacques Rosseau
2. Mas kilala bilang Voltaire b. John Locke
3. Sumulat ng aklat na “The Social Contract” c. Thomas Hobbes
4. May akda ng “Two Treatises of the d. Baron de Montesquieu
Government”
5. Sumulat ng librong “Leviathan” e. Francois Marie Arouet
Pagkilala
B. Panuto: Tukuyin kung sino ang tinutukoy sa bawat pangungusap.
6. Kaisipang inilathala ni Baron de Montesquieu tungkol sa paghahati ng kapangyarihan
ng pamahalaan.
7. Sa panahong ito natuto ang mga tao na gumamit ng pangangatwiran.
8. Isa sa mga hinahangaang pilosopo sa panahon ng Enlightenment na naniniwala sa
natural rights ng tao.
9. Kilala dahil sa kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay na tumatalakay sa
kahalagahan ng kalayaang pang-indibidwal o individual freedom.
10. Nakapagsulat ng higit 70 aklat na may temang kasaysayan, pilosopiya, politika at
maging drama.
V. Takdang-aralin
Magsaliksik tungkol sa Rebolusyong Pranses at Amerikano. Sagutin ang mga
sumusunod na gabay na tanong:
1. Dahilan ng mga Rebolusyon
2. Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses
Prepared by:
MARIE JUSTINE M. BARANQUIL
Practice Teacher
Approved by:
JERICHO VILLARIN
Cooperating Teacher