You are on page 1of 73

WEEK 3

Anu-ano ang mga suliranin na


kinaharap ni Manuel Roxas
noong siya ang umupo bilang
Pangulo ng Pilipinas?
Hanapin ang mga pangunahing suliranin at hamon sa
kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
(5 SALITA) isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang Mga Pangunahing
Suliranin at Hamong
Kinaharap ng mga Pilipino
Mula 1946 Hanggang 1972
Pagbagsak ng Ekonomiya

Malaking pinsala ang idinulot ng digmaan sa bansa. Libo-


libong buhay ang nawala at maraming ari-arian ang nasira,
kasama na rito ang mga hayop na katulong sa pagsasaka,
industriya, pabrika at bahay-kalakal. Lumaganap ang
kahirapan dahil sa kawalan ng hanapbuhay ng mga
mamamayan. Hindi magamit ang mga pasilidad sa
transportasyon tulad ng mga lansangan, tulay, at
sasakyang pandagat at panghimpapawid. Nasira rin ang
mga patubig at sakahan. Bunga nito, humina ang
produksiyon ng bansa at nagkulang sa pagkain.
Napabayaan ang pagluluwas ng mga produkto na
nagbunga ng kakapusan sa pananalapi ng
pamahalaan. Malaking suliranin ng pamahalaan
ang muling pagpapaunlad ng kabuhayan. Pinatatag
nito ang agrikultura, kalakalan, at industriya bilang
unang hakbang sa pagbangon ng ekonomiya. Inuna
ang pagpapagawa at pagkukumpuni ng mga
lansangan at tulay sa mga proyektong
pangimprastraktura. Lumikha rin ng mga
hanapbuhay ang pamahalaan upang magkaroon ng
pagkakakitaan ang mga tao.
Kapayapaan at Kaayusan

Suliranin din ang kapayapaan at kaayusan sa bansa


pagkatapos ng digmaan. Dahil sa kakulangan ng mga
trabahong maaaring pasukan at pagkaabalahan, natuon ang
pansin ng nakararami sa mas madaling paraan upang
magkapera. Lumaganap ang nakawan at hold-up sa mga sa
mga lungsod, bayan, at maging sa mga lalawigan. Dahil dito,
nanganib ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan sa
masasamang elemento ng lipunan. Higit na nagpalubha sa
kalagayan ng bansa ang suliranin sa pagsasaka.
Nagpatuloy ang kawalan ng gana ng mga magsasaka
laban sa mayayamang hacendero. Marami sa mga ito
ang naging Huk o kasapi ng Hukbo ng Bayan Laban
sa Hapon o Hukbalahap. Nagsimula ang Hukbalahap
bilang samahang gerilya noong panahon ng mga
Hapones. Pagkatapos ng digmaan, tumanggi ang mga
Huk na isuko ang kanilang mga sandata nang hindi
ipagkaloob ng pamahalaan ang kanilang kahilingan
sa repormang pansakahan.
Komunismo-sosyalismo and ideolohiya ng
mga Huk. Layunin nila na pabagsakin ang
pamahalaan. Lumaban sila sa pamahalaan
at inakit ang mga hindi nasisiyahang
magsasaka na umanib sa kanila. Maraming
magsasaka ang sumali, lalo na sa Gitnang
Luzon, na naging sentro ng pakikibaka ng
samahan.
Suliraning Panlipunan
Matinding hirap at pagdurusa ang naging epekto
ng nagdaang digmaan sa Pilipinas. Kapos sa
pagkain ang mga mamamayan, lalo na sa mga
lugar na sentro ng labanan. Nanirahan ang
marami sa dikit-dikit at sirasirang mga bahay at
gusali. Buy-and-sell ng anumang bagay ang
naging pangunahing hanapbuhay ng mga
mamamayan sa panahong ito.
Dahil sa kakulanngan ng paninda at salapi, tumaas ang
halaga ng mga bilihin. Dahil sa kawalan ng katiyakan
sa buhay, nalimot ng marami ang kagandahang asal at
pamantayang moral ng lipunan. Nawalan ng tiwala
ang mga tao sa isa’t isa. Lumaganap ang katiwalian.
Ginamit ng mga opisyal ng pamahalaan ang kanilang
kapangyarihan sa pagpapayaman at nagkaroon ng
pandaraya at suhulan sa pamahalaan.
Kakapusan ng Pananalapi

