You are on page 1of 7

PHILIPPINE EDUCATION in the

NEOCOLONIAL PERIOD
MGA TAGAPAGULAT:
Kim Shaira Abella
Dianne Krisha Arahan
Arline Jane Baldado
Patrishia Niccole Dela Rosa
Jashcka Venisse Del Campo
Jazmine Gail Uy
Introduksyon
(Naglahad: Patrishia Niccole Dela Rosa)

Bilang panimula ng aming paglalahad ukol sa Philippine Education in the Neocolonial Period, ano muna ang
tinatawag nating “Edukasyon”? Ayon sa aming pananaliksik, ang Edukasyon ay ang proseso ng pagbabahagi, pagkuha, at
pag-iipon ng mga kaalaman. Ngunit hindi lamang nakapaloob sa Edukasyon ang pag-aaral ng iba’t ibang asignatura, kundi
tumutulong din ito upang mapaunlad ng bawat tao ang kanilang kakayahan, pang-unawa, at pagkatao na maaaring magamit
sa pang araw-araw na pamumuhay at para sa kinabukasan.
Ano ang Neocolonial?. Ang Neocolonial ay ang kontrol o pag-aari ng isang makapangyarihang bansa sa mga
mahihinang bansa sa pamamagitan ng pag-gamit ng pang-ekonomiyang presyon, pampulitikang pagsupil, pangingibabaw sa
kultura, at maging sa pananakop sa pamamagitan ng Edukasyon.
Ang akdang ito ay mula kay Alexander Martin Remollino, isang aktibista, journalist, at manunula. Ang Aktibista ay
isang taong nakikibaka para sa kanilang paniniwala laban sa gobyerno. Si Alexander Martin Remollino ay namatay noong
taong 2010.

“Independence” as Colonial Bondage


(Naglahad: Jazmine Gail Uy)

Noong 1946 ay nakamit at naipagkaloob ng Estados Unidos ang Kalayaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng Jones Act.
֍ Ang Jones Act(Batas Jones) ay kilala din din bilang Philippine Autonomy Act na nilagdaan ni Presidente Woodrow Wilson
at sinorpotahan ni US Representative William Atkinston Jones ng Virginia. Ang Batas na ito ay nagbibigay sa mga Pilipino
ang kalayaan at naglalaman din ng mga pangako ng Amerika sa Pilipinas na sa lalong madaling panahon ay ipagkaloob
na sa mga Pillipino ang kasarinlan at kapag matatag na ang pamahalaan ng Pilipinas ay kikilalanin na ang Kalayaan ng
mga Pilipino.
Matapos makalaya ang Pilipinas sa tulong ng Estados Unidos sa kamay ng mga Hapones ay nanatili pa rin ang ugnayan
sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas, hindi lamang sa pang-ekonomiya kundi pati narin sa mga usapin at kasunduang
militar na siyang naghubog at humulma sa mga polisiya at patakaran sa Pilipinas na kung saan ang mga patakarang ito ay
sumasangayon at pumapabor sa US.
Isa sa mga kasunduang nabuo ay ang Bell Trade Act of 1946 o kilala rin bilang Philippine Trade Act.
֍ Ang Philippine Trade Act ay nagsasabing magpapatuloy ang kalakalan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas. Ito ay
naipatupad sa kadahilanang ang Amerika ay nagbigay ng 800 milyong dolyares sa Pilipinas kapalit ng pagpapatupad
nito. Nakapaloob din sa batas na ito ang “Parity Rights” na kung saan ang mga korporasyon ng US ay may Karapatan
sa mga likas na yaman ng Pilipinas. Sa makatuwid ay lugi ang Pilipinas at may mas nakukuhang kalamangan at
benepisyo ang US sa batas na ito.

Ang Bell Trade Act ay nagdulot ng malaking pinsala sa Pilipinas, kaya naman ipinasa ang Laurel-Langley Agreement.

֍ Ang Laurel-Langley Agreement ay tinatanggal ang kontrol ng US sa pakikipagkalakalan sa Pilipinas.


