You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
Cottage Road, Bacolod City

ARALING PANLIPUNAN VI
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSUBOK
SY 2019 - 2020
TALAHANAYAN NG ESPISIPIKASYON

ARALING PANLIPUNAN VI
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang sumusunod ay nagtatalakay sa sistema ng edukasyong ipinapatupad ng mga


Amerikano sa Pilipinas. Alin sa mga ito?
A. Binigyan ng pagkakataon na gamitin ang Wikang Filipino sa pagtuturo.
B. Nagbukas ng mga paaralang pampubliko na magkasama ang mga lalaki at babae.
C. Binabayaran ang mga aklat, lapis at kwaderno sa mababang halaga.
D. Mga mayayaman lamang ang pwedeng mag-aral sa mga paaralang itinatag ng mga
Amerikano

2. Pagdating ng mga Amerikano, nagsagawa sila ng mga hakbang upang maiwasan ang
paglaganap ng sakit at mapabuti ang kalusugan ng mga tao. Alin sa sumusunod ang
naging kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino?
A. Naging malubha ang kalagayan ng mga Pilipino.
B. Bumaba ang bahagdan ng namamatay at nagkasakit dahil sa pag-unlad ng
kalusugan.
C. Patuloy ang paglaganap ng epidemya ng kolera, malaria at tuberkulosis
D. Walang pagbabago sa kalagayan pangkalusugan ng mga Pilipino.

3. Ang sumusunod ay nagtatalakay sa pagbabago ng pampublikong kalusugan sa


panahon ng mga Amerikano. Alin ang HINDI?
A. Tinuruan ang mga magulang ng wastong pangangalaga sa mga anak at wastong
kalinisan sa sarili.
B. Itinatag ang Kagawaran ng Kalusugang Pambayan.
C. Ang mga mayayaman lamang ang pinatuunan ng pansin ng mga Amerikano.
D. Napabuti ang pampublikong kalusugan at sanitasyon.

4. Nagkaroon ng pandaigdigang pag-unlad sa kumunikasyon noong panahon ng mga


Amerikano. Ano ang naging epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino?
A. Bumagal ang komunikasyon.
B. Nawawala ang kumunikasyon sa loob at labas ng bansa.
C. Bumilis ang paghatiran ng balita at sulat sa bansa mula sa iba’t-ibang lugar.
D. Nababago ang kalakalan sa bansa.

5. Umunlad din ang transportasyon sa panahon ng mga Amerikano. Alin sa sumusunod


ang naging epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino?
A. Bumilis ang pagtaas ng kabuhayan at nabago ang antas ng pamumuhay sa
maraming lugar dahil sa makabagong transportasyon.
B. Nahirapan ang mga Pilipinong pumunta sa ibang lugar.
C. Nagbunga ito ng hindi pagkakaunawaan ng mga Pilipino.
D. Naging mabagal ang paglalakbay ng mga Pilipino.

6. Ang mga Amerikano ay nagtatag ng mga patakaran para sa kanilang pamamahala sa


bansa. Alin sa sumusunod ang patakarang pasipikasyon?
A. Ito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng mga Amerikano.
B. Ito ang patakaran para mapaalis ang mga Amerikano sa bansa.
C. Ito ay isang estratehiyang pulitiko-militar at tumutukoy sa pagpapanatili ng
kapayapaan sa panahon ng malawakang pag-aalsa.
D. Ito ay paraan ng pagdakip sa mga rebelde.
7. Isa rin ang patakarang kooptasyon na pinaiiral ng mga Amerikano. Ano ang patakarang
kooptasyon?
A. Ito ay isang paraan upang magkaroon ng kapangyarihan ang mga dayuhang
bansang sakupin ang Pilipinas.
B. Ito ang paraan upang makapunta sa Amerika ang mga Pilipino.
C. Ito ang paraan upang maging mamamayang Pilipino ang mga Amerikano.
D. Ito ay ang paghihikayat sa mga nasasakupan na magpapasailalim sa kapangyarihan
ng mga mananakop sa pamamagitan ng pagsaalang-alang sa interes.

8. Ang sumusunod ay naglalarawan sa sistema at balangkas ng pamahalaang kolonyal


MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Ang panunungkulan ng pangulo ay magtatagal sa apat na taon.
B. Mahigpit na pinapasunod ang mga Pilipino sa pamamahala ng mga Amerikano.
C. Nasa pangulo ng bansa ang kapangyarihang mamamahala sa pambansa at lokal na
pamahalaan.
D. Walang karapatan na makipag-ugnayan at maipagtalastasan ang pangulo sa ibang
bansa dahil hindi ito kinikilala bilang malayang bansa.

9. Nagkaroon ng malayang kalakalan o Free Trade Policy sa pagitan ng Pilipinas at


Estados Unidos. Aling batas ang itinadhana upang mailuwas ang mga kalakal ng
Pilipinas sa Amerika nang walang buwis?
A. Batas Simon-Underwood
B. Batas Jones
C. Batas Cooper
D. Batas Payne-Aldrich

10. Ang Batas Simon-Underwood ay itinadhana upang patuloy na mapaunlad ang kalakalan
sa Pilipinas at Estados Unidos. Alin sa sumusunod ang itinadhana ng batas na ito?
A. Tinanggal nito ang kota o takdang bilang sa mga piling kalakal na ipinapadala sa
Estados Unidos
B. Ipinagpatuloy nito ang hindi pantay na pagtingin sa mga produktong Pilipino at
Amerikano.
C. Pinagbawalan nito ang pagpapadala ng mga kalakal sa Amerika tulad ng tabako at
asukal
D. Lahat nang produktong Pilipino iniluluwas sa Amerika na may buwis
Rules Violated in a multiple choice: Possible Correction

A. 2 A

You might also like