You are on page 1of 2

HEKASI 5

Third Grading Period

Panuto: isulat ang titik ng tamang sagot tungkol kay ELPIDIO E. QUIRINO.

1. Ano ang unang suliranin ag hinarap ni Pangulong Elpidio Quirino?


A. May malaking halaga ng pera ang ibinigay sa Pilipinas mula sa hindi kilalang bansa.
B. Hindi mahusay ang paggamit ng pamahalaan sa perang ibinigay ng Amerika para sa pagbabagong-tatag
ng bansa.
C. Laging pumapasyal si Pangulong Roxas sa Ibang basa aya nagagastos ang pera.

2. Bakit naging problema ni Pangulong Quirino ang kapayapaan at aayusan sa bansa?


A. Marami pa rin ang mga Huk.
B. Maraming dayuhan ang naging opisyal sa bansa.
C. Iilang opisyal ang gumagawa ng kani-kanilang tungkulin.

3. Ano sana ang ginawa ni Pangulong Elpidio Quirino sa mga Huk upang manumbalik sila sa pamahalaan pero hindi
naipatupad?
A. Pagtatag ng Mutual Security Agency
B. Pagpapatawad or Amnestiya at pagsuo ng sandata sa loob ng 50 araw
C. Paglagda sa Minimum Wage Law

4. Sino ang namumuno sa mga Huk?


A. Alex Alexandrino B. Luis Luisino C. Luis Taruc
5. Siniyasat ni Daniel Bell ang ekonomiya ng Pilipinas. Ano ang anyang natuklasang problema?
A. Mas malaki ang gastos ng pamahalaan kaysa sa kinikita nito.
B. Mas malaki ang kinikita at gastos ng pamahalaan araw-araw.
C. Pantay ang kita sa gastos ng gobyerno.

6. Malai ang agwat ng pamumuhay ng mga mayayaman at mga mahihirap ayon kay Daniel Bell.
Alin ang HINDI iminungkahi ni Bell para sa pagpapaunlad ng kabuhayan sa bansa?
A. Pagbutihin ang sistema ng pananalapi, pagsasaka, eduasyon, kalusugan at pamahalaang local.
B. Pangungutang ng $250 milyon sa Pilipinas.
C. Pagbubuas ng iba pang industriya o pagawaan.

7. Tinulungan ng United States ang Pilipinas ng $77 milyon. Saan ito ginamit ng pamahalaang Pilipinas?
A. Ginamit sa pangongompanya tuwing halalan
B. Sa programang pangkabuhayan ng bansa
C. Para sa mga mahihirap lamang na mamamayan

8. Ano ang magiging bunga ng pag-alis ng malayang kalakalan sa pagitan ng United States at Pilipinas?
A. Lalaki ang kita mula sa buwis
B. Liliit ang pera ng bansa dahil sa buwis
C. Lalaki ang perang itutulong ng United States sa Pilipinas

9. Si Elpidio Quirino ay tinaguriang “ama ng Foreign Service or Ugnayang Panlabas”. Pinaigting o pinalakas niya ang
Mutual Defense Assistance Act. Ang kasunbduang ito ay nangangahulugang ang Pilipinas tutulungan ng Amerika
Kung _________________________.
A. may ibang bansang lulusob.
B. may bansang gusting makikipag-ugnay sa bansa
C. walang bansang tutulong sa bansa

10. Ano ang pangalan ng bansa ang ginamit ni Pangulong Elpidio Quirino sa pakikipag-ugnayan niya sa ibang bansa?
A. Philippines B. Beautiful Country C. Pilipinas

Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng panaklong tungkol kay Carlos P. Garcia

