You are on page 1of 7

Learner’s Activity Sheet

Araling Panlipunan (Ikatlong Markahan – Pangalawang Linggo)

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: ________________

Guro: _______________________________________ Petsa:______________________________
Paaralan: ________________________________________________________________________
Mahal kong mag-aaral,

Magandang araw!
Sa linggong ito, matututunan mo at nasusuri ang mga pangunahing suliranin at
hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972 (AP6SHK-IIIa-b-1)

Sa katiyakan, matututunan mo ang pagtatalakay ng ugnayang Pilipino-Amerikano

sa konteksto ng kasunduang military na nagbigay daan sa pagtayo ng base
military ng Estados Unidos sa Pilipinas

Sa Paksang ito, ang (Integrasyon: (Filipino: Sanhi at Bunga)

Ang iyong guro

Pagtugon sa mga Suliranin, Isyu at Hamon

sa Kasarinlan ng Bansa (1946-1972)

Gawain 1

Panuto: Pagmasdan at suriin ang kaganapan sa larawan.

marawi.jpg (1086×725) (thestar.com)

1 6
Gawain 2

Panuto: Ibigay ang iyong sariling opinion.

Ano ang mga pinsalang idinudulot ng digmaan?

Gawain 3 Tandaan!

Panuto: Basahin at unawain!

PAGBANGON MATAPOS ANG DIGMAAN
Matapos ang digmaan, nakamtan ng Pilipinas ang matagal nang
inaasam na kalayaan noong Hunyo 4, 1946. Subalit marami ang
nagtatanong kung ganap na nga bang malaya ang Pilipinas. Ito ay dahil sa
pumasok ang Pilipinas sa isang serye ng kasunduan na nagkaloob sa
United States ng control sa ekonomiya ng bansa. Nagresulta rin ito sa
pagkakatatag ng U.S ng base military sa Pilipinas.
Kung susuriin, pumasok ang Pilipinas sa isang neokolonyal na
relasyon sa U.S bunga ng dalawang pangyayari. Una, matindi ang
pagkawasak na inabot ng Pilipinas bunga ng digmaan. Naging pangunahing
suliranin ng bansa ang pagbangon matapos ang digmaan. Lupaypay ang
ekonomiya, wasak ang mga imprastraktura at naghihirap ang bansa.
Tanging ang U.S lamang ang tila makatutulong sa panahong iyon.
Pangalawa, Malaki ang pagtanaw ng utang na loob ng mga Pilipino,
particular ng mga pinuno natin, dahil sa pagpapalaya ng mga Amerikano sa
Pilipinas mula sa kamay ng mga Hapones. Ipinagkaloob ng mga pinuno
natin ang anumang hiling ng mga Amerikano.

REHABILITASYON MATAPOS ANG DIGMAAN

Labis na nawasak ang Maynila na tumatayo pa namang sentro ng
industriya at kalakalan ng bansa. Sinasabing Maynila ang pangalawang
lungsod sa daigdig na pinakanawasak ng digmaan. Halos nasaid din ang
kaban ng bayan kung kaya nahirapan ang bagong tatag na pamahalaan na
pangasiwaan ang bansa sa kabuuan.
Hindi maaaring ipagsawalang bahala ang mga pangunahing
pangangailangan ng mga mamamayan. Dahil sa kawalan ng sapat na
pondo, napakabigat na hamon sa pamahalaan ang agarang mabuksang
muli ang mga paaralan, maipagpatuloy ang operasyon ng mga ospital,

2
maibalik ang regular na transportasyon at linya ng komunikasyon at iba
pang pangangailangan.
Bilang tugon, pinasa sa kongreso ng U.S ang Tydings Rehabilitation
Act of 1946 upang makapaglaan ng pondo bilang bayad-pinsala sa mga
nasirang imprastruktura sa pilipinas. Kasama rin sa inilaang pondo ang
bayad-pinsala para sa mga negosyo na pribadong pagmamay-ari at para din
sa mga Amerikano laban sa mga Hapones.
Ang inilaan na pondo sa rehabilitasyon ay $620,000,000 milyon
kung saan $120 milyon ay para sa pagpapagawa ng pamahalaan ng mga
kalye at ari-arian, $400 milyon para sa mga Pilipinong magpapahayag ng
hangaring makalikom ng kabayaran para sa kanilang tinamong pinsala sa
ari-arian, at $100 milyon ay sa anyo ng war surplus goods.
Bilang karagdagang tulong, iniwan din ng U.S. sa Pilipinas ang lahat
ng mga kagamitang pandigma at ibang surplus army goods nito sa bansa.
Subalit ang malaking bahagi nito ay napunta sa pangungurakot ng ilang
tiwaling kawani at opisyal ng pamahalaan.

