You are on page 1of 3

KAUGNAYAN NG REBOLUSYONG PANGKAISIPAN SA REBOLUSYONG PRANSES

-bago ang rebolusyon, ang bansang France ay napasailalim sa absolutong monarkiya,


ang ibiig sabihin nito, ang pamahalaan ay pinamumunuan ng hari o reyna at walang
limitasyon ang kaniyang kapangyarihan at namumuno hanggang kamatayan.
-sa loob ng mahabang panahon, ang hari o reyna ay nakatira sa palasyo na may
marangyang pamumuhay.
-ang Palasyo ng Verssaice na ipinatyo ni Haring Louis XVI ay simbolo ng maluho at
marangyang pamumuhay ng hari ng France , ang marangyang pamumuhay na ito ay
tinamasa nila sa kabila ng labis na kahirapan ng kanilang nasasakupan. at ang hindi
makaturungang pamumunong ito pati ang impluwensiya ng mga pilosopo ng ENlightenment
at ang krisis pang ekonomiya ang naging dahilan ng pagsiklab ng madugong
rebolusyon.

MGA DAHILAN NG PAGSIKLAB NG REBOLUSYON:


1) POLITIKAL- dahil sa marangyang pamumuhay ng hari at reyna sa kabila ng labis na
kahirapan na halos ikaubos ng kaban ng bayan.
-bakit hindi nila magawang patalsikin ang hari? ito ay dahil ang France ay
sumusunod sa prinsipyo ng . .
-DIVINE RIGHT OF KINGS -ibig sabihin ang karapatang mamuno ng mga hari ay nagmula
daw mismo sa Diyos. walang hangganan at absoluto ang kapangyarihan ng mga hari ng
France noon.

2) INTELEKTWAL ang mga Pilosopo O PHILOSOPHES sa wikang Pranses ng


ENLIGHTENMENT ( REBOLUSYONG PANGKAISIPAN) ang bumago sa kaisipan ng mga Pranses ang
huimikayat sa mga ito na maging malaya
- ang mga akda nina:
--JOHN LOCKE
--BARON DE MONTESQUIEU
--FRANCIS MARIE AROUET (VOLTAIRE) at iba pa
- ang nagpatibay sa kanilang paninindigan na ipaglaban ang kanilang karapatan.
-naging inspirasyon din sa mga Pranses ang tagumpay ng Rebolusyong Amerikano kaya
lalo silang nagsumikap na makamit ang kalayaan, karapatan at pagkakapantay-pantay
ng mga tao.

3) EKONOMIKO- dahil sa kahirapan

TATLONG ESTADO:
1) FIRST ESTATE (pari, obispo at iba pang nanunungkulan sa simbahan)
-kumikita sila mula sa buwis ng tao, sila mismo ay hindi nagbabayad ng buwis ngunit
namumuhay ng marangya sa palasyo ng hari at may ari ng one fifth ng lupa ng France

2) SECOND ESTATE ( mga maharlika) o nobility)


-sila ay nagmamay-ari ng malalawak na lupain sa France
-hindi rin sila nagbabayad ng buwis ngunit sila ay may karapatang mangolekta ng
Fudal juice sa mga tao.
- sila ay binigigyan din ng matataas na posisyong militar at malalaking pensyon.

3) THIRD ESTATE ( BOURGEOISIE, manggagawa, mangangalakal, magsasaka, abogado,


doktor, partisano at intelektwal)
-nagbabayad sila nga napakaraming buwis tulad ng land tax, chruch tax at fudal
juice.
-sapilitang pinagttrabaho isa o tatlong araw sa linggo

-dahil sa pagkakaroon ng iba't ibang estado, nahati ang mamamayan ng France at


nawalan sila ng pagkakaisa. madalang nalang ang pagpupulong ng tatlong estado o
estates general.
-ngunit upang malutas ang pagbagsak ng ekonomiya, nagdisisyon si Haring Louis XVI
na magkaroon ng pagpupulong ng tatlong estado ngunit ayon sa nakagawian, ang bawat
estado ay may isang boto lamang. isang boto para sa buong first estate, isa sa
buong second estate at isa sa buong third estate.
-madalas talo sa botohan ang third estate kaya naman sa pagpupulong na ito,
hiniling nila na ang botohan ay batay sa mga delegado. ngunit hindi ito binigyan ng
pansin ng hari.

-sa ganitong sistema ng botohan ng estates general, ang interes ng first at second
estate na parehong hindi nagbabayad ng buwis, ang laging mananaig. ito ang
napagtanto ng third estate na noong panahong yun ay ramdam na ramdam na ang
kahirapan dahil sa bagsak na ekonomiya.

MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA REBOLUSYONG PRANSES


-dahil sa kawalan ng resolusyon, sa tulong ni EMMANUEL JOSEPH SIEYES (ABBE SIEYES)
-pari (first estate)-idineklara ng third estate ang kanilang sarili bilang national
assembly o pambansang assembleya.
-ang national assembly ay ang magpapasya ng mga batas para sa mamamayan ng France.
-hindi nagustuhan ni Haring Louis XVI ang ginawang ito ng third estate kaya naman
ipinasara niya ang lugar na pagpupulungan nila, so ano ang ginawa ng third estate?

