You are on page 1of 25

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________

Pangalan ng Guro: ________________________


Module Code: PASAY-AP6-Q2-W1-01

DEPARTMENT OF EDUCATION - NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikalawang Markahan / Unang Linggo/ Unang Araw

MELC: Nasusuri ang uri ng pamahalaan at patakarang ipinatupad mga sa


panahon ng mga Amerikano
LAYUNIN: Natatalakay ang uri ng pamahalaan at patakarang pinairal ng
Amerika sa panahon ng pananakop sa bansa.

PANIMULANG IMPORMASYON

Noong Disyember 21, 1898, sinabi ni Pangulong William Mc Kinley sa kongreso ng America
ang patakarang Benevolent Assimilation na nagsasaad na : Ang Pilipinas paunlarin, sanayin sa
kabihasnan, turuan at hasain sa agham ng sariling pamamahala.” Nais din nilang iangat ang
ekonomiya at linangin ang pagsasarili ng bansa,

Ang patakarang Makataong Asimilasyon ay may mga sumusunod na simulain:


1. Pagpapahayag ng pagsakop sa buong kapuluan.
2. Pagtatatag ng isang pamahalaang naaayon sa pamahalaan ng America
3. Pagkilala sa mga karapatan ng mga mamamayan
4. Pagbabawal sa mga gawaing mapagsamantala sa mga Pilipino.
ito ang kauna-unahang opisyal na patakaran ng America na pinairal sa Pilipinas. Ito din ang
nagsilbing patnubay sa pamahalaang militar ng bansa.

Ang Pamahalaang Militar

Nang bumagsak ang Maynila kamay ng mga Amerikano ay minadali ni Pangulong Mc Kinley,
bilang katas-taasang pinuno ng Sandatahang Lakas ng United States na ilagay ang siyudad sa ilalim
ng pamahalaang militar sapagkat magulo pa ang kalagayan at nagangailangan ng pamahalaang
makakalutas ng suliranin sa lalong madaling panahon . Itinalaga ni Pangulong Mc Kinley si Heneral
Wesley Merrit, ang puno ng sandatahan lakas ng United States sa Pilipinas na maging gobernador
militar noong Agosto 26, 1898.

Si Heneral Wesley Merrit ay nagtaglay ng tatlong (3) kapangyarihan ng pamahalaan, ang


tagapagpaganap, tagapagbatas at tagapaghukom. Pati ang mga humalili sa kanya na sina Heneral
Otis (1898-1900) at Heneral Mac Arthur (1900-1901) ay nagtaglay din ng katulad ng kapangyarihan.

Nang itatag ang hukuman ay inalis ang kapangyarihan ng hudisyal o tagapaghukom sa


kamay ng gobernador militar at ng itatag ang Komisyon ng Pilipinas noong Setyembre 1900 ay inalis
naman ang kapangyarihang lehislatibo o tagapagbatas . Nang pasinayaan si William Howard Taft
bilang gobernador sibil ng Pilipinas ay inalis ang kapangyarihang ehekutibo o tagapagpaganap sa
gobernador militar. Sa mga bahagi ng bansa na hindi pa sumusuko sa mga Amerikano ang ibang
mga Pilipino, nanatili ang kapangyarihang ehekutibo sa goberdador militar. Sa pook ng mga Moro
ang kapangyarihang ito ay nanatili sa kanya hanggang 1914. Ang pamahalaang militar ang naging
tagapamayapa ng bahagi ng bansa na ayaw kilalanin ang Estados Unidos at ito din ang naging
pundasyon ng planong pamahalaang sibil.

Page 1 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________

Ang Pamahalaang Sibil

Upang mailipat ang pamamahala sa Pilipinas sa kamay ng mga sibilyan ay pinagtibay ng


kongreso sa Susog Spooner ni Senador Johyn C. Spooner ng Wisconsin sa badyet ng hukbo
na nagtatadhana ng pagtatatag ng Pamahalaang Sibil sa bansa. Dahil dito ang pamamahala ng
military na Amerikano sa Pilipinas at winakasan at inilipat sa Kongreso;

Umiral ang pamahalaang sibil sa bansa noong Hulyo 4, 1901 at si William Howard Taft
ang unang gobernador sibil. Ang kapangyarihang ehekutibo ay inilipat sa kanya. Bukod sa
pagiging gobernador sibil siya rin ay tagapangulo pa rin ng Komisyon sa Pilipinas, na siyang
lehislatibo. Noong ika-6 ng Pebrero, 1905, ang titulong gobernador sibil ay pinalitan ng
gobernadora heneral.

Mga Pilipinong Naitalaga upang Manungkulan sa Pamahalaang Hawak ng United States

1. Cayetano Arellano – itinalagang Punong Mahistrado sa Kataas-taasang Hukuman .Unang


Pilipinong naluklok sa mataas na tungkulin.

2. Pardo de Tavera, Benito Legarda at Jose Luzuriaga – Nahirang na kasapi ng Komisyon

3. Gregorio Araneta – nahirang na Kalihim ng Pananalapi at Katarungan . Kinilala bilang kauna-


unahang Pilipino na namuno sa Kagawarang Pampangasiwaan.

Sinikap ni Taft na isaayos ang kabuhayan ng bansa.

$ Ang Kongreso ng America ay naglaan ng $3,000,000 bilang tulong sa Pilipinas dahil sa


pinsala ng Digmaang Pilipino-Amerikano na naging sanhi ng paglaganap ng gutom. at
sakit.
 Inasikaso niya na bawiin sa simbahan ang malawak na lupaing pag-aari ng mga prayle
upang maibigay sa mga magsasaka.
 Sa pamamagitan ng pahulugan, ipinagbili ni Taft ang mga lupaing ito sa mga magsasakang
nangungupahan ng lupang sinasaka.

“Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino,” mga katagang ipinahayag ni Taft na higit pang
nagpalapit sa loob ng mga Pilipino sa kanya at dahit dito madaling nahikayat ang maraming
Pilipino na makiisa sa bansang America.

Karagdagang Sanggunian sa Pag-aaral


Kayamanan 6 Batayan at Sanayang Aklat
Lakbay ng Lahing Pilipino 6 (2009)

HANDA KA NA BA?

Malinaw na ba sa iyo ang aralin? . Kung ikaw ay handa na, simulan mo na ang iyong
pagsasanay.

Page 2 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________

PAGSASANAY 1

Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad at Mali kung hindi sa
mga sumusunod na pangungusap.

_____ 1. Sa Makataong Asimilasyon, ang Pilipinas ay nais paunlarin,


sanayin sa kabihasnan, turuan at hasain sa agham ng sariling
pamamahala.
_____ 2. Si Wesley Meritt ang kauna-unahang Gobernador heneral na
namuno sa Pamahalaang Militar sa Pilipinas.

_____ 3. Nasa pamamahala ng ng gobernador militar ang tatlong (3)


kapangyarihan ng pamahalaan, ang tagapagpaganap, tagapagbatas at
tagapaghukom.

_____ 4. Noong itinatag ang Komisyon ng Pilipinas noong 1900, inalis ang
kapangyarihang lehislatibo o tagapagbatas sa gobernador militar.

_____ 5. Si William Howard Taft ang kauna-unahang naitalangang


gobernador sibil ng Amerika sa Pilipinas.

_____ 6. Ang Susog Spooner ang naging hudyat ng pagtatag ng


pamahalaang Sibil at pagwawakas ng pamahalaang Militar sa Pilipinas.

_____ 7. Ang lahat ng katungkulan ay hinawakan ng mga Amerikano at di


kailanman nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino sa pamahalaang
sibil.

_____ 8. Si Cayetano Arellano ang kauna-unahang naitalagang Punong


Mahistrado sa Kataas-taasang Hukuman.

_____ 9. Naglaan ng $5,000,000 ang Konreso ng America sa panahon ng


Pamahalaang Sibil bilang tulong sa Pilipinas.

