You are on page 1of 8

6 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 2: Week 1
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 6
Pangalan _________________________ Ikalawang Markahan – Unang Linggo
Baitang at Pangkat__________________ Petsa_________________________

PAMAMAHALA NG MGA AMERIKANO SA PILIPINAS

Susing Konsepto
Matapos ang mahigit na tatlong daang taong pagkaalipin sa pamahalaang Espanya,
dumating ang Estados Unidos sa ating bansa. Nagpasok ng mga pagbabago ang mga
Amerikano na kailanma’y hindi nakita ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Espanyol.
Ang demokrasyang dala-dala na pinalawak ng mga Amerikano sa Pilipinas ay naging
batayan ng mga Pilipino upang kilalaning naiiba ito sa patakarang Espanyol. Sa
pangkahalahatan ay nakikiisa sa bagong pamahalaan na may bagong pamamalakad. Ang
mga Amerikano ay nagpakilala ng maraming pagbabago sa Pilipinas lalong-lalo na sa
pamamahala ng pamahalaan.
Ang Paraan ng Pamamahala ng mga Amerikano
Naging malinaw na sa mga Pilipino ang tunay na layunin ng Estados Unidos sa Pilipinas
nang ipinagwalang-bahala nito ang Unang Republikang itinatag ng mga Pilipino. Disyembre
21, 1898 nang maglabas ng opisyal na patakaran sa Pilipinas si Pangulong William McKinley
ng Estados Unidos. Ito ang patakarang “Makataong Asimilasyon”. Ipinahayag sa patakarang
ito na dahil sa kawalan ng kasanayan ng mga Pilipino sa pamamahala ay isasabalikat nila
ang tungkuling turuan at sanayin ang mga Pilipino sa demokratikong paraan ng pamamahala.
Dito ay maliwanag na ipinahayag ang pagpapasailalim ng Pilipinas sa Estados Unidos bilang
kanyang kolonya.
Ang pagkakaroon ng kolonya ay mahalaga sa isang bansang may hangaring makilala
bilang isang world power o puwersang pandaigdig, tulad ng Estados Unidos. Ang
pagkakaroon ng isang mayamang kolonya sa parteng ito ng Asya ay tiyak na makabubuti sa
kanyang pangarap. Ang mga sumusunod ay ang mga kadahilanan ng pananakop ng Estados
Unidos sa Pilipinas.
1. Magkaroon ng base-militar para sa kanyang hukbong militar para sa pagpapalawak ng
kapangyarihan niya sa Asya-Pasipiko;
2. Magkaroon ng pamilihan sa Asya ng mga produktong galling Amerika;
3. Magkaroon ng mapagkukunan ng raw materials; at

4. Magkaroon ng mapupuntahan ang kaniyang mga mangangalakal at misyonerong


Protestante.
Ang unang ginawa ng mga Amerikano matapos na mabawi sa mga Espanyol ang Maynila
noong Agosto 13, 1898 ay ang magtatag ng pamahalaan.

2
Ang Pamahalaang Militar
Noong Agosto 14,1898, nagsimula ang pamahalaang militar na itinatag ng mga
Amerikano ang mga namuno ay tinawag na gobernador militar. Ang unang nanungkulan ay
si Hen. Wesley Merritt na puno ng sandatahang lakas ng Estados Unidos sa Pilipinas. Ang
sumunod ay si Heneral Elwell Otis na nanungkulan mula 1898 hanggang 1900 at ang
pinakahuli ay si Hen. Arthur MacArthur mula 1900 hanggang 1901.
Pangunahing tungkulin ng pamahalaang militar.
Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaang militar ay ang tiyakin ang pagtanggap ng
mga mamayang Pilipino sa pananakop ng mga Amerikano. Ginawa nila ito sa pamamagitan
ng pagpapalaganap ng katahimikan at kaayusan sa buong bansa.
Ang mga pagbabagong nagawa ng pamahalaang militar
1. Pagtatag ng Korte Suprema bilang pinakamataas na hukuman sa bansa. Anim na
Pilipino at tatlong Amerikano ang bumuo nito. Si Cayetano Arellano na isang Pilipino
ang kauna-unahang punong mahistrado. Ang hukumang Unang Dulugan at
Hukumang Munisipal ay itinatag din.
2. Pagtatag ng pamahalaang municipal sa pamamagitan ng paghalal sa mga pinunong
Pilipino. Ang Baliwag, Bulacan ang unang bayang nagsagawa ng halalan sa ilalim ng
pamamahala ng mga Amerikano.
3. Pagtatag ng pamahalaang lalawigan sa mga lalawigang tumatanggap sa
kapangyarihan ng mga Amerikano. Hinirang na gobernador ang mga dating gerilya
tulad ni Heneral Martin Delgado ng Iloilo.
4. Pagtatag ng paaralang pampubliko sa Pilipinas. Ang mga guro ay mga sundalong
Amerikano sumunod dumating ang SS Thomas na sakay ang 600 na tunay na guro
tinawag na Thomasites. Ang Manila High School ang unang mataas na paaralang
pampubliko sa Pilipinas
5. Pagbukas ng mga paaralang bokasyonal para maibalik ang mataas na pagtingin sa
gawaing manwal o kamay.
6. Pagbukas muli ng daungan ng Maynila at pagpapatupad ng mga taripang Espanyol.

