You are on page 1of 11

1

ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan :_____________ ________________________________________________


Pangkat _________ Guro __________________________________________________

Aralin
ANG REBOLUSYONG AMERIKANO
5
MELC/Kasanayan
Naipapaliwanag ang Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong
Amerikano at Pranses. Code: AP8PMD-IIIi-9

Ang modyul na ito ay ginawa upang mabigyan paliwanag ang


Rebolusyong Amerikano: Sanhi, Karanasan, at Implikasyon at ang iba pang
mga kaalaman ukol dito. Atin ding susuriin ang mga pangyayari na nagbigay
daan sa pagkakaroon ng Rebolusyong Amerikano. Ang modyul na ito ay
inihanda upang matulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang
mahalalagang salik ng pag-usbong ng Rebolusyong pampolitikal na
napapanahon upang pagtuunan ng pansin ang mga estadong dumaan sa
Rebolusyong Pampolitikal, partikular ang Rebolusyong Amerikano. Inihanda rin
sa modyul na ito ang mga pagsusulit at gawain upang masukat ang kakayahan
at kaalaman ng mga mag-aaral sa nasabing aralin.
Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang:
1. Nailalarawan ang Rebolusyong Amerikano
2. Nasusuri ang mga sanhi, karanasan at Implikasyon ng Rebolusyong
Amerikano

Sa pagpapasimula ng ating pag-aaral sa ating aralin. Maari nating pagtuunan


ng pansin ang ating unang gawain. Subukan mong basahin at unawain nang mabuti
ang mga tanong upang masagutan mo ito nang maayos at tama. Sa gawaing ito,
ipapakita sa gawaing ito kung mayroon ka nang paunang ideya o nalalaman sa ilang
mga konsepto tungkol sa ating aralin.

1. Ang bilang ng mga kolonyang Ingles sa Amerika.


2. Batas na pinairal ng mga Ingles sa kanyang kolonya na patungkol sa
paghihigpit sa kolonya.
3. Ang buwis na pinapataw sa mga dokumentong pang negosyo.
4. Ninanais ng mga Amerikano na makamit sa kanilang Rebolusyon.
5. Ang kasunduan na nagbigay ng wakas sa Digmaang Amerikano.

Ms. AP7-Q1- AP8- Qrt3 -Week 5


2
ARALING PANLIPUNAN 8

Panuto: Punan ang tabulasyon ng tig- apat (4) na pagbabagong naganap sa panahon
ng pagkakaruon ng Rebolusyong Pangkaisipan batay sa sumusunod na
larangan

Relihiyon Pamahalaan Ekonomiya Kalayaan

Paksa: Ang Rebolusyong Amerikano

Ang himagsikan o panghihimagsik (Ingles: insurrection, revolution, rebellion, re


volt) ay ang tumutukoy sa pag-aalsa o pagrerebelde ng taumbayan laban sa
pamahalaan dahil sa pagtutol o pagtanggi sa pamamalakad ng mga awtoridad o
mga may katungkulan. Maaari rin itong tumukoy sa isang mahalagang sandali na
makapagbabago sa sitwasyong pampolitika ng isang bansa. O kaya, sa pag-agaw ng
mga nag-alsa sa kapangyarihan ng namumuno ng pamahalaan. Tinatawag din
itong rebolusyon o rebelyon dahil kaugnay ito ng marahas na pagsuway at
maparaan o organisadong paglaban upang mapabagsak ang pamahalaan.

Maraming ideyang bunga ng Rebolusyong Pangkaisipan ay may kulay pulitika


at ito ang kaisipang pulitikal sa Rebolusyong isinagawa ng 13 kolonyang Ingles sa
Amerika. Ang Rebolusyong Amerikano ay nagsimula noong panahong 1775 at ito ay
sa mga sumusunod na dahilan: (1) Lipunan- ang lipunang itinayo ng mga Amerika ay
kakaiba sa Great Britain. Ang mga hangganan ay nalikha sa aristokrasyang batay sa
kayamanan at hindi dahil sa dugo. Ang mga patakaran sa kolonya ay nagbigay laya,
sigla at pag-uugali at sila ay nahirapan sa pagpapanatili sa kaugaliang Ingles; (2)
Pulitika- ang batasan at hukuman ay tinulad sa Britain, kaya namihasa ang mga
kolonya ng mga kalayaan at sariling pamamahala; (3) Relihiyon- Bagamat lumakas
ang Puritanismo sa kolona, ang mga tao ay may layang makapamili ng sariling
relihiyon. Nagkaroon ng iba’t ibang sekta ng relihiyon; (4) Ekonomiya- Ang patakarang
pang-ekonomiya ng mga Ingles ay lubos na nagpasidhi sa pag-aalsa ng 13 kolonya.
Ang Navigation Acts ay nag-uutos na sa Britain lamang maaaring ipagbili ang ilang
produkto ng kolonya at ang kolony ay maaari lamang bumili ng mga yaring produkto
sa una. Ipinag-utos ding gamitin ang mga sasakyang Ingles sa pangangalakal.