_____ 10. Naniwala si Taft na ang Pilipinas ay para sa mga Amerikano, kaya
napaliapit ang mga Pilipino sa kanya.

Page 3 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________

PAGSASANAY 2
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng mga paliwanag sa Hanay A. Isulat ang
letra ng sagot sa nakalaang guhit bago ang mga bilang.
Ang unang anyo ng pamahalaang itinatag ng
_____ 1. A. Susog Spooner
mga Amerikano sa Pilipinas
Siya ang kauna-unahang hinirang na
_____ 2. B. Militar
gobernador militar sa bansa.
Siya ang kauna-unahang gobernador sibil na
_____ 3. C. Cayetano Arellano
Amerikano sa bansa.
Siya ang kauna-unahang naitalagang
_____ 4. Pilipinong punong mahistrado sa Kataas- D. Wesley Meritt
taasang Hukuman.
Ito ang nagtadhana ng pagtatatag ng
_____ 5. E. Willian Hoaward Taft
Pamahalaang Sibil sa bansa

ISAISIP

Ang patakarang Benevolent Assimilation o Makataong Asimilasyon ang


kauna-unahang opisyal na patakaran ng America na pinairal sa Pilipinas.

Nagtatag ng Pamahalaang Militar sa Pilipinas na kung saan si Wesley Meritt


ang gobernadora military.

Itinatag ang pamahalaang sibil ayon sa Susog Spooner at itinalagang


gobernador sibil si William Howard Taft.

PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang kauna-unahang pamahalaan na itinatag ng mga Amerikano sa Pilipinas ay ang


______.
A. militar B. sibil C. monarkiya D. republika

2, Alin ang HINDI nakasaad na simulain sa patakarang Makataong Asimilasyon ng


Amerika na siyang patnubay ng pamahalaang militar?
A. Pagpapahayag ng pagsakop sa buong kapuluan.
B. Pagkilala sa mga karapatan ng mga mamamayan
C. Pagbabawal sa mga gawaing mapagsamantala sa mga Pilipino
D. Pagtatatag ng isang pamahalaang naaayon sa pamahalaan ng Pilipinas

Page 4 of 25
3. Ang gobernador heneral na namuno sa pamahalaang militar ay nagtataglay ng
tatlong kapangyarihan. Alin ang hindi kabilang sa kapangyarihan?
A. gobernador heneral C. hudisyal o tagahukom
B. ehekutibo o tagapagganap D. lehislatibo o tagapagbatas
4. Nagkaroon ng pagbabago ng kapangyarihan ng gobernador heneral noong 1900.
Nang itatag ang Komisyon ng Pilipinas inalis ang kapangyarihan ng ______.
A. ehekutibo C. lehislatibo
B. hukuman D. hukuman
5. Nagwakas ang pamahalaang military at pinalitan ng pamahalaang sibil dahil na rin sa
mungkahi ng _________.
A. Komisyong Schurman C. Komisyong Taft
B. Makataong Asimilasyon D. Susog Spooner
6. Siya ang kauna-unahang naitalagang gobernador sibil sa Pilipinas.
A. Arthur Mac Arthur Jr. C. Elwel Otis
B. Willian Taft D. Wesley Merit
7. Bukod sa tagapangulo ng Komisyon ng Pilipinas, ibinalik ang kapagyarihan sa
gobernador sibil ang _______.
A. ehekutibo C. lehislatibo
B. hukuman D. hudisyal
8. Si William Howard Taft ay isinakatuparan ang polisiyang “ Para sa mga Pilipino ang
Pilipinas” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ihanda ang mga Pilipino para sa mga Amerikano.
B. Ihanda ang mg Amerikano para sa mga Pilipino.
C. Ihanda ang mga Pilipino para sa sariling pamahalaan.
D. Maging malaya nang tuluyan ang mga Pilipino.

9. Maraming nagawa ang Komisyong Taft sa Pilipinas mula noong Hulyo 4, 1901 at isa
sa sinikap niyang gawin ay _______.
A. Bawiin ang lupaing pagmamay-ari ng mga prayle at ibingay sa mga magsasaka.
B. Humingi ng pondo sa Kongreso ng Amerika sa halagang limang milyong dolyar
C. Ipinairal ang “Ang Pilipinas ay para sa Amerika”
D. Pagbayad nang malaki ang mga magsasakang nangungupahan
10. Nabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng katungkulan ang mga Pilipino sa sa
pamahalaan noong panahon ng mga Amerikano gaya nina Cayetano Arellano,
Gregorio Araneta at iba pa upang _____.
A. patunayan ang kakayahang makapagsarili.
B. patunayan na mas magaling ang mga Pilipino kaysa sa mga Amerikano.
C. makilala a ng mga Pilipino sa Amerika.
D. wala nang gagawin ang gobernador.
____________________________________________________________________________
Sanggunian:
1. Rama, Michael DC et al, Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap EdCrisch International, Inc Makati City,
2006, pahina 188-192
2. Encabo, M. P. et al Pilpinas 6 Sa ikadalawaput Isang Siglo ( Serye ng Araling Panlipunan) The Bookmark Inc.
Makati City,
4. Pilipinas: Isang sulyap at Pagyakap
3. AP 6 Activity Sheets

Inihanda ni:
ROWENA R. JUNIO
Jose Rizal Elementary School

Page 5 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________
Module Code: PASAY-AP6-Q2-W1-02

DEPARTMENT OF EDUCATION - NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikalawang Markahan / Unang Linggo /Ikalawang Araw

MELC: Nasusuri ang uri ng pamahalaan at patakarang ipinatupad mga sa


panahon ng mga Amerikano
TIYAK NA LAYUNIN: Natatalakay ang patakaran sa politika at ekonomiya na
ipinatupad sa panahon ng Amerikano.
.

PANMULANG IMPORMASYON
Ang unti-unting pagsasalin ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas ng kapangyarihang
mamamahala sa mamamayang Pilipino ay tinawag na Pilipininasyon. Ang pagsassakatuparan ng
patakarang ito ay pinamunuan ni Gobernador Francis Burton Harrison. Ibingay ni Harrison kina
Quezon at Osmeña ang ilan niyang tungkulin sa pamamahala.

Patakaran sa Politika

Hindi naging madali sa mga Amerikano na pamahalaan ang mga Pilipino dahil nahahati ito
sa dalawang pangkat, ang pangkat ng mga maka-Amerikano at ng pangkat laban sa mga
Amerikano.
1. Maka-Amerikanong Pangkat – Ang pangkat na handang yumakap sa pamahalaang
Amerikano o ang tinatawag na Federalista, Ang naging tagapagtaguyod ng pangkat na ito ay si
Dr. Trinidad Pardo de Tavera. Itinaguyod ng kanilang pangkat ang lubusang pagtanggap sa
kulturang Amerikano. Ikinampanya nila na gawing estado ng Amerika ang Pilipinas at ipinalagay
na sila ay tunay na Amerikano.
2. Pangkat laban sa Amerika o Nacionalista – Ito ay pinamunuan nina Cecilio Apostol at
Macario Sakay bago binitay ang huli. Itinguyod nila ang lubusang pagsasarili ng mga Pilipino.
Dahil sa magandang plataporma nitong kasarinlan, nanatiling malakas ang nabanggit na partido.
Ang ilan sa grupong naitatag ay ang Partidong Independista Immediadista, na pinamunuan
nina Macario Adriatico, Manuel Luis M. Quezon, Sergio Osmeña Teodoro Sandiko, at Isauro
Gabaldon na kilalang mga radikal na nasyonalista. Mula sa hanay ng mga tinatawag na
konsertbatibong nasyonalista, napabilang sina Felipe Agoncillo Rafael Palma, Leon Ma. Guerrero
at Pablo Ocampo na bumuo ng Union Nacionalista.
Kung titingnan sa kabuuan, ang politika ay nagkaroon ng ayon at laban sa mga Amerikano.
Kung hindi man lubusang umayon ang mga Pilipino sa patakarang pampulitika ng mga Amerikano
naging maganda naman ang kanilang patakarng pang-ekonomiya.