KASUNDUAN SA BASE MILITAR

Naging napakainit na debate ang Military Bases Agreement (MBA),

particular sa usapin ng hurisdiksyon. Batay sa probisyon nito, ang mga
sundalong Amerikano na nagkasala habang gumaganap ng opisyal na
tungkulin sa loob o labas man ng base militar ay hindi maaaring litisin sa
korte ng Pilipinas at sa halip ay sa kanilang sariling bansa. Umani ito ng
batikos sa iba’t ibang sector ng lipunan subalit sa kabila nito ay ipinatupad
pa rin ang di-makatwirang probisyong ito.

Naghangad ng base militar ang U.S dahil sa pangyayari sa daigdig

matapos ang digmaan. Nahati ang daigdig sa dalawang makapangyarihang
bansa o superpower sa katauhan ng U.S na modelo ng kapitalismo at ng
Union of Soviet Socialist Republic (U.S.S.R) na nagsulong ng sosyalismo at
komunismo. Ang base military sa Pilipinas ang dedepensa at magsusulong
ng kapitalismo at interes ng U.S sa bahaging ito ng daigdig.

Maliban sa layuning pigilin ang paglaganap ng komunismo sa rehiyon

ng Asya, ang pagkakaroon ng base military sa Pilipinas ay isang paraan din
upang higit na palakasin ng U.S ang control sa bansa. Ibig sabihin,
bagamat
alaya na ang Pilipinas, nananatili ang panghihimasok at control ng U.S sa
ekonomiya, pulitika at lipunan ng bansa.

Ipinapalagay na ang tunay na layunin ng planong ito ay panatilihin

ang kolonyal na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Sa katunayan,
bago pa igawad ng pamahalaang Amerikano ang kasarinlan sa bansa noong

3
1946, usapin na ang planong pagpapatayo ng base military noong 1935 pa
lamang.

Nagbunga ng di-mabuti sa Pilipinas ang pagpasok ng pamahalaan sa

di-makatwirang kasunduang ito. Una, naisakripisyo ang soberanya o
kapangyarihan ng pamahalaan ng Pilipinas na magpasya nang malaya.
Kadalasan, kinakailangan pa ng Pilipinas na isaalang-alang ang nais ng
U.S. Hindi rin tama na may manatiling dayuhang pwersang militar sa
Pilipinas gayong malaya ito.

Pangalawa, ang pagdagsa ng mga sundalong Amerikano sa mga base

military nila sa Pilipinas ay nagresulta sa paglaganap ng prostitusyon sa
bansa dahil na rin sa kahirapan. Maraming Pilipina ang napilitang
magkaloob ng panandaliang aliw sa mga sundalong Amerikano kapalit ng
salapi bilang kabayaran.

BELL TRADE ACT

Tinalakay na sa unang bahagi ng araling ito na upang solusyunan

ang pangangailangan ng pondong pang-rehabilitasyon, ipinasa ng kongreso
ng U.S ang Tydings Rehabilitation Act. Ayon sa batas, magkakaloob ng
S620, 000,000 ang U.S sa Pilipinas upang ipamahagi sa mga napinsala
noong digmaan. Subalit nakasaad din sa batas na hangang S500 lang ang
ibibigay ng U.S kung hindi tatanggapin ng Pilipinas ang Bell Trade Act o
Philippine Trade Act of 1946. Lumalabas na isang blackmail o pamimilit ng
U.S na tanggapin ng Pilipinas ang Bell Trade Act kapalit ng pondo para sa
Rehabilitasyon.

