Noong siya ay miyembro ng krongreso, kasama siya nina Sergio Osmeña sa pagpunta sa Estodos Unidos upang isabatas ang batas Hera-Hawes-Cutting, isa sa mga misyon pangkalayaan ng pilipinas noong panahon ng pamalahalaang Commonwealth. Nang siya ay maging pangulo, iprinoklama niya ang pangkalahatang amnestiya sa mga kolaborador ng mga hapones noong Pebrero 13, 1948. Itinatag din nya ang Rehabilitation Finance Corporation (RFC) na ngayon ay kilala bilang Development Bank of the Philippines (DBP). Layunin nitong magpautang para sa rehabilitasyon ng agrikultura, komersyo, industriya at mga impraistrukturang nasira ng digmaan.
Mga Suliraning Kinaharap
Naging malaking hamon sa panunungkula ni Roxas ang mga suliraning bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pagbagsak ng ekonomiya, pambansang seguridad, at mga isyung kolaborasyon. Elpidio Rivera Quirino (1948 – 1953)
Mga Naiambag Sa Bansa
Nakapagpatayo ang pamahalaan ng mga pabrika na nagdala ng maraming trabaho para sa mga mamamayan. Nagawa rin ng administrasyon Quirino na patatagin ang halaga ng piso at balansehin ang national buget. Napaunlad din niya ang sistema ng irigasyon sa mga taniman; pinasinayaan ang paggamit ng hydroelectric energy mula sa Maria Cristina Falls at Bulakan upang malutas ang problema sa kuryente sa Luzon at pinaayos ang mga lansangan. Naitatag din ang iba’t ibang organisasyon upang makatulong sa pagbangon ng bawat Pilipino, kabilang ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Social Security Commission, at President’s Action Committee on Social Amelioration na nangasiwa sa pagpapautang sa mga mahihirap na mamamayanan.
Mga Suliraning Kinaharap
Nakipagkasundo si Quirino sa HUKBALAHAP upang masigurado ang kapayapaan sa bansa. Ngunit nasira ang kasunduan noong 1948 nung idineklara ang komunistang kilusan na naghasik ng karahasan. Isa pang mabigat na suliraning kinaharap ni Quirino ay ang mga akusasyon nag korupsyon sa mga administrasyon na nagbunsod sa panawagan ng taumbayan na siya ay i-impeach ngunit ibinasura ng komiteng pangkongreso dahil sa kawalan ng sapat na basehan. Ramon Del Fiero Magsaysay (1953 – 1957)
Mga Naiambag Sa Bansa
Kalihim palang siya ng National Defense ay masidhing ambag na ang naibagay niya sa pilipinas. Ginamit niya ang hukbo ng pilipinas sa pakikidigma laban sa HUKBALAHAP sa hindi kumbensiyon na pamamaraan. Namahagi sya ng iba’t ibang tulong sa mga mamamayang naapektuhan ng karahasan. Nagtayo ng paaralan, mga ospital at mga bahay-pangsakahan. Inalok din nya ng kapatawaran, suportang medical at libreng lupain sa kagubatan ng Mindanao ang sinumang rebeldeng Huk na sumuko. Dahil sa pamamaraan nya ng pakikipag-ugnayan nagbayo nang tuluyan ang pananaw ng publiko sa Hukbo ng Pilipinas at bumababa ang bilang ng mga rebeldeng Huk. Nagawa niyang palaguin ang ekonomiya, napabagsak niya ang presyo ng bilihin, nakapagpagawa siya ng tulay, daan at patubig.Nagtatagtag din siya ng programang Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration upang lubos na makatutulong sa mga magsasaka .
Mga Suliraning Kinaharap
Pangunahinng suliralin kinaharap ng administrasyon Magsaysayay ay ang paghihimagsik ng HUKBALAHAP at ang pondo para sa mga programa ng pamahalaan gayong bahagya pang sariwa ang mga epekto ng Ikalawang Digmaan Pagdaigdig. Dagdag pa sa problemasa pagpapatupad ng reforma sa lupa. Carlos Polistico Garcia (1957 – 1961)
Mga Naiambag Sa Bansa
Yumabong ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang Asyano Noonf 1960 nalagdaan ang kasunduang pagkakaibigan at kalakalan ng Pilipinas at Japan na layon ay pinaigting ang suporta laban sa komisyon. Naitatag ang Association of Southeast Asia (ASA) na ang layunin ay pagtutulungan sa usapang pangkabuhayan at pangkultura ng bansang Pilipinas, Thailand at Federation of May (ngayon ay parte ng Malaysia). Pinaigti din niya ang pagpuksa sa korupsiyon. Sinikap niyang puksain ang black market at pinlago ang ekonomiya ng Pilipinas.Kaugnay nito, inilunsad niya ang patakarang “Pilipino Muna” upang pasiglahin ang sariling produkto ng Pilipinas at patayin ang pananaig ng mga dayuhan sa bansa.