Patakaran sa Ekonomiya

Nagkaroon ng malaking pagbabago ang ekonomiya ng Pilipinas sa pamamahala ng mga


Amerikano bunga ng Free Trade Policy. Noong 1909, nagbigay ng pahintulot ang Batas Payne-
Aldrich upang maging malaya ang palitan ng kalakal ng Amerika at Pilipinas.
Itinatag ang Philippine National Bank sa panahon ng mga Amerikano. Ito ay naglalayong
tulungan ang mga Pilipinong naghahangad na mamuhunan sa kalakalan. Isang malakas na
pagkakakitaan nang panahong iyon ang pagluluwas at pag-aangkat ng mga produkto. Bagama’t
may limitasyon ng pagluluwas ng mga Pilipino ng kanilang mga produkto tulad ng bigas, naging
malaya naman ang mga Amerikano sa pagluluwas ng kanilang mga produkto sa Pilipinas. Dahil
hindi naging patas ang pagluwas ng mga produkto sa pagitan ng mga Amerikano at Pilipino,
inalis ang control sa palitan ng kalakal sa pamamagitan ng Simmons Underwood Tarrif Act.
Page 6 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________

Dahil sa pagkakaalis ng kontrol ng palitan ng kalakalan, ang sumusunod ang mga


positibong ibinunga:

1. Pinalaganap ang sistemang patubig sa mga bukirin.


2. Iba’t ibang imprastruktura ang isinagawa tulad ng tulay at kasada.
3. Maraming lokal na kalakalan ang umunlad.
4. Maraming pagawaan ang inilunsad.
5. Pinaunlad ang industriyalisasyon ng pagmimina ng mga likas na yaman.
6. Pinasigla ang pagtotroso.
7. Pinaunlad ang larangan ng transportasyon.

 Nagpagawa ng mga tulay, daan riles ng tren daungan at paliparan.


 Nagkaroon ng iba’t ibang uri ng sasakayan tulad ng kotse, trak, tren, bapor at eroplano.
Panlupa

 1903.- dinala ang unang automobil sa bansa


 1905- ang dating hinihilang kabayong trambiya ay napalitan ng trambiyang pinatatakbo ng
elektrisidad na pinasimulan ng MERALCO
 Nadagdagan ang riles ng tren noong 1930 ng buksan ang Bicol Express na nag-uugnay
ng Maynila at Timog Katagalugan. Bumilis ang paglalakbay ng mga tao at napadali ang
pagluluwas ng mga kalakal.
Pantubig

 pagkakaroon ng mga daungan, parola at breakwater at isa sa mga unang batas ng


Komisyon ng Pilipinas ay ang pagbubukas ng 196 na daungan sa bansa.
 maraming modernong daungan o pier ang nabuksan at isa na rito ang Pier 7 sa Maynila
na sinasabing isa sa pinakamalaking daungan sa Silangan.
Panghimpapawid

 Noong 1935, mula California, lumapag sa Cavite ang China Clipper Ng Pan American
Airways. Ito ang nagpasimula ng paglalakbay sa Pilipinas at United States sa
panghimpapawid.

8. Pinalawak ang sistema ng komunikasyon.

 Ang mga makabagong kagamitang pangkomunikasyon ay dumami tulad ng radio, linya ng


telepono, koreo, at wireless telegraph sa bansa.
 Noong 1933, itinatag ang serbisyo ng radiophone na nag-uugnay sa Pilipinas at sa ibang
lungsod sa daigdig.
 Paggamit ng radyo bilang isang paraan ng paghahatid ng mga balita o pakikipagkomunikasyon.
1939 - nagkaroon ng apat na pribadong istasyon ng radyo sa bansa (KZRM, KZRH, at KZRF sa
Maynila, at KZRC sa Cebu.
 Noong 1902, itinatag ang Kawanihan ng Koreo na namahala sa paghahatid ng sulat,
telegrama at money order at ang bawat munisipyo ay may tanggapan ng koreo.
 Paggamit ng radyo bilang isang paraan ng paghahatid ng mga balita o pakikipagkomunikasyon.
1939 - nagkaroon ng apat na pribadong istasyon ng radyo sa bansa (KZRM, KZRH, at KZRF sa
Maynila, at KZRC sa Cebu.
 Ang paghahtid ng balita at sulat sa bansa at sa ibayong dagat ay bumilis.
 Nagdulot ito nang mabilis na pakikipagbalitaan at pakikipagtalastasan.

HANDA KA NA BA?

Malinaw na ba sa iyo ang aralin ngayon? Kung ikaw ay handa na, simulan mo na ang iyong
pagsasanay.Galingan mo!

Page 7 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________
PAGSASANAY 1
Panuto: Piliin kung anong pangkat nabibilang ang bawat isa. Isulat sa nakalaang
linya bago ang bilang ang letra ng tamang sagot.

A. Maka-Amerikanong Pangkat
B. Pangkat Laban sa Amerika

_____ 1. Ito ay tinawag ding Federalista


_____ 2. Ito ang pangkat na tinawag ding Nacionalista.
_____ 3. Itinaguyod ng mga kasapi nito ang lubusang pagsasarili ng mga Pilipino.
_____ 4. Itinaguyod nila ang lubusang pagtanggap sa kulturang Amerikano.
_____ 5. Ikinampanya nila na gawing estado ng Amerika ang Pilipinas .
PAGSASANAY 2
Panuto: Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ang ang dahilan ng malaking pagbabago sa ekonomiya ng Pilipnas sa pamamahala


ng mga Amerikano.
A. Batas Payne-Aldrich B. Free Trade Policy C. Simmons Underwood Tarrif Act
2. Ang batas na ito ang nagbigay ngn pahintulot upang maging malaya ang palitan ng
kalakal sa pagitan ng Amerika at Pilipinas ngunit may takdang dami o quota.
A. Simmons Underwood Tarrif Act B. Free Trade Policy C. Batas Payne-Aldrich
3. Ito ang nag-alis ng kontrol o quota sa palitan ng kalakal o produkto ng dalawang bansa.
A. Free Trade Policy B. Batas Payne-Aldrich C. Simmons Underwood Tarrif Act
4. Ito ay itinatag upang tulungan ang mga Pilipinong nagnanais na mamuhunan sa
kalakalan.
A. Development Bank of the Phils.
B. Land Bank of the Philippines
C. Philippine National Bank
5. Ito ang paglalarawan sa naganap na kalakalan sa pagitan ng Pilipino at Amerikano sa
ilalim ng malayang kalakalan.
A. makatarungan B. hindi patas C. patas
PAGSASANAY 3
Panuto: Tukuyin kung ang pag-unlad ay sa transportasyon o komunikasyon. Isulat sa
loob ng kahon ang T para sa transportasyon at K kung sa komunikasyon.
1. Paggamit ng telepono, walang kawad na telegrapo (wireless telegraph) at
radiophone
2. Paghahatid ng liham, telegrama at salapi o money order.
3. Pagkakaroon ng mga daungan, parola at breakwater
4.Pagsimula nang dumating sa Maynila buhat sa California ang eroplanong China
Clipper ng Pan-American Airways
5. Pagpalit sa kabayong trambiya ng trambiyang pinatatakbo ng elektrisidad na
pinasimulan ng MERALCO

Page 8 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________

ISAISIP

Nagpatuad ng patakarang sa politika at ekonomiya ang mga Amerikano


sa Pilipinas .
Patakaran sa Politika – Nagkaroon ng dalawang pangkat, ang Maka-
Amerikanong Pangkat o Federalista at Pangkat ng laban sa Amerika o
Nacionalista
Nagkaroon ng mga grupong naitatag
Patakaran sa Ekonomiya – Malaking pagbabago sa ekonomiya dulot ng
Free Trade Policy
Batas Payne- Aldrich-nagbigay ng pahintulot upang maging
malaya ang kalakalan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas ngunit may
limitasyon
Simmons Underwood Tariff Act – nag-alis ng control ng palitan
ng kalakalan.
Nagkaroon ng positibong bunga ang pag-alis ng control sa
kalakalan.

PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa nakalaang guhit sa
unahan ng bilang.
___1. Bakit hindi naging madali na pamahalaan ng mga Amerikano ang mga
Pilipino sa larangan ng pulitika?
A. Lahat ng mga Pilipino ay hindi sumang-ayon sa pamamahala ng mga
Amerikano.
B. Nagkaroon ng isang malakas na pangkat na laban sa Amerika.
C. Walang sumuway sa pamamahala ng mga Amerikano.
D. Ang mga Pilipino ay nahati sa dalawang pangkat.
___2. Alin ang itinaguyod ng samahang Laban sa America na pinamunuan nina
Macario Sakay at Cecilio Apostol?
A. Ang lubusang pagsasarili ng mga Pilipino.
B. Ang lubusang pagtanggap sa kulturang Amerikano.
C. Ikinampanya na ang Pilipinas ay gawing estado ng Amerika.
C. Pagkakaroon ng iba’t ibang pangkat para labanan ang Amerika.
___ 3. Anong pangkat ang nabuo na handang yumakap sa pamahalaang
Amerikano?
A. Partido Independista Immediadista.
B. Maka-Ameriaknong Pangkat
C. Pangkat Laban sa America
D. Union Nacionalista

Page 9 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________
___ 4. Alin ang nagawa ng Batas ng Panye-Aldrich ukol sa malayang kalakalan?
A. Nagtakda ng bayad para sa buwis ng mga kalakal
B. Tinanggal ang quota ng kalakal papuntang Estados Unidos.
C. Tinanggal ang buwis ngunit nagtakda ng takdang dami ng kalakal
D. Maging malaya ang palitan ng kalakal ang Amerika at Pilipinas ngunit may
limitasyon.
___ 5. Alin ang naglalarawan ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa Batas
Payne-Aldrich?
A. May limitasyon o quota ang pagluluwas ng produkto ng mga Pilipino.
B. Lahat ng produkto ay maaring iluwas ng mga Pilipino sa kalakalan.
C. May quota din ang produktong iniluluwas ng Amerika sa Pilipinas.
D. Malayang makipagkalakalan lamang ang mga pangkat na maka-Amerikano.
___ 6. Anong nagawa ng batas na Simmons Underwood na nagbunga ng mas
mataas ang kita ng Pilipinas?
A. Tinanggal ang kontrol ng lahat ng produktong iniluluwas sa Amerika
B. Tinanggal ang kontrol para sa, tabako at abaka lamang.
C. Tinanggal ang bayad ng buwis para sa lahat ng produkto
D. Tinanggal ang taripa ng mga produkto galing Amerika
___ 7. Ano ang itinatag upang matulungan ang mga Pilipinong mangangalakal?
A. bangko B. koreo C. paliparan D. riles
___ 8. Ang isang ibinunga ng pag-alis ng kontrol sa palitan ng kalakalan ay ang pag-
unlad ng larangan ng transportasyon. Alin ang nagpasimula ng paglalakbay sa
Pilipinas at United States sa panghimpapawid.?
A. Ang pagbukas ng Pier 7 sa Maynila.
B. Ang pagdala ng automobile ds bansa
C. Ang paglapag ng China Clipper ng Pan American Airways.
D. Ang paglalagay ng mga riles ng tren gaya ng Bicol Express.
___ 9. Alin ang nagpapakita ng pinaunlad na Sistema ng komunikasyon?
A. Itinatag ang Kawanihan ng Koreo.
B. Nagkaroon ng iba’t ibang uri ng sasakayan tulad ng kotse, tren, at bapor
C. Pinalaganap ang sistemang patbig sa mga bukirin.
D. Pagpapasigla ng pagtotroso.
___ 10. Alin ang naglalarawan ng patakarang pulitika at ekonomiya na pinatupad ng
mga Amerikano?
A. Mayroong mga umayon at laban sa mga Amerikano ngunit umunlad naman
ang ekonomiya.
B. Parehong matagumpay ang mga patakarang ipinatupad ng mga Amerikano.
C. Hindi nagtagumpay ang mga patakarang ipinatupad ng mga Amerikano sa
Pilipinas.
D. Sumang-ayon ang mga Pilipino sa mga patakarang ipinatupad ng mga
Amerikano para sa mga Pilipino.
_________________________________________________________________
Sanggunian:
1. Rama, Michael DC et al, Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap Araling Panlipunan EdCrisch International, Inc Makati City, 2006p.
193-194
2. Dimayuga, T. F. et al, Isang Bansa Isang Lahi 5, Vibal Pub House Q.C. Phils.
3. Encabo, M.P. et al, (2017), Pilpinas 6 Sa Ikadalawaput Isang Siglo (Serye ng Araling Panlipunan) p. 120-121
4. AP 6 Activity Sheets
Inihanda ni:
ROWENA R. JUNIO- Jose Rizal ES

Page 10 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________
Module Code: PASAY-AP6-Q2-W1-03

DEPARTMENT OF EDUCATION - NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikalawang Markahan / Unang Linggo /Ikatlong Araw

MELC: Nasusuri ang uri ng pamahalaan at patakarang ipinatupad mga sa


panahon ng mga Amerikano
TIYAK NA LAYUNIN: Naipaliliwanag ang patakaran sa edukasyon at kalusugan na
ipinatupad sa panahon ng mga Amerikano

PANIMULANG IMPORMASYON

Act No. 74 na ipinalabas ng Philippine Commission noong Enero 21, 1901


 Isang pampublikong sistema ng edukasyon
ang ipinairal ng mga Amerikano
 Libreng pag-aaral sa mga paaralang nagbibigay
ng primaryang edukasyon
https://wwh.4undes.com/
 Mga asignatura sa klase ay pagbasa, pagsulat,
arithmetika at wikang Ingles
Tatlong layunin ng edukasyon noong panahong Amerikano
1. Para palaganapin ang demokrasya
2. Sanayin ang mga Pilipino na maging malaya at nagsasariling
mamamayan https://wwh.4undes.com/
3. Ituro ang wikang Ingles
Ang unang paaralan ay itinayo sa isla ng Corregidor

Ang mga sumusunod ay bibigyan diin o atensiyon:


1. Wikang Ingles
2. Demokratikong paraan ng pamumuhay
3. Kulturang Amerikano
4. Ipinagbawal ang pagtuturo ng relihiyon

Sundalong Amerikano - ang unang guro ng mga Pilipino


Thomasites - mga gurong Amerikano na dumating lulan ng US Army Transport na Thomas
Mga paaralang itinatag ng mga Amerikano
 Elementarya Bokasyonal
 Sekundarya pansakahan
 Pangkolehiyo pangangalakal
Mga Unibersidad at Kolehiyong binuksan
 1901 - Philippine Normal School – itinayo upang sanayin na maging guro ang mga Pilipino
 1901 – Siliman University 1908 – Unibersidad ng Pilipinas
 1907 – National University 1919 – Philippine Womens University
 1907 - Centro Eskolar University 1933 - Far Eastern University

1930- nilikha ang Kagawaran ng Edukasyon upang pangasiwaan ang lahat ng paaralan at ang unang
director ng Kagawaran ay si Dr. David H. Burrews.

Page 11 of 25
Mga Kabutihan ng Pagkatatag ng mga Paaralan, Kolehiyo at Unibersidad
 Maraming Pilipino ang nakapag-aral.
 Ang mga Pilipinong may natatanging talino ay ipinadala sa Estados Unidos bilang iskolar at
tinawag silang pensionado dahil ang pamahalaan ang gumastos para sa kanilang pag-aaral.
Kabilang ditto sina Jose Abad Santos, Francisca Benitez, Honoria Acosta Sison, Jorge Bocobo at
Francisco Delgado.
 Nakapag-aral din ang mga di-Kristiyano sa Bulubunduking Lalawigan at Mindanao.
 Ang mga nakapag-aral ay nagkaroon ng pagkakataong umunlad ang buhay, makilala at
tuluyang nalayo sa kanilang kababayan sa kanayunan.

Dahil sa maka-Amerikanong edukasyon, lumaganap ang kulturang Amerikano sa prosesong


tinawag na Amerikanisasyon. Nabuo ang kaisipang kolonyal at nahilig sa imported.

Kalagayang Pangkalusugan ng mga Pilipino sa Panahon ng Amerikano

Noong 1902 sa panahon ng Amerikano sa bansa lumitaw ang mga sakit na kolera, bulutong,
ketong at tuberkulosis.

1901- ang Lupon ng Publikong Kalusugan ay nilikha upang mapabuti ang kalusugan ng mga
Pilipino.

1. Nagpatupad ng ibat-ibang paraan ang mga kawani ng kalusugan upang hindi kumalat ang
epidemya ng kolera

 Binantayan ang mga lugar na apektado at inihiwalay ang mga taong may kolera sa
pamamagitan ng quarantine o pansamantalang pagbubukod ng mga taong ay nakakahawang
sakit
 Ibinabad sa isang solusyon ang kanilang mga damit at iba pang gamit.
 Ipinatapon ang mga pagkaing nakahanda sa mga lugar na apektado.
 Sinunog ang mga bahay upang hindi kumalat ang sakit.
 Ang mga trak ng bumbero ay regular nagsasaboy ng disinfectant sa mga tahanan at mga pook
pampubliko
2. Namigay ng mga leaflet at iba pang impormasyon upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit.
3. Ang Kagawaran ng Sanitasyon at Transportasyon ay nagpatupad ng panuntunang para sa kalinisan
ng kapaligiran at kalusugan.
 Paglilinis ng mga kalye at kanal.
 Pagtatapon ng mga basura sa bahay sa mga patay na hayop nang tama.
 Pangangalaga sa mga katayan ng hayop at palengke.
 Pangangalaga nang tama sa sementeryo.
4. Nagpatayo ng mga klinika, ospitaL at sentrong pangkalusugan sa ibat-ibang lugar na may libreng
paglilingkod medikal
 Ipinatayo ang Philippine General Hospital noong 1910

5. Nagkaroon ng institusyong pagkawanggawa para sa mga ulila at bahay-ampunan para sa


kabataang naliligawa ng landas, walang mga magulang at dalagang ina.