Ang malaking pagkakautang ng Britain dahil sa pakikipagdigma, ang


pagtulong ng mga Amerikano sa kaaway, ang hayagang alitang nagsimula nang itakda
ang Townshed Acts tungkol sa paglikom ng pera at ang paghihigpit sa mga kolonya.

Ms. AP7-Q1- AP8- Qrt3 -Week 5


3
ARALING PANLIPUNAN 8
Ang mga batas na kinaiinisan ng mga kolonya ay ang buwis sa mga dokumentog
pagnegosyo na kilala bilang Stamp Act at ang buwis sa tsa o tea tax.

Gawain A.: MAGBASA AT MATUTO


Panuto: Matapos basahin ang teksto maaaring sagutin ang pamprosesong tanong na
nasa ibaba.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang Rebolusyon?
2. Bakit nagkaroon ng Rebolusyong Amerikano?
3. Kailan ito naganap ang Rebolusyong Amerikano?
4. Ano ang ninanais ng mga Amerikano na makamit sa kanilang Rebolusyon?
5. Ano-ano ang naging implikasyon ng kanilang naging Rebolusyon?

REBOLUSYONG AMERIKANO: SANHI, KARANASAN, AT IMPLIKASYON

 Ang digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay lalong kilala sa katawagang


Rebolusyong Amerikano.

 Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na naging migrante sa Timog
Amerika ay nagbelde sa labis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng
Parliamentong Ingles dahil wala silang kinatwan sa Parliamento upang
sabihin ang kanilang mgahinaing.

 Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 19776, Pagkatapos ay nagbuo


sila ng isang malakas na hukbo na naging tagapagtanggol sa British. Ang
digmaan para sa kalayaan ang naging dahilan ng pagbuo ng United States of
America.

PAGSUSURING PANTEKSTO

alam mo ba?
 Sa huling bahagi ng ika -18 na siglo, ibang uri ng himagsikan ang lumaganap
sa bahagi ng Atlantiko.

 Ito ay naimpluwensiyahan ng mga ideyang pinalaganap noong Panahon ng


Enligthenment. Itinatag nito ang mga pagtatanong tungkol sa absolutong
monarkiya at sa dominasyon ng Simbahan sa mga panlipunan at
pampolitikang galaw ng mga tao.

 Ang ganitong kaisipan ay naging daan upang patalsikin ang tradiyonal na


rehimensa America at France.

 Nagsimula ang digmaan noong 1775 sa pagitan ng 13 kolonya sa Timog


America at Great Britain.

Ms. AP7-Q1- AP8- Qrt3 -Week 5


4
ARALING PANLIPUNAN 8
 Ito ang unang himagsikan na naghangad ng kalayaan at pagbabago sa
lipunan. Naging daan din ito sa paglawak ng mga prinsipyong rebolusyunaryo
sa France at sa isang madugong himagsikan noong 1789.

 Itinuturing na mas malaki ang naiwang epekto ng Himagsikan sa France sa


kabuuan ng Europe at iba pang panig ng mundo sa dahil iniwan nito ang
tatlong mahahalagang prinsipyo ng pagbuo ng isang nasyon-estado:

 ang kalayaan,
 pagkakapantay-panatay,
 at ang kapatiran.

ANG LABINTATLONG KOLONYA


 Ang malaking bilang ng mga Ingles ay nagsimualang lumapit at manirahan sa
Hilagang Amerika noong ika-17 na siglo.
 Karamihan sa kanila ay nakaranas ng persecution dahil sa kanilang bagong
pananampalataya na resulta ng Repormasyon at Enlightenment sa Europe.
 Sa kalagitnaan ng ika-18 na siglo ay nakabuo na sila ng 13 magkakahiwalay na
kolonya na ang hangganan sa hilaga ay Massachusetts at sa Timog ay Georgia.
 Noong 1750 ay gumastos ng napakalaking halaga ang British laban sa France
upang mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo ang 13 kolonya.