Ngunit matapos ang kasunduang ito at walang nasilayang pagbabago at epekto ang mga Pilipino. Hindi naibalik ng
kasunduang Laurel-Langley ang pinsalang naidulot ng Bell Trade Act. Ito ay dahil linggid sa kaalaman ng mga Pilipino, ang
Laurel-Langley Agreement at pawing panakip butas lamang sa masamang epekto ng Bell Trade Act.
Matapos ang mga pangyayaring iyon ay may nagging ugnayan pa rin ang Pilipinas at US dahil sa Mutual Defense Treaty.
֍ Ang Mutual Defence Treaty ay kasunduan ng dalawang bansa na magtutulungan kung sakaling magkaroon ng gera.
Ito rin ang nagbibigay ng pahintulot na manatili ang mga Military bases ng Amerika sa Pilipinas.
(Naglahad: Kim Shaira Abella)

Noong panahon naman ni Diosdado Macapagal ay inilaban niya ang araw ng kalayaan na dati ay Hulyo 4 at ginawa
itong Hunyo 12. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa Philippine-US trade sa ilalim ng kanyang pamamahala.
֍ Si Diosdado Macapagal ay ang ika-9 na pangulo ng Pilipinas.

At dahil US ang may pinaka malaking kontribusyon sa World bank, hawak o kontrol nila ang polisiya sa International
Monetary Fund. At dahil dito, inutusan si Diosdado Macapagal ang IMF ( International Monetary Fund) na ipasakatuparan
ang Decontrol o ang malayang pagpasok ng mga produktong galing ibang bansa at ang libreng pagbalik ng pera ng US sa
bansa nila. At dahil sa decontrol marami ang mga nalugi at naipasarang mga negosyo at bumagsak ang ekonomiya ng
bansa. Madaming mga nagprotestang mga mamamayang Pilipino dahil dito.
Sa ilalim naman ng pamamahala ni Marcos, may tatlong malaking pagbabago na nangyari. Una dito ay ang Magna
Carta na gustong sumalungat sa polisiya ng IMF. Pangalawa ay ang pagkakaroon ng suporta ng mga anti-imperialist, at
ang panghuli ay ang Quasha Case o ang hindi pagpayag sa mga Amerikano na bumili ng pribadong lupa dito sa bansa.
֍ Presidential decree no. 1081 o ang pagrebisyo sa Quasha case. Ito ay nangyari noong panahon ng martial law at
ayon kay Marcos, ang Presidential Decree no. 1081 ay ang paraan upang tayo ay magkaroon ng malaking prebilehiyo
sa mga banyaga. Ngunit, wala pa ding nagbago pagkatapos ang termino ni Marcos kaya ipinagpatuloy na lang nila
Corazon Aquino, Fidel V. Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo ang lumang polisiya bansa na may
kaugnay sa bansang Amerika.

The Brentton Woods Twins in the Philippines


(Naglahad: Dianne Krisha Arahan)

Pagkatapos ng Independence Grant noong 1946 patuloy padin ang pang aalipin ng US sa Pilipinas. Patuloy padin
ang pang hihimasok nila sa sistemam ng edukasyon sa Pilipinas na nagsilbing kadugtong ng ginawang pananakop ng
Amerika sa Pilipinas na kung saan ginamit nila ang edukasyon upang makuha ang loob ng mga tao at masakop ang
pilipinas.
֍ Gumawa si Marcos ng (PCSPE) Philippine Commission to Survey Philippine Education na nakapaloob sa
Executive order no. 202
-Ito ang komisyon na nag sasagawa ng pag aaral sa Sistema ng edukasyon sa Pilipinas, upang malaman ang
kaugnayan n ito sa national goals. Sa ginawang pag aaral ng PCSPE napagalamang klailangan muling iredesenyo
o muling ayusin ang Sistema ng edukasyon sa Pilipinas upang maituon sa pagsasagawa ng national goals.

֍ 1972, naglabas si Marcos ng Reeducation Decree o Presidential Decree no. 6-A


-Ito ay patungkol sa TEN YEAR EDUCATIONAL DEVELOPMENT PLAN, dito nakapaloob ang mga programang
nakatuon sa pagtatrabaho, dito din nakapaloob ang pagkakaroon ng Science Education, Entrance Exam sa
kolehiyo at Study Now,Pay Later na isinagawa para sa mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mag aaral. Sa pag
sasagawa ng programang ito nangailangan ng 50 million pesos na pondo na nagdulot ng suliranin sapagkaty
kulang ang pondo ng gobyerno, nagging solusyon ditop ang R.A no. 6142 o mas kilalla bilang Foreign Borrowing
Act
-R. A no. 6142 o Foreign Borrowing Act, ito ay ang pagkakaroon ng kontrata o kasunduan ng loan o utang mula sa
kaugnayang bansa ng Pilipinas sa trade o pakikipagpalitan ng produkto o mga bansa sa US.