Mga Suliraning Kinaharap
Dahil sa patakarang “Pilipino Muna” ang lahat ng namumuhanang dayuhan sa bansa na karamihan ay Amerikano na nilimitahan ng 51 porsiyentong interes sa mga dometikong kompanya. Hiningi rin niya sa mga pinuno ng Estados Unidos ang paglipat ng mga hindi na ginagamit na base militar nito sa kontrol ng Pilipinas na hindi nagustuhan na kalaunan ay nagsimula ang mga paninira sa kanya sa mga pahayagan na hinihinalang pakana ng Central Intelegence Agency (CIA). Nilipat ng mga Amerikano ang kanilang suporta sa bise-presidente na si Macapagal, na isa sa mga naging dahilan ng pagkapanalo ny sa halalan noong 1961. Diosdado Pangan Macapagal (1961 – 1965)
Mga Naiambag Sa Bansa
Naglunsad ng mahalagang batas sa bansa. Ito ay ang Rural Health Law na nagpapalawig ng tulong medical sa mga mamamayang nasa mga rural na pook, at ang Minimum Wage Law na nagtatakda ng karampatang halaga ng sahod sa mga manggagawa. Pinaigting niya ang Land Reform Law na tuluyang nagbigay ng kalayaan sa mga manggagawa mula sa panghahamak ng mga may-ari ng lupa. Kaugnay nito, nagpatayo siya ng tenement building para sa mga mahihirap na walang tirahan. Pinaigting din niya ang pagamit ng “miracle rice” ng International Rice Rice Institute.Pinasimulan din niya ang pagsasagawa ng North Diversion Highway at South Expressway. Malaki din ang nagawa niya upang mabigyang pagpupugay ang kasaysayan at kultura ng bansa. Ipinalaganap din niya ang paggamit ng Filipino, ang pambasang salita at ipinahayag ang pag-angkin ng Pilipinas sa Sahah na dating malayang pag-aari ng Sultan ng Sulu.
Mga Suliraning Kinaharap
Sa panahon ng pamumuno niya tumaas ang presyo ng bilihin at bumababa ang halaga ng piso na naging dahilan upang magkaroon ng mas malaking kontrol ang mga dayuhan sa mga lokal na negosyo. Ang pinakamalubhang isyung kinaharap niya noong taong 1962 ay ang Stonehill Scandal na diumano tumatanggap siya ng salapi mula sa pangungurakot niya na taliwas sa kaniyang platapormang laban sa korapsyon noong tumatakbo pa lamang siya sa pagkapangulo. Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (1965 – 1986)
Mga Naiambag Sa Bansa
Bahagi ng kaniyang reporma ay ang Industriyalisasyon.na makikita sa mga ipinatayo niyang impraistruktura gaya ng Manila International Airport, LRT-1 na kauna- unahan sa Timog-Silangang Asya, Philippine Heart Center, National Kidney Foundation of the Philippines (ngayon ay National Kidney Transplant Institute), Lung Center of the Philippine, Philippine Children’s Hospital Nayong Filipino, Bataan Nuclear Power Plant, Coconut Palace, Philippine Internation Convention Center, Golden Mosque for Muslim, Folk Arts Theater, Manila North Diversion Road, San Juanico Bridge, Mactan Mandaue Bridge, Project Santa Barbara na isang eksperimento sa mga rocket na pinangungunahan ng mga siyentipiko at ng Philippine navy, at marami pang iba. Para sa ikauunlad ng ekonomiya, ipinatupad niya ang Open Door Policy na nagbukas ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at sosyalistang bansa gaya ng Russia at China, pati na rin ang ugnayan sa bansang Estados Unidos. Pinatatag din ng administrayon ang samahan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya sa pamamagitan ng pagbuo ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) na layunin na labanan ang komunismo sa rehiyon, Nagsabatas din siya ng maraming programa para sa pangkaraniwang manggagawa na isa rito ang “Kilusang Kabuhaya at Kaunlaran” na