Professional Documents
Culture Documents
Sa bahaging ito, nakapaloob ang mga gawain o aktibidad na may rubrik. Ito
Proyektong Pang-
ang magtataya sa kakayahang natamo ng mag-aaral matapos ang pag-aaral
Yunit
ng buong yunit.
Lagumang Sa bahaging ito, nakapaloob ang pagsusulit upang masukat ang mga
Pagsusulit kaalamang natamo sa buong yunit.
Yunit 3
Pagtugon sa mga Suliranin, Isyu at Hamon sa Kasarinlan
ng Bansa (1946-1972)
Layunin at Gabay
Aralin 1
Ang mga Hamon sa Kasarinlan
Ating Misyon
● Nasusuri ang iba’t ibang reaksyon ng mga Pilipino sa mga epekto sa pagsasarili ng bansa na
ipinapahayag ng ilang di-pantay na kasunduan tulad ng Philippine Rehabilitation Act, parity
rights, at Kasunduang Base Militar.
Ating Talakayin
Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay pinasinayaan noong Hulyo 4, 1946. Nagmarka ito ng
kasukdulan ng mapayapang kampanya para sa Kalayaan ng Pilipinas. Ang dalawang palatandaan nito
ay ang pagsasabatas ng Batas Jones ng 1916 kung saan nakapaloob dito na ang Kongreso ng Amerika
ay nangako ng kalayaan para sa Pilipinas sa sandaling mapatunayan ng mga Pilipino ang kanilang
kakayahan para pamunuan ang sariling pamahalaan at ang Philippine Independence Act of 1934 o mas
kilala bilang Batas Tydings-McDuffie na nagbibigay ng sampung taong (10) transition period kung saan
ang Pilipinas ay nagkaroon ng Commonwealth na pamahalaan.
Ang Ikatlong Republika ay minarkahan ang pagkilala ng pandaigdigang komunidad ng mga bansa sa
pagiging nasyonal ng Pilipinas. Ang inagurasyon ng Ikatlong Republika ay nagmarka ng katuparan ng
mahabang pakikibaka para sa kalayaan na nagsimula sa Rebolusyong Pilipino noong Agosto 23, 1896
at noong Hunyo 12, 1898 sa Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite.
Ang mga taong mula sa mga lalawigan ay tumungo sa Maynila upang makipagsapalaran na
magkaroon ng mas magandang buhay. Sila ay umaasa na magkakaroon ng magandang hanap-buhay
at pagkakakitaan sa kabisera. Dahil dito, lumaki ang bilang ng populasyon sa Maynila. Maraming ang
mga naging informal settlers o mga taong walang maayos at legal na tirahan sa lungsod. Bilang tugon,
ang pamahalaan ay nagkaroon ng programa na kung tawagin ay National Resettlement and
Rehabilitation Administration (NARRA). Ang layunin ng programang ito ay maayos ang problema sa
mga informal settlers. Pinangunahan ng pamahalaan ang paglilipat ng mga taong nagsiksikan sa
Maynila sa mga karatig na pook nito. Pinaunlad din ng bansa ang mga pook rural upang manatili sa
lalawigan ang mga tao at hindi na kailangang lumuwas pa ng Maynila.
Sa aspetong pang imprastraktura naman, maraming nawasak na mga daan at tulay na napakahalaga
sa transportasyon lalong-lalo na sa paghahatid ng mga produkto mula sa mga malalayong lugar
patungo sa mga pamilihan sa lungsod o bayan. Noong taong 1954 ay nagsimulang ayusin ng
pamahalaan ang mga daan at tulay upang tuloy-tuloy ang paghahatid ng mga produkto at sumigla
ang kalakalan sa bansa.
Nagkaroon din ng malaking problema sa mga krimen dulot ng gutom, kawalan ng hanap-buhay, at
mataas na presyo ng mga bilihin. Dahil dito, maraming mga tao ang napilitang gumawa ng krimen
tulad ng pagnanakaw.
Dahil din sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig maraming nawasak na mga sakahan at industriya. Sa
pagkasira ng mga sakahan at industriya, maraming mga Pilipino ang nawalan ng hanap-buhay at
pagkakakitaan. Bilang tugon ng pamahalaan, nagkaroon ng mga programang pangkabuhayan ang
pamahalaan na lumikha ng maraming hanap-buhay para sa mga tao.
Ang parity rights ay nakapaloob din sa Philippine Trade o Bell Trade Act ng 1946. Ito ay tumutukoy sa
pagbibigay ng Pilipinas ng pantay na karapatan sa Amerika sa paggamit at paglinang ng mga likas na
yaman at pagmamay-ari ng public utilities ng bansa. Upang maisakatuparan ang parity rights,
kinakailangang baguhin ng bahagya ang Konstitusyon ng Pilipinas ng 1935. Ayon sa Konstitusyon ng
1935, labag ang parity rights sapagkat hindi dapat bumaba sa 60% ang pagmamay-ari ng mga Pilipino
sa negosyo sa bansa. Ang elektrisidad, telekomunikasyon, edukasyon, at mga korporasyon na
lumilinang ng likas na yaman ay mga halimbawa negosyo sa ilalim ng public utilities.
Dahil sa mga patakaran itinadhana ng Philippine Trade Act, maraming mga Pilipino ang nadismaya at
sumalungat dito. Idagdag pa ang naging kondisyon na ibinigay ng Amerika sa bansa na hindi ibibigay
ang halaga para sa Philippine Rehabilitation kung hindi isasakatuparan ang kasunduang
pangkalakalan tulad ng Bell Trade Act.
Kasunduang Militar
Nahirapan ang Pilipinas sa pagbangon dulot ng digmaan. Minabuting makipagkasundo ni Pangulong
Manuel A. Roxas sa mga Amerikano. Ang Military Bases Agreement ay isang kasunduan sa pagitan ng
Pilipinas at Amerika na naganap noong Marso 14, 1947. Ang kasunduang ito ay nagbibigay ng
pahintulot para sa mga Amerikano na magkaroon ng mga base militar sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Ang mga base militar na itinayo ng mga Amerikano sa
Pilipinas ay naging kampo, tirahan ng mga militar, at naging
lugar sa pagsasanay ng mga militar.
Marami mang sumalungat sa mga patakaran ng Amerika ay naisakatuparan pa rin ang mga
patakarang ito at tuluyan ng ipinagkaloob sa Pilipinas ang pondo mula sa Amerika. Ang pondong ito
ay ginamit ng pamahalaan upang maisagawa ang rehabilitasyon ng buong bansa. Kabilang sa mga
rehabilitasyon ay ang pagpapaayos ng mga kalsada at tulay at pagpapatayo ng mga gusali.
Alam mo ba?
Mula 1946 hanggang 1961, ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan noong Hulyo 4. Noong Mayo
12, 1962, inilabas ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Proklamasyon Blg. 28 s. 1962 na
idineklara ang Hunyo 12 bilang Araw ng Kalayaan.
Noong 1964, ipinasa ng Kongreso ang Republic Act No. 4166 na pormal na itinalaga ang Hunyo
12 ng bawat taon bilang petsa kung saan ipinagdiriwang natin ang kalayaan ng Pilipinas.
