You are on page 1of 6

MGA PATAKARANG

PASIPIKASYON
GROUP 3 BONIFACIO
SEDITION LAW NG 1901 (ACT NO. 292)

 Angbatas na ito ay nagpapataw ng parusang


kamatayan o matagalang pagkabilanggo sa
mahuhuling nagtataguyod ng kalayaan sa Pilipinas
laban sa United States. Ito ay ipinalabas noong
Nobyembre 4, 1901.
BRIGANDAGE ACT NG 1902

 Ang batas na ito ay nagbabawal na bumuo ng mga


samahan o kilusang makabayan na naglalayong
mag aklas laban sa mga Amerikano. Ang parusang
ipapataw sa mahuhuling kasapi ng kilusan ay
kamatayan o matagalang pagkabilanggo. Ito ay
ipinalabas noong Nobyembre 12, 1902.
RECONCENTRATION ACT NG 1903

 Ang batas na ito ay puwersahang pagpapatira sa


mga Filipino sa kabayanan upang matigil ang mga
suportang tinatanggap ng mga gerilya na nakatira
sa kanayunan. Hindi naging mabuti ang resulta
nito sa maraming Filipino dahil napilitan silang
lisanin ang kanilang mga lupaing sinasaka na
pinagkukunan nila ng kanilang kabuhayan. Dahil
dito, marami ang nagutom at nagkasakit.
FLAG LAW NG 1907

 Itoay batas na nagbabawal ng paglalabas o


pagwawagayway ng lahat ng bandila, banderitas,
sagisag, o anumang ginamit ng kilusang laban sa
Amerikano. Higit na ipinagbawal ang watawat o
simbolo na may kaugnayan sa Unang Republika.

You might also like