You are on page 1of 24

PANTI

Ramon Magsaysay
FORMER PRESIDENT OF THE
PHILIPPINES.
Balikan
1.Sino ang pangulo ng samahang HUK?
2.Ano ang binigay sa samahang HUK?
3.Ano-ano ang mga suliraning hinarap ng pangulo? Mag
bigay ng isa.
4.Sino si Elpidio Quirino?
5.Hanggang kailan namuno si pangulong Elpidio
Quirino?
VALENZUELA

RAMON MAGSAYSAY
-Si Ramon del Fierro Magsaysay na
tinaguriang “Kampeon ng Masang
Filipino” at
“Tagapagligtas ng Demokrasya” ay ang
ikapitong pangulo ng Pilipinas mula
noong Disyembre
30, 1950 hanggang Marso 17, 1957.
-Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ganap na masakop ng mga
Hapones ang Pilipinas, matapos mapabagsak ang Bataan ay pumasok siya sa 31st Infantry Division ng Army.

-Dahil sa kaniyang husay ay makailang beses niyang natakasan ang panunugis ng mga Hapones. Siya ay naging supply officer at commander ng Army na may
hawak na sampung libong mga sundalo.

-Nag-organisa rin siya ng puwersang gerilya sa


kanlurang Luzon na kumalaban sa mga Hapones.
-Hindi naglaon ay natapos ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
kasabay ng
pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Muling naibalik at
naitatag ang pamahalaang sibil sa Pilipinas. Itinalaga siya bilang
gobernador militar sa Zambales noong Pebrero 4, 1945.

-Hindi kalaunan ay pumasok siya sa politika. Kumandidato at nahalal


siya bilang kongresista ng Zambales noong Abril 22, 1946.

-Sa kaniyang pagkakaluklok sa puwesto ay isinulong niya ang Rogers


Veterans Bill, alinsunod ang pagsasabatas ng mga benepisyong
maaaring makuha ng mga sundalong nakipaglaban sa bansa kabilang
ang pensiyon para sa kapamilya nito, benepisyong pang-edukasyon at
iba pang kapaki-pakinabang sa pamahalaan.
-Palagian ang pamamahagi ni Magsaysay ng tulong sa
mga taosa komunidad, dahil dito ay lubos siyang
nakilala ng mga tao at nakapalagayan ng loob lalong
lalo na masang Filipino.

-Sa pangyayaring ito ay mabilis niyang nabuwag ang


makakaliwang grupong Huk. Noong Nobyembre 10,
1953 dahil na rin sa malakas na karisma at ganap na
suporta sa kaniya ng masang Filipino ay nanalo siya
bilang pangulo ng Pilipinas
laban kay Pangulong Elpidio Quirino.
-Maayos at naging matagumpay si Magsaysay sa kaniyang
pamumuno, patunay dito ang pagiging malapit niya sa
sambayanang Filipino. Subalit sa hindi inaasahang
pangyayari
ay hindi niya nagawang tapusin ang kaniyang
panunungkulan
dahil sa isang aksidente.
GONZALES

-Iniulat na ang eroplanong may pangalang “Mt.


Pinatubo” C-47 na kaniyang sinakyan ay bumagsak sa
bundok Manunggal sa Cebu noong Marso 17, 1957.
Dalawampu’t anim na pasahero ang nasawi sa naturang
aksidente, kasama na dito si Pangulong Magsaysay.

-Tinatayang dalawang milyong mga Filipino ang


nagluksa sa kaniyang pagkamatay. Taguri ng mga
nakarararami, nawalan sila ng isang lider na malapit sa
masa.
Mga Programang Ipinatupad ni Magsaysay
Sa pamumuno ni Ramon F. Magsaysay bilang
pangulo, kaakibat ang mga suliranin at hamon na
kinaharap ng bansa, nilinang niya ang
sumusunod:
1. Malapit na pakikipag-ugnayan sa
mamamayang Filipino
2. Kalagayang pang-ekonomiya; at
3. Kalagayang pangseguridad ng bansa.
*ALAM MO BA?
Alam mo bang tinaguriang “Kampeon ng
Masang
Filipino at Tagpagligtas ng Demokrasya” si
Ramon F. Magsaysay dahil sa nagawa niyang
ganap na mapasuko ang supremo ng
HUKBALAHAP na si Luis Taruc.
Naniniwala ang pangulo na angkapangyarihan ay nasa
sambayanang Filipino kung kaya’t binuksan niya ang
pinto ng Malacañang sa mga tao. Personal niyang
pinakinggan ang mga hinaing at reklamo ng mga ito.
Pinaunlad niya ang mga baryo sa pamamagitan ng
pagpapatayo ng mga patubig at irigasyon. Nagpagawa
rin siya ng mgadaanan at tulay upang idugtong ang mga
baryo sa kabayanan. Naglunsad ng makabagong sistema
ng pagsasaka sa pamamagitan ng paggamit ng bagong
binhi na tinatawag na Masagana Rice.
Pinagtibay niya ang Land Tenure Reform Law na
kung saan paghati-hati ang
malalaking hacienda na bibilhin ng pamahalaan at
ipamamahagi sa mga magsasaka na babayaran nila
ng hulugan. Nagawa niyang pababain ang halaga
ng bilihin.
MOLLENO

-Ipinatayo niya ang Agricultural Credit and Cooperative Financing (ACCFA) na kung saan ay bibilhin ng pamahalaan ang naani ng mga magsasaka. Pagpapatayo
ng Farmers Marketing Association (FACOMA) kung saan maaaring humiram o umutang ang mga magsasakang kasapi nito upang matustusan ang mga
pangangailangan sa pagsasaka.