Ating Tandaan
Naging napakalaking suliraning sa mga Pilipino ang pagbangon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Ating Tuklasin
Gawain A: [Pagpapasya] Lagyan ng ✔sa patlang kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagmamahal sa
sariling kultura at X kung ang pahayag ay nagpapakita ng colonial mentality. (5 puntos)
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Gawain C: [PANANALIKSIK] Gamit ang silid-aklatan o Internet, magsaliksik ng limang (5) suliraning
kinakaharap ng ating bansa. Magbigay ng mga mungkahing solusyon. Ibahagi ito sa klase. (10 puntos)
1.
2.
3.
4.
5.
Aralin 2
Ating Misyon
Ating Talakayin
Natalakay sa mga nakaraang aralin na ang estado o bansa ay magiging ganap na estado o bansa kung
binubuo ito ng apat na elemento. Ang mga elementong ito ay ang tao, teritoryo, pamahalaan, at
soberanya. Samakatwid, ang estado o bansa ay binubuo ng mga tao o mamamayan na naninirahan sa
tiyak na teritoryo sa ilalim ng isang pamahalaang nagtatamasa ng soberanya.
Ang soberanya ay napakahalagang elemento, sapagkat walang halaga ang estado kung wala ang
soberanya o kalayaan at kapangyarihan na pamunuan ang sarili nito. Kung mayroong kalayaan at
kapangyarihan ang isang estado ay maisasakatuparan nito ang mga adhikain, layunin, at plano tungo
sa kaunlaran ng estado na hindi pinakikialaman at pinanghihimasukan ng ibang estado o dayuhan.
Kapangyarihan ng Soberanya
1. Ang soberanya ay permanente dahil ito ay hindi na nawawala. Hanggat nandyan ang estado,
mananatili ang soberanya nito.
2. Ang soberanya ay malawak dahil ito ay sumasaklaw sa mga tao, ari-arian, at teritoryo ng estado.
3. Ang kapangyarihan ng soberanya ay lubos at hindi naisasalin. Ang kapangyarihan ng estado ay
pansarili lamang at hindi naililipat sa ibang estado.
1. Karapatan sa Kalayaan
Ang isang estado ay may karapatang pamahalaan ang sarili. Ang ibig sabihin nito, walang ibang
bansang maaaring manghimasok, makialam, at pumigil sa mga plano at desisyon nito para sa estado.
Mayroong kalayaan ang estado na pamahalaan ang sistemang pang pang-ekonomiya, panlipunan, at
pampulitika nito. Ang estado ay dapat na malaya sa lahat ng anumang uri ng pagkontrol ng ibang
estado.
4. Karapatan sa Pagmamay-ari
Ang isang estadong mayroong soberanya ay may karapatang linangin ang sariling likas na yaman
tulad ng yamang lupa, yamang tubig, at yamang mineral. Ang bawat estado ay may karapatang
kontrolin ang teritoryo at ari-arian nito. Hindi ito maaaring pakialaman at gamitin ng ibang estado ng
walang permiso.
5. Karapatan sa Pakikipag-ugnayan
Ang isang estadong may soberanya ay maaaring makipag-ugnayan sa ibang estado. Mayroong
karapatan ang bawat estado na magpadala at tumanggap ng embahador, diplomat, at konsul.
Layunin nitong makipagkasundo sa ibang estado upang masolusyunan ang mga usaping may
kaugnayan sa politika, ekonomiya, at kultura. Ang isang diplomatikong pakikipag-ugnayan ay
nangangailangan ng proteksyon laban sa anumang kaguluhan at karahasan. Kailangang
proteksyunan ng dadalawing estado ang mga kinatawan ng ibang estado para magkaroon ng
mabuting pakikipag-ugnayan.
Alam mo ba?
Noong Setyembre 16, 1991 ay gumawa ng kasaysayan ang labindalawang (12) senador nang
magdesisyon silang na wakasan ang mga taon ng presensya ng mga dayuhang militar sa
Pilipinas. Sila ay sina Senate President Jovito Salonga at mga senador na sina Juan Ponce Enrile,
Agapito Aquino, Joseph Estrada, Teofisto Guingona Jr., Sotero Laurel, Orlando Mercado, Ernesto
Maceda, Aquilino Pimentel Jr, Victor Ziga, Rene Saguisag, at Wigberto Tañada.
Ating Tandaan
Ang estado o bansa ay binubuo ng mga tao o mamamayan na naninirahan sa isang tiyak na teritoryo
sa ilalim ng isang pamahalaang nagtatamasa ng soberanya.
Ang soberanya ay napakahalagang elemento ng estado upang maisasakatuparan nito ang mga
adhikain, layunin, at plano tungo sa kaunlaran ng estado na hindi pinakikialaman at
pinanghihimasukan ng ibang estado o dayuhan.
Ang soberanya ay may dalawang aspeto. Ito ay ang panloob na soberanya (internal sovereignty) at
panlabas na soberanya (external sovereignty).
Ang estado ay mayroon ding tinatamasang mga karapatan. Ang mga karapatan na ito ay
makatutulong sa isang estado upang pangalagaan ang sarili nito sa anumang banta mula sa mga
dayuhan o mananakop.
Ating Tuklasin
Gawain A: [Pagpapasya] Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung di-wasto. (5
puntos)
Gawain B: [Pagpapaliwanag] Ipaliwanag ang mga sumusunod na paksa sa ibaba sa dalawa (2) o higit
pang pangungusap. ( 8 puntos)
4. Bakit mahalagang igalang ng isang estado ang karapatan at kalayaan ng ibang estado?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Gawain C: [Pananaliksik] Bumuo ng limang (5) pangkat at magsagawa ng pananaliksik tungkol sa isyu
sa West Philippine Sea. Ibahagi ang nakalap na impormasyon sa klase. (10 puntos)
Aralin 3
Ang mga Patakaran at Programa ng Administrasyon nina
Roxas (1946-1948) at Quirino (1948-1953)
Ating Misyon
● Nasusuri ang mga patakaran at programa ng pamahalaan upang matugunan ang mga
suliranin at hamon sa kasarinlan at pagkabansa ng mga Pilipino.
Ating Talakayin
Bilang miyembro ng iba't ibang misyon ng pagsasarili, malaki ang naiambag ni Roxas sa paglalatag ng
mga pundasyon ng kalayaan ng Pilipinas at pagkamit nito. Nang sumiklab ang Digmaang Pasipiko,
ipinakita niya ang kaniyang katapangan at pagmamahal sa bansa nang magboluntaryo siya para sa
militar. Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones ay tumanggi siyang makipagtulungan sa mga
pwersang militar ng Hapon. Gayunpaman, nagsilbi siya sa iba't ibang gawain para sa interes ng mga
Pilipino.
Nang magpulong ang Kongreso para sa sesyon nito pagkatapos ng digmaan, si Roxas ay nahalal na
Pangulo ng Senado. Sa panahon ng kaniyang pamumuno, ipinakita niya ang kaniyan katalinuhan.
