You are on page 1of 10

6

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 6:
Mga Pagbabago sa Panahon
ng mga Amerikano
Aralin
Mga Pagbabago sa Panahon
1 ng mga Amerikano
Matagal na panahon at mahabang proseso ang pinagdaanan ng mga Pilipino
bago maitatag ang Malasariling Pamahalaan na tinatawag na Komonwelt. Sa
pamahalaang ito, mga Pilipino na ang mamumuno sa bansa bilang paghahanda sa
ganap na paglaya ng bansa.

Balikan


Lagyan ng tsek (____) kung ang pahayag ay konseptong natutunan tungkol sa

Pamahalaang Komonwelt at ekis (____) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Sina Manuel Quezon at Sergio Osmeña ang unang pangulo at pangalawang


pangulo ng Komonwelt.
2. Sumiklab ang Digmaang Pilipino at Amerikano nang barilin ng sundalong
Amerikano ang dalawang Pilipinong hindi tumigil sa paglalakad.
3. Layunin ng Pamahalaang Komonwelt na sanayin ang mga Pilipino sa sariling
pamamahala at gawing matatag ang sistemang pampolitika at mapaunlad ang
kabuhayan ng bansa sa loob ng sampung taon.
4. Nagkaroon ng listahan ng karapatan ang mga mamamayan o tinatawag na Bill of
Rights upang mapangalagaan sa anumang uri ng pang-aabuso ang mga Pilipino
gaya ng karapatan sa pagsulat, pagsasalita, pagsamba, pag-aari, at iba pa.
5. Inilaan ni Pangulong Quezon ang pamumuno sa bansa sa mga pagbabago sa
politika, kabuhayan, lipunan, at kultura bilang paghahanda sa ganap na
kalayaan nito.
6. Ang paglinang ng wikang pambansa ay binigyan din ng pansin ni Manuel
Quezon. Ang wikang Tagalog ang naging batayan ng pambansang wika.
7. Ang mga kababaihan ay nagkaroon ng karapatang bumoto at manungkulan sa
panahon ng Komonwelt.
Tuklasin

Pag-aralan ang bawat grupo ng mga larawan kung ano ang tinutukoy ng mga
nito. Buuin ang salitang hinahanap sa pamamagitan ng paglalagay ng mga
nawawalang letra. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.___ ___U ___ ___S ___ ___N

2.___R___ ___S ___ ___R___ ___S___ ___N

3. R___ ___I___ ___Y___N


4. K___M___ ___I___ ___S___O___

5. ___A___ ___S___G___N

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang iyong masasabi sa bawat grupo ng mga larawan?
2. Mahalagang sangkap ba ang mga ito upang magkaroon ng pagbabago sa
ating lipunan? Bakit?
3. May epekto ba ang mga ito noong sakupin tayo ng mga Amerikano?
4. May mabuti at hindi mabuti kayang naidulot ito sa mga Pilipino?

Suriin

Tulad ng mga Espanyol, malaki rin ang naging impluwensya ng pamahalaang


Amerikano sa pamumuhay at kultura ng mga Pilipino. Sa loob ng 48 taong
pananakop ng mga Amerikano ay nabuo ang isang mala-Amerikanong lipunang may
bahid ng institusyon, kaugalian at pagpapahalaga ng mga mananakop.
Amerikanisasyon – tawag sa paraan ng paghubog sa puso at isip ng mga
Pilipino upang ituro ang pagpapahalaga at kulturang Amerikano.
Demokrasya – sistema ng pamahalaang nagbibigay ng kalayaan at pantay na
karapatan sa bawat mamamayan nito.
Paaralang Pambayan – uri ng paaralang pinamamahalaan ng pamahalaan at ito ay
bukas at walang bayad para sa lahat ng mamamayan.
Thomasites – unang grupo ng mga Amerikanong gurong dumating sa bansa na
sakay ng barkong USS Thomas upang turuan ang mga Pilipino.
Pensiyonado – tawag sa mga kabataang Pilipinong pinadala sa Amerika upang mag-
aral ng libre.
Mga Pagbabago sa Panahon ng mga Amerikano
EDUKASYON
▪ Pampublikong sistema ng edukasyon ang pinairal
▪ Libre ang pag-aaral sa primarya
▪ Mga sundalong Amerikano ang mga naging unang
guro ng mga Pilipino
▪ Noong Agosto 23, 1901, lulan ng barkong USS
Thomas, dumating ang mga boluntaryong
Amerikanong papalit sa mga sundalong guro na
tinawag na Thomasites

