You are on page 1of 8

6

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 8:
Ang Labanan sa Bataan
Aralin
Labanan sa Bataan
1
Pagkaraan ng maraming taon ng pakikipaglaban, sa panahon ng Komonwelt
ay unti-unti nang nakaranas ng kaunlaran at malasariling kalayaan ang Pilipinas.
Subalit dumating ang sigwa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at muli itong
naligalig. Pinangambahan ng maraming lider na Pilipino sa pangunguna na rin ni
Pangulong Quezon at ni Claro M. Recto, isang makabayang lider, ang maaaring
pagsabog ng digmaan at pagkasangkot ng Pilipinas sa digmaang iyon.

Balikan

Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang bilang 1-5 sa sagutang papel.
1. Nagsimula ang Labanan sa Bataan.
2. Tuluyang nakapasok ng Maynila ang mga Hapones.
3. Ganap na nakapasok ang mga Hapones sa Pilipinas sa pamumuno ni Heneral
Masaharu Homma.
4. Sumiklab ang digmaan sa Pasipiko sa pagbomba ng mga Hapones sa Pearl
Harbor.
5. Nagsimulang nangamba ang mga bansa sa Asya na ang mga Hapones ay may
layong manakop ng mga bansa sa dulong silangan.

Tuklasin

Nagsimula noong 1930, nangamba ang mga bansa sa Asya na ang mga
Hapones ay may layong manakop ng mga bansa sa dulong silangan. Sumiklab
naman ang digmaan sa Pasipiko sa pagbomba ng mga Hapones sa Pearl Harbor
noong Disyembre 7, 1941. Noong Disyembre 8, 1941 naman, sinalakay ng mga
Hapones ang Pilipinas. Isinunod din nila ang pagbomba sa Pilipinas. Ganap na
nakapasok ang mga Hapones sa Pilipinas noong Disyembre 22, 1941 sa pamumuno
ni Heneral Masaharu Homma. Tuluyan ding nakapasok sa Maynila ang mga
Hapones noong Enero 2, 1942. Noong Enero 31 hanggang Pebrero 8, 1945 nagsimula
na ang Labanan sa Bataan.
Suriing mabuti ang mga larawan. Suriin ang inilalarawan nito at sagutin ang
mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
BALIK TANAW SA LARAWANG KUPAS

1. Sa anong bansa makikita ang naturang watawat o bandila?


2. Bakit kaya sinakop tayo ng bansang Hapon?
3.Ano ang iyong nararandaman pagkatapos makita ang mga larawan?

Suriin

Nagsimula ang Labanan sa Bataan noong Enero 31 hanggang Pebrero 8,


1945. Matapos masakop ang Maynila, itinuon naman ni Heneral Homma ang buong
puwersang Hapon sa pagtugis sa mga kalaban sa Bataan. Maraming nalagas sa
USAFFE dala ng kakulangan ng armas, pagkain at gamot. Maraming nagkasakit ng
malarya at namatay.
Dahil palubha nang palubha ang sitwasyon, at may panganib nang bumagsak
sa kamay ng mga Hapones ang bansa, inilikas si Pangulong Quezon at ang kanyang
pamilya patungong Amerika noong Pebrero 20, 1942. Noong Marso 11, 1942 naman,
inatasan si Heneral MacArthur na magtungo sa Australia upang pamunuan ang
puwersa roon. Binitiwan ni MacArthur ang katagang “I shall return.” Itinalagang
kapalit ni MacArthur si Tinyente Heneral Wainwright bilang pinuno ng USAFFE.
Pinalitan ang designasyon ni Wainwright bilang pinuno USIP o United States
Forces in the Philippines. Sa gitna ng mga pangyayaring iyon, ibinuhos ni Heneral
Homma ang lahat ng tropa nito sa Bataan. Noong Abril 9, 1942, bumagsak ang
Bataan sa kamay ng mga Hapones matapos ang magiting at madugong
pakikipaglaban ng mga Pilipino. Lumipat si Heneral Wainwright sa Corregidor at
buhat doo’y ipinagpatuloy niya ang pamumuno sa pakikipaglaban.
Si Heneral Edward P. King na humaliling kumander ng puwersa sa Bataan,
ang siyang nagbigay ng utos ng pagsuko upang mailigtas ang wala nang lakas na
mga sundalo. Ito na ang dahilan ng pagbagsak ng Bataan. Ang pagbagsak ng Bataan
ay parang hudyat na rin ng pagbagsak ng Pilipinas.
Ang Dambana ng Kagitingan ay itinayo bilang simbolo ng Pagbasak ng
Bataan. Ito rin ang simbolo ng kagitingang ipinakita ng mga sundalong Pilipino at
Amerikano sa pagtatanggol sa bansa sa abot ng kanilang kakayahan at maging
hanggang kamatayan.