Sa halalan noong Abril 23, 1946 ay nagwagi si Roxas bilang pangulo ng Pilipinas at Elpidio Quirino
bilang pangalawang pangulo. Siya ang naging huling pangulo ng Pamahalaang Commonwealth at ang
unang pangulo para sa Ikatlong Republika ng Pilipinas.
Namatay si Roxas ng atakihin sa puso noong Abril 15, 1948 sa Clark Field, Pampanga para sa isang
talumpati. Ang kaniyang balo ay ang dating Trinidad de Leon na kaniyang iniwan na may dalawang
anak.
Mga Patakaran, Programa, at Kontribusyon ng Administrasyong Roxas (Mayo 28, 1946 – Abril 15,
1948)
Ipinahayag ni Pangulong Manuel Roxas sa kaniyang unang State of the Nation Address ang mga hamon
na kinakaharap ng bansa pagkatapos ng digmaan. Isa na rito ang kakapusan ng pondo para sa
rehabilitasyon sa iba’t ibang sektor ng lipunan, kakapusan sa pagkain, at implasyon.
(b) Upang mapanatili ang internasyonal na halaga ng piso sa iba pang malayang mapapalitang pera.
Si Pangulong Roxas ay nangampanya para sa parity amendment ng 1935 Constitution. Ang susog na ito
na hinihingi ng Philippine Trade Relations Act o Bell Trade Act ay magbibigay sa mga mamamayan at
industriya ng Amerika ng karapatang gamitin ang mga likas na yaman ng bansa bilang kapalit ng
suporta sa rehabilitasyon mula sa Amerika. Ang pag-amyenda ay kinakailangan upang makaakit ng
mga pondo para sa rehabilitasyon ng Pilipinas.
Noong Marso 11, 1947 ay may kabuuang 432,933 (78.89% ng mga botante) ang bumoto pabor sa pag-
amyenda ng parity. Ang pag-apruba ng susog ay nagbigay sa bansa ng $620 milyon bilang kabayaran
sa pinsala sa digmaan, sa pamamagitan ng Philippine War Damage Commission.
Ang pondong ito ay ginamit ng pamahalaan upang masimulan ang mga proyekto para sa muling
pagsasaayos ng mga nasirang mga istraktura tulad ng mga kalsada, tulay, paaralan, at iba pang mga
gusali na winasak ng digmaan.
Isang pangunahing inisyatiba na nagmula sa mga paunang talakayan sa panahon ng digmaan tungkol
sa hinaharap na seguridad ng Pilipinas ay ang US–Philippine Military Bases Agreement ng 1947 na
nagbigay sa Amerika ng karapatang panatilihin ang paggamit ng labing-anim na base militar na
walang renta at maaari pang gumamit ng pito para sa loob ng 99 taon.
Nagbigay ng amnestiya si Pangulong Roxas sa mga gerilya noong panahon ng pannakop ng mga
Hapones subalit ang pang-aabuso ng militar sa mga kanayunan ay nagpaigting sa kilusang Hukbong
Bayan Laban sa mga Hapon o Hukbalahap na pinamunuan ng ni Luis Taruc. Patuloy na
nakipaglalaban ang Hukbalahap sa kalayaan at karapatan ng mga magsasaka. Nais nilang magkaroon
ng reporma sa lupa. Hindi nagtagumpay si Pangulong Roxas na pasukuin ang mga kasapi ng
Hukbalahap.
Noong Abril 15, 1948, kasunod ng isang talumpati sa harap ng mga nagtitipon na airmen sa Clark Field
Air Base ay namatay si Pangulong Roxas sa atake sa puso. Si Bise Presidente Elpidio Quirino ang
pumalit sa kaniya sa pagkapangulo noong Abril 17, 1948.
Bago naging ika anim na Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1948, nagsilbi si Elpidio Quirino sa
bansa bilang Congressman, Senador, Kalihim ng Pananalapi, Kalihim ng Ugnayang Panlabas, at Bise-
Presidente.
Sa panahon ng kaniyang pamumuno, pinagbuti niya ang estado ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
upang epektibong mawakasan ang kilusang Hukbalahap.
Walang alinlangang ginampanan ni Pangulong Quirino ang kaniyang mga tungkulin bilang pinuno ng
estado na may pagmamahal at determinasyon.
Mga Patakaran, Programa, at Kontribusyon ng Administrasyong Quirino (Abril 17, 1948 –
Disyembre 30, 1953)
Batay sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Elpidio Quirino, layunin niya na palakasin
ang tiwala ng mga tao sa gobyerno at ibalik ang kapayapaan sa bansa. Upang makamit ang mga ito,
naglakbay ang Punong Tagapagpaganap sa buong bansa upang siyasatin mismo ang kalagayan ng
bansa.
Itinatag niya rin ang Social Security Study Commission sa bisa ng Executive Order No. 150 upang
magsasagawa ng masinsinan at maingat na pagsisiyasat sa mga suliraning panlipunan at pang-
ekonomiya ng mga manggagawa at bumalangkas ng batas na nagpapaunlad ng kapakanang
panlipunan.
Ang Labor Management Advisory Board na itinatag sa pamamagitan ng Executive Order No. 158 ay
bumalangkas ng mga patakaran sa paggawa para mapigilan ang mga alitan sa trabaho.
Isinulong niya ang Minimum Wage Law at pag-amyenda sa Women’s Compensation Act at 8-Hour Labor
Law upang maipatupad ito ng maayos. Nagsagawa rin siya ng mga pabahay sa lungsod ng Quezon.
Kabilang sa maraming programa sa pagpapaunlad ang pagbibigay ng trabaho para sa mga lokal na
mamamayan sa kani-kanilang mga lugar.
Ang Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration na itinatag ng Republic Act. No. 821 ay
nakatulong sa mga magsasaka sa pagkuha ng pautang gayundin sa pagbuo ng mga asosasyon at
kooperatiba upang mahusay na maibenta ang kanilang mga produktong pang-agrikultura.
Nakipag-ugnayan ang administrasyong Quirino sa mga pinuno at miyembro ng Hukbong Bayan Laban
sa Hapon o Hukbalahap at Pambansang Kaisahan ng mga Magbubukid (PKM) para itaguyod ang
kapayapaan at wakasan ang rebelyon.
Sa pamamagitan ng Proclamation No. 76 noong 1948, ang gobyerno ay nagbigay ng amnestiya sa mga
rebeldeng sumuko ng armas. Nabigo ang negosasyon na hikayatin ang pinuno ng Hukbalahap na si
Luis Taruc at iba pang lider ng mga rebelde dahil pumayag silang magparehistro ngunit hindi
kailanman magdi-disarma.
Mula 1950 hanggang 1953, nagsikap sina Kalihim ng Tanggulang Pambansa Ramon Magsaysay at
Pangulong Quirino sa reporma sa Sandatahang Lakas ng bansa at sa pagtataguyod ng kapakanan ng
mga mamamayan sa kanayunan sa pamamagitan ng Economic Development Corporation (EDCOR) at
Land Settlement and Development Corporation (LASEDECO). Ang pangunahing layunin nito ay
mabigyan ng tirahan, lupa, at kabuhayan ang mga gerilyang sumuko sa pamahalaan. Nagbunga ito ng
malaking pagpapabuti sa problema ng rebelyon sa bansa. Mayroong mahigit 25,000 armadong
komunista noong unang bahagi ng 1950 dalawang-katlo rito ay maaaring nahuli, pinatay, o kusang
loob na sumuko.