Pagkatapos ng digmaan, dumanas ng krisis sa pananalapi


ang pamahalaan. Kakaunti lamang ang natirang salapi sa
kaban ng bayan. Nahirapang makalikom ng buwis ang
pamahalaan sapagkat walang hanapbuhay ang karamihan sa
mga mamamayan. Natigil din ang pakikipagkalakalan sa
ibang bansa dahil nahinto ang produksiyon ng mga
pangunahing produkto tulad ng palay, asukal, at niyog.
Panuto: Suriing mabuti ang mga pangungusap.
Isulat ang T kung tama, kung mali, isulat ang
M. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
__________1. Tumaas ang halaga ng mga
bilihin dahil sa kakulangan ng paninda at
salapi.
__________2. Naging maayos ang
ekonomiya, madaming hanapbuhay ang
nagbukas sa mga tao.
____________________3. Lumaganap ang
nakawan dahil sa kakulangan ng pagkakakitaan.
__________4. Buy and sell ang naging
pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
__________5. Naging madali sa pamahalaan ang
makalikom ng buwis sapagkat maraming
mamamayan ang may hanapbuhay.
Pumili ng suliranin noon na maaring
nararanasan sa panahon ngayon, bilang
isang mag-aaral paano ka tutulong sa
pamahalaan o sa komunidad na iyong
kinabibilangan?
Gumawa ng islogan sa isang long
bond paper tungkol sa mga suliranin
at hamon sa kasarinlan at naging
tugon pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Gamitin ang
rubrics na magiging batayan sa
pagmamarka.
Panuto: Sa mga napag-aralang suliranin at hamon ng
pamahalaan pagkatapos ng ikalawang digmaan, Itala
ang mga naging epekto nito sa mga mamamayan.
Panuto: Pumili ng isang gawaing angkop sa
iyong interes at kakayahan Maaaring pumili ng
isang suliranin at naging pagtugon dito ng
pamahalaan.
a. Gumuhit ng isang poster
b. sumulat ng sanaysay
c. sumulat ng tula
d. lumikha ng Reflection Paper
Panuto: Piliin ang naging mga pangunahing suliranin at
hamon sa kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ng mga Pilipino. Piliin sa kahon ang tamang
sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
________1. Ginamit ng mga opisyal ng
pamahalaan ang kanilang kapangyarihan
na magpayaman.
_________2. Humina ang produksiyon at
nagkaroon ng kakulangan sa pagkain.
_________3. Maraming magsasaka ang
sumanib sa Hukbalahap dahil sa kawalan
nila ng gana sa mga mayayamang
hacendero.
_________4. Nahirapan ang pamahalaan na
makalikom ng buwis sapagkat maraming
mamamayan ang walang hanapbuhay.
_________5. Marami ang nakalimot ng
kagandahang asal at pamantayang moral sa
lipunan dahil sa walang katiyakan sa buhay
Panuto: Ipaliwanag sa iyong sariling pananaw.
Gumawa ng reaksyon kung paano naka-apekto sa
buhay ng mga Pilipino ang Ikalawang digmaang
pandaigdig. Basahin: Dahil sa kawalan ng
katiyakan sa buhay, nalimot ng marami ang
kagandahang asal at pamantayang moral ng
lipunan. Reaksyon:______________ Basahin:
Napabayaan ang pagluluwas ng mga produkto na
nagbunga ng kakapusan sa pananalapi ng
pamahalaan.
Reaksyon:________________________________
_____________________
Punan ang graphic organizer ng mga naging tugon sa
mga suliranin pagkatapos ng digmaan. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
Panuto: Isulat ang SP kung ang pahayag ay
nagpapakita ng suliraning pangkabuhayan at T
kung tugon sa suliranin. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
______1. Pagkatapos ng digmaan, dumanas ng
krisis sa pananalapi ang pamahalaan
______2. Nagsimula ang Hukbalahap bilang
samahang gerilya noong panahonng mga Hapones
______3. Buy-and-sell ng anumang bagay
ang naging pangunahing hanapbuhay ng mga
mamamayan.
______4. Dumanas ng krisis sa pananalapi
ang pamahalaan.
______5. Lumikha rin ng mga hanapbuhay
ang pamahalaan upang magkaroon ng
pagkakakitaan ang mga tao.
Anu-ano ang mga
Pangunahing
naapektuhan ng
Digmaang
Pandaigdig?
Matapos nating malaman ang mga naging
tugon o kasagutan ng ating mga kasama sa
bahay tungkol sa mga naging suliranin ng mga
Pilipino pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaig, ating balikan ang mga pangyayari
matapos nito. Tunay na malaki ang epekto ng
nasabing digmaan sa buhay ng mga Pilipino,
lalo na at sa panahong iyon ay bago pa lamang
tayo naghahanda sa pagsasarili matapos
ang pananakop ng mga Espanyol at
Estados Unidos. Isang malaking hamon sa
bagong pamahalaan ang kalagayan ng
bansa matapos ang digmaan. Tiyaga at
katatagan ng loob ang kinakailanagan
upang muling isaayos ang mga bayan at
lungsod na sinira ng laban.
Mga Suliraning Pangkabuhayan
Pagkatapos ng Digmaan at Naging
Pagtugon sa mga Suliranin mula 1946-
1972
Manuel Roxas (1946-1948)