֍ Dahil sa pagkakautang nayon mula sa World Bank muling nag patupad si Marcos ng kurikulum nakung saan ay
nakatoon sa Vocational and Technical Training at Social Sciences and Humanities upang matugunan ang man
power demand ng mga foreign investors at local investors na kasama nito.
֍ (NESC) New Elementary School Curriculum ng 1983
-kinilala ilang unang Research Based na kurikulum sa bansa
-pagdadagdag ng oras ng pagtuturo ng mga guro upang malinang ang kaalamn ng mga mag aaral sa literacy,
numeracy at values.
 Mga Asignatura sa bawat pangkat:
Grade 1-3: Filipino, English, Mathematics, Civics and Culture
Grade 3: dinagdagan ng Science and Health
Grade 3 pataas: nagkaroon ng MAPEH
Napadali ang pagsasagawa ng programa na ito sa pamamagitang ng Textbooks na pinonduhan ng World Bank, dahil
sa mas lumalaking utang ng Gobyerno ng Pilipinas mas lumalim ang pakikiugnay ng Bretton Woods Twin sa Policy
Formation o Education Policy ngb Pilipinas.
֍ Kahit n agtapos na ang panunungkulan ni Marcos iponagpatuloy padin ng World Bank ang pagtuturo sa mga mag
aaral na Pilipino ng nakatoon sa man power demand na ipinagpatuloy maging sa: Aquino’s Education Commission,
Ramo’s Education 2000, Estrada’s Philippine Commission on Education Reform (PCER) at Department of
Education sa pamumuno ni Arroyo.
֍ Aquino’s Education Commission, pagpapatupad ng New Secondary Education Curriculum o NSEC ito ay
sekondaryang bersyon ng New Elementary School Curriculum, nakatoon ito saw along asignatura: English, Filipino,
Mathematics, Araling Panlipunan, Science and Technology, Edukasyong Pangkalusugan, Technology and Home
Economics at Physical Education, Health and Music.
֍ Ramo’s Education 2000, kilala bilang pagbabawas ng pondo na nakalaan sa pampublikong edukasyon particular sa
State Universities upang maglaan ng pondo sa Greater Dept Service o pagbabayad ng utang sa inillan o itinakda g
panahon.
֍ Estrada’s Philippine Commission on Education Reform, Ito ay pag sasagawa ng World Class Education sa Pilipinas
sapagkat ayon sa kanya kung hindi magkakaroon nito mananatili tayong bansa ng may mababang sweldo at
mapapagiwanan ng global market.
֍ Department of Education sa pamumuno ni Arroyo, ipinatupad ang Basic Education Curriculum na nakatuon sa apat
na asignatura: English, Mathematics, Filipino at Makabayan, ito ay may layuning ihanda ang mga kabataan upang
maging maalam na manggagawa ng susunod na henerasyon.
(Naglahad: Arline Jane Baldado)