Ang administrasyong Quirino ay nagtapos sa halalan sa pagkapangulo noong 1953. Ito ay isang
labanan sa pagitan ng kasalukuyang Liberal Party ni Pangulong Elpidio Quirino laban sa Nacionalista
na kandidato na si Ramon Magsaysay. Ito ay isang napakalaking tagumpay para kay Ramon
Magsaysay na nakakuha ng 2,912,992 boto o 68.9% ng mga botante.
Alam mo ba?
Noong Pebrero 10, 2015 ay naglabas ng Presidental Proclamation No. 967 si dating Pangulong
Benigno S. Aquino III na nagdedeklara sa araw ng Nobyembre 16, 2015 bilang araw ni
Pangulong Elpidio Quirino. Ito ay para gunitain ang kaniyang ika-125 kapanganakan.
Ating Tandaan
Si Manuel Roxas ay ang naging huling pangulo sa ilalim ng Pamahalaan ng Commonwealth at ang
unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
Ang Philippine Rehabilitation Act at ang Philippine Trade Act ay isinabatas ng Kongreso sa panahon ng
kaniyang paumuno.
Si Pangulong Elpidio Quirino ang pumalit kay Pangulong Manuel Roxas ng ito ay bawian ng buhay
nang atakihin sa puso matapos ang talumpati sa Clark Air Base, Pampanga.
Layunin ng administrasyong Quirino na palakasin ang tiwala ng mga tao sa gobyerno at ibalik ang
kapayapaan sa bansa.
Ang Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration na itinatag ng Republic Act. No. 821 ay
nakatulong sa mga magsasaka sa pagkuha ng pautang gayundin sa pagbuo ng mga asosasyon at
kooperatiba.
Gawain A: [Pagtatala] Magsulat ng tatlong (3) kontribusyon nina Pangulong Roxas at Pangulong
Quirino na nagdulot ng kaunlaran sa lipunan at bansa. (6 puntos)
1. 1.
2. 2.
3. 3.
Gawain B: [Pagpapaliwanag] Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa dalawa (2) o higit pang
pangungusap. (6 puntos)
Gawain C: [Sanaysay] Magsulat ng isang sanaysay ni binubuo ng dalawa (2) o higit pang talata na
binubuo ng tatlo (3) o higit pang pangungusap tungkol sa patakaran na ipinatupad nina Pangulong
Roxas at Pangulong Quirino. Ilahad sa sanaysay ang naging ambag ng patakarang ito sa pag-unlad ng
lipunan at bansa. (10 puntos)
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Aralin 4
Ang mga Patakaran at Programa ng Administrasyon nina
Magsaysay (1953-1957) at Garcia (1957-1961)
Ating Misyon
● Nasusuri ang mga patakaran at programa ng pamahalaan upang matugunan ang mga
suliranin at hamon sa kasarinlan at pagkabansa ng mga Pilipino.
Naglingkod siya bilang Kongreso ng Partidong Liberal sa Zambales mula 1946 hanggang 1950. Bilang
politiko, nagkaroon siya ng mahalagang papel sa pagpasa ng GI Bill of Rights sa Kongreso ng Amerika
kung saan ang makikinabang nito ay ang mga Pilipinong beterano ng digmaan. Inihalal ni Pangulong
Elpidio Quirino si Magsaysay upang maging kalihim ng depensa upang mahawakan ang pagbabanta
ng mga Hukbong Bayan Laban sa mga Hapon o Hukbalahap. Nagtagumpay siya sa kampanya laban sa
Hukbalahap gamit ang parehong mga solusyon sa militar at pulitika.
Noong 1953 ay nanalo siya sa pagka-pangulo laban kay Quirino. Siya ang ika-pitong pangulo ng
Pilipinas. Siya ay kilala rin bilang “Presidente ng Masang Pilipino.”Sa panahon ng kaniyang
panunungkulan, ipinatupad niya ang mga pangunahing proyekto tulad ng reporma sa lupa,
panlipunang kapakanan, at mga gawaing pampubliko.
Binuksan niya ang pintuan ng Malacanang sa mga mamamayang Pilipino kung saan sila ay binigyan
ng pagkakataong lumapit sa kaniya ng direkta. Ang mga mamamayan ay nabigyan ng kalayaan upang
ipahayag ang kanilang mga hinaing sa pangulo.
Noong Marso 17, 1957, namatay si Pangulong Magsaysay at ang 25 pang pasahero ng bumagsak ang
sinasakyan nitong eroplanong Douglas C-47 o tinatawag na Mt. Pinatubo sa bundok ng Manunggal,
Cebu. Si Pangalawang Pangulong Carlos P. Garcia ang humalili sa kaniya sa pagka pangulo noong
Marso 18, 1957.
Ang Land Reform Act of 1955 o Republic Act No. 1400 ay may layuning ilipat ang mga lupaing
agrikultural sa mga nangungupahang magsasaka, subalit hindi ito naisakatuparan sapagkat ginamit
ng mga mayayamang haciendero ang kanilang pera upang mapigilan ito.
Ang Court of Agrarian Relations o Republic Act No. 1267 ay may layuning ipatupad ang lahat ng mga
batas at regulasyon na namamahala sa ugnayan ng kapital at paggawa sa lahat ng lupang pang-
agrikultura sa ilalim ng anumang sistema ng pagtatanim.
Ang National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) o Republic Act No. 1160 ay
naglalayong maayos ang sistema ng pabahay para sa mga mahihirap na Pilipino.
Sinubukan ni Magsaysay na makuha ang loob ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay sa
kanila ng mga lupain at mga kasangkapan kung susuporta sila sa gobyerno. Dahil sa mga
magagandang programa ng administrasyong Magsaysay ay nagtagumpay siya laban sa mga rebelde
sa pagsuko ng pinuno ng Huk na si Luis Taruc noong 1954.
Si Garcia ay isang abugado, makata, at guro. Siya ay nagsilbi rin pinuno ng gerilya sa panahon ng
Digmaang Pasipiko. Siya ay naging kongresista, gobernador, at senador ng bansa. Noong 1954 si
Garcia ay nagsilbi bilang pangalawang pangulo sa ilalim ng administrasyon ni Ramon Magsaysay at
naging kalihim ng Ugnayang Panlabas sa loob ng apat na taon.
Naging pangulo siya nang namatay si Magsaysay noong 1957 ng bumagsak ang eroplanong
sinasakyan nito.
Itinaguyod ng administrasyong Garcia ang patakarang “Filipino First” na pinapaboran ang mga
negosyong Pilipino kaysa sa mga dayuhang namumuhunan. Isa itong pambansang pagsisikap ng mga
Pilipino na makamit ang malaki at dominanteng partisipasyon sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Nangampanya ang administrasyon para tangkilikin ng mga mamamayan ang mga produkto at
serbisyong Pilipino. Nagpatupad din ng mga kontrol sa pag-import upang matulungan ang
industriyang Pilipino.
