You are on page 1of 8

1

PROJECT CLAID (Contextualized and Localized Activities Intended for Distance Learning)

Pangalan: ___________________ Petsa:___________Iskor:__________

ARALING PANLIPUNAN 8
Kuwarter 3 – Linggo 6
Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses.

Pagkamulat: Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa

Rebolusyong Amerikano at Pranses

Layunin:
1. Natutukoy ang mga pangyayari sa Rebolusyong Pranses
2. Naiuugnay ang mga kaisipang ng Rebolusyong Pranses sa Rebolusyong Pangkaisipan
3. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng kalayaan at pagkakapantay pantay.

Matagumpay na nakamtan ng Amerika ang kanilang Kalayaan mula sa

Gran Britaniya sa tulong ng mga sundalong Pranses. Ang mga sundalong
Pranses na ito ay natutunan at namulat sa prinsipyo ng kalayaan,
pagkakapantay pantay at pagkaka-isa na ipinaglalaban ng Amerika laban
sa pang-aabuso ng Gran Britanya. Sa kanilang pag-uwi ay dala-dala nila
ang mga kaalamang ito. Dinantnan nila ang Pransiya na isang bansang
puno ng problema sa pamahalaan, sa ekonomiya, panglipunan at lugmok
sa kahirapan. Mga salik na maaring pagsimulan na hangarin ang
pagbabago. Isang pagbabago na magbabago sa kasaysayan ng
Monarkiya sa buong Europa. Ito ang Rebolusyong Pranses.

1
Kuwarter 3 : Linggo: 7 Competency Code: AP8PMD -IIIi - 6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano
at Pranses.
2

PRE-TEST

Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang pangungusap na makikita sa

ibaba. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ito ay wasto at isulat ang salitang
MALI kung ang pangungusap ay hindi tama.
______1. Ang Bastille ay simbolo ng pang-aabuso ng monarkiya sa Pransiya.
______2. Ang lipunan ng Pransiya ay nahahati sa dalawang estado.
______3. Ang maling pamamalakad ni King Louie XVI ang nagpahirap sa Pransiya.
______4. Ang “Reign of Terror” ay pinamunuan ni Maximillien Robespierre.
______5. Naniniwala ang Republika ng Pransiya sa karapatang pangtao.

TEKSTO

REBOLUSYONG PRANSES

Ang Pransiya o France noong 1789 ay pinamumunuan ng isang absolutong hari na si King
Louis XVI. Absoluto na kung saan ang kapangyarihan patungkol sa pamahalaan ay solong
kontrolado lahat ng hari. Naluklok siya bilang hari dahil sa Divine Right Theory at ito ang
paniniwala na nagbigay kapangyarihan sa hari na mamuno dahil ito ang
kaloob ng diyos. Ang lipunan naman ng France ng mga panahong iyon
ay nahahati sa tatlong Estado. Ang unang Estado ay binubuo ng mga pari
at mga obispo ng simbahan, ang ikalawang estado naman ay binubuo ng
mga maharlikang Pranses at ang ikatlong Estado naman ay binubuo ng
lahat ng mamamayan ng France. Sila ang mga magsasaka,
mangangalakal, negosyante, doktor,
abogado, guro, utusan, mga manggagawa
at lahat na ng tao sa Pransiya. Ang
Pransiya ng mga panahong ito ay balisa ang mga tao at bagsak
ang ekonomiya dahil sa mga sumusunod na kadahilanan. Una
ang maling pamamalakad ng pamahalaan sa pamumuno ni
Haring Louie XVI. Ikalawa ay ang maluhong pamumuhay ng
hari at pamilya nito. Ikatlo ay ang magastos na pakikidigma sa
Gran Britanya at pagtulong sa rebolusyong Amerikano. Ika-apat ay ang hindi pantay-pantay na
pagtigingin sa mamamayan ng Pransiya. Ang mga problemang ito ay ilan lamang sa mga dapat
masolusyonan ng pamahalaan kaya nagpatawag ang hari ng isang pagpupulong, ipinatawag
niya ang Estate General Assembly na binubuo ng tatlong estado. Ang nasabing kapulungan ay
ipinatatawag lamang kung kailangan ng hari ng tulong o payo patungkol sa pamamahala.
Ang Estate General ang nagbalangkas din ng batas na kung saan ang nasa ikatlong estado
lamang ang mapapatawan ng buwis! Paano nangyari ito? Ang Estate General ay binubuo ng
tatlong estado at ang bawat estado bagamat ito ay binubuo ng napakaraming tao ay mayroon
lamang isang boto bawat estado. Dahil dito ay nagkakasundo palagi ang Una at Ikalawang
Estado laban sa Ikatlong Estado kaya ang Ikatlong Estado lamang ang napatawan ng buwis.