Noong 1998 ang World Bank at Asean Development Bank ay naglabas ng pag aaral at ito ay ang 'Philippine Education
for the 21st Century: The 1998 Philippine Education Sector Study o ang PESS.
֍ Ang PESS ay nakatuon sa patakaran ng pamahalaan ayon sa edukasyon at pagsasanay sa kasalukuyang konteksto
ng ekonomiya, pakikipag ugnayan s pandaigdigang ekonomiya para sa edukasyon at pagsasanay, at higit sa lahat
ay para sa pangangailangan ng mga mahihirap na grupo katulad ng mga may kapansanan at limitado ang pinag
kukuhanan ng kita. Ito ang iminungkahi upang mas lalong maging mabisa ang edukasyon sa Pilipinas. Sinasabi sa
pag aaral na ito :
''Isang mahirap na hamon para sa edukasyon ng Pilipinas ngayon ay kung paano mapangangalagaan,
palalaguin, at patataasin ang kalidad ng edukasyon na mayroon noon at para magawa ng lahat ng ito kung saan
walang sapat na pondong nakalaan para sa edukasyon.”
Bukod pa dito, kabilang din sa iminungkahi ng PESS para mas maging mabisa ang edukasyon ay ang pagtatanggal
ng mga asignaturang walang kaugnayan sa mga negosyo na kailangan para sa mga korporasyon. Katulad ng nakasaad sa
PESS:
Ang elementarya ay masyado nang maraming asignatura sa iisng araw pa lamang. At ang pag kakaroon ng maraming
asignatura ay naglilimita sa mga estudyante at mga guro na mas pagtuunan ng pansin ang mga pangunahing kasanayang
kritikal na mahalaga para sa mahusay at maging matagumpay na pag ganap. Ang pananaliksik patungkol sa pagkatuto ng
estudyante ay nagsasabi na mas daoat bigyang diin sa pagkatuto ay ang kasanayan sa pagbabasa at komunikasyon upang
mas maunawaan ang pangunahing konseptong matematika katulad nalang ng pagbibilang.
Iminumungkahi din sa PESS ang pag papanatili ng 12 -15 lamang na State Univertisities and Colleges (SUCs) noong 2008
ang makatatanggap at makagagamit ng naturang serbisyo ng gobyerno para sa pagpapa unlad ng layunin na hindi para
manatili lamang ang umiiral na antas ng serbisyo. At ito ay naglalayong mabawasan ang pag gastos para sa edukasyon nang
sa ganon ay mas maraming pondo ang nakalaan at magagamit sa pagbabayad ng utang.
PCER
֍ Ang PESS ay isa sa mga pag aaral na ipinakita ng PCER para irekomenda tungo sa pagbabago ng sistema ng
edukasyon. Bukod pa sa mga iminumungkahi ng PCER's ay ang '' pagsasaayos o pagpapaliwanag ng pondo para
sa mas mataas na kalidad ng edukasyon kung saan :
Ang pag gamit ng malaking pondo ng gobyerno para sa mataas na edukasyon ng publiko ay nalamang hindi naging
tama.
Ang pondong nakalaan sa mga SUCs ay naka base lamang sa dagdag na gastusin ng walang pagsasaalang alang
kung saan ang institusyong ito ay itinayo. Paglilinaw na ang pangangatwiran ay dapat na naka base sa sistema ng
pagpopondo ng institusyon kung saan nakikita ang katuparang hinihiling ng estudyante na pagkakapantay- pantay na
makapasok at maisaalang- alang sa mga programa.
Partikular na iminumungkahi ng PCER para sa mga SUCs ang mga sumusunod:
Pagtaas ng tuition fee sa makatotohang antas kung saan ang mga estudyanteng ang pamilya ay may mataas na
kinikita ay magbabayad ng mas malaking gastos para sa matrikula; pagpapatupad ng planong negosyo kaugnay sa pag gamit
ng hindi pinakikinabangang lupa at mga pag- aari ito ay magiging posible sa pamamagitan ng pakikipag sosyo o pakikipag
tulungan sa mga korporasyon; pagkalap ng mga alternatibong mapag kukuhanan ng pagkakakitaan ito ay maaaring sa
Agrikultural, industriya, Entrepreneurial o pamumuhunan; paraan ng pangangalap at pag gawa ng aktibidad maaaring sa
pamahalaan, sektor ng korporasyon, institusyon at pwede din sa mga indibidwal, " nakalaang pondo galing sa Local
Government Unit ngunit hindi sigurado ang nakalaang suporta dahil sa mga gastos ng pagapataas ng kalidad ng edukasyon
mula sa mababang edukasyon.
Ang nagiging koneksyon sa pagitan ng SUCs at ng interes sa korporasyon ay dahil sa pagpapatupad ng mungkahi
ng PCER— na nagbibigay ng malaking papel sa mga Transnational Corporation— ito ang mga korporasyon na
namumuhunan lamang sa Pilipinas na may malaking kapital at sinasabing isng higit na mas may kilalang papel sa mas
mataas na edukasyon. At ang interes sa negosyo ang nagpapabago kung saan ang SUCs ay naimpluwensyahan pati sa pag
gawa ng mga patakaran at pag babago ng disenyo kaugnay sa mga kurso. Hanggang humantong sa pagbabago na nakatuon
na ang kurikulum ng SUCs sa mga Technical Cources kaysa sa mga Agham Panlipunan, at Makataong Sining o Hummanities
na isinasantabi o hindi na pinagtutuunan ng pansin.