Ang Anti Graft and Corrupt Practices Act sa pamamagitan ng Republic Act No. 301 ay naglalayong
pigilan ang katiwalian at itaguyod ang katapatan at tiwala ng publiko.
Ang isa pang tagumpay ng administrasyong Garcia ay ang Bohlen–Serrano Agreement ng 1959 na
nagpaikli sa termino ng pananatili ng mga base militar ng Amerika sa bansa mula sa nakaraang 99
patungo sa 25 taon.
Natalo si Pangulong Garcia kay Bise Presidente Diosdado Macapagal sa halalan sa pagkapangulo
noong 1961.
Alam mo ba?
Ating Tandaan
Si Pangulong Ramon Magsaysay ay ang ika pitong pangulo ng Pilipinas na kilala rin bilang “Presidente
ng Masang Pilipino.”
Ipinatupad ni Pangulong Magsaysay ang mga pangunahing proyekto tulad ng reporma sa lupa,
panlipunang kapakanan, at mga gawaing pampubliko.
Ang National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) o Republic Act No. 1160 ay
nakatulong sa bansa upang maging maayos ang sistema ng pabahay para sa mga mahihirap na
Pilipino.
Ang Agricultural Tenancy Act of the Philippines ay ang batas na nagprotekta sa mga magsasaka at
nakatulong upang matigil ang rebelyon ng mga magsasaka.
Namatay si Pangulong Magsaysay nang bumagsak ang sinasakyan nitong eroplanong sa bundok ng
Manunggal, Cebu. Si Panglangawang Pangulong Carlos P. Garcia ang humalili sa kaniya sa
pagkapangulo.
Itinaguyod ng administrasyong Garcia ang patakarang “Filipino First” na pinapaboran ang mga
negosyong Pilipino kaysa sa mga dayuhang namumuhunan. Nangampanya ang administrasyon para
tangkilikin ng mga mamamayan ang mga produkto at serbisyong Pilipino. Nagpatupad din ng mga
kontrol sa pag-import upang matulungan ang industriyang Pilipino.
Ang Anti Graft and Corrupt Practices Act sa pamamagitan ng Republic Act No. 301 ay batas na
nakatulong sa pamahalaan upang mapigilan ang katiwalian at itaguyod ang katapatan at tiwala ng
publiko sa pamahalaan.
Ang isa pang tagumpay ng administrasyong Garcia ay ang Bohlen–Serrano Agreement ng 1959 na
nagpaikli sa termino ng pananatili ng mga base militar ng Amerika sa bansa mula sa nakaraang 99
patungo sa 25 taon.
Ating Tuklasin
Gawain A: [Pagtatala] Magsulat ng tatlong (3) kontribusyon nina Pangulong Magsaysay at Pangulong
Garcia na nagdulot ng kaunlaran sa lipunan at bansa. (6 puntos)
1. 1.
2. 2.
3. 3.
Gawain B: [Pagpapaliwanag] Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa dalawa (2) o higit pang
pangungusap. (6 puntos)
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Aralin 5
Ang mga Patakaran at Programa ng Administrasyon nina
Macapagal (1961- 1965) at Marcos (1965-1972)
Ating Misyon
● Nasusuri ang mga patakaran at programa ng pamahalaan upang matugunan ang mga
suliranin at hamon sa kasarinlan at pagkabansa ng mga Pilipino.
Ating Talakayin
Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang
asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal Arroyo, ang naging ika labing apat
at pangalawang babae na naging pangulo ng Pilipinas.
Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa
Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Rural Health Law at Minimum
Wage Law. Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961.
Sa eleksyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo ng
Senado si Ferdinand E. Marcos na isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon ng
hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang
kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal
sa halalang iyon. Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal noong 1971.
Namatay si Macapagal dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato sa Makati Medical Center
noong Abril 21, 1997 sa edad na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.
Mga Patakaran, Programa, at Kontribusyon ng Administrasyong Macapagal (Disyembre 30,
1961- Disyembre 30, 1965)
Binigyang diin ni Pangulong Diosdado Macapagal sa kaniyang talumpati sa pagpapasinaya noong
Disyembre 30, 1961 ang mga responsibilidad at layunin na dapat makamit sa bagong panahon.
Binanggit niya na nais niyang matigil ang katiwalian at tiniyak sa publiko na mananaig ang katapatan
sa kaniyang pagka pangulo. Nilayon din ni Pangulong Macapagal ang pagsasakatuparan at
pagtataguyod ng kapakanan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng gobyerno
at pribadong sektor. Nais niya ring maibsan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
solusyon sa kawalan ng trabaho ng mamamayang Pilipino.
Kabilang sa mga batas na ipinasa noong administrasyong Macapagal ay ang Agricultural Land Reform
Code o Republic Act No. 3844. Itinadhana ng batas na ito ang pagbubuwag sa sistema ng kasama,
pagpapalit sa sistema ng pag-uupa, at pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. Isa itong batas na
siyang nagtatag ng Land Bank of the Philippines. Ang batas na ito ay hindi naging matagumpay dahil
sa kakulangan ng pondo.
Ang programang International Rice Research Institute ay pinasinayaan noong Pebrero 7, 1962 upang
maging masagana ang produksyon ng palay. Isa sa magandang bunga ng pagsasaliksik dito ay ang
“miracle rice” na nagbigay ng mas maraming ani sa mga magsasaka kaysa sa ordinaryong binhi.
Ang Republic Act No.3518 na nagtatag ng Philippine Veterans Bank ay may layuning tulungan ang mga
beterano ng digmaan at pamilya nito.
Ang Republic Act No. 3470 na nagtatag ng National Cottage Industries Development Authority (NACIDA)
ay naglalayong ayusin, buhayin, at itaguyod ang pagtatatag ng mga lokal na industriya.
Ang Republic Act No. 4156 na nagtatag ng Philippine National Railways (PNR) para magpatakbo ang
pambansang riles at mga tram. Inalis ng administrasyon ang mga kontrol sa foreign exchange bilang
bahagi ng decontrol program sa pagtatangkang isulong ang pambansang katatagan at paglago ng
ekonomiya.
Sa larangan ng ugnayang panlabas, ang Pilipinas ay naging isang founding member ng Greater
Malayan Confederation o Maphilindo sa pamamagitan ng Manila Accord ng 1963. Ito ay isang
organisasyong pangrehiyon ng mga estadong Malay, kabilang na ang Pilipinas, Indonesia, at Malaysia.
Nais nitong lutasin ang mga suliraning pambansa at pangrehiyon sa pamamagitan ng diplomasya.
Subalit, ang organisasyong ito ay hindi nagtagumpay dahil sa isyu sa teritoryo sa Sabah sa pagitan ng
Pilipinas at Malaysia. Matatandaan na noong 1878, ang sultan ng Sulu ay nagpaupa ng Sabah sa
British North Borneo Co., kung saan ang kumpanya ay magbabayad ng 5,300 Mexican na piraso ng
ginto sa isang taon sa Kaharian ng Sulu. Subalit noong 1936 ay nahinto ang pagbabayad nang
mamatay si Sultan Jamalul Kiram II.
