You are on page 1of 1

REBOLUSYONG PRANSES: ANG PAMUMUNO NG KARANIWANG URI

Simula ng taong 1789 ang France ay pinaghaharian ni Haring Louis XVI, isang Bourbon na ang pamumuno ay absolute. Ang
absolutong hari ay itinuturing na makapangyarihang pinuno ng isang nasyon sapagkat ang kanilang ginagamit na basehan sa
kanilang pamumuno ay Divine Right Theory. Ito ay ang paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa
kanilang mga diyos para pamunuan ang bansa.
Ang lipunang France naman ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na Estado. Unang Estado - ay binubuo
ng mga Obispo, pari, at ilan pang may katungkulan sa Simbahan. Ikalawang Estado - binubuo ng mga maharlikang Pranses.
Ikatlong Estado - ay binubuo ng nakakaraming bilang ng mga Pranses gaya ng mga magsasaka may-ari ng mga tindahan,
mga utusan, guro, manananggol, doktor at mga manggagawa.
Pagdating noong 1780 ay kinakailangan ng pamahalaang France ng malaking halaga para itaguyod ang pangangailangan ng
lipunan. Ang bumubuo ng una at ikalawang estado sa ilalim ng kautusan ng hari ay di ibinibilang sa mga nagbubuwis at ang
ikatlong estado lamang ang nagbabayad.
Ang Pambansang Asembleya: Upang mabigyang lunas ang kakulangan sa salapi na kailangan ng France nang panahong
iyon ay minabuti ni Haring Louis na magdaos ng isang pagpupulong ng lahat ng kinatawan ng tatlong estado noong 1789 sa
Versailles. Hindi nabigyang lunas ang suliranin ukol sa pananalapi dahil hindi nagkasundo ang mga delegado sa paraan ng
pagboto. Dati, nagpupulong nang hiwalay ang tatlong estado. Matapos nito’y saka pa lamang sila boboto. Bawat estado ay
may isang boto. Karaniwan na magkatulad ang boto ng una at ikalawang estado laban sa ikatlong estado kaya naman laging
talo ang huli.
Dahil dito humiling ang ikatlong estado na may malaking bilang kasama ang mga bourgeoisie na ang bawat delegado ng
asemblea ay magkaroon ng tig iisang boto. Sapagkat humigit-kumulang kalahati ng 1200 delegado ay mula sa ikatlong estado
Malaki ang kanilang pagkakataong maisakatuparan ang nais na mga reporma. Idineklara ng ikatlong estado mula sa panukala
ni Abbe Sieyes isang pari ang kanilang sarili bilang Pambansang Asembleya noong Hunyo 17, 1789 inimbitahan nila rito
ang una at ikalawang estado.
Dahil na rin sa panunuyo ng ikalawang estado, itinuloy pa rin ni Haring Louis XVI ang magkahiwalay na pagpupulungan ng
ikatlong estado kung kaya’t sila ay nagtungo sa tennis court ng palasyo. Maraming mga pari at ilang noble ang sumama sa
kanila at hiniling sa hari na bumuo ng isang konstitusyon at nanindigang hindi aalis hangga’t hindi naisakatuparan ang
kanilang layunin. Matapos ang isang linggo’y ibinigay na ng hari ang hiling ng ikatlong estado nang kanyang ipag-utos na
sumama ang una at ikalawang estado sa pambansang asemblea.
Mga Salik ng Rebolusyong Pranses: 1. Kawalan ng katarungan ng rehimen. 2. Oposisyon ng mga intelektwal sa
namamayaning kalagayan. 3. Walang hangganang kapangyarihan ng hari. 4. Personal na kahinaan nina Haring Louis XV at
Haring Louis XVI bilang pinuno. 5. Krisis sa pananalapi na kinaharap ng pamahalaan.
Ang Pagbagsak ng Bastille: Nagsimula ang kaguluhan sa Paris ng lumusob ang mga tao sa Bastille noong Hulyo 14, 1789,
ang Bastille ay isang moog na ginawang bilangguang pulitikal. Dahil dito, ang Bastille ay simbolo ng kalupitan ng Lumang
Rehimen. Nagapi ng taong bayan ang mga tagapagtanggol sa moog kaya’t napalaya ang mga bilanggo.
Hindi kumampi ang hari at kanyang mga tagapayo, bagkus ay kanilang inudyukan ang hari na ipahanda ang mga kawal sa
pagkakataong maaaring maghimagsik ang Asembleya. Kumalat ang balita sa Paris na bubuwagin ng hari ang Asembleya.
Ang pagbagsak ng Bastille ay nagbigay-hudyat sa pagwasak ng Lumang Panahon sa France, at ang Hulyo 14 ay itinuturing na
pambansang araw ng France. Sinimulan ng pambansang asembleya ang mga reporma sa pamahalaan. Inalis ang natitira pang
bagay na may kinalaman sa piyudalismo at pang-aalipin. Winakasan ang kapangyarihan ng simbahan sa pagbubuwis. Sa takot
ng mga hari at maharlika sa lumalaganap na kapangyarihan ng mga magsasaka, binitawan na nila ang kanilang mga karapatan.
Sinamsam ng mga tao ang mga ari-arian at binawasan ang bilang ng pari.

You might also like