-Itinatag din ang PCAC o Presidential Complaints and Action Committee upang matugunan ang hinaing at suliranin ng karaniwang mamamayan.
-Dahil sa nais ng pangulo na higit pang mapabuti ang
kalagayan ng mga
pangkaraniwang tao ay hinikayat niya ang Kongreso na
pagtibayin ang batas na Social Security Act (Bastas sa
Katatagang Lipunan), pagkakaroon ng 3% benepisyong ambag
o kontribusyon sa buwanang sweldo, pagkakaroon ng
benepisyo sa mga nagkakasakit, naaksidento at namatay na
miyembro.

-Itinaguyod niya ang karapatan ng mga manggagawa (Magna


Carta of Labor), pagtatatag ng unyon, pagwewelga, at
pakikipag-ayos sa pamahalaan.
-Binigyang-pansin din niya ang pakikipag-ugnayan ng
Pilipinas sa ibang karatig-bansa kung kaya’t isinali niya
ang Pilipinas upang maging kasapi ng Southeast Asia
Treaty Organization (SEATO) na naganap sa Pilipinas
noong September 8, 1954.

-Nagkaroon din ng kasunduan ang mga bansang


Australia, France, USA, New Zealand, Pakistan,
Thailand, at United Kingdom na magtutulungan upang
labanan ang mga bansang komunista kung sakaling
aatake ito
Tinawag itong Manila Pact na idinaos sa Manila International Conference. Nilagdaan din ng Japan at
Pilipinas ang Repatriation Agreement noong May 9, 1956 bilang kabayaraan sa mga natamong pinsala
ng bansa noong digmaan.
Itinatag niya ang Economic Development Corps (EDCOR) upang ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa HUK at
hikayatin itong magbalik-loob sa pamahalaan at magbagong-buhay. Noong Mayo 17, 1954, ganap na napasuko ni
Magsaysay si Luis Taruc, ang pinuno ng grupong HUK.
PANTI

Mga Pangunahing Suliranin at Hamong Kinaharap ng mga Filipino sa


Kaniyang panunungkulan

1. Ang isa sa pangunahing suliranin ng bansa ay ang kahirapan. Maraming Filipino ang naghihirap dahil sa patuloy na pagtaas ng mga
bilihin at kawalan din ng hanapbuhay.
2. Suliraning pangkapayapaan at kaayusan dahil sa patuloy na hidwaan at hindipagkakaunawaan sa
makakaliwang grupong HUK na pinamumunuan ni Luis Taruc.
3. Kawalan ng mga lupang sakahan dahil sa hindi pantay na pamamahagi ng lupain na patuloy na
hinaharang ng mga konserbatibong kasapi ng Kongreso na kumakatawan sa mga pansariling interes.
4. Katiwalian sa pamahalaan dahil laganap pa rin ang korapsiyon sa loob at labas ng pamahalaan.
5. Pagkawala ng tiwala ng mamamayang Filipino sa pamahalaan.
6. Biglaang pagkamatay ni Ramon Magsaysay dahilan para hindi niya matapos ang magandang nasimula
ng kaniyang panunungkulan.
Nang pumanaw si Pangulong Manuel A. Roxas at naluklok si Elpidio R. Quirino bilang
kapalit ni Roxas sa pagkapangulo ay hinirang siya nito bilang kalihim ng Tanggulang
Pambansa (Secretary of National Defense)
BASCOUGIN

-Dito niya lubos na naipakita ang kaniyang husay sa pamamalakad ng sandatahang militar.

-Inilatag niya sa pangulo kung paano niyang ganap na wawakasan ang komunista na umiiral sa bansa.

-Gamit ang sarili niyang karanasan sa pakikipaglaban at sa basbas ni Pangulong Quirino ay agad niyang inumpisahan ang kaalaman sa Counter Surgency Plan na kaniyang natutuhan sa mga kaibigang Amerikano.
Nang pumanaw si Pangulong Manuel A. Roxas at naluklok si Elpidio R.
Quirino bilang
kapalit ni Roxas sa pagkapangulo ay hinirang siya nito bilang kalihim
ng Tanggulang
Pambansa (Secretary of National Defense).

-Dito niya lubos na naipakita ang kaniyang husay sa pamamalakad ng


sandatahang militar. Inilatag niya sa pangulo kung paano niyang ganap
na wawakasan ang komunista na umiiral sa bansa.

-Gamit ang sarili niyang karanasan sa pakikipaglaban at sa basbas ni


Pangulong Quirino ay agad niyang inumpisahan ang kaalaman sa
Counter Surgency Plan na kaniyang natutuhan sa mga kaibigang
Amerikano.
Questions of the Topic
1. Ano ang mga pangunahing suliranin at hamong kinahaharap ni Pangulong Ramon Magsaysay sa kaniyang pamumuno?
2.Sino si Ramon Magsaysay?
3. Ano ang mga programang ipinatupad ni Ramon Magsaysay sa pamumuno niya? Mag bigay ng isa.
4.Bakit tinaguriang “Kampeon ng Masang Filipino at tagapagligtas ng Demokrasya” si Magsaysay?
5. Ano ang natutunan niyo sa araw na ito?

VALENZUELA
Salamat sa Pakikinig!

You might also like