Pagyamanin
Gawain A

A. Hanapin ang mga sumusunod na salita sa puzzle na nauugnay sa Labanan sa


Bataan. Bilugan ang iyong sagot.

A. sundalo C. Hapon E. USSAFE


B. Quezon D. Bataan

U L A B A N H I A H
S S Q U E Z O N M A
A T S R E D L A E P
F R B A T A A N R O
F E R N F N O F I N
P A N A T E D O K N
R 0 D E G R R R A O
O L A O L A D N U S

B. Iguhit ang_v___ kung ang pangungusap ay tama. Iguhit naman ang_____ kung
ito ay mali. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Matapos masakop ang Maynila, itinuon naman ni Heneral Homma ang buong
puwersang Hapon sa pagtugis sa mga kalaban sa Bataan.
2. Buong giting at katapatang ipinagtanggol ng USAFFE ang Bataan.
3. Ang pagbagsak ng Bataan ay parang hudyat na rin ng pagbagsak ng Pilipinas.
4. Hindi tinupad ni Heneral MacArthur ang kanyang pangakong pagbabalik.
5. Ipinakita ng mga sundalong Pilipino ang kanilang kagitingan sa pagtatanggol sa
bansa sa abot ng kanilang kakayahan at maging hanggang kamatayan.

C. Gamitin ang mga salita na nasa kahon upang mabuo ang talata. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Pakikipaglaban Heneral Edward P. King Ika-9 ng Abril


Heneral Homma Heneral Wainwright Claro M. Recto
Ibinuhos ni ____________ang lahat ng tropa nito sa Bataan. Noong
____________bumagsak ang Bataan. Si____________ ang nag-utos upang sumuko ang
mga walang lakas na sundalo. Lumipat si ____________sa Corrigedor at buhat doo’y
ipinagpatuloy niya ang pamumuno sa_____________.

D. Unawain ang mga pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
1. Sino ang pinuno ng hukbong Hapon na sumakop sa Pilipinas?
A. Heneral Hirohito
B. Heneral Nagsaki
C. Heneral Masaharu Homma
D. Heneral Yamashita
2. Ano ang tawag sa simbolo ng Pagbagsak ng Bataan?
A. Dambana ng Kagitingan
B. Corrigedor
C. Krus ni Magellan
D. Monumento ni Lapulapu
3. Ang mga nagsilbing huling tanggulan ng mga Pilipino at Amerikano.
A. Bataan at Corregidor
B. Bulacan at Pampanga
C. Maynila at Zambales
D. Pampanga at Maynila
4. Sino ang huling kumander na humawak sa puwersa ng Bataan?
A. Heneral Douglas MacArthur
B. Heneral Edward P. King
C. Heneral Jonathan Wainwright
D. Heneral William F. Sharp Jr.
5. Saan nagtungo si Pangulong Quezon at ang kanyang pamilya noong naganap
ang Labanan sa Bataan?
A. Amerika
B. Dubai
C. Hong Kong
D. Indonesia
Isaisip

Punan ang patlang ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Nagsimula ang Labanan sa Bataan noong 1). _________________. Dahil


palubha nang palubha ang sitwasyon, at may panganib nang bumagsak sa kamay
ng mga Hapones ang bansa, inilikas si 2). _________________ at ang kanyang pamilya
patungong Amerika noong Pebrero 20, 1942.
Noong 3). _________________, bumagsak ang Bataan sa kamay ng mga
Hapones matapos ang magiting at madugong pakikipaglaban ng mga Pilipino.
Si 4). _________________na humaliling kumander ng puwersa sa Bataan ang
nagbigay ng utos ng pagsuko upang mailigtas ang wala ng lakas na mga sundalo.
Noong 5). _________________inatasan si Heneral MacArthur na magtungo sa
Australia upang pamunuan ang puwersa roon. Binitiwan ni MacArthur ang katagang
“I shall return.” Itinalagang kapalit ni MacArthur si Tinyente Heneral Wainwright
bilang pinuno ng USAFFE. Pinalitan ang designasyon ni Wainwright bilang pinuno
USIP o United States Forces in the Philippines.