Noong 1939, ang mataas na hukuman ng North Borneo ay naglabas ng isang desisyon na
pinangalanan ang siyam na pangunahing tagapagmana ng huling sultan ng Sulu na ang mga inapo ay
ipinipilit ang kanilang pag-angkin sa Sabah. Pagkatapos ng desisyon ng korte, sumunod ang British
North Borneo Co. sa loob ng ilang taon.
Noong 1962 ay itinakda ng Pilipinas ang pag-angkin nito sa Sabah matapos na bigyan ng mga
tagapagmana ng Sultan ng Sulu at North Borneo ang gobyerno na pinamumunuan noon ni Pangulong
Diosdado Macapagal na makipag-ayos. Inihain ni Macapagal sa United Kingdom ang pag-angkin ng
Pilipinas ng soberanya, hurisdiksyon, at pagmamay-ari sa Sabah.
Noong 1963, ang Sabah ay isinama sa Malaysia nang ideklara nito ang kalayaan mula sa United
Kingdom. Ang British North Borneo Co. ay huminto sa pagbabayad at ang mga karapatan nito sa
Sabah ay inilipat sa bagong tatag na Federation of Malaysia. Inaako ng bagong gobyerno ang
pagbabayad ngunit sa ringgit. Hanggang sa kasalukuyan, ang Sabah ay hinahabol at nais makuhang
muli ng sultanato ng Sulu.
Kabilang din sa mga nagawa ni Pangulong Macapagal ang pagpapakalat ng Pambansang Wika at ang
pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12. Ang Hulyo 4 ay
ideneklara bilang Philippine Republic Day at sa kasalukuyan ay ginugunita bilang Philippine-American
Friendship Day.
Mula 1946 hanggang 1947 si Marcos ay naging technical assistant ni Manuel Roxas, ang unang pangulo
ng malayang Republika ng Pilipinas. Siya ay naging miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng
Pilipinas mula 1949 hanggang 1959, ng Senado mula 1959 hanggang 1965, at nagsilbi bilang pangulo
ng Senado mula 1963 hanggang 1965.
Noong 1965, si Marcos na isang kilalang miyembro ng Liberal Party ay tumiwalag matapos mabigo na
makuha ang nominasyon ng kaniyang partido para sa pagka pangulo. Pagkatapos ay tumakbo siya
bilang kandidato ng Nasyonalista para sa pangulo laban sa pangulo ng Liberal na si Diosdado
Macapagal.
Nanalo si Marcos at itinalaga bilang pangulo noong Disyembre 30, 1965. Noong 1969 siya ay muling
nahalal at naging unang pangulo ng Pilipinas na naglingkod sa ikalawang termino. Sa panahon ng
kaniyang unang termino ay nagawa niyang mapabuti ang estado ng agrikultura, industriya, at
edukasyon. Ngunit ang kaniyang administrasyon ay magulo dahil na rin sa dumaraming
demonstrasyon at rebelyon.
Naging pangulo siya ng 21 taon. Si Ferdinand Edralin Marcos ay ang ika sampung Pangulo ng
Republika ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero 25, 1986. Nagpasiya siya na ilagay
ang bansa ilalim ng batas militar. Si Marcos ay tinanggal mula sa katungkulan matapos ang People
Power Revolution noong 1986.
Ang asawa ni Marcos mula 1954 ay si Imelda Romualdez Marcos ay isang dating beauty queen. Si
Imelda ay naging isang makapangyarihang pigura pagkatapos simulan ang martial law noong 1972.
Madalas siyang mabatikos dahil sa kaniyang pagtalaga sa kaniyang mga kamag-anak sa
mahahalagang posisyon sa gobyerno, habang siya naman ay gobernador ng Metropolitan Manila
mula 1975 hanggang 1986.
Si Marcos ay umalis sa bansa noong Pebrero 25, 1986 sa paghimok ng Amerika. Tumakas siya
papuntang Hawaii kung saan siya ay nanatili doon hanggang sa kaniyang kamatayan noong
September 28, 1989.
Ang administrasyon na may layuning palakasin ang lokal na ekonomiya ay gumawa ng mga programa
sa pagtatayo at mga proyekto sa patubig. Ang pagtataguyod ng pamana, kultura, at sining ng Pilipinas
ay nakamit sa pamamagitan ng pagtatatag ng Cultural Center of the Philippines o CCP noong 1969.
Sa ilalim ng administrasyong Marcos, naging host ang bansa ng Manila Summit noong 1966. Ang
kumperensya ay naglalayong lutasin ang Digmaang Vietnam at hangarin na pagpapanumbalik ng
kapayapaan at pagtataguyod ng katatagan at pag-unlad ng ekonomiya sa buong rehiyon ng Asia-
Pacific.
Ipinatupad ni Marcos ang “green revolution.” Layunin nito na paunlarin ang pagtatanim at maparami
ang mapagkukunan ng pagkain. Ipinagpatuloy niya rin ang programang “miracle rice.” Hinikayat niya
ang pagtatayo ng mga kooperatiba upang makatulong sa pagpapautang ng pondo para sa mga
magsasaka. Nagpadala siya ng mga espesyalista sa mga lalawigan upang turuan ang mga magsasaka
na maparami ang kanilang ani. Sa ganitong paraan, lalaki ang produksyon ng bigas at hindi na
kailangang umasa sa angkat ng ibang bansa.
Ang Republic Act No. 5186 o Investments Incentives Act ay naglalayong maayos ang industriya at
ekonomiya ng bansa. Hinihikayat nito ang mga namumuhunang Pilipino at dayuhan na paunlarin ang
mga industriyang pang-agrikultura, pagmimina, at pagmamanupaktura. Sa ganitong paraan ay
mapapataas ang pambansang kita, mapapataas ang mga eksport, magbibigay ng mas maraming
pagkakataon para sa trabaho, at pagkakataon upang itaas ang antas ng pamumuhay ng mga tao.
Ang Republic Act No. 4864 o Police Act of 1966 ay may patakaran at layunin na magkaroon ng mas
mataas na antas ng kahusayan sa organisasyon, pangangasiwa, at operasyon ang mga lokal na
ahensya ng pulisya. Layunin din nitong panatilihin ang kapayapaan, kaayusan, at ipatupad ang mga
batas na walang kinikilingan.
Ang Republic Act No. 5173 na nagtatag ng Philippine Coast Guard ay may layuning magpatupad ng mga
batas, magpahayag, at mangasiwa ng mga regulasyon para sa pagtataguyod ng kaligtasan ng buhay
at ari-arian sa loob ng maritime jurisdiction ng Pilipinas.
Kahirapan at kawalan ng hustisya ang mga dahilan ng pagkakatatag ng mga samahang kumakalaban
sa pamahalaan. Noong 1968, pinamunuan ni Jose Maria Sison ang pagtatatag ng Communist Party of
the Philippines o CPP. Noong 1969 naman ay naitatag ang New People’s Army o NPA sa pangunguna ni
Bernabe Buscayno.