6. Itinuro ang makabagong paraan ng paggagamot.

Mga Pagbabago ng Dulot ng Pagsugpo ng Sakit


 Natuto ng wastong pag-uugali sa kalinisan sa sarili at pagkain.
 Nasugpo ang mga sakit na nakahahawa ng mga gamot.

Karagdagang Sanggunian sa Pag-aaral


Lakbay ng Lahing Pilipino 6 (2009)
Xiao Time: Ang Thomasites at ang edukasyong ibinigay ng mga Amerikano
https://www.youtube.com/watch?v=Gt1Kw2E94_8
Kayamanan 6 Batayan at Sanayang Aklat
Lakbay ng Lahing Pilipino 6 (2009)

Page 12 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________

HANDA KA NA BA?
Kung ikaw ay handa na, maaari mo ng sagutan ang mga pagsasanay sa
modyul na ito

PAGSASANAY 1
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat isa. Piliin at bilugan ang letra ng tamang
sagot.
1. Anong wika ang sapilitang itinuro ng mga Amerikano sa mga mag-aaral na Pilipino?
A. Espanyol B. Hapon. C. Ingles D. Tagalog

2. Bakit itinatag ang Pamatasang Normal ng Pilipinas ng mga Amerikano?


A. upang makatulong sa mga Amerikano
B. upang makapili ng nais na pag-aralan ang mga Pilipino.
C. upang sanayin ang mga Pilipinong nais na maging guro.
D. upang hindi mahirapan ang mga Amerikano sa pagtutro

3. Alin ang HINDI gaanong binigyan ng pagpapahalaga sa larangan ng pagtuturo?


A. aritmetika B. pagbasa C. pagsulat D. relihiyon

4. Alin ang nagsasaad ng layunin ng edukasyong ipinakilala ng mga Amerikano sa mga


Pilipino?
A. Ituro ang relihiyon
B. Ipagpatuloy ang pamahalaang Espanyol
C. Palaganapin ang demokrasya
D. Tangkilikin ang kulturang Espanyol

5. Bakit tinawag na Thomasites ang mga naging guro ng mga Pilipino noong panahon
ng Amerikano?
A. Ang mga guro ay dumating sa bansa lulan ng US Army Transport na
Thomas
B. Lahat sila ay may pangalang Thomas
C. Madaling maalala ang pangalang Thomas
D. Thomas ang pangalan ng pinunong nagapadala sa kanila sa bansa.

PAGSASANAY 2

PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Paano mailalarawan ang kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino nang dumating


ang mga Amerikano?
A. Malulusog ang mga tao. C. Marami ang may sakit.
B. Marami ang gamot. D. Marami ang namamatay.
2. Alin sa mga nakakahawang sakit ang HINDI kasama sa mga nasugpo ng mga
Amerikano sa panahon ng kanilang pananakop?
A. bulutong B. kolera C ketong D.SARS
3. Bakit ipinatayo ang Lupon ng Publikong Kalusugan noong 1901?
A. upang may mamahala sa mga ospital.
B. upang may mag-utos sa mga dapat gawin ng mga tao.
C. upang mapabuti ang kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino.
D. upang may may katakutan ang mga Pilipino at hindi na magkasakit.

Page 13 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________

4. Alin sa mga sumusunod na ospital ang itinatag ng mga Amerikano noong 1901?
A. Ospital ng Maynila C. Philippine General Hospital
B. Pasay Genenal Hospital D. San Juan De Dios Hospital
5. Bakit nagsagawa ng hakbang ang mga Amerikano SA PAGSUGPO NG MGA SAKIT?
A. upang hindi na kumalat ang mga sakit na lumitaw?
B. Upang marami pa rin ang tumangkilik sa kanila.
C. Upang hindi na lumaganap ang sakit sa bansa.
D. Upang maipagpautloy nila ang kanilang pagsakop sa bansa.
.

Bago ipagpatuloy ang pagsagot pagtataya, tandaan mo na:

 Itinatag ng mga Amerikano ang pampublikong sistema ng edukasyon


 Mga Layunin

 Para palaganapin ang demokrasya /demokratikong paraan ng


pamumuhay
 Sanayin ang mga Pilipino na maging malaya at nagsasariling
mamamayan
 Itinuuro ang wikang Ingles
 May mabuti at di-mabuting epekto nito sa mga Pilipino
 Ang kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino sa panahon ng
mga Amerikano

 Lumitaw ang mga sakit na kolera at bulutong.


 1. Nagpatupad ng ibat-ibang paraan ang mga kawani ng kalusugan
upang hindi kumalat ang epidemya ng kolera
 2. Namigay ng mga leaflet at iba pang impormasyon upang maiwasan
ang pagkalat ng mga sakit.
 3. Ang Kagawaran ng Sanitasyon at Transportasyon ay nagpatupad ng
panuntunang para sa kalinisan ng kapaligiran at kalusugan
 4. Nagpatayo ng mga klinika, ospital at sentrong pangkalusugan sa ibat-
ibang lugar.
 5. Nagkaroon ng bahay-ampunan at institusyong pagkawanggawa..
PAGTATAYA

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat isa. Piliin at bilugan ang letra ng tamang
sagot.
1. Paano tinulungan ng pamahalaan ang mga matatalinong Pilipino?
A. Ginawa silang iskolar. C. Pinarusahan sila.
B. Inilayo sila sa bansa D. Sila ay pinagtrabaho
2. Aling batas ang nagsasaad na dapat pampublikong sistema ng edukasyon
ang pairalin sa panahon ng Amerikano?
A. Act No. 74 B. Act No. 75 .C. Act No. 76 D. Act No. 77

3. Anong uring pamumuhay ang itinuro ng mga mananakop na Amerikano sa bansa?


A. demokratiko B. mahigpit C. mahirap D. masaya

Page 14 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________
4. Paano naging mabuti para sa mga Pilipino ang sistema ng edukasyong ipinakilala
ng mga Amerikano sa Pilipinas?
A. Ipinagpatuloy ang nasimulan ng ga Espanyol.
B. Lahat ay nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral at matuto
C. Nakalimutan ang sariling kultura.
D. Tinangkilik ang kulturang Amerikano
5. Alin ang HINDI kasali sa mga epekto ng sistema ng edukasyon na dala ng mga
Amerikano sa pamumuhay ng mga Pilipino?
A. Napaunlad ang kulturang Pilipino
B. Nakalimutan ng mga Pilipino ang pagiging maka-Pilipino.
C. Nagustuhan ng mga Pilipino ang lahat ng may kinalaman sa Amerika.
D. Naging palaasa ang mga Pilipino sa mga libreng bigay ng pamahalaan
6. Paano pinahalagahan ng mga Amerikano ang kalusugan ng mga mamamayan?
A. Ipinakilala nila ang ibat ibang uri ng pagkain gaya ng keyk, ham, tsokoleyt at
iba pa.
B. Nagpatayo ng mga health centers at ospital
C. Pinag-aral ang lahat upang maging doktor at nars.
D. Pinagagtanim sila ng maraming gulay at punong prutas
7. Ano ang nilikha ng mga Amerikano upang mapabuti ang kalusagan ng mga Pilipino
noong 1901?
A. Kawani ng Kalusugan
B. Lupon ng Publikong Kalusugan
C. Opisina ng mga manggagamot
D. Samahan ng mga Doktor at Nars
8. Bakit mahalaga na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat tao?
A. Upang tumaba at matibay
B. Upang maging matalino at kahanga-hanga.
C. Upang maging maganda at matanggap sa trabaho.
D. Upang maging malusog at makapaghanapbuhay nang maayos.
9. Ano ang mangyayari kung patuloy na lumaganap ang mga nakakahawang sakit?
A. Hindi makakapaghanapbuhay nang maayos
B. Magkakahawaan ang mga tao.
C. Patuloy na gagastos nang kalaki ang pamahalaan.
D. Lahat ng A, B, C ay maaring mangyari.
10. Anong isang paraan ang ginawa ng mga Amerikano upang masugpo ang mga
nakakahawang sakit sa panahon ng kanilang pananakop?
A. Ikinulong sa isang lugar ang lahat nang may nakahahawang sakit
B. Ipinagbawal ang paglabas sa gabi
C. Ipinatupad ang pagbabawal sa pakikipag-usap sa ibang tao.
D. Itinatag ang Lupon ng Publikong Kalusugan
__________________________________________________________________
Sanggunian:
1. Alejandro, A. Q. et al, Kasaysayan at Paahalaan ng Pilipinas ph. 180-182
2. Encabo, M.P. et al, (2017), Pilpinas 6 Sa Ikadalawaput Isang Siglo (Serye n Araling Panlipunan) ph. 121-123