Tayahin

Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Sino ang pangulo ng Pilipinas noong panahong sakupin ng mga Hapones ang
Pilipinas?
A. Antonio Luna
B. Claro M. Recto
C. Manuel L. Quezon
D. Manuel Roxas
2. Siya ang pinuno ng hukbong Hapon na sumakop saPilipinas?
A. Heneral Hirohito
B. Heneral Narasaki
C. Heneral Masaharu Homma
D. Heneral Yamashita
3. Siya ang itinalagang pinuno ng USAFFE.
A. Heneral Edward P. King
B. Heneral Douglas MacArthur
C. Heneral Jonathan Wainwright.
D. Heneral William F. Sharp Jr
4. Ano ang tawag sa simbolo ng Pagbagsak ng Bataan?
A. Dambana ng Kagitingan
B. Dambana ng Kapayapaan
C. Krus ni Magellan
D. Rizal Park
5. Saan nagtungo si Heneral Douglas MacArthur?
A. Australia
B. Hong Kong
C. London
D. Malaysia
6. Sino ang itinalagang kapalit ni Heneral MacArthur bilang pinuno ng USAFFE?
A. Heneral Edward P. King
B. Heneral Douglas MacArthur
C. Heneral Jonathan Wainwright
D. Heneral William F. Sharp Jr.
7. Kailan naganap ang Labanan sa Bataan?
A. Enero 31 - Pebrero 8, 1945
B. Enero 31 - Pebrero 8, 1946
C. Enero 31 - Pebrero 8, 1947
D. Enero 31 - Pebrero 8, 1948
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi nangyari sa panahon ng pananakop ng
mga Hapones sa Pilipinas?
A. Pagbagsak ng Bataan
B. Walang humpay na pambobomba ang isinagawa ng mga Hapones sa
Bataan.
C. Pagbagsak ng Corregidor
D. Pagbabayad ng mg Hapones sa Amerika kapalit ng Pilipinas
9. Bakit kailangang lisanin ang Maynila ng tropang USAFFE at magtungo sa
Bataan?
A. Sapagkat naroon ang mga Hapones
B. Sapagkat napakalaki nito
C. Sapagkat maraming gerilya doon
D. Sapagkat mahirap nang ipagtanggol ito at labis na mawawasak
10. Paano madaling nagapi ng mga Hapones ang puwersang Pilipino-Amerikano?
A. Sa pamamagitan ng propaganda
B. Sa pamamagitan ng pagbabayad ng malaking halaga
C. Sa pamamagitan ng pagpatay sa mga sumukong sundalo
D. Sa pamamagitan ng walang humpay na pambobomba sa mga
mahahalagang instalasyong militar.
13
SUBUKIN
1.B 2. D 3.C 4.A 5.A 6.A 7. B 8. C 9. A 10. A
BALIKAN
1. 5 2. 4 3. 3 4. 2 5.
n
Pagyamani
A B 1. C
U L A B A N H I A H 1. 1.Heneral Homma
2.Ika -9 ng Abril
S S Q U E Z O N M A
2. 3.Heneral Edward P. King
A T S R E D L A E P
4.Heneral Wainwright
F R B A T A A N R O 3. 5. Pakikipaglaban
F E R N F N O F I N
P A N A T E D O K N 4.
R 0 D E G R R R A O
O L A O L A D N U S 5.
D E F
1. c 1. Heneral Douglas MacArthur Tanggapin ang
2. a 2. Dambana ng Kagitingan maaaring isagot ng
3. a 3. Heneral Jonthan Wainwright bata
4. b 4. Pagbagsak ng Bataan
5. a 5. Hapon
ISAISIP
1.ENERO 31-PEBRERO 8, 1945 3. ABRIL 9, 1942
2. PANGULONG MANUEL QUEZON 4. HENERAL EDWARD P. KING
5. MARSO 11, 1942
Isagawa
Sundan ang pamantayan sa pagpupuntos
TAYAHIN
1. C 2. C 3. B 4. A 5. A 6. C 7. A 8. D 9.D 10.D
Susi sa Pagwawasto

You might also like