You are on page 1of 9

Orlaza, Marvin G.

BSCE 2-1

2016-00008-MN-0 October 12, 2017

KALAYAAN NG MGA KABABAIHAN SA ILALIM NG ESTADOS


UNIDOS

Sa pagdating ng mga amerikano sa ating bansa malaking pagbabago ang


naibahagi nito sa kababaihan. Kabilang na dito ang estado nila sa lipunan, kung noong
panahon ng kolonyalismo satin ng mga kastila ay dapat nasa bahay lang ang mga
kababaihan, kelangan nilang ipreserba kanilang kalinisan at kagandahan hanggang sa
sila’y magkaroon ng mapapangasawa, sa pagdating ng mga amerikano ay binigayan sila
ng kalayaan na gawin ang kanilang naisin. Natuto din silang magsuot ng maiikling palda.
kilala ang mga kababaihan bago pa man dumating ang mga amerikano sa bansa bilang
mga konserbatibo, kaya sa kanilang mga kasuotan ay mababakas ang kanilang pagiging
konserbatibo na magpasahanggang ngayon ay naaplika pa din naman ng iilan lalo na sa
mga kababaihan na lumaki sa probinsya at sa mga lumaki sa puder ng lolo’t lola. Natuto
rin silang mag make-up at magsuot ng sapatos na may takong. Ganoon din sa tungkulin
nila sa simbahan, binigyan din sila ng kalayaan na makapagdesisyon sa paninilbihan sa
simbahan taliwas sa panahon ng mga kastila sa ating bansa na ang mga kakababaihan
ay inuobliga na maglingkod sa simbahan. Isa sa malaking pagbabagong naganap ay ang
pabibigay sa mga kababaihan na makilahok sa demokratikong diwa ng halalan. Bago
dumating sa Pilipinas ang mga amerikano ay walang karapatan ang mga kababaihan na
makilahok sa nasabing gawain sa paniniwalang ang mga kababaihan ay may mas
mababang uri sa kalalakihan. Kabilang lang dapat sila sa tahanan at di kelangan
makihalubilo sa usaping politikal. Nagising kanilang diwa na makilahok sa usaping
politikal nung magbukas ang mga unibersidad para sa mga kababaihan, dahil ditto ay
nalaman nila ang kanilang karapatan na ang bawat isa’y may pantay pantay dapat na
tungkulin sa pamahalaan, mapa babae man o lalaki. Kabilang sa mga nagpapatunay ay
sila dating pangulo ng Pilipinas na sina Ginang Corazon Aquino at ginang Gloria
Macapagal Arroyo.

KALAYAANG PANRELEHIYON

Sa pagpasok ng protestantismo sa bansa na dala ng mga amerikano ay


nagkaroon ng kalayaan ang bawat Pilipino ng pumili ng relihiyong aaniban. Ang
protentasimo ay isang relihiyon na may pagkakaiba sa katoliko, may ilang ritwal sa
simbahang katolika ang di ginagawa ng mga protenstantismo katulad na lamang sa “sign
of the cross” na karaniwang ginagawa ng isang katoliko. Isa rin dito ay ang mga rebulto
na nakikita natin sa mga simbahang katoliko na di sinasang-ayunan ng Protestantismo.
Maraming relehiyon ang nagsulputan sa pagpasok ng protestantismo sa bansa sapagkat
ang ilan ay nagkaroon ng kanya kanyang pananaw ayon sa kanilang sariling
interpretasyon sa Banal na Kasulatan.
Orlaza, Marvin G. BSCE 2-1

2016-00008-MN-0 October 12, 2017

FERDINAND E. MARCOS

Mga Kontibusyon

 Sa panahon ng kanyang panunungkulan ay marami siyang mga nagawa kabilang


dito ay ang mga geothermal at hydroelectric power plant para matustusan ang
pangangailan ng enerhiya ng bansa. Sa loob ng 20 taon ay nakapagtayo siya ng
mga nasabing planta sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ilan sa mga ito ay ang Bataan
Nuclear Power Plant (1983), Leyte Geothermal Power Plant (1977), Angat Hydro
Electric Power Plant (1967) at marami pang iba.