Inihanda ni:
ROWENA R. JUNIO
Jose Rizal Elementary School

Page 15 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________
Module Code: PASAY-AP6-Q2-W1-04

DEPARTMENT OF EDUCATION - NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikalawang Markahan / Unang Linggo /Ikaapat na Araw

MELC: Nasusuri ang uri ng pamahalaan at patakarang ipinatupad mga sa


panahon ng mga Amerikano
TIYAK NA LAYUNIN: Natatalakay ang patakaran sa lipunan , sining at
kultura sa panahon ng Amerikano

. PANMULANG IMPORMASYON

Patakaran sa Lipunan

Kilala ang mga Amerikano na tagapagataguyod ng demokrasya kaya kinilala nila ang
kalayaan ng bawat Pilipino. Bagama’t noong una ay nagpatupad sila ng mga batas na sumisikil
sa kalayaan ng mga Pilipino tulad ng Sedition Law (1901), pinairal pa rin nila ang pagkapantay-
pantay sa karapatan, panunungkulan at iba pa.

Ang Sedition Law ay isang batas na nagpaparusa ng kamatayan o matagal na


pagkakulong sa mga Pilipino sa pagsasalita , pagsusulat o pagtatangkilik sa pagsasarili at
paghihiwalay ng Pilipinas sa United States.

Narito ang impluwensiya ng mga Amerikano na iginalang ng mga Pilipino.

1. Pagpapalaganap ng iba pang uri ng relihiyon tulad ng Protestantismo at Aglipayano.


 Iba’t ibang sekta ng Protestantismo – Adventist, Episcopalian, Methodist, at Seventh Day.
 Si Gregorio Aglipay ang nagtatag ng Iglesia Filipina Indiependiente o Simbahang Aglipay
noong 1902.
2. Pagpapaunlad sa larangan ng medisina at pagpapatayo ng mga pagamutan.
 Nagkaroon ng pag-aaral sa pagsugpo ng nakahahawang sakit tulad ng kolera, tigdas, at
tuberkolosis.
3. Pagtuturo sa mga Pilipino ng larong football, baseball, bowling, volleyball, bilyar,
baraha, at gayundin ang basketbol na itinuring na pangunahing isport ng mga Pilipino.

4. Pagtangkilik at paggamit ng mga produktong Pilipino.


 Pagkain- Ang mga Pilipino ay natutong kumain ng sandwich, hamburger, hotdog, bacon,
corned beef, oatmeal, at iba pang pagkaing Amerikano.
 Pananamit – Ang mga kalalakihan ay natutong magsuot ng pantalong may sinturon at
suspender, kurbata, at polo shirt.
Ang mga kababaihan ay nagsuot ng maikling damit, palda at blusa, stockings, at
sapatos na may mataas na takong.

Page 16 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________

Sining at Kultura
.
Paano naimpluwensyahan ng mga Amerikano ang larangan ng sining at kultura ng mga
Pilipino?

1. Natuto ang mga Pilipino ng wikang Ingles. Halos lahat ng asignatura ay itinuro sa wikang ito.

 Sapilitan ang pag-aaral ng English na ginamit na wikang panturo sa mga paaralan,


opisyal na wika ng pamahalaan at wika sa mga transaksyon.

2. Naging bahagi na ng ating kasanayan ang paggamit ng wikang Ingles sa maraming


pagkakataon sa ating pang araw-araw na pakikipagtalastasan.

 Ang ilang salitang Ingles nang lumaon ay naging bahagi na ng wikang Filipino.
 Nagsimulang mawala ang mga pangalang Espanyol at napalitan ng Ingles.
 Ang gawi at paraan ng pagbati ay naging English.

3. Yumabong ang sining ng pagpipinta, arkitektura at iskultura,

 Ang mga nakilalang mahuhusay na pintor ay sina Fernando Amorsolo, Victorio Edades,
at Fabian de la Rosa. Ang kadalasang paksa ng kanilang mga ipinipinta ay ay mga
tanawin sa bukid at karaniwang pamumuhay.
 Sina Juan F. Nakpil, Juan M. Arellano, at Pablo S. Antonio ay mga nakilala sa arkitektura.
 Nakilala si Guillermo sa larangan ng paglililok

4. Sa musika at sayaw

 Naging popular ang tugtuging jazz at rock.


 Natutong sumayaw ang mga Pilipino ng foxtrot, boogie, Charleston, at rhumba.

5. Sa larangan ng Panitikan

 Naging tanyag ang mga akdang nagbigay sigla ng nasyonalismo


“Kahapon, Nagyon, at Bukas” - ni Aurelio Tolentino
“Hindi Ako Patay” – ni Juan Matapang Cruz
“Tanikalang Ginto” – ni Juan Abad
“Walang Sugat” – ni Severino Reyes
Karagdagang Sanggunian sa Pag-aaral
Kayamanan 6 Batayan at Sanayang Aklat
Lakbay ng Lahing Pilipino 6 (2009)
https://www.slideshare.net/hayunnisa_lic/pagbabago-sa-panahon-ng-mga-amerikano-1

HANDA KA NA BA?

Malinaw na ba sa iyo ang aralin ngayon? Kung ikaw ay handa na, simulan mo na
ang iyong pagsasanay.Galingan mo!

Page 17 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________

PAGSASANAY 1

Panuto: Isulat sa guhit ang larangang nagbago dulot ng pamamahala ng mga


Amerikano sa bansa.

Mga akdang gaya ng


Nakilala ang ““Tanikalang Ginto”, Naging popular ang jazz at
Protestantismo Kahapon, Ngayon at rock
_____________ Bukas” __________________
___________________
Batas na nagpaparusa ng
kamatayan o matagal na
Sapilitang itinuro sa pagkakulong sa mga Natutong magsuot ng
paaralan at ginamit na Pilipino sa pagsasalita , pantalong may sinturon at
opsyal na wika sa pagsusulat o pagtatangkilik suspender, kurbata, at
pamahalaan sa pagsasarili at maikling damit
paghihiwalay ng Pilipinas
sa United States.
______________ _____________
____________________

Nakilala dito sina Nagustuhan ang sandwich,


Natutunan ang football,
Fernando Amorsolo at hamburger, hotdog, bacon,
baseball, bowling,
Victorio Edades, corned beef, oatmeal
volleyball, bilyar, basketbol
_________________ __________________
_________________

PAGSASANAY 2

Panuto: Ipaliwanag kung paano nabago ng bawat isa ang pamumuhay ng mga
Pilipino sa pamamahala ng mga Amerikano.

1. Sapilitang pagturo at paggamit ng wikang Ingles


_________________________________________________________________

2. Pagakaing de lata
_________________________________________________________________

3. Pagpapakilala ng Protestantismo at iba pang relihiyon


_________________________________________________________________

4. Pagpapatayo ng mga hospital, klinika at pagsugpo sa mga sakit

______________________________________________________________________

5. Nakilala ang mga mahusay na manunulat


______________________________________________________________________

Page 18 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________

PAGSASANAY 3

Panuto:Pagtambalin ang pangyayari sa Hanay A sa epekto nito sa Hanay B. Isulat


ang letra sa unahan ng bilang.