Ang Labintatlong (13) Kolonya ng Britanya sa Hilagang America


(nakatala magmula hilaga hanggang sa timog) ay ang mga sumusunod:
1. Massachusetts
2. New Hampshire
3. Rhode Island
4. Connecticut
5. New York
6. New Jersey
7. Pennsylvania
8. Delaware
9. Maryland
10. Virginia
11. North Carolina
12. South Carolina
13. Georgia

Mapa ng labintatlong Kolonya ng Britanya sa Hilagang America

 Ang mga Kolonya any walang kinatawan sa Parliamento ng British sa London


kaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad ng labis na buwis.
 Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang
" walang pagbubuwis kung walang representasyon".
 Sila ay nagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na inangkat sa mga kolonya.
Tinapon nila ang tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Harbor sa Massachusetts.
Kinilala sa kasaysayan ang pangyayaring ito bilang Boston Tea Party.
 Nagkaroon ng kaparusahan sa mga kolonistang naging bahagi ng insidente.
 Ang pangyayaring ito ay nagresulta ng digmaan.

Ms. AP7-Q1- AP8- Qrt3 -Week 5


5
ARALING PANLIPUNAN 8

ANG UNANG KONGRESONG KONTINENTAL

 Unang dinaluhan ng 56 na kinatawan ng mga


kolonya ng Britanya ang dumalo dito.
Pinangunahan ito ni Patrick Henry noong
Setyembre 5, 1774.

 Ipinahayag nito ang Intolerable Acts na di


Makataranungan at ang parlamentong Ingles
ay lumalabag saKarapatang Amerikano

 Ang pahayag ni Patrick Henry na Give me


liberty or give me death, (Bigyan mo ko ng
kalayaan o kamatayan) at ang aklat ni
Thomas Paine na Common Sense ay
gumising sa damdaming Amerikano.

 Ito ay tahasang pagpapakita ng paglaban sa


mga batas at patakaran na ipinatupad ng
mga British.

ANG PAGPAPASIMULA NG DIGMAAN

 Ang mga tumututol sa palakad ng mga


Ingles ay dumami sa pamamahala ni
Samuel Adams.

 Naganap ang Unang laban sa Lexington at


Concord sa pagitan ng Amerika at Great
Britain ng magpadala ito ng isang tropa ng
British sa Boston noong Abril 1775, upang
pwersahing angkinin ng mga ito ang
tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord.

 Bago pa man nakarating ang mga British sa


Concord nagpalitan na ng putukan ang
dalawang panig.

Ms. AP7-Q1- AP8- Qrt3 -Week 5


6
ARALING PANLIPUNAN 8

IKALAWANG KONGRESONG KONTINENTAL

 Noong Mayo 1775, idineklara ng kongresong


kontinental ang pamahalaan na tinawag na
"United Colonies of America".

 Continental Army-tawag sa hukbo ng


military.

 George Washington- naatasang Commander


in Chief ng Continental Army.

ANG DEKLARASYON NG KALAYAAN

 Hulyo 1776- nagpadala ng malaking tropa ang


Britain sa Atlantic upang pahinain ang pwersa
ng Amerika.

 Ang Deklarasyon ng Kalayaan bagaman hindi pa


tapos ang digmaan, idineklarang malaya ng
Amerikano ang kanilang mga sarili noong
Hunyo 4, 1776. Ang dokumento ay isinulat
halos lahat ni Thomas Jefferson, isang
manananggol.

 Binigyang diin sa dokumentong ito na ang


dating kolonya at hindi na teritoryo ng Britain.
Kinilala na isang nang malayang bansa ang
dating kolonya ng Britain at tinawag itong
Estados Unidos ng Amerika.

IMPLIKASYON:

Ang naging bunga ng Rebolusyong Amerikano ay ang Kalayaan ng


United States ay kinilala at ang hangganan nito sa mga kalapit na bansa ay
naayos. Binigyang-saysay ng Rebolusyon ang Deklarasyon ng kalayaan batay sa
Kaisipan ni John Locke na kapag hindi iginalang ang hari ang likas na
karapatan ng tao, karapatan ng mga mamamayan ang mag-alsa laban sa kanya.
Ang nagtagumpay na Rebolusyon sa Amerika ang nagbigay lakas sa mga Pranses
upang maghimagsik laban sa abolutismo.