 Nakapagpatayo din siya ng mga tulay at ilan sa mga ito ay naging tourist spot
katulad na lamang ng San Juanico bridge – ang tulay na nagdudugtong sa samar
at leyte. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga naipagawa nya ay Candaba
Viaduct Pulilan 5000 meters long of Bulacan-San Simon, Pampanga (1976), San
Juanico Bridge 2060 meters long Tacloban, Leyte-Santa Rita, Samar (1973),
Buntun Bridge 1369 meters long of Tuguegarao-Solana, Cagayan (1974) at
marami pang iba.

 Nakapagpatayo siya ng mga pampublikong paaralan sa kolehiyo tulad ng


Technological University of the Philippines, University of Northern Philippines,
Rizal Technological University at marami pang iba.
 Nakapagpatupad siya ng programa sa malawakang pagpapagawa ng mga
imprastraktura gaya ng mga kalsada, tulay, patubig, paaralan, LRT, at iba pa. Ito
ang naging dahilan kung bakit siya tinawag sa Infrastructure Man.

 Nagkaroon ng paghihigpit sa illegal na pagpasok ng mga productong dayuhan.

 Tumulong siya sa mga magsasaka upang maparami ang ani ng bigas

 Nagbigay din siya ng pahintulot sa mga Pilipino na magtungo sa China.

 Pagpigil sa karahasan at pagpapalaganap ng maayos na serbisyo pangkalusugan


sa mga pook rural.

 Pagpupulong sa internasyonal Maynila na naglalayong mapalakas ang ugnayan


ng Pilipinas sa mga dayuhang Komunistang bansa sa relihiyon. Kabilang sa mga
dumalo rito ay ang mga bansang Amerika, Australia, New Zealand, Timog Korea,
Thailand at Timog Vietnam.

 Nagpadala ng mga inhinyero, doctor at mga sundalo sa Vietnam upang tulungan


ang mga biktima ng digmaan at suportahan ang Estados Unidos. Tinawag ang
grupong ito na PHILCAG o Philippine Civic Action Group.

Mga Suliranin

1. Nagkaroon ng Edsa Revolution na may layuning ipatigil ang Batas Militar dahil ito
ay mapaniil at mapang-abuso ng kapangyarihan.
- Sa ilalim ng batas militar na dineklara ni Pangulong Marcos ay lumaganap ang
samu’t saring pang-aabuso ng ibang mga kasundaluhan dahilan para
magkaisa ang tinig ng bawat Pilipino partikular sa mga taong nakaranas ng
mga pang-aapi. Ito ang naging daan para mapatalsik si Marcos bilang pangulo
ng bansa.

2. Ninoy Aquino’s assassination

- Dahil sa pangyayaring ito ay lalong nabaling ang galit sa administrasyong


Marcos, kilala si Ninoy bilang isa sa mga oposisyon ng nasabing
administrasyon at sa madugong pangyayari ng kanyang pagkamatay ay agad
itong isinisi kay Marcos.

3. Impluwensya ng Komunista at Pagsilang ng MNLF

- Dahilan sa lumalalang sitwasyon ng mahihirap, ang halos nalupig na Huk sa


panahon ni Pangulong Magsaysay ay muling bumangon at nagtatag ng
Communist Party of the Philippines. Naitatag din ang Moro National Liberation
Front (MNLF) dahil sa hinanakit ng mga Muslim sa pamahalaan sa pag-aakala
nilang sila ay pinabayaan na. Kaya ang naging pangunahing layunin nito ay
humiwalay ang Mindanao sa Pilipinas at maitatag ang isang nagsasariling
rehiyon. Sa pagnanais na wakasan ang umiiral na tunggalian sa pagitan ng
mga Muslim.

RAMON MAGSAYSAY

Mga kontribusyon:

 Kilala si Ramon Magsaysay bilang isang Pinuno ng bansa bilang isang


napakakumbaba. Halos ilebel lamang niya ang kanyang sarili sa kanyang
nasasakupan para marinig ang tinig mula sa pinakababang uri ng mamayan ng
bansa.

 Agrarian Reform - nagpatatag sa EDCOR o Economic Development Corps na


nagtatag ng NARRA o National Resettlement and Rehabilitation Adminstration. Ito
ay nagbigay ng tulong sa mga pamilyang walang lupa na kinalaunang naging mga
magsasaka.

 Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Pinigil niya ang


paghihimagsik ng Hukbalahap o ng komunista. Si Luis Taruc na lider ng Huk ay
sumuko sa kanya, kaya si Magsaysay ay tinawag na “Tagapaglitas ng
Demokrasya.”

 Nagpatuloy siya sa paglilingkod sa mga kumon na tao, binuksan niya ang


Malacañang Palace upang kahit sinong nakabakya lamang ay maaaring pumasok
at makausap ang Pangulo ng personal.

 Naipasa niya ang Land Tenure Reform Law - Isa sa mga programa ni Magsaysay,
itinadhana ang paghahati-hati ng malalaking asyendang bibilhin ng gobyerno
upang maipamahagi ng hulugan sa mga kasama (tenants).

 poso at patubig. Isa sa mga programa ni Magsaysay upang mabilis ang


pagpaunlad ng mga baryo.

 Naipasa niya ang ACCFA - Agricultural Credit and Cooperative Financing


Administration; ipinatayo ito ni Magsaysay bilang isa sa mga programa upang
matulungan ang mga magsasaka sa pagbebenta ng kanilang ani.
 FACOMA - Farmer's Cooperative Marketing Association; ipinatayo ni Magsaysay
kung saan maaring makautang ang mga magsasaka upang makabili ng sariling
kalabaw at iba pang gamit sa pagsasaka.

 Magna Carta of Labor - ipinatupad sa panahon ni Magsaysay na nagbibigay ng


karapatan sa mga manggagawa na magtayo ng unyon, pagwewelga at pakikipag-
ayos sa pamahalaan.

 Manila International Conference - isang kumperensya na dinaluhan ng mga


kinatawan mula sa ibang bansa kung saan nabuo ang Manila Pact, isang
kasunduan kung saan nakasaad na ang lahat ng dumalo sa kumperensyang ito
ay magtutulungan laban sa paglusob ng mga komunista.

Mga Suliranin:

1. Kurapsyon – maging ang presidenteng walang bahid ng kurapsyon ay humarap


sa problemang ito sa kanyang administrasyon, malinis man ang hangarin na
maglingkod sa bansa ay nanatili pa ding ang pagkamkam ng kaban ng bayan ng
mga iilang nasa posisyon.

2. Tangkang panunuhol sa kanya ng mga tiwaling opisyal – para makamkam ang


kaban ng bayan, inisip ng mga tiwaling opisyal na suhulan ang pangulo para sa
kanilang masamang hangarin.

3. Hukbalahap – sa pag-upo nya sa pweto ay maraming banta ang mga komunista


kabilang na ang hukbaalahap.
MANUEL ROXAS

Mga kontribusyon:

 Naipasa ang NARIC – National Rice and Corn Corporation

 National Coconut Corporation

 NAFCO – National Abaca and other Fibers Corporation

 Bukod sa mga korapsyon o samahang tumulong sa mga magsasaka ay binuo ni


Roxas and Rehabilitation Finance Corporation (RFC) upang tulungan ang mga tao
at mga pribadong kompayang makapagsimulang muli at makapagpanibagong-
buhay pagkatapos ng digmaan.

 Sa ilalim ng pangasiwaan ni Roxas ay mahigpit niyang ipanatupad ang patakarang


Pro-American at Anti-Communist. Sa kanyang termino ay naging matibay ang
pakikipagkasundo ng PIlipinas sa Amerika ukol sa mga sumusunod:

1. Pagpapanatili ng mabuting relasyon ng Estados Unidos at Pilipinas.

2. Pagtatayo ng mga base military ng mga amerikano.

3. Pagtiyak sa alalay na tulong ng Estados Unidos sa bansa sa panahon


ng digmaan.

4. Pagpapatibay ng parity rights.


Mga Suliranin:

1. Kurapsyon – bagama’t pagbangon ang naging tema ng bawat pagkilos ng


administaryong Roxas.binalot naman ito ng kontrobersya. Kabilang dito ang
kurapsyon sa kanyang pamahalaan.

2. Ang pamamayagpag ng HUKBALAHAP – isa sa kinakaharap ng administrasyon


Roxas ay ang paglaki ng bilang ng Hukbalahap.

You might also like