Hanay A Hanay B
Malayang makapagsagawa ng
____1. Pagpapatupad ng Batas Sedition A.
pananampalataya
Pagpapalaganap ng ibang uri ng
____2. B. Sumigla ang nasyonalismo
relihiyon
Pinaunlad ang larangan ng
Umayos ang kalusugan ng mga
____3. medisina at nagpatayo ng mga C.
Pilipino
klinika
Maraming pagkain, laro, at gawi
____4. D. Nahilig sa imported o stateside
ang nagbago
Marami ang naging tanyag sa
Nasikil sa kalayaan ng mga tao sa
____5. sining-panitikan, pagguhit, at E.
pananalita at pagsulat
iskultura

ISAISIP

Maraming Pagbabago ang naganap sa pamamala ng mga Amerikano sa


Pilipinas sa iba’t ibang larangan

Patakaran sa Lipunan
Pagpapalaganap ng iba pang uri ng relihiyon tulad ng Protestantismo at
Aglipayano.
Pagpapaunlad sa larangan ng medisina at pagpapatayo ng mga
pagamutan.
Pagtangkilik at paggamit ng mga produktong Pilipino.
Sining at Kultura
Natuto ang mga Pilipino ng wikang Ingles

Naging bahagi na ng ating kasanayan ang paggamit ng wikang Ingles sa


maraming pagkakataon sa ating pang araw-araw na pakikipagtalastasan

Yumabong ang sining ng pagpipinta, arkitektura at iskultura, panitikan,

PAGTATAYA

Panuto: Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Anong batas ang ipinatupad na nagpapataw ng parusa sa mga Pilipinong


nangangampanya ng paghihiwalay ng Pilipinas sa Amerika?
A. Batas Sedition C. Batas Payne- Aldrich
B. Batas Militar D. Batas Brigansiya
2. Anong bagong ang relihiyon na ipinakilala sa mga Pilipino?
A. Baptist C. Iglesia Filipina Indienpendente
B. Adventist D. Seventh Day Adventist

Page 19 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________

3, Sinong Pilipino ang nagtatag ng Iglesia Filipina Indiependiente?


A. Wesley Merit C. William Taft
B. Gregorio Aglipay D. Padre Damaso
4. Bakit nasugpo ang mga sakit na kolera, tigdas, at tuberkolosis?
A. Pinatapon ang lahat ng may sakit.
B. Ipinasunog ang mga taong may sakit.
C. Ipinasama sa Espanya ang mga Pilipinong may sakit.
D. Nagpatayo ng mga hospital at pinaunlad ang medisina.
5. Anong wika ang sapilitang itinuro at ginamit sa sa pamahalaan?
A. Espanyol B. Ingles C. Filipino D. Tsino
6. Alin ang HINDI epekto ng sapilitang paggamit ng wikang Ingles sa mga Pilipino?
A. Ang ilang salitang Ingles naging bahagi na ng wikang Filipino.
B. Nagsimulang nabago pangalang Espanyol at napalitan ng Ingles.
C. Ang gawi at paraan ng pagbati ay naging English.
D. Mas lalong minahal ang wikang pambansa.
7. Alin ang bunga ng pagpapakilala ng mga Amerikano ng iba’t ibang pagkain at
kagamitan?
A. Naging mahilig sila sa imported.
B. Pinaigting ang pagmamahal sa bayan.
C. Iwinaksi ang mga dala ng mga Amerikano.
D. Pinagbuti ng mga Pilipino ang kanilang pananim.
8. Maramimg Pilipino ang nakilala sa panahong ito sa pagpipinta, paglililok, at
pagsusulat. Ano ang ipinapahiwatig nito?
A. Ang mga Pilipino hindi malaya na ipakita ang galling.
B. Naipamalas ng mga Pilipino ang kanilang angking galling.
C. Mahihina nag mga Pilipino.
D. Walang lakas ang mga tao.
9. Alin ang napasigla dahil sa galing sa pagsusulat ng mga tula at nobela gaya ng
Tanikalang Ginto at iba pa ng mga manunulat na Pilipino?
A. sumigla ang kalakalan C, sumigla ang nasyonalismo
B. sumigla ang pagkakaibigan D. lumakas ang kita ng mga tao
10. Alin ang naglalarawan sa pamumuhay ng mga Pilipino dulot ng mga pagbabago sa
lipunan dala ng mga Amerikano?
A. Nahilig sa stateside C. Bumaba ang pagtingin sa kultura
B.Nagbago ang paningin sa sarili D. Lahat ay tama

____________________________________________________________________________
Sanggunian:
1. AP 6 Activity Sheets
2. Encabo, M.P. et al, (2017), Pilpinas 6 Sa Ikadalawaput Isang Siglo (Serye ng Araling Panlipunan) ph. 123-124
3. Rama, Michael DC et al, Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap Araling Panlipunan EdCrisch International, Inc Makati
City, 2006p. 194-195

Inihanda ni:

ROWENA R. JUNIO
Jose Rizal Elementary School

Page 20 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________
Module Code: PASAY-AP6-Q2-W1-05

DEPARTMENT OF EDUCATION - NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikalawang Markahan / Unang Linggo /Ikalimang Araw

MELC: Nasusuri ang uri ng pamahalaan at patakarang ipinatupad mga sa


panahon ng mga Amerikano
LAYUNIN: Napahahalagahan ang mga patakarang ipinatupad sa ibat
ibang larangan sa panahon ng Amerikano

PANIMULANG IMPORMASYON

Pagpapahalaga sa mga Patakarang Ipinatupad sa Iba’t Ibang Larangan sa Panahon ng Amerikano

Patakaran sa Pulitika

Hindi naging madali sa mga Amerikano na pamahalaan ang mga Pilipino dahil nahahati ito
sa dalawang pangkat, ang pangkat ng mga maka-Amerikano at ng pangkat laban sa mga
Amerikano.Ang unang pangkat ay handsng yumakap sa pamahalaang Amerikano. Itinaguyod ang
lubusang pagtanggap sa kulturang Amerikano. Ang Ikalawang pangkat ay itinaguyod ang lubusang
pagsasarili ng mga Pilipino. Mayroon ding ibang grupong naitatag gaya ng Partido Independista
Immediadista o kilalang radikal na nacionalista samantalang ang ikalwang pangkat ay tinawag na
konserbatibong nacionalista, ang Union Nacionalista. Nagsani ang dalawang pangkat noong 1907
upang talunin ang maka-Amerikanong Partido, ang Partido Nacional Progresista.

Patakaran sa Ekonomiya

Nagkaroon ng malaking pagbabago ang ekonomiya ng Pilipinas sa pamamahala ng mga


Amerikano bunga ng Free Trade Policy. Noong 1909, nagbigay ng pahintulot ang Batas Payne-
Aldrich upang maging malaya ang palitan ng kalakal ng Amerika at Pilipinas. Isang malakas na
pagkakakitaan nang panahong iyon ang pagluluwas at pag-aangkat ng mga produkto. Bagama’t
may limitasyon ng pagluluwas ng mga Pilipino ng kanilang mga produkto tulad ng bigas, naging
malaya naman ang mga Amerikano sa pagluluwas ng kanilang mga produkto sa Pilipinas. Dahil
hindi naging patas ang pagluwas ng mga produkto sa pagitan ng mga Amerikano at Pilipino, inalis
ang control sa palitan ng kalakal sa pamamagitan ng Simmons Underwood Tarrif Act.
Pinaunlad ang industriya ng pagmimina, pagtotroso, kalakalan , larangan ng transportasyon
at lomunikasyon.

Patakaran sa Edukasyon at Kalusugan

Batay sa Act No. 74 na ipinalabas ng Philippine Commission noong Enero 21, 1901,
isang pampublikong sistema ng edukasyon ang ipinairal ng mga Amerikano. Nagkaroon ng libreng
pag-aaral sa mga paaralang nagbibigay ng primaryang edukasyon.Mayroong tatlong layunin ng
edukasyon noong panahong Amerikano
1. Para palaganapin ang demokrasya
2. Sanayin ang mga Pilipino na maging malaya at nagsasariling mamamayan
3. Ituro ang wikang Ingles

Page 21 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________

Nagbukas ng mga Paaralang Normal na nagging sanayan ng mga nais maging guro. Dumami
ang bilang ng mga unibersidad at kolehiyo.