Ms. AP7-Q1- AP8- Qrt3 -Week 5


7
ARALING PANLIPUNAN 8
GAWAIN: SINO AKO?
Kilalanin kung sino ang mga sumusunod:

_______________1. Ang Deklarasyon ng Kalayaan ng Amerika ay bunga ng aking


pagsisikap.

_______________2. Ako ang nagsabi ng ganito “Bigyan mo akong kalayaan o


kamatayan”.

_______________3. Sinulat ko ang aklat na Commone Sense.

________________4. Ako ay naatasang Commander in Chief ng Continental Army.

________________5. Pinamahalaan ko ang pagtutol sa pamamahala ng mga Ingles


sa mga Amerikano.

TIYAKIN AT PAHALAGAHAN:

Narito ang mga salik na nagtulak sa mga Amerikano upang lumaban at


nang makamtan ang kalayaan. Ang mga pangyayari sa Amerika ay maaaring
totoo rin sa atin at sa ibang bansa. Iranggo ang mga salik na ito sa paniniwalang
pinakamhalaga. Ilagay ang 1 sa unang pinakamahalaga , 2 sa kung alin ang
ikalawa, 3 at iba pa.

____________ Pamamahala sa sariling bansa


____________ Kalayaang makapagpahayag
____________ Kaunlarang pang-ekonomiya
____________ Tao ay may sariling dignidad
____________ Amerika ay para sa Amerikano

Bakit ganito ang pagkakaayos mo? Isulat sa kahon ang iyong paliwanag.

Rubric para sa Presentasyon


Criteria Natatangi Mahusay Medyo Hindi
Mahusay Mahusay
4 3 2 1
Kaalaman sa
paksa
Kalidad ng
impormasyon o
ebidensiya
Kaalaman sa
kontekstong
pangkasaysayan
Istilo at
pamamaraan ng
presentasyon
Kabuuang
Marka

Ms. AP7-Q1- AP8- Qrt3 -Week 5


8
ARALING PANLIPUNAN 8

 Ang rebolusyon o rebelyon ay may kaugnayan sa marahas na pagsuway at


maparaan o organisadong paglaban upang mapabagsak ang pamahalaan.
Tumutukoy din ito sa pag-aalsa o pagrerebelde ng taumbayan laban sa
pamahalaan dahil sa pagtutol o pagtanggi sa pamamalakad ng mga awtoridad o
mga may katungkulan.
 Maraming salik ang ang tulak sa mga Amerikano upang mag rebolusyon ito ay
ang usapin sa lipunan, pulitika, relihiyon at ekonomiya.
 Malaki ang kinalaman Rebolusyong Pangkaisipan ang pagtingin ng maraming
mamamayan sa larangan ng relihiyon, pamahalaan, ekonomiya at kalayaan.

Panuto: Punan ang Conceptual Framework tungkol sa mahalalagang pangyayaring


naganap sa nagpasiklab sa Rebolusyong Amerikano upang makamit ang
knilang kalayaan.

Kalayaan

Panuto: Kilalanin at surian ang bawat katanungan. Piliin anng titik n tamang
sagot.

1. Isang manananggol at sumulat ng dokumento ng deklarasyon ng kalayaan ng


Amerika.
A. Adam Smith C. Patrick Henry
B. George Washingto D. Thomas Jefferson

2. Siya ang naatasang Commnder in Chief ng Continental Army.


A. Mary Wallstonecraft C. Jimmy Carter
B. George Washington D. Leonard Brezhnev

3. Pinamahalaan niya ang pagtutol sa pamamalakad ng mga Ingles.


A. Winston Churchill C. Llyod George
B. Catherine Macaulay D. Samuel Admas

4. Siya ang nagpahayag ng Give me liberty or give me death, (Bigyan mo ko ng


kalayaan o kamatayan)
A. John Glenn C. William Henry
B. Patrick Henry D. Adam Smith

5. Ang aklat ni na Common Sense ay gumising sa damdaming Amerikano.


A. Thomas Paine C. Maria Antoinete
B. Patrick Henry D. Hugh Capet

Ms. AP7-Q1- AP8- Qrt3 -Week 5


9
ARALING PANLIPUNAN 8
6. Kailan nagpadala ng malaking tropa ang Britain sa Atlantic upang pahinain ang
pwersa ng Amerika?
A. Hulyo 1776 C. Setyembre 1776
B. Agosto 1776 D. Oktubre 1776

7. Idineklara ng kongresong kontinental ang pamahalaan na tinawag na “United


Colonies of America".

