You are on page 1of 29

Mga Patakaran at

Ambag ng mga
Naging Pangulo
ng Bansa (1946-
1972)
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod
na pahayag. Isulat ang T kung Tama ang isinasaad
ng pahayag at M naman kung Mali. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

1. Pinaigsi ang itinakdang taon ng pag-upa sa mga


base-militar sa bansa mula 99 na taon sa 25 na
taon ni Pangulong Quirino.
2. Inilipat ang petsa ng Kalayaan ng Pilipinas mula
Hulyo 4, 1946 sa Hunyo 12, 1898 ni Pangulong
Macapagal.
.
3. Malawakan ang programang pang-
imprastruktura sa panahon ng
pamumuno ni Pangulong Marcos.
4. Binigyan ng pantay na karapatan
ang mga Amerikano sa paglinang
ngating likas na yaman sa
pamamagitan ng Parity Rights.
5. Nakatuon sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa sa pamamagitan
ng industriyalisasyon sa pamumuno ni
Pangulong Roxas.
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na
pangungusap. Sagutin ang mga tanong at isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ilang pangulo ang namuno sa panahon ng Ikatlong


Republika?
A. 4 B. 5 C. 6 D. 7

2. Sino ang kauna-unahang pangulo ng Ikatlong


Republika?
A. Ferdinand E. Marcos C. Carlos P. Garcia

B. Ramon F. Magsaysay D. Manuel A. Roxas


3. Sinong pangulo ng Ikatlong Republika ang tinaguriang “Kampeon
ng Masang Pilipino”?
A. Ramon F. Magsaysay C. Diosdado P. Macapagal

B. Manuel A. Roxas D. Ferdinand E. Marcos


4. Ano ang sanhi ng pagkamatay ni Pangulong Manuel A. Roxas?
A. sakit sa bato
B. atake sa puso
C. kanser sa buto
D. pagkamatay sanhi ng katandaan
5. Sinong pangulo ang kilala bilang “Ama ng Industriyalisasyon sa
Pilipinas”?
A. Elpidio R. Quirino C. Diosdado P. Macapagal
B. Carlos P. Garcia D. Ramon F. Magsaysay
Balikan natin ang mga programa, ambag at
kontribusyon ng mga pangulo sa Ikatlong
Republika.

Manuel A. Roxas (1946-1948)