Si Manuel Roxas ang nagsimulang magtayo ng


ekonomiya ng isang bansang winasak ng digmaan.
Kanyang ipinatupad ang ibang pangunahing mga
prayoridad ng kanyang administrasyon gaya ng:
industriyalisasyon ng Pilipinas, ang pagpapatagal ng
malapit na kooperasyon at ispesyal na relasyon sa
Estados Unidos, ang pagpapanatili ng batas at kaayusan
at ang pagpasa sa Kongreso ng batas na magbibigay sa
mga magsasaka ng 70% ngkabuuang kinitang ani.
Elpidio Quirino (1948-1953)

Sa kaniyang administrasyon, pinakamalaki niyang


pinagtuunan ng pansin ang pagpapatuloy ng pagbabago at
rehabilitasyon ng ekonomiya at pagpapanumbalik ng
tiwala at kooperasyon ng marami sa pamahalaan.
Kinaharap ng kaniyang administrasyon ang isang
malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbo ng
Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP). Pinasimulan
niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang pangulo,
nagawa niya ang mga sumusunod: ang paglikha ng
President’s Action Committee on Social Amelioration
tulungan mamamayan ng bansa mula sa
pagbagsak ng ekonomiya, pangalawa ay ang
paglikha ng Agricultural Credit Cooperative
Financing Administration (ACCFA) para
tulungan ang magsasaka na magamit ang pautang
na may mababang interes mula sa pamahalaan.
At ang panghuli, ang pagtatayo ng mga
bangkong rural at Labor Management Advisory
Board, isang pampangulong lupong tagapayo.
Ramon Magsaysay (1953-1957)