-naghanap sila ng lugar na maaaring pagpupulungan sa palasyo ng Versaice. inilipat


nila ang pagpupulong sa isang bukas na tennis court sa loob ng palasyo.
-TENNIS COURT OATH NOONG JUNE 24, 1789. hindi sila tumigil sa pagpapatupad ng isang
reporma, una na dito ang pagbuo ng isang konstitusyon.
-kinalaunan, ibinigay din ng hari ang hiling ng third estate, at ipinag utos niya
na sumama ang una at ikalawang estado sa pambansang assembleya.
-itinuturing ang pangyayaring ito bilang unang pagwawagi ng third estate
-nakatanggap ng matinding suporta ang national assembly lalo na sa paris kung saaan
dumami ang pagpoprotesta
-upang payapain ang kaguluhan, nagpadala ang hari ng mga sundalo sa paris at
verssaice . lalo nagpagalit sa mga tao ang disisyong ito.
-noong July 14, 1789-- nagpunta ang maramiNG TAO SA BASTILLE-isang kulungan at
lugar na kinaroroonan ng mga pulbura. sinugod ng mga tao ang bastille. at
pinakawalan nila ang mga nakakulong dito.
-kinuha din nila ang mga pulbura sa bastille at pagkatapos ay sinunog ito
-ang mga rebolusyonaryo ay binubuo ng mga sundalo at myembro ng national assembly.
nabalot ang France sa kaguluhan at pagkatakot.
-Ang pagbagsak ng Bastille ay isang importanteng pangyayari sa kasaysayan ng
France. sa kasalukuyan, ang July 14 ay patuloy paring ipinagdiriwang bilang
bastillen day or France's Day of Independence.

CONSTITUTION
1) DECLARATION OF THE RIGHTS OF MAN
-liberty, equality and fraternity
-kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran

-makikita sa deklarasyong ito ang malakaing impluwensiya ng ENLIGHTENMENT sa


rebolusyong Pranses, mula sa isang absolutong monarkiya na kung saan walang
limitasyon ang kapangyarihan ng hari, naging CONSTITUTIONAL MONARCHY ANG FRANCE,
ibig sabihin nalilimitahan ang kapangyarihan ng hari ayon sa nakapaloob sa saligang
batas o konstitusyon.

-dahil sumang-ayon narin si Haring Louis XVI, na ang pamumuno ay dapat na nakabatay
sa batas, naitatag ang isang LEGISLATIVE ASSEMBLY- ang bagong assembleya na may
kapangyarihang gumawa ng batas
-lubhang naging malakas ang rebolusyon, lalo na sa pamumuno ni Maximillan, georjay,
natakot din ang mga rebolusyonaryo na bumuo ng alyansa ang mga maharlika upang
muling ibalik ang kapangyarihan ng hari at tapusin ang rebolusyong pinasimulan.
-dahil dito hinuli ng mga rebolusyonaryo ang hari at ang mga sumusuporta sakanya.
pinugutan ng ulo si haring Loui XVI gamit ang giyodin, sa kasalukuyan tinawag ang
lugar , plas dela concorde sa paris. ilang araw ang nakalipas, ang kanyang asawang
si Marie Antonette naman ang pinugutan ng ulo.
-lumaganap ang takot sa Europa dahil sa mga pangyayaring ito, ang panahon na ito ay
kinilala bilang REIGN OF TERROR dahil sa libu-libong namatay sa giyodin at iba't
iba pang brutal na pagpaparusa.
-upang depensahan ang France laban sa mga kalaban nito, nagtatag ang mga
rebolusyoryo ng committee of public safety
-JEAN PAUL MARAT, GEORGES DANTON, MAXIMILIEN ROBESPIERRE
-sila rin ang mga lumitis sa mga itinuturing na banta sa FRance
-sa panahong ito 300,000 tao ang naaresto at 17,000 tao ang nahatulan ng kamatayan
-sa huli sina danton at robespierre ang mga taong nagpanukala ng kaparusang giyodin
ay mismo ring naparusahan ng kamatayan sa pamamagitan ng giyotin. ang kamatayan
nila ay naghudyat sa pagwawakas ng reign of terror.

-sa pagbagsak ng pamunuan ng rebolusyonaryo, bumuo ng panibagong konstitusyon na


pinamunuan ng tinatawag na directory.
DIRECTORY-binubuo ng limang tao na inihalal sa bawat taon
-ngunit dahil sa kawalan ng pondo at matinding krapsyon, hindi din nagtagumpay ang
pamahalaang ito.
-sa gitna ng kaguluhan at kahirapang ito, isinilang ang bagong pinuno
ang HENERAL NA SI NAPOLEON BONAPARTE
-sumakop sa iba't ibang bahagi ng Europa
-nagpasimula ng French Empire

-NAGING MASALIMUOT AT MADUGO MAN ANG REBOLUSYONG PRANSES, HINDI PARIN MAIPAGKAKAILA
NA MALAKI ANG NAIDULOT NITO SA KASAYSAYAN NG MUNDO.
-ANG PANINIWALA SA KALAYAAN, PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KAPATIRAN (LIBERTY, EQUALITY
AT FRATERNITY) AY HINANGO NG MGA REBOLUSYONARYO SA MGA IDEYA NG ENLIGHTENMENT.
-ang paniniwala rin sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran ay naging
tanglaw ng maraming kilusang panlipunan, politikal at pangkabuhayan.

-ayon sa ilang talambuhay ni Andres Bonifacio, nakahiligan niyang magbasa tungkol


sa kasaysayan ng Rebolusyong Pranses kaya hindi malayo na kabilang din ang
Katipunan sa mga kilusang naimpluwensiyahan ng Rebolusyon.

You might also like