TRANSPORTASYON
▪ Napaglapit ang mga magkakahiwalay na lalawigan
▪ Napahaba nag sistema ng tren sa Luzon
▪ Ginamit na sa unang pagkakataon ang mga
makabago at de-motor na sasakyang pandagat at
panghimpapawid

KOMUNIKASYON
▪ Noong 1905, itinatag ang Kawanihan ng Pahatirang
Kawad na namahala sa mga serbisyo tulad ng
paghahatid ng sulat, telegram, airmail at money
order
▪ Napabilis ang daloy ng komunikasyon sa loob at
labas ng bansa sa pagtatatag ng tanggapang
pangkoreo sa bawat munisipyo

KALUSUGAN AT KALINISAN
▪ Nagpatupad ng mga paraan upang masugpo ang
epidemya dulot ng kolera
▪ Nagpalabas ng mga leaflet at iba pang
impormasyon kung paano maiiwasan ang pagkalat
ng sakit
▪ Nagpatayo ng mga klinika, pagamutan at sentrong
pangkalusugan sa iba’t ibang panig ng bansa

RELIHIYON
▪ Ipinakilala ng mga Amerikano ang Protestantismo
at pinangunahan ng mga pastor ang mga simbahan
TAHANAN AT GUSALI/ARKITEKTURA

▪ Pinakilala ang paggamit ng bakal at semento


bilang pundasyon at balangkas sa mga gusali
na may matataas na haligi at mga hagdanan.

PAMUMUHAY
▪ Tinawag na “little brown Americans” ang mga
Pilipino dahil sa matinding impluwensiya ng
mga Amerikano
▪ Natutuhan ng mga Pilipino ang pagsusuot,
kumain at uminom ng pang-Amerikano.

Impluwensya ng mga Amerikano sa Kulturang Pilipino

EDUKASYON

Binigyang diin ang pangkalahatang


edukasyon at ang demokrasya na sinasabing
pinakamahalagang pamana ng mga Amerikano sa
bansa. Nabigyang pagkakataong makapag-aral ang
mga Pilipino ng libre, mayaman man o mahirap.
Pinadala sa Amerika ang mga magagaling na
kabataan upang mag-aral ng libre na tinawag na
pensiyonado.

TRANSPORTASYON

Ipinagawa ang mga kalsada at tulay sa


bansa. Nagkaroon ng iba’t ibang uri ng sasakyan
tulad ng bisikleta, trak, at motorsiklo na nagpabilis
ng paglalakbay. Umunlad din ang paglalakbay
pantubig dahil sa pagkakaroon ng daungan, parola
at breakwater.
KOMUNIKASYON

Natuto ang mga Pilipino sa paggamit ng


telepono at telegrapong walang kawad (wireless
telegraph). Naipakilala rin ang paggamit ng radyo
bilang paraan ng paghahatid ng mga balita at
pakikipagkomunikasyon. Napaunlad din ang
serbisyo ng pahatiran ng liham sa pamamahala ng
Kawanihan ng Koreo.

KALUSUGAN AT KALINISAN

Natuto ang mga Pilipino ng wastong


pagpapanatili ng kalinisan sa sarili at pagkain.
Dahil sa makabagong medisina at paraan ng
panggagamot, nasugpo ang pagkalat ng
nakahahawang sakit tulad ng ketong, tuberkulosis,
kolera, at bulutong.

RELIHIYON

Ang relihiyong Protestantismo na ipinakilala


ng mga Amerikano ay paniniwala ring si Hesus ay
Diyos pero binigyan pa rin ng karapatang pumili ng
relihiyon ang mga Pilipino. Isa sa mga nagtatag ng
sektang nakapailalim sa Protestantismo na Iglesia
Filipina Independiente ay si Padre Gregorio Aglipay.

