You are on page 1of 41

ADMINISTRASYON NI

PANGULONG DIOSDADO P.
MACAPAGAL
1961-165
Si Diosdado Pangan Macapagal ay ipinanganak noong
ika-28 ng Setyembre 1910 sa San Nicolas Lubao,
Pampanga. Siya ay ikalawa sa apat na anak ng mag-
asawang Urbano Macapagal, isang magsasaka at
Romana Pangan, isang anak ng kasama.
Dahil dito, siya ay kinilala bilang “poor boy from
Lubao.” Ang kahirapan na ito ay hindi naging hadlang
sa kaniya upang magtagumpay sa buhay. Siya ay
nagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas
at nanguna sa 1936 bar exam.
Bago naging pangulo, siya ay nahalal ng dalawang
beses bilang kongrasista ng unang distrito ng
Pampanga at naging pangalawang pangulo sa ilalim ng
administrasyon ni Carlos Garcia. Sa pampanguluhang
halalan noong ika-14 ng Nobyembre 1961, tinalo niya
is Garcia sa pagkapangulo.
Sa kaniyang inagurasyon noong ika-30 ng Disyembre
1961 sa Luneta, ipinahayag niya na siya ay magiging
mabuting halimbawa upang labanan ang katiwalian sa
pamahalaan. Ipinangako rin niyang tutugunan ang mga
suliranin sa bansa upang magkaroon ng kapayapaan at
kaunlaran.
Mga Isyung Pangkabuhayan at
Pampolitika
Binigyang diin ni Pangulong Macapagal ang
programang “New Era” na may layunin magdulot ng
kapayapaan at kaunlaran sa bansa. Inilunsad niya ang
Five Year Integrated Socio-Economic Program for
the Philippines upang dalhin ang bansa sa
kaunlaran
Ito ay nakasentro sa pagsasaayos ng lipunan,
pagpapanumbalik at pagpapatibay ng moralidad, at
pagpapaunlad ng ekonomiya.
Naging kabaligtaran ng programang ipinatupad ni
Pangulong Garcia ang kaniyang
patakarang pang-ekonomiya. Inalis ang sistema ng
pagkonrol sa pag-aangkat at ibinalik ang malayang
kalakalan. Ito ay nagdulot sa muling pagpasok ng mga
dayuhang kalakal. Maging ang mga negosyanteng
Pilipino ay kailangang ibigay
ang kanilang husay upang makipagsabayan sa dayung
namumuhunan.
Sa unang taon ng kaniyang panunungkulan,
dumanas ang ating bansa ng krisis pinansyal. Sa
layuning mapasigla ang ekonomiya at mapatatag ang
palitan ng piso sa dolyar, ipinatupad ni Pangulong
Macapagal ang decontrol sa piso na taliwas
sa pinairal noong panahon ng panunungkulan ni
Pangulong Quirino. Dumanas ang bansa ng pagbaba
ng halaga ng piso kontra dolyar o peso devaluation.
Bumagsak palitan ng piso mula sa ₱2.00 tungong
₱3.92 bawat $1.00.
Naganap ito dahil bumaba ang reserba ng dolyar ng
ating bansa dulot ng malaking gastos sa pag-aangkat.
Ito ay nagdulot ng pagtaas ng presyo ng mga
produktong inaangkat gaya ng petrolyo. Ang naisip na
solusyon dito ay ang pangungutang sa International
Monetary Fund (IMF).
Para sa pananaw ng ilan, ang polisiyang ito ni
Pangulong Macapagal ay mas nagdulot ng kahirapan
sa mga ordinaryong mamamayan at mga lokal ng
negosyante. Mas nagkaroon ito ng pabor sa mga
dayuhan dahil sa mga insentibo ng kanilang
napakinabangan mula rito.
Nakilala rin ang administrayon ni Pangulong
Macapagal sa pagpapabuti ng sector ng agrikultura at
kalagayan ng mga magsasaka. Isinabatas noong ika-8
ng Agosto 1963 ang RA 3844 o ang Land Reform
Code.
Itinadhana nito ang pagbubuwag sa sistema ng kasama,
pagpapalit ng sistema ng pag-uupa, at ang pamamahagi
ng lupa sa mga magsasaka. Bagama’t naisakatuparan
ito sa ilang lugar sa simula ng pagpapatupad ng batas
na ito, sa kabuuan, ay hindi rin ito
naging matagumpay dahil na rin sa kakulangan ng
pondo. Maliban pa rito, ang katotohanan na maraming
mga politiko rin ang siyang nagmamay-ari ng mga
lupa.
Bukod sa reporma sa lupang agricultural, isa rin sa
mga programang pinasinayaan noong ika-7 ng Pebrero
1962 ang International Rice Research Institute (IRRI)
upang mapagbuti ang produksiyon ng palay.
Isa sa mga bunga ng pagsasaliksik dito ay ang
pagpapalaganap ng “Miracle Rice” (IR-8 variety)
noong 1964. Ito ay uri sa palay na mas mahaba at mas
marami ang bunga kaysa sa pangkaraniwang binhi.
MIRACLE RICE or IR-8 VARIETY
Sa usaping politikal, nagsasagawa ng pagsugpo sa
katiwalian sa pamahalaan ang Administrasyong
Macapagal. Gayunman, hindi rin nakaligtas sa mga
isyu tungkol sa katiwalian at kurapsyon si Pangulong
Macapagal.
Isa sa mga sumubok sa kaniyang kampanya laban sa