Sa pamumuno ni Pangulong Roxas may
matibay na pagkakasundo ang Pilipinas at Estados
Unidos kaya naipatupad ang Pro-American at Anti-
Communist. Sa kanyang pamumuno sinimulan
niyang inayos ang mga imprastraktura,
elektripikasyon at mga industriyang nasira ng
nakaraang digmaan.
Ilan pa sa mga mahahalagang ambag at
patakaran sa kanyang pamumuno ay ang
pagpapatayo ng mga base militar ng
Estados Unidos sa Pilipinas na tatagal ng
99 taon, pagpapaigting sa pagsasanay sa
mga gawaing bokasyonal at ipinagtibay
ang Parity Rights o mabigyan ng pantay na
karapatan ang mga Amerikano tulad ng
mga Pilipino na linangin at magamit ang
mga likas na yaman ng bansa.
Naipatupad din ang Philippine Trade
Act of 1946 o Bell Trade Act o ang
batas na nagsasabing ang Estados
Unidos ay malayang makipagkalakalan
sa Pilipinas. Sa batas na ito, malayang
nadadala ng Estados Unidos ang mga
produkto nito sa Pilipinas ngunit may
limitasyon ang iniluluwas na
produktong Pilipino papasok sa
Estados Unidos.
Elpidio R. Quirino (1948-1953)
Binigyan diin ng pamunuan ni
Pangulong Quirino ang pagpapaunlad ng
ekonomiya sa pamamagitan ng
industriyalisasyon. Maraming ipinapatayong
mga bangkong rural sa panahon ng kanyang
pamumuno at itinatag din ang Bangko
Sentral ng Pilipinas. Naisabatas din ang
Magna Carta of Labor at Minimum Wage
Law upang mapabuti ang kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino.
Isa pa sa pinagtuunan niya ng pansin ay ang usapin
tungkol sa HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa
Hapon). Unti-unting napasuko ang mga Huk sa
pamamagitan ng Economic Development Corps (EDCOR)
na kung saan ang lahat na nagbalik ng armas ay
binigyan ng amnestiya at pagkakataong makapamuhay
nang tahimik sa pamamagitan ng pagbibigay ng lupang
masasaka na sapat para makapagsimulang muli ng
mapayapang buhay. Sa huli, naging matagumpay ang
usaping pangkapayapaan sa administrasyon ni
Pangulong Quirino ngunit nabigo ang kanyang
programang pangkaunlaran dahil laganap ang katiwalian
sa pamahalaan.
Ramon F. Magsaysay (1953-1957)
Naniniwala si Pangulong Magsaysay na kung
ano ang makabubuti sa karaniwang tao ay
makabubuti rin sa buong bansa. Sa pamunuan
niya ipinagtibay ang Land Tenure Reform Law,
pagpapatayo ng mga poso sa mga baryo at
pagkakaroon ng pananaliksik tungkol sa mga
makabagong sistema ng pagsasaka at mga bagong
uri ng mga binhi. Ipinatayo rin niya ang
Agricultural Credit and Cooperative Financing
Administration (ACCFA) para matulungan ang mga
magsasaka sa pagbibili ng kanilang mga ani.
Kasunod nito ipinatayo rin ang Farmers
Cooperative Marketing Association (FACOMA)
upang ang mga kasapi ay makakautang sa
ACCFA na pambili ng sariling kalabaw at iba
pang gamit sa pagsasaka. Naitatag din ang
Presidential Complaints and Action
Commission (PCAC) upang bigyang-pansin ang
mga karaingan at kalagayan ng mga
mamamayan. Isa sa pinakamagandang ambag
ni Pangulong Magsaysay ay ang tuluyang
pagsuko ng Supremo ng mga Huk na si Luis
Taruc noong Mayo 16, 1954.
Carlos P. Garcia (1957-1961)
Sa panahon ng pamumuno ni Pangulong
Garcia ay nagkaroon ng pinakamaka-Pilipinong
administrasyon sa larangan ng patakarang pang-
ekonomiko sa bansa. Binigyang pansin niya ang
pagpapaunlad sa antas ng pamumuhay ng mga
Pilipino. Inilunsad ang NAMARCO o National
Marketing Corporation upang matustusan ang
mga maliliit na Pilipinong mangangalakal.
Kasabay din nitong ipinatupad ang patakarang
Filipino Retailer’s Fund Act na nagpapautang sa
mga Pilipino.
Sa kanyang pamumuno, inilunsad ang
Austerity Program o ang pagtitipid ng
pamahalaan at pamumuhay ng simple
lamang. Ipinaiiral din niya ang Filipino
First Policy ang patakarang nagbibigay
prayoridad sa mga Pilipino upang
paunlarin ang kayamanan ng bansa.
Pinaiksi din niya mula 99 na taon ng
pag-upa sa mga base militar sa 25 na
taon na lamang.
Diosdado P. Macapagal (1961-1965)
Tinuunan nang pansin ni Pangulong
Macapagal ang paglutas ng suliranin sa
hanabuhay ng mga Pilipino. Pinagtibay niya ang
Kodigo ng Reporma sa Lupa na kung saan
magbabayad na lamang ng 25% ng kabuuang ani
ang mga kasama sa may-ari ng lupa. Naglalayon
din ang batas na ito na mapabuti ang katayuan
ng mga magsasaka. Sa kanyang termino,inilipat
ang Araw ng Kalayaan tuwing Hunyo 12 mula
Hulyo 4 taon-taon at ang Hulyo 4 ay ginawang
Philippine-American Friendship Day.
Ipinapalaganap din ang wikang Filipino
bilang pambansang wika. Naitatag din
ang MAPHILINDO o ang samahan na
binubuo ng mga bansang Malaysia,
Pilipinas at Indonesia. Nakasentro ang
samahang ito sa pagpapatibay ng
pakikiisa at pagtugon sa mga prinsipyo
ng pagkapantay-pantay at kapatiran
ng mga bansa na nakasaad sa batas ng
United Nations.
Ferdinand E. Marcos (1965-1972)
Sa unang termino ni Pangulong Marcos
naging malawakan ang programang pang-
imprastraktura gaya ng paggawa ng tulay, kalye,
irigasyon o patubig at mga paaralan.
Naipalaganap din ang maayos na serbisyong
pangkalusugan sa mga pook rural. Lumaki din
ang produksiyon ng bigas na naging sapat sa
pangangailangan ng bansa at nakapagluluwas
pa sa ibang bansa dahil sa paggamit ng
modernong paraan ng irigasyon at pagsasaka.
Itinatag ang Green Revolution na
humuhikayat sa mga mamamayan na
magtanim at mag-alaga ng mga hayop
upang matugunan ang pangangailangan
sa pagkain. Nabuo din ang ASEAN o
Association of Southeast Asian Nations sa
panahon ni Pangulong Marcos na ang
layunin ay matamo ang pag-unlad na
pangkabuhayan, panlipunan at
pangkultura ng rehiyon.
Panuto: Ihanay sa loob ng
talahanayan ng mga pangulo
ang kanilang naging
patakaran, ambag at
organisasyong nabuo sa
kanilang pamumuno. Isulat
ang sagot sa iyong
kuwaderno.
Kilalanin ang mga tinutukoy na batas, programa o
organisasyon na nabuo o naitatag sa panahon ng Ikatlong
Republika. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
_______1. Ipinatayo ang programang ito para
matulungan ang mga magsasaka sa pagbibili ng kanilang
mga ani.