TAHANAN AT GUSALI
Nabago ang disenyo ng mga tahanan gaya ng
bungalow, chalet, apartment at mga kongkretong
bahay. Pati na rin ang mga gusali tulad ng Manila
Hotel, Korte Suprema, Post Office, National
Museum, at iba pa. Nauso rin ang paggamit ng
flush sa mga palikuran o kubeta.

PAMUMUHAY

Ipinakilala ng mga Amerikano ang mga


kagamitang nagpagaan sa gawain tulad ng
refrigerator, floor polisher, washing machine,
vacuum cleaner, rice cooker, at iba pa.
Nakahiligan rin ng mga Pililipino ang panonood ng
sine, paglalaro ng bowling, billiards, basketball,
softball, football at volleyball at pagsayaw ng
Cha Cha, Boogie, Rhumba, Foxtrot, Charleston
at iba pa.
Pagyamanin

A. Tukuyin ang bawat pahayag kung ito ay impluwensya ng mga Amerikano ayon
sa EDUKASYON, KALUSUGAN, KOMUNIKASYON, RELIHIYON,
TRANSPORTASYON, TAHANAN/GUSALI/ARKITEKTURA O PAMUMUHAY. Isulat
sa sagutang papel ang sagot.
1. Ang mga naging unang guro ng mga Pilipino ay ang mga sundalong Amerikano.
2. Dahil sa pagsasaayos ng mga kalsada at tulay, naging madali at mabilis ang
paglalakbay.
3. Mas naging malinis at maayos sa pagkain ang mga Pilipino.
4. Matitibay ang mga gusali at tahanan dahil may malalaki itong mga haligi at
gawa sa semento at bakal.
5. Natutong magsuot ng polo shirt, amerikana, kurbata at pantalon ang mga
kalalakihang Pilipino.

B. Pag-ugnayin ang mga salita sa Hanay A sa mga salita sa Hanay B. Isulat sa


sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
A B

1. Nagtatag ng sektang Iglesia Filipina A. Pilipino


Independiente

2. Namahala sa serbisyo ng pahatiran ng liham B. Thomasites

3. Mga magagaling na kabataang Pilipinong C. Pensiyonado


ipinadala sa Amerika

4. Grupo ng mga gurong Amerikano na nagturo D. Martir


sa mga Pilipino

5. Tinawag na “little brown Americans”


E. Padre Gregorio Aglipay

F. Kawanihan ng Koreo
C. Suriin ang bawat larawan. Lagyan ng pagkakakilanlan ng naging impluwensya
ng mga Amerikano. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

5. 6.

7.
Subukin
1. D 2. C 3. C 4. A 5. D 6. A 7. C 8. C 9. A 10.D
Balikan
1. √ 2. X 3. √ 4. √ 5. √ 6. √ 7. √
Tuklasin
EDUKASYON TRANSPORTASYON RELIHIYON KOMUNIKASYON KALUSUGAN
Pagyamanin
A B C
1. EDUKASYON 1.Kalusugan
1. E 2.Gusali/Tahanan/Arkitektura
2. TRANSPORTASYON
2. F 3.Edukasyon
3. KALUSUGAN 3. C
4. TAHANAN/GUSALI/ARKITEKTURA 4.Komunikasyon
4. B 5.Transportasyon
5. PAMUMUHAY 5. A 6.Pamumuhay
7. Relihiyon
D E F
Tanggapin ang sagot kung 1. A
1. √
naaayon sa paksa 2. C
2. X 3. A
3. √ 4. A
4. X 5. B
5. √
6. √
7. X
8. √
9. √
10. X
Isagawa
Gamiting gabay ang pamantayan sa pagpupuntos
Isaisip
1. pagbabago 2. Ingles 3. pamumuhay 4. little bworn Americans 5. Amerikano
Tayahin
1. D 2. C 3. C 4. D 5. C 6. D 7. B 8. A 9. D 10.D
Karagdagang Gawain
Gamiting gabay ang pamantayan sa pagpupuntos
Susi sa Pagwawasto

You might also like