2
Kuwarter 3 : Linggo: 7 Competency Code: AP8PMD -IIIi - 6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano
at Pranses.
3

Sa pagtawag ng Estate General, nagkaroon ng problema patungkol sa pamamaraan ng

pagboto dahil ayaw pumayag ng Ikatlong Estado sa dati ng nakagawiang isang boto bawat
isang Estado. Ang nais ng mga nasa Ikatlong Estado ay magkaroon ng karapatang pantay ang
lahat ng miyembro na bumoto. Isang miyembro, isang boto! Sapagkat humigit kumulang higit
sa kalahati ng 1,200 na delegado ay nasa ikatlong estado, Malaki ang kanilang pagkakataong
maisakatuparang ang mga reporma na nais nilang isagawa. Dahil dito at sa pamumuno ni Abbe
Sieyes na isang pari at naniniwala sa kanilang ipinaglalaban, nabuo ang Pambansang Assembly
noong Hunyo 17, 1789. Bagamat ayaw ay inimbitahan ang una at ikalawang estado na sumanib
sa pagbabago. Ang pangyayaring ito ang simula ng Rebolusyong Pranses. Nagkaroon ng
malaki at popular na suporta sa Paris ang bagong assembleya. Noong hunyo sa payo ni Marie
Antoinette, asawa ng hari, nagpadala ng mga sundalo sa Paris at Versailles upang pigilang
lumaganap ang kaguluhan ngunit lalong nagpa igting ng kaguluhan ang aksyon na ito ng
pamahalaan kaya nong Hulyo 14, 1789 ay nilusob ng mga mamamayan ang Bastille. Ang
Bastille ay simbolo ng pang-aabuso ng pamahalaan dahil dito nakakulong ang mga
kumakalaban sa pamahalaan at dito din naka imbak ang mga armas ng pamahalaan na
kailangan nila sa rebolusyong nagaganap. “Kalayaan, Pagkakapantay-pantay at kapatiran” ang
kanilang isinisigaw para sa Pransiya. Ang pagbagsak ng bastille ang sumisimbolo sa
paghahangad ng tao ng pagbabago sa pamahalaan. Lumaganap ang kaguluhan sa buong France
at hindi ito tumigil hanggat di napapatalsik ang absolutong monarkiya ni Haring Louie XVI.
Taong 1789 nang ang Constituent Assembly, ang bagong katawagan sa pambansang
Assembleya ay nagpalabas ng isang saligang batas na naniniwala sa karapatang pantao at
Kalayaan ng mamamayan. Binigyang diin nito na ang lipunang Pranses ay nakabatay sa mga
ideya ng Kalayaan, pagkakapantay pantay at kapatiran. Isinulat ng mga Pranses ang
Declaration of the Rights of Men. Nakapaloob dito ang mga prinsipyong “ men are born and
remain free and equal in rights”, “every man is presumed innocent until proven guilty”, “the
aim of the government is the preservation of the rights of man”… mga prinsipyong hango sa
rebolusyong pangkaisipan na nagmumulat sa Kalayaan ng tao mula sa pang aabuso.
Maraming mga monarko sa Europe ang labis na naapektuhan sa pagsiklab ng French
Revolution. Natakot sila na ang ganong uri ng rebolusyon ay lumaganap sa kanilang kaharian.
Natatakot na sapitin din nila ang nangyari sa mag asawang sina haring Louie XVI at Marie
Antoinette na nahatulan ng kamatayan sa guillotine noong panahon ng pamamahala ni
Robespierre. Si Robespierre ay kilala sa kasaysayan sa kanyang Reign of Terror kung saan
umabot 17,000 ang kanyang pinapatay sa pamamagitan ng guillotine sa pag asang ito ang
pamamaraan upang mapatatag ang pamahalaan at maitaguyod ang Republika ng walang banta
mula sa mga kaaway nito. Ang rebolusyong pranses ay isa sa pinakamahalagang Rebolusyon
sa Europa dahil ito ang naging simula ng pagbagsak ng Monarkiya sa buong Europa nang
ipalaganap ng Pransiya sa pamumuno ni Napoleon Bonaparte ang kaisipan ng Rebolusyong
Pranses nang sakupin nito ang malaking bahagi ng Europa at ipinakilala ang pampublikong
pampaaralan na kung saan ang lahat ay pantay na makakatanggap ng edukasyon. Sa mga
paaralang ito ay nakilala nila ang tunay na kahulugan at kahalagahan ng Kalayaan, pagkaka
pantay-pantay at pagkakaisa! Binuwag nito ang matagal ng paniniwala at ipinakilala ang
kahalagahan ng Karapatan ng tao laban sa pang aapi, pagmamalabis, di pagkakapantay-pantay
at kalayaang palitan ang isang mapang abusong pamahalaan. Mula noon nagbago na ang
katayuan at paniniwala ng mga tao sa buong Europa.