Sa kaniyang administrasyon iniligtas ang demokrasya sa


Pilipinas, kaya siya tinawag na “Tagapagligtas ng
Demokrasya”. Ilan sa kaniyang mga nakamit ay ang
sumusunod: ang pagpapabuti ng pamantayan ng pamumuhay
sa pamamagitan ng paggawa ng mga sistemang patubig,
tulay, balon, at kalsada; pagsasakatuparan ng paggamit ng
Barong Tagalog, pagtatatag ng Southeast Asia Treaty
Organization (SEATO), isang panrehiyon na politiko-militar
na agregasyon at negosasyon sa Hapon ukol sa kasunduan ng
bayad pinsala sa digmaan.
Carlos Garcia (1957-1961) Sa kaniyang
administrasyon tinutukan niya ang sumusunod:
ang pagpapatupad ng patakarang “Pilipino
Muna” (First Filipino Policy) para magtaguyod
at maprotektahan ang produktong Pilipino; ang
pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa
pamamagitan ng mabuting pakikisama ng
Bayanihan Dance Troupe sa ibang
bansa; pagrespeto sa karapatang pantao at
pagpapanatili ng malayang Halalan; ang
paggawa ng Komisyong Sentenaryo ni
Dr. Jose Rizal at ang pagtaguyod ng
pandaigdigang kapayapaan at
pagkakasundo sa pamamagitan ng
opisyal na mga pagbisita.
Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang
Tama sa patlang kung ito ay nagsasaad ng
katotohanan at Mali naman kung hindi. Isulat sa
ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Ang isa sa mga pangunahing prayoridad
ng administrasyong Roxas ay pagpapatupad ng
patakarang “Pilipino Muna” (First Filipino Policy)

_____2. Si Elpidio Qurino ang nagpahayag ng


Proklamasyon Blg.1081.
_____3. Sa panunungkulan ni Ramon Magsaysay
naitatag ang Southeast Asia Treaty Organization o
SEATO.
_____4. Sa pamamahala ni Diosdado Macapagal
nangyari ang paglipat ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo
12 mula Hulyo 4.
_____5. Ipinatupad ni Carlos Garcia ang pagrespeto sa
karapatang pantao at pagpapanatili ng malayang
Halalan.
Panuto: Gumawa ng islogan sa isang long
bond paper tungkol sa mga suliranin at
hamon sa kasarinlan at naging tugon
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Gamitin ang rubrik na
magiging batayan sa pagmamarka.
Kung magiging Pangulo ka ng bansa, anu-ano ang
mga programang ipatutupad mo upang masolusyonan
ang mga suliranin?
1. _____________________________________
2. _____________________________________
3. _____________________________________
Panuto: Sa pamamagitan ng Fishbone Organizer, talakayin ang mga suliranin at ang ginawang hakbang
pamahalaan upang matugunan nag mga suliraning ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Mga Suliranin
Sinu-sino ang mga
Pangulo ng ating
bansa?
Gaano kahalaga ang
pagkakaisa noong
panahon ng Ikalawang
Digmaan?
Diosdado Macapagal (1961-1965)

Kaniyang ipinangako ang “Bagong Panahon” sa


bansang Pilipinas sa pamamagitan ng sumusunod:
paggamit ng Pambansang Wika sa mga pasaporte,
selyo, palatandaan ng trapiko, pangalan ng mga
bagyo, diplomang pampaaralan, at iba pang mga
katibayang diplomatiko; paglipat ng Araw ng
Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12 mula Hulyo 4;
paghahain ng opisyal na pag-aari ng
Pilipinas sa Sabah noong Hulyo 22, 1962;
pagkakalikha ng samahang Malaysia,
Pilipinas, Indonesia o MAPILINDO para
sa isang pagkakaisang pangekonomiya at
ang pagpasa sa kongreso ng Agricultural
Land Reform Code noong 1963.
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na
samahan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. SEATO -
_____________________________________
2. MAPILINDO -
_________________________________
3. PACSA -
_____________________________________ 4.
HUKBALAHAP - _______________________________