Nanalo si Pangulong Marcos sa kaniyang muling pagtakbo sa halalan noong 1969 sa pagkapangulo
laban kay Sergio Osmeña Jr. ng Liberal Party. Nakakuha si Pangulong Marcos ng 5,017,343 boto o
61.47% ng mga botante.
Ang pambobomba sa Plaza Miranda, kasabay ng pagtaas ng lakas ng Partido Komunista ng Pilipinas,
at ang pananambang sa convoy ni Secretary of Defense Juan Ponce Enrile noong gabi ng Setyembre
22, 1972 ang dahilan para sa deklarasyon ni Pangulong Marcos ng Batas Militar sa publiko noong
Setyembre 23, 1972 sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1081.
Noong 1981, sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 2045, inalis ang Batas Militar sa buong bansa at
minarkahan ang simula ng “Bago” o Ikaapat na Republika ng Pilipinas.
Alam mo ba?
Noong Nobyembre 27, 1970 ay naglakbay si Blessed Pope Paul VI sa Pilipinas. Dinaluhan ito ng
63.2 milyong Pilipinong mananampalataya sa Katoliko. Ito ang unang beses na bumisita sa
bansa ang pinuno ng simbahang Katoliko. Siya ay nakaligtas sa isang pagtatangkang pagpatay
sa kaniyang pagdating. Pinangasiwaan niya ang unang Papal Mass sa Manila Cathedral,
gayundin ang open-air mass sa Rizal Park.
Ating Tandaan
Si Pangulong Diosdado Macapagal ay tinagurian bilang “Batang Mahirap Mula sa Lubao” dahil anak
siya ng isang magsasaka.
Siya ang nagdeklara na ang Hunyo 12, 1898 ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Kabilang sa mga batas na ipinasa noong administrasyong Macapagal ay ang Agricultural Land Reform
Code o Republic Act No. 3844 na magbubuwag sa sistema ng kasama at pamimigay ng lupa sa mga
magsasaka.
Ang“miracle rice” ang magandang bunga ng pagsasaliksik ng International Rice Research Institute na
nakatulong upang maging masagana ang produksyon ng palay ng mga magsasaka.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos sa kaniyang talumpati ang mensahe na “This nation can be great
again.”
Naging pangulo siya ng Pilipinas sa loob ng dalawampu’t isang (21) taon. Nakapagpatayo ng
maraming paaralan, kalsada, tulay, ospital, at iba pang imprastraktura.
Si Pangulong Marcos ay nagpasiyang ideklara ang Batas Militar sa publiko noong Setyembre 23, 1972
sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1081.
Si Pangulong Marcos ay tinanggal mula sa katungkulan matapos ang People Power Revolution noong
1986.
Ating Tuklasin
Gawain A: [Pagtatala] Magsulat ng tatlong (3) kontribusyon nina Pangulong Macapagal at Pangulong
Marcos na nagdulot ng kaunlaran sa lipunan at bansa. (6 puntos)
1. 1.
2. 2.
3. 3.
Gawain B: [Pagpapaliwanag] Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa dalawa (2) o higit pang
pangungusap. (6 puntos)
Gawain C: [Sanaysay] Magsulat ng isang sanaysay ni binubuo ng dalawa (2) o higit pang talata na may
tatlo (3) o higit pang pangungusap tungkol sa patakaran na ipinatupad nina Pangulong Macapagal at
Pangulong Marcos. Ilahad sa sanaysay ang naging ambag ng patakarang ito sa pag-unlad ng lipunan
at bansa. (10 puntos)
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Buod
Naging mahirap ang pagbangon ng Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa
kakulangan ng pondo. Naging malaking hamon sa pamahalaan ang rekonstruksiyon at pagsasaayos
ng bansa.
Sinikap ng pamahalaan na matugunan ang hamon na ito kaya napilitan ang pamahalaan na pumasok
sa hindi pantay at makatarungang mga kasunduan sa Amerika kapalit ng tulong pinansiyal na
ibabahagi nito sa bansa.
Maraming mga impluwensya ang naiwan ng Amerika sa Pilipinas. Kabilang na rito ang kaisipang
kolonyal na kung saan ang mga Pilipino ay nagkaroon ng higit na paghanga sa kultura at produkto ng
mga Amerikano. Ang kaisipang ito ay nakaaapekto sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Ang isang estado ay binubuo ng apat na elemento. Ang mga ito ay ang tao, teritoryo, pamahalaan, at
soberanya.
Matapos maitatag ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay nagkaroon ng pagkakataon at kalayaan ang
mga Pilipino na pamunuan ang sarili nitong bansa.
Bilang isang demokratiko at republikanong bansa, ang mga pinuno ay pinipili at inihahahalan ng mga
tao.
Maraming mga programa, patakaran, at kontribusyon ang inilatag at isinulong ng mga pangulong
nanungkulan sa Ikatlong Republika ng Pilipinas upang mapaunlad ang lipunan at bansa. Tunay na
kahanga-hanga ang kanilang dedikasyon, paglilingkod, at pagmamahal sa bayan sapagkat sila ay
hindi sumuko sa mga hamon at suliranin na kanilang kinaharap sa panahon ng kanilang
panunungkulan.
Ang mga naging Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas ay sina Pangulong Manuel Roxas na
nanungkulan mula 1946 hanggang 1948, Pangulong Elpidio Quirino na nanungkulan mula 1948-1953,
Pangulong Ramon Magsaysay na nanungkulan mula 1953 hanngang 1957, Pangulong Carlos Garcia na
nanungkulan mula 1957 hanggang 1961, Pangulong Diosdado Macapagal na nanungkulan mula 1961
hanggang 1965, at Pangulong Ferdinand Marcos na nanungkulan mula 1965 hanggang 1986.
Proyektong Pang-Yunit: [Photo essay] Pumili ng isang pangulong namuno sa Ikatlong Republika ng
Pilipinas. Maghanap ng kaniyang larawan at i-detalye ang kaniyang talambuhay at kontribusyon sa
bansa. Gawin ito sa short bond paper. (10 puntos)
Lagumang Pagsusulit: [Pagpipili] Piliin ang tamang salita sa loob ng saknong at bilugan ito. (15
puntos)
1. Ang isang ganap na estado tulad ng Pilipinas ay binubuo ng (tatlo, apat) na elemento.
2. Ang (Military Bases Agreement, parity rights) ay isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika
na nagbibigay ng pahintulot para sa mga Amerikano na magkaroon ng mga base militar sa iba’t ibang
lugar sa Pilipinas.
3. Ang (panloob na soberanya, panlabas na soberanya) ay tumutukoy sa kapangyarihan ng estado na
magpatupad ng batas, patakaran, at utos sa loob ng bansa
4. Ang (panloob na soberanya, panlabas na soberanya) ay tumutukoy sa kapangyarihan ng estado sa
pagpigil sa mga dayuhan o ibang estado na nanghihimasok at nangingialam sa pamamahala ng
estado.
5. Ang bawat estado ay may karapatang pamahalaan ang (sarili, ibang) estado.
6. Ang unang pangulo para sa Ikatlong Republika ng Pilipinas ay si (Pangulong Ferdinand E. Marcos,
Pangulong Manuel A. Roxas)
7. Ang Pilipinas ay naging kasapi ng internasyonal na samahan na (United Nations, ASEAN) sa panahon
ng administrasyong Roxas.