Ang Pamahalaang Sibil


Noong ika-4 ng Hulyo, 1901, itinatag ang pamahalaang sibil sa Pilipinas. Ang unang
gobernador nito ay si William Howard Taft. Ang pamahalaang sibil ay itinatag ng mga
Amerikano sa layuning sanayin ang mga Pilipino sa pamamahala sa isang pamahalaang
demokrasya.
Pagbabago sa Pamahalaang Sibil
Ipinatupad ni Gobernador Taft ang ilang batas para maipasantabi ang kamalayang
makabansa tulad ng mga sumusunod:
1. Batas sa Sedisyon – Paparusahan ang sinumang magsalita, magtalumpati, magsulat,
maglimbag o mamahagi ng anumang laban sa Estados Unidos o ng sinumang magtaguyod
sa mga pagkilos para sa kasarinlan ng Pilipinas.

3
2. Batas sa Panunulisan – Pinarusahan ng mahabang pagkakabilanggo o kamatayan ang
sinumang kaanib o kasapi ng mga sandatahang pangkat na nakikipaglaban para sa
kalayaan. Bandolero o tulisan ang tawag sa mga Pilipinong ito.
3. Reconcentration Act/Batas ng Sona – Ang mga gobernador ng lalawigan ay may
karapatang sonahin ang mga bayan na may mga taong pinaghihinalaang gagawa ng hindi
mabuti. Sila ay puwersahang tinitipon sa isang lugar na kontrolado ng mga militar upang
masubaybayan ang anumang gawaing mapanghimagsik. Hindi sila nakakalabas at
nakakatanggap ng bisita.
4. Batas ng Bandila – Ipinagbawal ng mga Amerikano ang paggamit o pagwawagayway ng
lahat ng bandila, banderitas o anumang sagisag ng mga kilusang laban sa Estados Unidos.
Kabilang dito ang sagisag ng Katipunan ng 1896.
5. Panukalang Batas Blg. 48 –Pinagamit ang mga lokal na dayalekto sa mababang paaralan
upang hadlangan ang pagkakaroon ng isang pambansang wika na mag-uugnay sa mga
Pilipino.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang uri ng pamahalaan at patakarang ipinatupad sa panahon ng mga
Amerikano
Mga layunin:
1. Natatalakay ang uri ng pamahalaang militar at pamahalaang sibil.
2. Naiisa-isa ang mga mga pagbabago at patakarang ipinatupad sa panahon ng mga
Amerikano.
Pagsasanay 1
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Pinakadakilang bagay na namana natin sa mga Amerikano.
a. demokrasya c. pagkakaisa
b. pagkain d. relihiyon
2. Ang kauna-unahang punong mahistrado sa Pilipinas.
a. Cayetano Arellano c. Jose Palma
b. Gregorio Araneta d. Rafael Palma
3. Ang kauna-unahang gobernador-sibil ay si _______.
a. Henry Ide c. William Forbes
b. Wesley Merritt d. William Howard Taft
4. Naging unang gurong Amerikano.
a. madre c. pari
b. manggamot d. sundalo
5. Ano ang kaparusahang ipapataw sa mga bandolero at tulisan?
a. pagbitin ng patiwarik c. paglunod sa dagat
b. pagkakabilango o kamatayan d. pagputol ng kamay o kamatayan
6. Aling unang bayan sa buong Pilipinas ang nagsagawa ng paghalal sa mga
pinunong Pilipino.
a. Apalit, Pampanga c. Kawit Cavite
b. Baliwag Bulacan d. Malolos, Bulacan

4
7. Ano ang tawag sa mga Pilipinong kaanib o kasapi sa mga sandatahang pangkat na
nakikipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas.
a. Bandolero c. Makapili
b. Huk d. Npa
8. Unang gobernador militar sa Pilipinas.
a. Francis Burton Harrison c. William Howard Taft
b. Wesley Merritt d. William Mckinley
9. Kung ang simbahan ay naging sagisag ng sibilisasyon ng mga Espanyol, sa mga
Amerikano ay __________.
a. bahay c. krus
b. bandila d. paarlan
10. Tawag sa batas na nilabag kapag nagsulat at naglimbag laban sa Estados Unidos.
a. Batas ng Bandila c. Batas sa Sedisyon
b. Batas ng Panunulisan d. Batas ng Sona

Pagsasanay 2
Panuto: Ayusin ang mga titik upang makabuo ng salita. Isulat ang sagot sa patlang.