5. ACCFA -
_____________________________________
Panuto: Ipaliwanag sa iyong sariling pananaw. Gumawa
ng reaksyon kung paano nakaapekto sa buhay ng mga
Pilipino ang ikalawang digmaang pandaigdig. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel. Basahin: Para kay Marcos,
ang tanging paraan para manumbalik ang tiwala ng
marami sa pamahalaan ay ang pagdedeklara ng Batas
Militar. Reaksyon:
_______________________________________________
Basahin: “Pilipino Muna” (First Filipino Policy) para
magtaguyod at maprotektahan ang produktong Pilipino.
Reaksyon:
_______________________________________________
Kung magiging Pangulo ka ng bansa, anu-ano ang
mga programang ipatutupad mo upang
masolusyonan ang mga suliranin?
1. _____________________________________
2. _____________________________________
3. _____________________________________
Panuto: Punan ng pangalan ng pangulo
na nagpatupad ng mga sumusunod. Isulat
sa ang sagot sa sagutang papel.
_______________1. Siya ang tinaguriang
Tagapagligtas ng Demokrasya.
_______________2. Pinatupad niya ng
patakarang “Pilipino Muna”.
_______________3. Siya ang nagpatupad ng paggamit ng
Pambansang Wika sa mga pasaporte, selyo, palatandaan ng
trapiko, pangalan ng mga bagyo, diplomang pampaaralan.
_______________4. Siya ang naglikha ng President’s
Action Committee on Social Amelioration o PACSA, na
layuning tulungan sa pagbagsak ng ekonomiya.
_______________5. Pagpasa sa Kongreso ng batas na
magbibigay sa mga magsasaka ng 70% ngkabuuang
kinitang ani.
Ferdinand Marcos (1965-1986)
Sa kaniyang paglilingkod bilang pangulo sa
unang termino, nakapagpagawa siya ng mga
kalsada, tulay, paaralan, gusali ng pamahalaan,
sistemang patubig at marami sa mga ito ay
nananatiling nakatayo pa sa kasalukuyan.
Dagdag pa rito, ang ang pinansyal at teknikal na
pagtulong sa mga magsasaka, ang epektibong
pangongolekta ng buwis, ang malawakang
pagpapataboy sa mga mamumuslit at ang
matagumpay na pagdaos ng Manila Summit
Conference noong Oktubre 24-25 na dinaluhan
ng maraming pinuno ng iba’t ibang estado.
Ngunit sa kabila ng kaniyang magandang unang
termino, dumanas ng malubhang krisis na pang
ekonomiya ang Pilipinas dahil na rin sa pagtaas
ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Ito ang naging sanhi upang
tumaas ang presyo ng pangunahing bilihin at
maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho. Ang
floating peso ay patuloy na bumaba laban sa dolyar.
Ang kanyang pangalawang hakbang na
makakapagpabago ng lahat. Para kay Marcos, ang
tanging paraan para manumbalik ang tiwala ng
marami sa pamahalaan ay ang pagdedeklara ng
Batas Militar. Si Marcos ay nagpahayag ng
Proklamasyon Blg. 1081 noong Setyembre 21,
1972.
Panuto: Ibigay ang tamang kahulugan ng mga akronym sa ibaba.
Lagyan ng tesk (/) ang tamang sagot.

1. MAPILINDO •
____ Malaysia,Pilipinas, Indonesia •
____Myanmar, Pilipinas, Indonesia

2. SEATO •
____Southeast Asia Treaty Officers • ____Southeast Asia Treaty
Organization

3. HUKBALAHAP •
____Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon • ____Hukbo ng Banyaga
Laban sa Hapon
4. ACCFA •
____Agricultural Credit Cooperation Financing
Administrative •
____Agricultural Credit Cooperative Financing
Administration

5. PACSA •
____President’s Action Committee on Social
Amelioration •
____Presidential Active Committee on Society
Amelioration
Panuto: Ipaliwanag sa iyong sariling pananaw. Gumawa ng
reaksyon kung paano nakaapekto sa buhay ng mga Pilipino ang
ikalawang digmaang pandaigdig. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel. Basahin: Para kay Marcos, ang tanging paraan
para manumbalik ang tiwala ng marami sa pamahalaan ay ang
pagdedeklara ng Batas Militar. Reaksyon:
____________________________________________________
__
Basahin: “Pilipino Muna” (First Filipino Policy) para
magtaguyod at maprotektahan ang produktong Pilipino.
Reaksyon:
____________________________________________________
__
Kung magiging Pangulo ka ng bansa, anu-ano ang
mga programang ipatutupad mo upang masolusyonan
ang mga suliranin?
1. _____________________________________
2. _____________________________________
3. _____________________________________
Panuto: Ipares ang Hanay B sa Hanay A.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

You might also like