11. Hindi tinapos ni Ramon Magsaysay ang pagkapangulo niya dahil sa bumagsak ang sinakyan
niyang eroplano at namatay. Pumalit si Carlos P. Garcia sa kanya ng (walong, siyam na,
isang) taon.
12. Ang programang ipinatupad ni Pangulong Carlos Garcia ay (paggastos ng malaki, pagtitipid,
pagiging masipag).
13. Bilhin at gamitin ang produktong Pilipino. Ito ay programa ni Pangulong Garcia. Tinawag
niya itong, (Pilipino na, Pilipino Muna, Pilipinas Muna).
14. Ang pangatlong programa ni Pangulong Garcia ay (pagbabago, pananatili, pag-aalis) ng
kultura.
15. Nabigo ang programa niyang “pagtitipid” dahil tuluy-tuloy pa rin ang katiwalian sa
pamahalaan ngunit ang mabuti ay napagtibay niya ng (kasanayan, pagtitiwala, batas) ng tao.
16. Sa programang “Pilipino Muna” (inuuna, nahuhuli, naipapantay) ang mga Pilipino sa
pagkamit ng lupa, puhunan at negosyo.
17. Sa programang “Pilipino Muna”, (malaki, maliit, pantay) ang bahagdan ng puhunan ng mga
Pilipino kaysa sa mga dayuhan.
18. Dahil maraming dayuhan ang nakaimpluwensiya sa pamumuhay ng mga Pilipino, (binuhay
muli, ipinagwalang-bahala, hindi pinansin) ni Pangulong Garcia ang kaugaliang Pilipino.
19. Ang (gift o regalo, awards o gawad, heritage o mana) ay ibinibigay ni Pangulong Garcia sa
mga Pilipinong artista, siyentista, mananalaysay, manunulat at historyador.
20. Inumpisahan ni Pangulong Magsaysay at ipinagpatuloy ni Pangulong Garcia ang pagsusuot
ng (Bahaghari o tapis, barong Tagalog, Filipiniana) sa mahahalagang okasyon.
21. Sa ugnayang panlabas na ginawa ni Pangulong Garcia, (binuo, winaswas, tinapos) niya ang
Association of Southeast Asia.
22. Sumasanib ang Pilipinas sa ibang bansa sa pamamagitan ng isang samahan upang mapaunlad
ang (paglalaban, pagtutulungan, pagpapasikatan) sa pangkabuhayan at pangkultura.
23. Ang matalinong paggasta ay (kabilang, kabaliktaran, kasabay) sa programang “pagtitipid” ni
Pangulong Garcia.
24. Bagama’t nabigo ang programang “Pagtitipid” gagawin natin ito ngayon sa ating panahon
dahil ito ay asal o gawaing (masama, nakakaito, mabuti).
25. Ang gusto ni Pangulong Garcia sa mga Pilipino ay mamuhay ng (marangya, simple,
magastos).

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI tungkol kay Ramon F. Magsaysay

26. Si Pangulong Ramon F. Magsaysay ay makamasa dahil magaling siyang makisama sa


karaniwang tao.
27. Sa kawikaan ni Pangulong Magsaysay na “Those who have less in life should have more in
Law” ay nangangahulugang damihan ang kaalaman tungkol sa mga batas.
28. Dahil makamasa si Pangulong Magsaysay, ang inasikaso niya ay ang pagpapaunlad sa mga
baryo o liblib na mga lugar na sakop ng Pilipinas.
29. Hindi maibibigay ang kailangan ng mga Pilipino kapag nalinang nang lubusan ang likas na
yaman nito.
30. Hindi pinagtuunan ng pansin ni Magsaysay ang pagsasaka kaya naalis sa bansa ang Bureau of
Agricultural Extension.
31. Maliit lamang ang iniunlad ng paggawa sa panunungkulan ni Magsaysay.
32. Isang karapatang pinalakas ni Magsaysay ay ang pagwewelga ng mga tao upang maihatid ang
kanilang mga problema sa pamahalaan at magkaroon ito ng solusyon.
33. Ang Agricultural Credit Cooperative Financing Administration (ACCFA) nakakatulong sa mga magsasaka dahil
ito ay nagbibgay ng libreng pera sa kanila.
34. Noong bumalik ang loob ng mga Huk sa Pamahalaan, binigyan sila ng libreng lupa.
35. Ang Souteast Asia Treaty Organization o SEATO ay samahan ng mga bansang umaayaw sa
komunismo.
36. Dahil sa Reparations Agreement, nagbayad ang mga Hapones ng $800 milyon dahil sa mga
sinira nila noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
37. Pinaunlad ni Pangulong Magsaysay ang mga nayon dahil pinagawa niya ang mga daan,
kalye, poso, kanal at patubig.
38. Nawalan ng pag-asa ang mga magasasaka noong inaprubahan ang batas sa Reporma sa lupa
ng 1955.
39. Ang Share Tenancy ay maghahati ang magsasaka sa may-ari ng lupa sa 70-30 bahagdan.
40. Pinalaki ni Magsaysay ang produksiyon sa bigas dahil gumawa siya ng malalaking tangke ng
tubig sa malapita sa mga bukid.

Ipaliwanag ang sagot batay sa Pamamahala ni Pangulong Ferdinand E. Marcos


41. Bakit tumaas ang kita ng mga pamilya at ng bansa sa pamamahala ni Ferdinand Marcos?
42. Ano ang ginawa ni Pangulong Marcos at umangat ang ekonomiya ng bansa sa panahon niya?
43. Ano ang uri ng bigas ang ipinatanim ni Pangulong Marcos sa mga magsasaka ?
44. Ano ang naging bunga ng pagtaas ng produksiyon sa Miracle Rice?
45. Ano ang nagawa ni Pangulong Marcos sa mga bakanteng lote sa Pilipinas lalo na sa mga lalawigan?
46. Anong problemang laganap ang hinarap ni Pangulong Marcos sa panahon niya?
47. Anu-anong mga grupo ang nilabanan ng Pamahalaang Marcos?
48. Anu-anong mga bansa ang kinaugnay ng Pilipinas sa panahon ni Pangulong Marcos?
49. Anu-anong mga tulong ang makukuha ng Pilipinas kung magiging miyembro o kasapi ito sa ASEAN?
50. Bakit ipinadala ang mga sundalo sa South Vietnam?

You might also like