10. Si (Pangulong Macapagal, Pangulong Magsaysay) ay kilala rin bilang “Presidente ng Masang
Pilipino.”
11. Sa (Bundok Manunggal, Bundok Pinatubo) bumagsak ang sinasakyang eroplano ni Pangulong
Magsaysay.
12. Si (Pangulong Marcos, Pangulong Garcia) ang humalili sa kay Pangulong Magsaysay ng ito ay
pumanaw.
13. Ang (Austerity Program, Technical Assistant Program) ay naglalayong pakilusin sa bansa ang
pambansang pagtitipid.
14. Ang nagwika ng “This nation can be great again” ay si (Pangulong Marcos, Pangulong Garcia).
15. Ang Pangulong nagdeklara ng batas militar sa Pilipinas ay si (Pangulong Marcos, Pangulong
Garcia).
AP 6 -Yunit 3
Aralin 1
Gawain A Pagpasya
1. X
2. /
3. X
4. /
5. /
Gawain B Pagpapaliwanag
6 puntos: Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral
Gawain C Pananaliksik
Pamantayan 5 3 1 Iskor
(Pinakamahusay) (Mahusay) (Mapaghuhusayan pa)
Aralin 2
Gawain A Pagpapasya
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Mali
Gawain B Pagpapaliwanag
Gawain C Pananaliksik
Pamantayan 5 3 1 Iskor
(Pinakamahusay) (Mahusay) (Mapaghuhusayan pa)
Aralin 3
Gawain A Pagtatala
Gawain B Pagpapaliwanag
Gawain C Sanaysay
Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay
Pamantayan 5 3 1 Iskor
(Pinakamahusay) (Mahusay) (Katanggap-tanggap)
Balirala Wasto ang gamit May isang di- May dalawang di-
ng salita, bantas, wastong gamit na wastong gamit na
at baybay sa mga salita, bantas, o salita, bantas, o
pangungusap. baybay sa mga baybay sa mga
pangungusap. pangungusap.
Aralin 4
Gawain A Pagtatala
Gawain B Pagpapaliwanag
Pamantayan 5 3 1 Iskor
(Pinakamahusay) (Mahusay) (Katanggap-tanggap)
Balirala Wasto ang gamit May isang di- May dalawang di-
ng salita, bantas, wastong gamit na wastong gamit na
at baybay sa mga salita, bantas, o salita, bantas, o
pangungusap. baybay sa mga baybay sa mga
pangungusap. pangungusap.
Aralin 5
Gawain A Pagtatala
Gawain B Pagpapaliwanag
Gawain C Sanaysay
Pamantayan 5 3 1 Iskor
(Pinakamahusay) (Mahusay) (Katanggap-tanggap)
Balirala Wasto ang gamit May isang di- May dalawang di-
ng salita, bantas, wastong gamit na wastong gamit na
at baybay sa mga salita, bantas, o salita, bantas, o
pangungusap. baybay sa mga baybay sa mga
pangungusap. pangungusap.
Pamantayan 5 3 1 Iskor
(Pinakamahusay) (Mahusay) (katanggap-
tanggap)
Balirala Wasto ang gamit ng May isang di-wastong May dalawang di-
salita, bantas, at gamit na salita, wastong gamit na
baybay sa mga bantas, o baybay sa salita, bantas, o
pangungusap. mga pangungusap. baybay sa mga
pangungusap.
1. apat
2. Military Bases Agreement
3. panloob na soberanya
4. panlabas na soberanya
6. Pangulong Manuel A. Roxas
7. United Nations
8. Pangulong Quirino
9. Pangulong Quirino
10. Pangulong Magsaysay
11. Bundok Manunggal
12. Pangulong Garcia
13. Austerity Program
14. Pangulong Marcos
15. Pangulong Marcos
Mga Sanggunian:
Third republic: Govph. Official Gazette of the Republic of the Philippines. (n.d.). Retrieved April 1, 2022,
from https://www.officialgazette.gov.ph/featured/third-republic/
Biography of Senate president Roxas - Senate of the Philippines. (n.d.). Retrieved April 1, 2022, from
https://legacy.senate.gov.ph/senators/senpres/roxas.asp
Look back: When the Senate said 'no' to US bases renewal. RAPPLER. (2016, September 16). Retrieved
April 1, 2022, from https://www.rappler.com/newsbreak/iq/146410-look-back-senate-no-us-base-
renewal-1991/
YouTube. (2021, April 7). Ang pilipinas Bilang Isang Ganap na Estado (AP6-Q3-module2). YouTube.
Retrieved April 1, 2022, from https://www.youtube.com/watch?v=jwzPAw8nYbA
Admin, D. E. (2019, December 16). Mga Karapatan ng Isang Bansang malaya. DEPED TAMBAYAN.
Retrieved April 1, 2022, from https://www.depedtambayan.ph/mga-karapatan-ng-isang-bansang-
malaya/
Ang Pangulo Ko: Manuel A. Roxas. YouTube. (2015, April 9). Retrieved April 1, 2022, from
https://youtu.be/9-UWt76qWw8
PTVPhilippines. (2015, November 17). Xiao Time: Guro to pangulo: Ang Pamana ni Elpidio Quirino
Bilang Pangulo ng Pilipinas. YouTube. Retrieved April 1, 2022, from https://www.youtube.com/watch?
v=ckfDSAx_iLg
Xiao Time: Guro to pangulo: Ang Pamana ni Elpidio Quirino Bilang Pangulo ng Pilipinas. YouTube.
(2015, November 17). Retrieved April 1, 2022, from https://youtu.be/ckfDSAx_iLg
Mga Pangulo ng Pilipinas: Kontribusyon at Mga Nagawa (Unang Bahagi). Mga Pangulo ng Pilipinas:
Kontribusyon At Mga Nagawa (Unang Bahagi) | Talambuhay ng mga Bayani ng Pilipinas. (n.d.).
Retrieved April 1, 2022, from https://bayaningfilipino.blogspot.com/2020/10/mga-pangulo-ng-
pilipinas-kontribusyon-at-mga-nagawa.html
Aispinay. (1970, January 1). Diosdado Macapagal. Retrieved April 1, 2022, from
https://biograpiya.blogspot.com/2010/03/diosdado-macapagal.html
INQUIRER.net. (2020, July 31). Sabah: A Timeline. INQUIRER.net. Retrieved April 1, 2022, from
https://globalnation.inquirer.net/189914/sabah-a-timeline
Proclamation no. 967, S. 2015: GOVPH. Official Gazette of the Republic of the Philippines. (2015,
February 10). Retrieved May 5, 2022, from
https://www.officialgazette.gov.ph/2015/02/10/proclamation-no-967-s-2015/
XIAOTIME, 14 January 2013: Carlos P. Romulo, Kinilala Noon Bilang mr. Philippines. IT'S XIAOTIME!
(2013, January 16). Retrieved May 5, 2022, from https://xiaochua.net/2013/01/15/xiaotime-14-january-
2013-carlos-p-romulo-kinilala-noon-bilang-mr-philippines/