You are on page 1of 4

Ang Rebolusyong Pranses

Ang Rebolusyong Pranses ay mahalagang bahagi ng kasaysayan sapagkat hudyat ito ng


simula ng pagbuwag sa mga ganap na monarkiya at pagbubuo ng mga nation-state sa
kontinental na Europe. Ang Pransiya noong ika- 18 siglo ay isa sa mga malakas na monarkiya
sa Europa,kilalang may maunlad itong ekonomiya at mga kolonya sa ibayong dagat. Ito rin ang
sentro ng kilusang Enlightenment. Pagkatapos ng Rebolusyong Pranses, napalitan ang
kaayusang politikal at panlipunan sa Pransiya

Lumang Rehimen (Ancien Régime)


Gerwary Spain

Simula ng taong 1789 ang Pransiya ay pinagharian ni Haring Louis XVI, isang Bourbon na ang
pamumuno ay absolute. Ang absolutong hari ay tinuturing na makapangyarihang pinuno ng
isang nasyon sapagkat ang kanilang ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang
Divine Right Theory. Ito ay paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa
kanilang mga diyos para pamunuan ang bansa. Kilala din sa lumang rehimen ay labi ng
piyudalismo ng panahong Medieval ang sistemang politikal at panlipunan ng Pransiya. Isang
ganap na monarkiya ang umiiral sa Pransiya. Ang lipunang Pranses ay nahahati sa tatlong
pangkat na tinatawag na Estado ang Unang Estado na binubuo ng paring katoliko, ang
Ikalawang Estado na binubuo ng mga maharlika, at ang Ikatlong Estado na binubuo ng
bourgeoisie na kinabibilangan ng mga mayayamang mangangalakal Marami sa kanila ay
naniwala sa kaisipan ng Enlightenment tulad ng pagkakapantay-pantay. pagsasarili, at
demokrasya. Mahalagang kalahok sa rebolusyon ang bourgeoisie at ang buong Ikatlong
Estado, at mga manggagawa kabilang ang mga mahihirap na tagasunod at magsasaka na
bumubuo sa 80% na populasyon sa mga mahihirap sa Pransiya.

Ang Pagsiklab ng Rebolusyong Pranses

Nasa gitna ng krisis-pinansyal at iba pang suliranin noong 1780. Lubog sa utang ang
pamahalaan dahil sa sunod-sunod na kinasangkulang digmaan at maluhong pamumuhay ng
han at reyna. Dagdag pa ang masamang ani noong 1787 at 1788 na nagdulot ng pagkagutom
nang marami, kayat tumaas ang halaga ng mga bilihin ng mga pagkain dahil dito Lalong
nagpahirap sa mga ordinaryong tao ang mga buwis na kinolekta sa kanila ng mga noble at
gobyemo. Napilitan ang hari ng Pransiya na si Louis XVI na ipatawag ang Estates General
noong 1789 upang harapin ang krisis-pinansyal

Ang Estates-General ay isang lupon ng mga nahalal na kinatawan mula sa tatlong estado. Ang
pinakahuling pagpupulong ng Estates-General ay ginanap noong 1614 pa. Maraming mga
pagtatalo at argumento ukol sa iba't ibang suliranin. Ang isang mahalagang isyu ay ang
pagpupulong at pagboto. Naging kaugalian sa mga nakaraang taon ang pagpupulong ng tatlong
estado nang hiwalay sa isa't isa at ang pagboto ng bawat delegado. Sa paraang ito nanalo ang
Una at Ikalawang Estado. Sa pagdaan ng taon nabago ang komposisyon ng Ikatlong Estado at
naging malakas na puwersa ito. Ang bilang ng mga kinatawan ng Ikatlong Estado ay katumbas
ng pinagsamang bilang ng kinatawan ng dalawang estado kaya iminungkahi nila ang sama-
samang pagpupulong nguni't ang bawat kinatawan ay may sariling boto,

Noong Mayo 5, 1789 naganap ang unang sama-samang pulong ng Estates General.
Pagkatapos ng kinaugaliang pagbati, iniutos ni Haring Louis XVI na sundin ang tradisyunal na
kaayusan ng pag-upo at pagboto. Tinutulan ito ng Ikatlong Estado at ikinatwirang kinatawan ng
masang Pranses ang Estates-General at hindi ang tatlong pangkat o estado. Mabagal
umaksyon si Louis XVI. Noong Hunyo 17, 1789 ipinahayag ng Ikatlong Estado ang sarili bilang
Pambansang Asemblea. Ito ang itinuturing na unang hakbang ng Rebolusyon

Ang mga nagbigay daan sa Pagsiklab ng Rebolusyong Pranses:

Inanyayahan ng Ikatlong Estado ang dalawang estado na sumama sa kanila. Sa puntong ito
gumawa ng aksyon si Louis XVI Iniutos niyang palabasin sa kwarto ang mga Ikatlong Estado at
ito ay kinandaduhan. Layunin nitong hadlangan ang pagpupulong ng mga kinatawan. Dahil dito
nagpasyang magpulong ang Ikatlong Estado sa malapit na palaruan ng tennis(tennis court) at
nangakong hindi maghihiwalay hangga't walang nasusulat na bagong konstitusyon Walang
nagawa si Louis XVI kundi sumang ayon sa pagpupulong ng tatlong estado. Dito naganap ang
panunumpa na tinawag na Tennis Court Oath