Noong 1902 sa panahon ng Amerikano sa bansa lumitaw ang mga sakit na kolera,
bulutong, ketong at tuberkulosis.
Noong 1901-itinatag ang Lupon ng Publikong Kalusugan ay nilikha upang mapabuti ang
kalusugan ng mga Pilipino. Nagpatupad ng ibat-ibang paraan ang mga kawani ng kalusugan
upang hindi kumalat ang epidemya ng kolera. . Ang Kagawaran ng Sanitasyon at Transportasyon
ay nagpatupad ng panuntunang para sa kalinisan ng kapaligiran at kalusugan. . Nagpatayo ng mga
klinika, ospitaL at sentrong pangkalusugan sa ibat-ibang lugar na may libreng paglilingkod medical.
Ipinatayo ang Philippine General Hospital noong 1910

Patakaran sa Lipunan

Kilala ang mga Amerikano na tagapagataguyod ng demokrasya kaya kinilala nila ang
kalayaan ng bawat Pilipino. Pinairal pa rin nila ang pagkapantay-pantay sa karapatan,
panunungkulan at iba pa.

Mga impluwensiya ng mga Amerikano na iginalang ng mga Pilipino.

1. Pagpapalaganap ng iba pang uri ng relihiyon tulad ng Protestantismo at Aglipayano.

2. Pagpapaunlad sa larangan ng medisina at pagpapatayo ng mga pagamutan.

3. Pagtuturo sa mga Pilipino ng larong football, baseball, bowling, volleyball, bilyar,


baraha, at gayundin ang basketbol na itinuring na pangunahing isport ng mga Pilipino.
4. Pagtangkilik at paggamit ng mga produktong Pilipino.

Sining at Kultura

1. Natuto ang mga Pilipino ng wikang Ingles. Halos lahat ng asignatura ay itinuro sa wikang
ito.
2. Naging bahagi na ng ating kasanayan ang paggamit ng wikang Ingles sa maraming
pagkakataon sa ating pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
3. Yumabong ang sining ng pagpipinta, arkitektura at iskultura,

.Kayamanan 6 Batayan at Sanayang Akat sa Araling Panlipunan Rex Bookstore Inc. Manila
Lakbay ng Lahing Pilipino 6, Phoenix Publishung Hous (2009)

Page 22 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________

HANDA KA NA BA?

Malinaw na ba sa iyo ang aralin? Kung ikaw ay handa na, simulan mo na ang
iyong pagsasanay.

PAGSASANAY 1
Panuto: Isulat ang TAMA kung karapat dapat na saloobin at MALI kung hindi sa
unahan ng bilang.

Maraming pagbabago ang naidulot ng mga Amerikano sa mga Pilipino.

____ 1. Bumuo ng pangkat na may layuning talunin ang masama para sa bayan.

____ 2. Igalang ang wikang Ingles at gamitin nang tam ana hindi kinalilimutan ang
sariling wika.

_____ 3. Huwag sundin ang mga itinuro tungkol sa kalinisan ng mga Amerikano dahil
alam natin ang pangangailangan natin.

_____ 4. Tangkilikin ang pampublikong ospital gaya ng Philippine General Hospital o


mga Health Center na ipinatayo ng mga Amerikano dahil maganda ang serbisyo
dito.

_____ 5. Ang mga kalsada at tulay na ginawa ng mga Amerikano ay dapat na


pagtibayin pa lalo ng pamahalaan upang patuloy na magamit ang mga ito.

_____ 6. Ipagbawal ang paggamit sa anumang nagawa o impluwensiyang panlipunan


ng mga Amerikano.

_____ 7. Sundin ang mga panuntunang itinuro ng mga Amerikano hinggil sa kalinisan
sa palengke, kalsada at sa pagtatapon ng basura.

_____ 8. Ipaubaya sa pamahalaan ang patuloy na pagpapaunald sa transportasyon at


komunikasyon na dala ng mga Amerikano.

_____9. Pagyamanin ang lahat ng mabubuting pagbabago sa lipunan sa panahon ng


Estados Unidos sa bansa.

_____ 10. Ipakita sa buong mundo ang mala-Amerikanong pamumuhay at kilos.

Page 23 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________

PAGSASANAY 2

Panuto:. Itala sa loob ng kahon ang tamang pagpapahalaga para sa bawat isa.
Isalat ang letra lamang.

Pampulikong edukasyon Pulitika

PAGPAPAHALAGA
Sining at kultura Klinika at ospital

A. Ipagmalaki ang pag-aaral sa pampublikong paaralan.


B. Huwag magbabad sa paggamit nito.
C. Huwag siraan ang mga doktor at nars na nagtatrabaho dito.
D. Huwag sulatan ang dingding ng mga ito.
E. Mag-aral nang mabuti.
F. Gamitin ito sa pakikipag-ugnayan kung may nais malaman sa kaklase.
G. Sundin ang mga panuntunan na itinakda ng pamunuan ukol s pagsakay dito.
H. Pakinggan ang mga anunsiyo at balita dito.
I. Tangkilikin ang mga programa sa pangangalaga sa kalusugan.
J. Tangkilikin ang pagsakay dito

ISAISIP

Pahalagahan ang mga naging pagbabago sa iba’t ibang larangan sa panahon


ng mga Amerikano sa
 Pulitika
 Ekonomiya
 Edukasyon
 Kalusugan
 Lipunan

Page 24 of 25
Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _________
Pangalan ng Guro: ________________________

PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin at
bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Isa sa bunga ng pagkakaisang pulitikal ay ang pagkakaroon ng Partido pulitikal ng mga


Pilipino. Ano ang dapat nararapat gawin?
A. Bumuo ng pangkat para sa pagkakaisa.
B. Magkaroon ng pangkat upang labanan ang kasamaan.
C. Magtatag ng pangkat para ipaglaban ang sariling bayan.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
2. Paano mo pahahalagahan ang wikang Ingles ang ginamit ng mga Thomasites sa
pagtuturo sa mga mag-aaral na mga Pilipino noon na hanggang ngayon ay
ginagamit bilang pangalawang lengwahe?
A. Ipagmalaki ang paggamit sa wikang Ingles sa buong mundo.
B. Kalimutan ang sariling wika dahil hindi ito magagamit sa ibang bansa.
C. Huwag gamitin ang wikang Ingles dahil walang hindi ito mahalaga sa pamumuhay
natin.
D. Ipagpatuloy ang paggamit ng wikang Ingles at huwag kalimutang ang wikang Filipino
na siyang nag-uugnay sa atin.
3. Anong dapat na pagpapahalaga isaisip mo ang sa malawakang pinaunlad ang sistema ng
transportasyon sa iba’t ibang lalawigan na nagpabilis ng paglalakbay patungo sa mga
lalawigan?
A. Huwag sundin ang mga regulasyon sa paggamit nito.
B. Katakutan ang pagsakay sa tren, eroplano, at iba pa.
C. Tangkilikin ito at panatilihin ang kalinisan , kaayusan, at paunlarin pa. .
D. Sirain ang mga gamit sa loob ng mg sasakyang ipinakilala ng mga Amerikano..
4. Bakit nararapat pahalagahan ang ginawa ng Kagawaran ng Kalusugan pagpuksa sa mga
sakit?
A. Itinuro ang paglilinis ng sarili at pamayanan..
B. Ipinakilala ang bagong paraan ng paggagamot.
C. Nagpatayo ng mga ospital at klinika.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
5.Anong saloobin ang dapat tandan sa malayang kalakalan na ipinakilala ng mga Amerikano na
siyang nagpunlad ng ekonomiya ng bansa?
. A. Isipin ang pagkakaroon ng malaking kita.
B. Maging patas sa mga gawain sa kalakalan.
C. Gumawa ng paraaan upang maisahan ang kapalitan ng produkto.
D. Samahan ng ipinagbabawal na produkto ang iyong kalakal upang makali ang kikitain.

MAHUSAY!. Natapos mo ang mga modyul para sa unang lingo.. Hanggang sa


susunod na mga Modyul.
____________________________________________________________________________
Sanggunian:
1. Antonio, E. D. et al., Kayamanan 6 Batayan at Sanayang Akat sa Araling Panlipunan Rex Bookstore Inc. Manila
2017
2. Baisa-Julian A. G, et al, Lakbay ng Lahing Pilipino 6, Phoenix Publishung Hous (2009)
Inihanda ni:

ROWENA R. JUNIO
Jose Rizal Elementary School

Page 25 of 25

You might also like