nagtaguyod ng ekonomiyang pambarangay. Mga Suliraning Kinaharap Dahil sa pagpapatupad ng agresibong programa at patakaran nagkaroon ng malaking kabawasan sa kaban ng bansa na kinailangan pa mangutang ng napakalaking halaga sa World Bank upang mapatupad ang mga programa. Bukod ditto naging talamak din ang korupsyon. Malaking pondo ang napunta sa kanyang pangangampanya sa halalan. Ito at ang iba pang samu’t saring isyu ng katiwalian ang naging sanhi ng pag-aaklas ng ilang organisasyon at indibidwal na nagdulot naman ng kaguluhang sibil sa bansa.Upang mapanatili ang kontrol nilagdaan ni Marcos ang proklamasyon bilang 1081 o mas kilala bilang martial law na nagpapatupad ng batas militar sa buong bansa. Corazon Cojuangco Aquino (1965 – 1986)
Mga Naiambag Sa Bansa
Isa sa malaking ambag ni Corazon Aquino sa kasaysayang ang pagkakatatag ng dalawang saligang batas sa kaniang termino. Upang lubusang maibalik ang demokrasyan sa bansa, pinalitan ang Saligang Batas 1973 ng Freedom Constitution na nagpapahalaga sa mga mamamayan upang maiwasan ang muling pag-aabuso sa mga karapatan, Kaugnay ng karapatang ito, binuo ang Presidential Commission on Human Rights (PCHR) na naglalayong magsiyasat sa mga paglabag ng karapatang pantao at mabigyan proteksiyo ang mga karapatang ito. Binuo rin ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) upang bawiin ang lahat ng diumano’y nakaw na yaman ni Marcos. Pagdating sa seguridad nagsawa si Aquino ng mga paraan upang mapasuko ang mga kababayang kontra sa pamahalaan. Kaugnay dito nagpaunlak siya ng diskusyon sa pagitan ng pamahalaan at ng lidet ng Moro National Liberation Front (MNLF) upang magkaroon ng pansamantalang katahimikan at tigil putukan. Lumawak din ang ugnayan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.Nasolusyunan ang suliranin sa kalusugan sa pamamagitan ng pagsasatupad ng Batas Generic na nagtataguyod ng pagrereseta ng mas murang mga gamut sa mamamayan.Binigyang pansin din ang pagsasagawa ng alternatibong paraan ng pagtuturo upang makapagpatuloy ng pag- aaral ang mga nahinto sa pamamagitan ng Accreditation and Equivalency Program. Pinilit din niyang paunlarin ang ekonomiya ng lahat ng antas ng lipunan sa paglagda niya sa Comprehensive Agrarian Reform Program na nagbigay ng ganap na pagmamay-ari ng magsasaka sa lupang kanyang sinasaka, at ang paglikha sa People’s Economic Council na nagbigay hanapbuhay sa maraming Pilipino. Pinagyabong din ang paglingkod ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na naglalayong magkaraoon ng karapatan at pagkakataon na makahanap ng permamenteng trabaho na may maayos na kita ang bawat Pilipino. Malaki rin ang naitulong sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa pagpapaganda ng ekonomiya.
Mga Suliraning Kinaharap
Matapos ang People Power Revolution, sya ang sumalo sa lahat ng suliraning pasa ng bansa. Isa sa mga ito ay ang patuloy na pag-aalsa ng mga komunistang kilusan. Dahil sa di pagkakaunawaan ng dalawang partido kumalas sa kasunduan ang MNLF sa caesfire. Bago ang sunod-sunod na suliranin laban sa mga komunistang samahan, nagkaroon na ng tangkang kudeta sa administrasyon.Isa pang suliranin na dinaranas ng bansa sa ilalim ng administrayong Aquino ay ang madalas na black out na kadalasang tumatagal 12 oras Binaha rin ang mga natural na kalamidad ng Pilipinas, nagkaroon din ng ilang kaso ng karahasan sa mga demonstrador na magsasaka gaya ng Mendiola Massacre. Fidel Valdez Ramos (1992 – 1998)