korupsiyon ay ang isyu sa Stonehill Scandal. Ito ay
tungkol sa isang mayamang Amerikanong negosyante
na si Harry Stonehill na nagmamay-ari ng maraming
negosyo sa Pilipinas.
HARRY STONEHILL
Sa isinagawang imbestigasyon na kalihim ng
Department of Justice o DOJ (Kagwaran ng Katarungan)
na si Jose W. Diokno, lumabas na si Stonehill ay
nagkasala ng tax evasion, smuggling, at
pakikipagsabwatan sa katiwalian ng ilang pampublikong
opisyal.
Gayunman, ang kaso si Stonehill ay pinakialaman ng
Malacañang. Kaya sa halip na siya ay litisin, pinauwi
siya sa pamamagitan ng deportasyon. Dagdag pa rito,
napaalis din si Kalihim Diokno bilang bahagi ng
Gabinete ni Macapagal. Ang mga desisyong ito ng
Administrasyong Macapagal ay umani ng maraming
pambabatikos.
JOSE W. DIOKNO
Mga Isyung Panlipunan at Ugnayang
Panlabas
Bilang isang pangulo at laki sa kahirapan, malaki ang
simpatya ni Pangulong Macapagal sa karaniwang tao.
Ang kaniyang mga programa ay nakatuon sa pagbibigay
ng solusyon sa mga suliranin sa hanapbuhay, kasapatan
ng pagkain, simpleng pamumuhay, pagtaas ng sahod at
sistema ng paggawa at murang pabahay.
Binigyang-pansin din niya ang mga beterano ng
digmaan sa pamamagitan ng pagtatag ng Philippine
Veterans Bank. Ang kababaihang nasa tahanan ay
binigyan din ng kabuhayan sa pamamagitan ng
programa ng National Cottage Industries Development
Authority (NACIDA), katulong ang Private
Development Corporation, na nakatuon sa aspekto ng
kakailanganing pinansya o kapital para sa mga industriya.
Sinuportahan din ng Pangulong Macapagal ang pag-
unlad ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagtatag
ng
National Commision on Culture. Isinulong din niya
ang pagpapalaganap sa paggamit ng pambansang wika
sa komunikasyon, maging sa mahahalagang papeles o
dokumento, pasaporte, at mga liham o koreo. Maliban
pa rito, pinaganda at inayos ang Luneta na nagsilbing
parke at pook-pasyalan.
PHILIPPINE VETERANS BANK
Ang Sistema ng trasportasyon ay pinagbuti rin sa
pamamagitan ng pagsisimula sa paggawa ng North
Diversion Highway at South Expressway. Ang mga
proyektong ito, kalaunan, ay ipinagpatuloy ng
administrayon ni Pangulong Marcos.
NORTH AT SOUTH EXPRESSWAY
Sa larangan ng ugnayan panlabas, noong ika-22 ng
Hunyo, nanindigan si Pangulong Macapagal tungkol sa
isyu ng Sabah . Ito ay matapos ipahayag ng Gran
Britanya na palayain na nila ang mga teritoryong
pagmamay-ari nila sa Malayan Peninsula.
Plano nito na pag-isahin ang Sabah at Sarawak sa
Borneo. Ito ay tinutulan ni Pangulong Macapagal at
idiniin na ang Sabah ay orihinal na pagmamay-ari ng
Pilipinas at inupahan lamang ito ng mga Briton sa
sultan ng Sulu.
Kaugnay pa nito, naitatag din noong ika-5 ng
Agosto 1963 ang MAPHILNDO na binubuo ng
Malaysia, Pilipinas, at Indonesia. Ito ay naglayong
maitaguyod ang pagtutulungan ng tatlong bansa sa
larangan ng politika at pamamahala, pangkabuhayan,
at pang kultura. Subalit, isa sa mga nagging dahilan
ng hindi pagtatagumpay nito ay ang ilang isyu sa
pagitan ng mga bansang kasapi. Isa na rito ang isyu
tungkol sa teritoryo ng Sabah sa pagitan ng Pilipinas at
Malaysia. Matatandaan na ang Sabah ay dating kasama
sa teritoryo ng sultanato ng Sulu.
Ito ay pinaupahan ni Sultan Jamalul Kiram II sa North
British Borneo Company noong 1878. Hindi naglaon,
matapos na masakop ng Estados Unidos ang Pilipinas,
ang Sabah ay hindi naisama sa teritoryo ng Pilipinas.
Noong 1963, naisama ito sa Federation of Malaysia.
Hanggang sa kasalukuyan, ito ay hinahabol ng
sultanato ng Sulu.
Isa pa sa mga nagawa ni Pangulong Macapagal ay
ang pagbabalik ng petsa ng selebrasyon ng Araw ng
Kalayaan ng Pilipinas sa ika-22 ng Hunyo. Mula 1946
hanggang 1960, ito ay ginugunita tuwing ika-4 ng
Hunyo bilang pagkilala sa paglaya ng Pilipinas mula sa
Estados Unidos pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Sa pananaw ni Pangulong Macapagal, hindi ito tama.
Inilabas niya ang Proklamasyon blg. 28 noong ika-12
ng Mayo 1962 na nagbabalik sa orihinal na petsa ng
paggunita ng Kalayaan ng ika-12 ng Hunyo. Ang ika-4
ng Hulyo ay dineklara bilang Philippine Republic Day
at, sa kasalukuyan, ginugunita ito bilang Phillipine-
American Friendship Day.

You might also like