You are on page 1of 5

DIOSDADO P. MACAPAGAL FERDINAND E.

MARCOS

(1961-1965) (1965-1986)

CORAZON C. AQUINO FIDEL V. RAMOS

(1986-1992) (1992-1998)
Diosdado Macapagal

- Ikasiyam na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1961-30


Disyembre 1965)

- Inilunsad niya agad ang programa sa dekontrol. Ibig sabihin, wala nang
limitasyon sa importasyon at palitan ng piso sa dolyar.

- Bilang pag-alinsunod sa kahilingan ni Macapagal, ang Kodigo ng


Repormang Panlupa, ay ipinasa ng Kongreso. Ito ay nilagdaan ni Macapagal
noong Agosto 8, 1963 upang maging ganap na batas.

- Sa ilalim ng Administrasyon ni Macapagal ay nalipat ang pagdiriwang ng


Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 sa halip Hulyo 4, tinawag na lamang na Araw
ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Amerikano ang Hulyo 4, 1946.
Si Ferdinand Marcos ay ang ika 10 Pangulo ng bansa. Siya ay nagmula at
ipinanganak sa bayan ng Ilocos noong ika 11 ng September taong 1917. Siya
ang kauna unahang pangulo na nagpatupad ng Martial Law sa bansa. Ang
kanyang termino bilang pangulo ay nagtagal mula 1965 hanggang 1986
matapos magkaroon ng People's Power Revolution kung saan siya ay
pinatalsik sa pwesto at pinalitan ni Cory Aquino bilang pangulo ng bansa.

Mga naging proyekto at kontribusyon ni


Ferdinand Marcos
Bilang pangulo ng Pilipinas sa loob ng mahigit sa isang dekada, maraming
programa ang naisakatuparan sa ilalim ng kanyang pamamahala. Narito ang
ilan sa mga sumusunod na programa sa kanyang termino

 Pagkakaroon ng sapat na pagkain


 Green Revolution - Ang produksyon ng palay ay dumami dahil sa kultibasyon
ng IR-8 hybrid na palay. Taong 1968, ang Pilipinas ay nakapag labas ng
mahigit sa pitong milyong dolyar na halaga ng bigas  
 Blue Revolution - Ang mga pagkaing pandagat gaya ng mga seafoods ay
ipinamahagi sa mga magsasaka upang palaguin at paramihin
 Liberalized Credit - Nagpautang ang mga bangko para sa mga magsasaka at
iba pa. Ito ay mayroong mababang interes o tubo
 Biyayang Dagat - Pagpapautang sa mga mangingisda
 Bakahang Barangay - suporta sa mga nag aalaga ng baka  
 Masaganang Maisan, Maisagana, at Expanded Yellow Corn Program
 Gulayan sa Kalusugan and Pagkain ng Bayan Programs
 Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran (KKK)
 Reporma sa edukasyon  
 Reporma sa pagsasaka
 Pagkakaroon ng Primary Health Care ng mga Pilipino
 Pabahay sa pamamagitan ng Bagong Lipunan Improvement of Sites and
Services (BLISS) Housing project
Madami ang mga nagawi ni Corazon Aquino sa Pilipinas . Ilan dito ang pagiging
simbolo ng isang paghihimagsik na walang dugong dumanak. Pinalitan din
nila ang mga pangalan ng iba't ibang mga kalye at mga establyimento sa
Pilipinas, kagaya ng dating Manila International Airport. Naging tanyag
dinsiCorazon Aquino sa pagsupil, sa tulong ng banyagang mga pwersa sa
mga kudeta na naging regular na pangyayari sa unang mga taon sa kanyang
pamumuno. Madami din ang naniwala sa loob at labas ng bansa na sya ang
naging simbolo ng demokraysa sa Pilipinas.  
Konstitusyon
Binago ang konstitusyon at ginawang mas mahirap para sa isang president
ang pagdedeklara ng martial law sa pamamagitan ng paglalagay ng katagang
"immenent threat". Dahil dito kung hinihinala pa lamang na may rebelyon,
hindi pwede magdeklara ang isang pangulo. Kinakailangan na may mga nag-
aaklas na bago makapagdeklara ng martial law.
Pang ekonomiya
Maraming mga GOCC ang binenta ng administrasyong Aquino upang
makabawi sa usaping pagn ekonomiya. Sa panahong ito rin naisabatas ang
Build Operate Transfer law.
Mga Batas
May mga batas din na naipasa sa administrasyong ito gaya ng Family Code
at Local Government code. Ang Family Code ang batayan sa usaping
pangpamilya at ang Local Government Code ang nagbigay ng kapangyarihan
sa mga local na ehekutibo ng mga obligasyon at trabaho na dating nasa pang
nasyonal na gobyerno lamang.
Mga nagawa ni Fidel Ramos
Sa panahon ng panunungkulan ni dating pangulong Fidel Ramos, hindi pa
masyadong maayos ang pamahalaan ng Pilipinas dahil ilang taon pa lamang
ang nakalilipas matapos ang Martial Law. Gayunpaman, si Fidel V Ramos ay
nakapag ambag ng malaki para sa kaunlaran ng bansa

1. Si Fidel V Ramos ang nag paayos sa mga gusali at iba pang impastraktura na
nasira sa lindol noong taong 1992 at sa pagputok ng bulkang Pinatubo noong
taong 1990
2. Si Fidel V Ramos ang nagtatag ng Presidential Anti Crime Commission o
PACC
3. Si Fidel V Ramos ang nagtatag sa Komisyon ng Pambansang Pagkakaisa o
National Unification Commission o NUC
4. Si Fidel V Ramos ang nagpatupad sa pagkakaroon ng Special Zone of Peace
and Development in Southern Philippines o SZOPAD
5. Si Fidel V Ramos ang nagpatupad sa pagkakaroon ng Southern Philippines
Council for Peace and Development o SPCPD

Iba pang mga naging kontribusyon ni Fidel V Ramos

 Si Fidel V Ramos ang napatupad sa pagkakaroon ng Social Reform Agenda o


SRA
 Si Fidel V Ramos ang nanguna sa pagkakaroon ng programang Oplan Alis
Disease. Ito ang nagkaloob ng mga libreng bakuna upang malabanan ang
mga epidemya o mga sakit kabilang ang tuberculosis (TB), diphtheria, at
tetanus.
 Si Fidel V Ramos ang naglunsad sa Moral Recovery Program o MRP
 Si Fidel V Ramos ang naglunsad sa Clean and Green Program

You might also like