1. YADERAMOSK
___________________ Pamahalaang pinalawak ng mga Amerikano.
2. DOSTAES IDOSUN
_________________ Ikalawang dayuhang bansa na sumakop sa Pilipinas
3. MAHAPAANGLA RATLIMI
___________________Unang pamahalaang itinatag ng mga Amerikano
4. MATHOTESI
___________________Tunay na mga gurong Amerikano
5. LENDOBARO
___________________Tawag sa kaanib o kasapi ng mga sandatahang pangkat na
nakipaglaban para sa kalayaan.

Pagsasanay 3
Panuto: Sagutin ang retrieval chart para maipakita ang mga pagbabago sa pamahalaang
militar at pamahalaang sibil. Ang unang sagot ay ibingay bilang halimbawa.

Mga Pagbabagong Naganap

Pamahalaang Militar Pamahalaang Sibil

Halimbawa: Naitatag ang Korte Suprema Halimbawa: Napagtibay ang Batas


Sedisyon

1. 1.
2. 2.
3. 3.

5
4. 4.
5. 5.

Pagsasanay 4
Panuto: Tukuyin kung ang bawat pahayag ay isang palagay o katotohanan. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.
_________1. Ang magdusa’t mamatay para sa bayan ay nagpapakita ng pagmakabayan.
_________2. Maraming uri ng pag-ibig ngunit ang pag-ibig sa diyos ang maituturing na
pinakadakila.
_________3. Nagkaroon ng kalayaan ang mga Pilipino pagkatapos na mailipat sa Estados
Unidos ang pamamahala sa Pilipinas.
_________4. Ang pananakop ng mga Amerikano ay walang epekto sa pamumuhay ng mga
Pilipino.
__________5. Pamahalaang militar at pamahalaang sibil ang mga pamahalaang itinatag ng
mga Amerikano.
Pagsasanay 5
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kaugnay na kaisipan ng mga pahayag na nasa Hanay A.
Titik lamang ang isulat sa patlang.
A. B.
___1. Ipinagtangol ng mga Pilipino ang A. Makalikasan
bansa laban sa dayuhang mananakop.
___2. Ipinagmamalaki at tinatangkilik B. Maka-bansa
ang mga produktong Pilipino.
___3. Pangangalaga sa mga gubat laban C. Maka-diyos
sa walang habas na pagtrotroso, panununog,
at pagkakaingin.
___4. Niyakap ng mga Pilipino ang Kristiyanismo D. Maka-tao
at Protestantismo.
___5. Ito ay tumutukoy sa pantay na pagtingin E. Mapagmahal sa kalayaan
ng lipunan at ng pamahalaan sa mamayan.

6
Pangwakas: (Performance Task)
Suriin ang ating pamahalaan sa kasalukuyan. Tapusin ang pangungusap sa ibaba.
1. Mahalaga ang pamahalaan sapagkat
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Nasisiyahan ako sa ating pamahalaan sa ngayon dahil sa


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_______________________________________________________________
3. Malaki ang nagawang tulong sa aming barangay ng ating pamahalaan gaya ng
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Mga Sanggunian:
Barrientos Gloria P., Capiña Estelita B., Pilipinas: Bansang Malaya 2000, SD Publishing
House, Inc. G. Araneta Avenue, cor. Ma. Clara St. 1107 Quezon City, Phillippines
Capiña Estelita B., Palu- Ay Alvenia P., Bansang Papaunlad 2000, SD. Publishing House Inc.,
Gregorio Araneta Avenue, cor. Maria Clara Street, Quezon City Philippines

7
8
TEACHER- III
APRISINIA D. ALBOROTE
Inihanda ni:
Pagsasanay 1: Pagsasanay 2:
1. A 6. B 1. DEMOKRASYA
2. A 7. A
2. ESTADOS UNIDOS
3. D 8. B
4. D 9. D 3. PAMAHALAANG MILITAR
5. B 10. C 4. THOMASITE
5. BANDOLERO
Pagsasanay 3:
MGA PAGBABAGONG NAGANAP
1. Naitatag ang Korte Suprema 1. Napagtibay ang Batas Sedisyon
2. Naitatag ang pamahalaang municipal 2. Napagtibay ang Batas Panunulisan
3. Pagsagawa ng halalan sa Baliwag, Bulacan 3. Napagtibay ang Batas ng Sona
4. Pagbukas ng mga paaralang bokasyonal 4. Batas ng Bandila
5. Pagtatag ng paaralang pampubliko sa Pilipinas 5. Panukalang Batas Blg.48
6. Pagbukas ng mga paaralang bokasyonal 6. Paggamit ng local na diyalekto
Pagsasanay 4 : Pagsasanay 5:
1. katotohanan 1. e
2. katotohanan 2. b
3. katotohanan 3. a
4. palagay 4. c
5. katotohanan 5. d
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like