Ang pangunahing probisyon ng Bell Trade Act ay ang pagsusulong ng

free trade o malayang kalakalan sa pagitan ng U.S at Pilipinas. Sa kabila ng
probisyon nito na nagsusulong ng malayang kalakalan, nagtakda naman ito
ng limitasyon sa malayang pagpasok ng produktong pangkalakal ng
Pilipinas sa kanilang bansa sa pamamagitan ng quota. Binigyang
proteksyon ng batas na ito ang mga local na prodyuser sa sector ng
agrikultura ng U.S laban sa pagpasok ng mga produktong manggagaling sa
Pilipinas tulad ng langis ng niyog, asukal, tabako at abaka. Samantalang
ang mga lokal na prodyuser naman ng Pilipinas ay walang katulad na
espesyal na proteksyon laban sa produktong Amerikano.

Malinaw na hindi nagging paborable sa Pilipinas ang mga probisyon

ng Bell Trade Act. Una, nagmistulang imbakan ang bansa ng sobrang
produkto mula sa U.S. Ikalawa, hindi nakinabang ang mga
mamumuhunang Pilipino sapagkat hindi rin nila malayang naikakalakal
ang kanilang mga produkto sa pamilihan ng U.S. Ikatlo, nagresulta ito sa
mababang kita sa bahagi ng mga lokal na magsasaka at mamumuhnan
dahil sa matinding kompetisyon na ibinigay ng produktong Amerikano.

4
Gawain 4

Panuto: 4.1: Talasalitaan. Salungguhitan ang salita sa loob ng panaklong

na kasingkahulugan ng unang salita sa bawat bilang sa ibaba.
1. Kapital [puhunan, paniniwala, pag-aari]
2. Pwersa [panahon, parusa, lakas]
3. Superpower [mapagkandiling bansa, makapangyarihang bansa,
adhika]
4. Hurisdiksyon [nasasakupan, basbas, nalalagyan]
5. Blackmail [pangungutya, pagyayabang, pamimilit]

Panuto 4.2: Alin ang mga patakarang naipatupad ng pamahalaan matapos

ang digmaan? Lagyan ng Tsek (√) sa patlang, ekis (x) ang hindi.
______1. Maluwag na pagpapasok ng mga produkto galing sa United States.
______2. Pagpapataw ng mataas na buwis sa produktong galing sa United
States.
______3. Pagbibigay ng suporta sa mga dayuhang mangangalakal.
______4. Pagpapatayo ng mga gusali, daan at tulay.
______5. Pagtulong na magkaroon ng sariling lupain ang mga magsasaka.
______6. Paglalapit ng pamahalaan sa mga mamamayan.
______7. Pagpapabuti ng kabuhayan at ekonomiya.
______8. Paghikayat sa mga dayuhang mangangalakal.
______9. Pag-alis ng katiwalian sa pamahalaan.
______10. Pagtitinda ng bigas sa ibang bansa.

Gawain 5

Panuto: 5.1: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Bakit itinuturing na di-makatwiran ang ilang probisyon ng Military Bases
Agreement sa pagitan ng U.S at Pilipinas?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5

2. Bakit itinuturing na kabalintunaan ang pagsasakatuparan ng Bell Trade
Act?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ano ang hakbang na ginawa ng kongreso ng U.S. upang magkaroon ng
pondo para sa rehabilitasyon ng Pilipinas?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Ano ang iyong opinion sa pahayag na napunta sa kamay ng ilang tiwaling
opisyal ang malaking bahagi ng pondong laan sa rehabilitasyon ng bansa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Gaano kalala ang pinsalang pisikal na tinamo ng Pilipinas dahil sa
digmaan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6
Panuto 5.2: Gumawa nang slogan na nagpapahayag ng iyong pagmamahal
bilang isang Pilipino na nagmamalaki sa ating bansa. Isulat ang slogan sa
nakalaang kahon.

Sanggunian:
Celestina P. Boncan, Ph. D Et. Al. Kabihasnang Pilipino Kasaysayan at
Pamahalaan pp.310-317

marawi.jpg (1086×725) (thestar.com)

KATUNAYAN
Ito ay nagpapatunay na ang aking anak ay matagumpay na isinagawa ang lahat ng
mga gawain na nakapaloob sa Learning Activity Sheet.

_______________________________________________ ____________________
Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapangalaga Petsa ng Paglagda

You might also like