3
Kuwarter 3 : Linggo: 7 Competency Code: AP8PMD -IIIi - 6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano
at Pranses.
4

GAWAIN 1 Sino sila?

Panuto: Pagtapatin ang mga kahulugan na nasa Hanay A at sa salita na nasa Hanay B.
Isulat letra ng tamang sagot.

______1. Napoleon Bonaparte a. Reign of Terror

______2. Louie XVI b. nanakop ng Europa

______3. Abbe Sieyes c. binubuo ng mga pari

______4. Maximilien Robespierre d. namuno sa Estate Assembly

______5. Ikatlong Estado e. hari ng Pransiya

f. tanging nagbabayad ng buwis

GAWAIN 2
Karapatang Pangtao:

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap na may kaugnayan sa aralin at

sagutan ang tanong .

1. Isa sa pinakamalaking ambag ng rebolusyong Pranses sa kasalukuyang

panahon ay ang paniniwala patungkol sa papel ng pamahalaan sa isang
bansa. Ipaliwanag ang “the aim of the government is the
preservation of the rights of man”. Ano ang ibig sabihin nito at
nasusunod pa rin ba ito sa kasalukuyang panahon? Ipaliwanag ang sagot.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4
Kuwarter 3 : Linggo: 7 Competency Code: AP8PMD -IIIi - 6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano
at Pranses.
5

______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng tatlong Estado sa Pransiya.
Nakasakay sa ikatlong Estado ang Una at ikalawang Estado. Ano ang nais
ipahiwatig ng larawan patungkol sa sitwasyon sa lipunan sa Pransiya bago
ang Rebolusyon? Ipaliwanag ang sagot.

Source: wikipedia

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

5
Kuwarter 3 : Linggo: 7 Competency Code: AP8PMD -IIIi - 6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano
at Pranses.
6

GAWAIN 3
Makibaka, wag matakot! Ipahayag ang damdamin.

PANUTO: Gumawa ng liham para sa pamahalaan sa pangkasalukuyang panahon at

ipahayag kung ano ang iyong saloobin patungkol sa pamamahala nito. Subukang
iugnay ang kaisipan sa Rebolusyong Pranses habang ginagawa ang liham.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

6
Kuwarter 3 : Linggo: 7 Competency Code: AP8PMD -IIIi - 6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano
at Pranses.
7

Post Test

Panuto: Sagutan ng Tanong.

1. Mahalaga ba ang Kalayaan at pagkakapantay pantay? Bakit? Magbigay ng
sitwasyon na nagpapakita ng kahalagahan nito.

2. Mag isip ng isang simbolo na nagpapakita ng kalayaan at pagkakapantay
pantay at ipaliwanag kung bakit ito ang napili mong simbolo.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

7
Kuwarter 3 : Linggo: 7 Competency Code: AP8PMD -IIIi - 6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano
at Pranses.
8

SANGGUNIAN: Modyul ng Mag-aaral para sa Ikawalong Bailang

Kasaysayan ng Daigdig Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng
Pilipinas

Honorio A. Medrano Jr.

City of Mandaluyong Science High School
SDO Mandaluyong

Sinuri nina:

Angela Marie B. Manrique Mark Rich L. Pablo Zernan E. Gumban Jr.

Tagasuri ng Nilalaman Tagasuri ng Wika Tagasuri ng Layout

Binigyang-pansin ni:

Ceasar A. Nachor
Superbisor, (subject)

8
Kuwarter 3 : Linggo: 7 Competency Code: AP8PMD -IIIi - 6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano
at Pranses.

You might also like