_______2. Nakasentro ang samahang ito sa pagpapatibay


ng pakikiisa at pagtugon sa mga prinsipyo ng
pagkapantay-pantay at kapatiran ng mga bansa na
nakasaad sa batas ng United Nations.

_______3. Naitatag ito upang bigyang-pansin ang mga


karaingan at kalagayan ng mga karaniwang tao.
_______4. Nailunsad ang programang ito
upang hikayatin ang mga mamamayan na
magtanim at mag-alaga ng mga hayop
upang matugunan ang pangangailangan sa
pagkain.

_______5. Ipinagtibay ito upang mabigyan


ng pantay na karapatan ang mga Amerikano
tulad ng mga Pilipino na linangin at magamit
ang mga likas na yaman
Panuto:Batay sa iyong
napag-aralan, lagyan ng
tamang sagot ang bawat
patlang sa ibaba. Isulat
ang sagot sa kuwaderno.
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan.Piliin
ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong
kuwaderno.

Ano ang naging epekto ng Filipino First Policy sa


bansa?
Naging lubog sa utang ang Pilipinas
Naging laganap ang kurapsyon sa bansa
Tinangkilik ng mga Pilipino ang mga produkto at
serbisyo ng kapwa Pilipino
Tinangkilik ng mga Pilipino ang mga produkto at
serbisyo galing sa ibang bansa
Alin sa mga sumusunod na programa o batas ang
ipinapatupad sa panahon ng pamumuno ni Pangulong
Marcos?
Green Revolution o ang pagtatanim at pag-aalaga ng
mga hayop upang matugunan ang pangangailangan sa
pagkain
Austerity Program o ang pagtitipid ng pamahalaan at
pamumuhay ng simple lamang
Kodigo ng Reporma sa Lupa na kung saan naiilipat sa
mga magsasaka ang lupaing kanilang sinasaka
Bell TradeAct ang batas na nagsasabing ang Estados
Unidos ay malayang makipagkalakalan sa Pilipinas.
3. Paano nilutas ni Pangulong Quirino ang problema sa mga
Huk?
A. Pagbibigay ng bahay
B. Pagbibigay ng trabaho
C. Pagbibigay ng perang pangnegosyo
D. Pagbibigay ng amnestiya at lupa para masaka Bakit
masasabi nating hindi patas ang Philippine Trade Act of 1946 o Bell
Trade Act?
A. Walang produktong Pilipino ang makakapasok sa Estados
Unidos
B. Walang produktong galing Estados Unidos ang makakapasok sa
Pilipinas
C. Pagkakaroon ng quota ng mga produktong galing Estados
Unidos
papasok sa Pilipinas
D. Pagkakaroon ng quota ng mga produktong Pilipino na
makapasok sa
Paano nakakatulong ang pagkatatag ng Presidential
Complaint and Action Commission (PCAC) ni Pangulong
Magsaysay?
A. Nabigyan ng pagkakataon ang mga karaniwang tao
na mabigyan ng
trabaho
B. Naipaaabot ng mga karaniwang tao ang kanilang
hinaing at suliranin
sa pangulo
C. Natulungan ang mga karaniwang tao sa problemang
may kinalaman
sa pananalapi
D. Wala sa nabanggit

You might also like