Millennium Curriculum
(Naglahad: Jashcka Venisse Del Campo)

Bukod pa ditto, kabilang din sa iminungkahi ng PESS para mas maging mabisa ang edukasyon ay ay ang
pagtatanggal ng mga asignaturang walang kaugnayan sa mga negosyo na kailangan para sa mga korporasyon. Kaya naman,
inimplementa ang 2002 Basic Curriculum o Millennium Curriculum.

֍ Ang Millennium Curriculum ay tinanggal ang Values Education at ginawa ang 5 asignatura; English, Filipino,
Mathematics, Science at Makabayan (Pag-SIKAP).
֍ Pag-SIKAP;
 Pag- Araling pagpapahalaga;
 S- Sining (Arts and Music);
 I- Information and Communication Technology (ICT);
 K- Kultura, Kalusugan at Kabuhayan (Culture, Health, and Livelihood);
 AP- Araling Panlipunan at Araling Pangkatawan( Social Studies and Physical Education).
֍ Love of country o banal na pag-ibig ayon kay Andress Bonifacio ang nagbubuklod sa Pag-SIKAP kaya tinawag ito
na Pangmakabayan o Makabayan.
֍ Rainbow means Diversity( Bahaghari) –nagsisimbolo sa pagsisikap ayon kay Andress Bonifacio.
֍ Ayon sa DepEd, ang Makabayan ang maglilinang sa pangsariling konsepto at rasyonal ng mga estudyante.
֍ Nakapaloob din ditto ang Philippine history, appreciation ng local cultures, craft, arts, music and games.
֍ Ang asignaturang “Makabayan” ay magpapalaganap ng malusog na pamamahal sa bayan na hindi minamasama o
minamaliit ang ibang mga bansa at kilalanin na rin ang pagiging malaya ng ating bansa.

֍ Sa pagkawala ng Ealues Education at sa pagkakahati ng SOCSCI na nagging Pag-SIKAP ay hindi maganda ang
pagbabagong nangyari.

֍ Matagal na naitatanim sa mga utak ng mga Pilipinong magaaral ang bersyon ng kasasaysayan ng Pilipinas na puro
pananakop lamang ang laman.
֍ Ang pagbawas ng oras sa pagtuturo ng SOCSCI dahil sa ginawa itong Pag-SIKAP ay nagbawang ng oportunidad
para sa mga estudyante na magkaroon ngmas kritikal o mas angkop na pang-unawa sa kasaysayan ng bansa sa
loob ng eskwelahan.
֍ Ang pagkawala rin ng Val Ed ay nagkait sa mga estudyante na matuto ng beysik na ethical principles na pwedeng
maggabay sa kanila sa pagintindi sa mga ideya nila tungkol sa historical at political na aspkto ng bansa.
֍ Dahil nga inalis ang Values Edukasyon at binago ang asignaturang SOCSCI, nagging limitado pangunawa ng mga
estudyante sa bagong etiko at kasaysayan.
Konklusyon
(Naglahad: Patrishia Niccole Dela Rosa)

Sa madaling salita, hindi lang sa pamamagitan ng armas, ekonomiya, pampulitika, o kultura tayo nasakop ng mga
Amerikano kundi maging sa intelektwal na pamumuhay at pag-iisip na kung iisipin ay talagang naapektuhan tayo ng sobra
noon kahit maging sa ngayon. Maaaring naiisip o pakiramdam natin ay nakalaya na tayo sa kanilang pananakop, ngunit doon
tayo nagkakamali. Hindi lang natin napapansin iyon ngayon dahil matagal na panahon na iyon at hindi na iyon nabibigyan ng
pansin ngayon ngunit kahit matagal na panahon na ang nakalipas, patuloy pa rin nating nararamdaman sa panahon ngayon
ang multo ng pananakop ng mga Amerikano. Bagamat naimpluwensiyahan na nila tayo noon, patuloy pa din nila tayong
naiimpluwensiyahan ngayon.

You might also like