A. Mayo 1775 C. Hulyo 1775


B. Hunyo 1775 D. Agosto 1775
8. Dito naganap ang Unang laban sa sa pagitan ng Amerika at Great Britain
A. Buston C. Lexington at Concord
B. England D. France

9. Ito ang bilang ng Konlonyang Ingles sa Amerika.


A. 11 C. 13
B. 12 D. 14

10. Kinilala na isang nang malayang bansa ang dating kolonya ng Britain at
tinawag itong Estados Unidos ng Amerika?

A. Abril 4, 1776 C. Hunyo 4, 1776


B. May 4, 1776 D. Hulyo 4, 1776

Mahusay! Binabati kita! sa matagumpay na paggampan sa ating mga Gawain.

Ngayon naman ay bigyan mo ang iyong sarili ng pagkakataon na makapag-isip at

makapagsulat ng isang awit tungkol sa kalayaan ng isang bansa o ng mamamayan

nito . Maaaring gawing halimbawa ang isang awit na isninulat ni Fredie Aguilar na

may pamagat na “Bayan Ko”. Ang awiting ito ay nagpapakita ng pagnanais ng ating

bansa ng kalayaan sa mga mananakop. Ito ay pagpapahayag mo ng iyong pag-unawa

sa ating aralin tungkol Rebolusyong Amerikano at kanila paghahangad sa kanilang

kalayaan. Isulat ang iyong awit sa loob ng kabilang kahon sa kaliwa.


BAYAN KO __________________
Fredie Aguilar Pamagat
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

CHORUS
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
Ms. AP7-Q1- AP8- Qrt3 -Week 5
10
ARALING PANLIPUNAN 8
SAGUTANG PAPEL - QUARTER 3- WEEK 5
PANGALAN: _________________________________________________________________

PANGKAT: ______________ GURO: _____________________________________________

PAUNANG PAGSUSULIT:
1.
2.
3.
4.
5.
BALIK-TANAW:
Panuto: Punan ang tabulasyon ng tig- apat (4) na pagbabagong naganap sa panahon
ng pagkakaruon ng Rebolusyong Pangkaisipan batay sa sumusunod na
larangan

Relihiyon Pamahalaan Ekonomiya Kalayaan

Gawain A.: MAGBASA AT MATUTO


Panuto: Matapos basahin ang teksto maaaring sagutin ang pamprosesong tanong na
nasa MODYUL.

GAWAIN: SINO AKO?


Kilalanin kung sino ang mga sumusunod:

1.
2.
3.
4.
5.

TIYAKIN AT PAHALAGAHAN:

Narito ang mga salik na nagtulak sa mga Amerikano upang lumaban at


nang makamtan ang kalayaan. Ang mga pangyayari sa Amerika ay maaaring
totoo rin sa atin at sa ibang bansa. Iranggo ang mga salik na ito sa paniniwalang
pinakamhalaga. Ilagay ang 1 sa unang pinakamahalaga , 2 sa kung alin ang
ikalawa, 3 at iba pa.

1.
2.
3.
4.
5.
Bakit ganito ang pagkakaayos mo? Isulat sa kahon ang iyong paliwanag

Ms. AP7-Q1- AP8- Qrt3 -Week 5


11
ARALING PANLIPUNAN 8

PAG-ALAM NG NATUTUHAN
Panuto: Punan ang Conceptual Framework tungkol sa mahalalagang pangyayaring
naganap sa nagpasiklab sa Rebolusyong Amerikano upang makamit ang
knilang kalayaan.

PANGHULING PAGSUSULIT
Panuto: Kilalanin at surian ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

1.
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

PAGNINILAY
Isulat ang iyong awit na nagpapahiwatig ng iyong damdamin batay sa araling

pinag-aralan halimbawa ay ang awiting “ Ang Bayan Ko”.

Ms. AP7-Q1- AP8- Qrt3 -Week 5

You might also like