Deklarasyon ng mga Karapatan ng Tao (Declaration of the Rights of Man) Ipinahayag nito ang
pagkilala sa mga likas na karapatan, kalayaan,

Noong Agosto 27, 1789, inilabas ng Pambansang Asemblea ang Declaration of the Rights of
Man na naglalaman ng adhikain ng bourgeoisie mula sa kaisipan ng Enlightenment at at
pagkapantay-pantay Habang kinikilala ang kalayaan sa relihiyon, at pananalita, hindi pa kinilala
sa dokumento ang pantay na karapatan sa kababaihan. Sa kabila ng mahahalagang reporma at
deklarasyon, hindi kaagad nalutas ang mga suliranin ng kahirapan at pakagutom. Nagmartsa
tungong Versailles ang libo-libong kababaihan ng Paris at taga suporta ukol sa mataas na
presyo ng pagkain. Humingi sila ng aksiyon para dito mula sa Pambansang Asemblea at sa
hari. Ngunit pagsapit sa palasyo sapilitang pinasok ito, pinatay ang ilang sundalo doon at
sapilitang pinabalik sa Paris si Louis XVI at kaniyang pamilya.

Pagbuwag sa Monarkiya ng Pransiya

Mula 1789 hanggang 1791, ang bourgeoisie sa Pambansang Asemblea ay ang patuloy sa
reporma kasama ang pagkontrol sa pamamalakad sa simbahan. Si Louis XVI ay walang
magawa kundi sumunod na lamang. Noong Hunyo 20,1791, tinangka ni Louis XVI at kaniyang
pamilya na tumakas tungong Austrian Netherlands Ngunit napigilan sila bago makalabas ng
teritoryo ng Pransiya lang buwan ang lumipas, ipinasa noong Setyembre 1791 ang
konstitusyong nagtatag ng isang monarkiyang konstitusyonal at Lehislatibong Asemblea na may
kapangyarihang bumalangkas ng batas.

Reign of Terror (1793)

Maximilien Robespierre

Marami sa mga bansa sa Europe kabilang na ang Great Britain ang sumama na sa digmaan
laban sa Pransiya. Malaking bilang ng mga nakababatang kalalakihan ang pinuwersang
sumama sa hukbong sandatahan upang idipensa ang bagong republika. Noong Abril 1794 ay
binuo ng mga rebolusyonaryo ang isang pansamantalang pamahalaan sa ilalim ng Committee
of Public Safety. Ang pinakamabisa at aktibong miyembro nito ay ang isang manananggol na si
Maximilien Robespierre, isang masidhing republikano. Isa sa naging pangunahin niyang gawain
upang maipagpatuloy ang rebolusyon ay ang pagpapadala ng maraming mga sundalo na uubos
sa mga kaaway ng Republika. Ang mga kaaway na ito ay pawang pinatay sa pamamagitan ng
guillotine at tinawag ang panahong ito bilang Reign of Terror. Umabot sa 17,000 katao ang
pinatay sa pagitan ng 1793 hanggang 1794 at may 20,000 naman ang mga namatay sa mga
kulungan. Upang matigil ito,inaresto ng ilang kasapi ng National Assembly si Robespierre
noong Hulyo 27, 1794 at hinatulan din ng kamatayan sa guillotine.

Napoleon Bonaparte

Isang konstitusyon ang pinagtibay noong 1795 na bumuo ng isang pamahalaang


pinamumunuan ng limang kataong Directory at lehislaturang may dalawang kapulungan. Dahil
sa patuloy na matinding problema sa ekonomiya tulad ng implasyon, isang kudeta ng ilang
politiko ang naganap laban sa Directory noong Nobyembre 1799. Naluklok si Napoleon
Bonaparte bilang lider ng pamahalaan. Tanyag na heneral ng hukbong Pranses, si Napoleon ay
isang magaling na politiko rin. Sa ekonomiya, isinulong niya ang kalakalan at industriya at
itinatag ang pambansang bangko Nakipagkasundo rin siya sa mga noble at simbahan. Binuo rin
ang kodigo ng Napoleonic Code. Isinaayos naman ang Sistema ng edukasyon para sa opisyal
ng hukbo at opisyal ng pamahalaan Matapos makamit ang kaayusan sa Pransiya sumunod na
hakbang ni Napoleon ang pagsakop sa Europe. Simula noong 1805, inilunsad ang pagsakop sa
Europe at bumuo ng alyansa ang Russia, Austria, Sweden, at Prussia. Sunod-sunod ang
pagkapanalo ng hukbong Pranses at napilitan ang kalabang bansa na tanggapin ang mga
kasunduang pangkapayapaan, Halos ang buong Europe ang naging saklaw ng imperyong
Pranses sa ilalim ni Napoleon Bonaparte Bunga ng Rebolusyon
Lubhang mahalaga ang naging bunga ng rebolusyon sa kasaysayan ng daigdig Ang simulain
ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran, bagaman iba-iba ang naging
pagpapakahulugan ang naging tanglaw ng maraming mga kilusang panlipunan, politikal at
pangkabuhayan. Ang Rebolusyong Pranses ay nagdulot ng pagbagsak ng monarkiya at
pagtatag dito ng republika

You might also like