You are on page 1of 2

LAS Template

Republic of the Philippines


Department of Education
6
Region v
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
GUBAT NORTH DISTRICT

ARALING PANLIPUNAN
LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO _6______ (Number /Bilang)
Pangalan ng Estudyante:____________________________________________________
Petsa:______________________

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs


Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at
hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972

II. PAG-ARALAN MO

Mga Programa sa Panunungkulan ni Carlos P. Garcia (Marso 18, 1957-3-Disyembre


30,1961)

Inilunsad ni Pangulong Garcia ang Austerity Program upang magkaroon ng matipid at


maayos na pamumuhay. Ito ay naglayong makapagtipid sa paggasta ang pamahalaan, maging
maayos ang paggawa, mapalaki ang pamumuhunang kapaki-pakinabang , maging matapat at
magbigay ng kasiya-siyang paglilingkod sa taong-bayan.
Iba pang Programang Ipinatupad ni Pangulong Garcia
1. Patakarang Pilipino Muna o Filipino First Policy dahil marami ang mga dayuhang
mangangalakal sa bansa noon. Ayon sa programang ito, dapat bigyan muna ng lahat ng
pagkakataon ang mga Pilipino na mapaunlad ang kanilang kabuhayan bago ang mga dayuhan
2. Filipino Retailers Fund Act (1955) na nagpautang sa mga Pilipino
3. National Marketing Corporation Act (NAMARCO): nagtustos sa maliliit na Pilipinong
mangangalakal

Patakaran sa Pakikipagkalakalan sa United States


Naghabol ang Pilipinas sa United States sa pananagutan nito sa ating bansa. Binawi ng mga
Pilipino ang mga buwis na nasingil ng United States sa Pilipinas. Ito umano ay salungat sa
kasunduan ng dalawang bansa. Tinanggihan ng United States ang paghahabol na ito. Sa halip,
binawasan pa nila ang tulong na pananalapi sa Pilipinas.

Ang mga Base Militar ng United States


Nakapagpatupad si Pangulong Carlos Garcia ng ilang mga pagbabago:
Ang pagtataas ng bandilang Pilipino na katabi ang bandilang Amerikano sa mga base
militar simula noong unang araw ng Mayo 1957.
Ang pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas ng daungang pangmilitar sa Maynila
na dating kontrolado nila.
Ang pagpapaikli sa 25 taon na pag-upa sa mga base militar sa halip na 99 taon.
Ang pag-aalis ng karapatan ng mga Amerikano sa pagkontrol sa Olongapo.
Nagkaroon din ng limitasyon sa mga instalasyong militar ng United States sa bansa.
Kabilang dito ang Clark Air Base, Sangley Point Naval Base, Subic Base at Camp Jon Hay.
Napagkasunduan ng mga Pilipino at Amerikano na maglagay ng mga missile sa dalawang base
bilang panangga sa sinumang dayuhan na sasalakay sa dalawang bansa.

1
III. PAGSASANAY
Panuto: Gumawa ng graphic organizer. Itala ang mga programang ipinatupad sa pamumuno ni
Pangulong Carlos P. Garcia.

IV. PAGLALAHAT
Ang mga programa ni Pangulong Garcia ay nakatuon sa pagpapaunlad ng ating bansa at sa
pagtulong sa bawat mamamayang Pilipino. Nagpatupad din siya ng mga pagbabago sa mga
kasunduan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano.

V. GAWIN MO
Panuto: Sagutin ang katanungan. (Essay)
1. Sang-ayon ka ba sa patakarang “Pilipino Muna”? Bakit?

VI. PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Bilugan ang tamang sagot.
1. Bakit ipinatupad ang Austerity Program ng pamahalaan?
a. Para sa matipid na paggasta at matapat na paglilingkod
b. Para sa matipid na paggasta at maunlad na kalakalan
c. Para sa maluwag na pangangalakal at mahigpit na pagbubuwis
d. Para sa mahigpit na pagpapatupad ng batas para sa katahimikan.
2. Bakit ipinatupad ang Filipino First Policy?
a. Upang una munang makapaglakbay ang mga Pilipino
b. Upang unang mabigyan ng hanapbuhay ang mga Pilipino
c. Upang unang mabigyan ng perang magagasta ang mga Plipino
d. Upang unang bibigyan ng pagkakataon nag mga Pilipino sa pagpapaunlad ng kabuhayan
3. Ang mga sumusunod ay mga pagbabagong ipinatupad ni Pangulong Grcia, maliban sa isa. Alin
ito?
a. Ang pagbibigay ng karapatan sa mga Amerikano sa pagkontrol sa Olongapo
b. Ang pagtataas ng bandilang Pilipino na katabi ng bandilang Amerikano sa mga base militar
simula noong unang araw ng Mayo 1957
c. Ang pagpapaikli sa 25 taon na pag-upa sa mga base militar sa halip na 99 taon
d. Ang pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas ng daungang pangmilitar sa Maynila na
dating kontrolado nila
4. Ito ang nagtustos sa maliliit na Pilipinong mangangalakal.
a. Austerity Program
b. National Marketing Corporation Act (NAMARCO)
c. Filipino Retailers Fund Act
d. Wala sa nabanggit
5. Ito ay nagpautang sa mga Pilipino
a. Austerity Program
b. Filipino Retailers Fund Act
c. Filipino First Policy
d. Wala sa nabanggit

You might also like