You are on page 1of 4

Mga Misyong Pangkalayaan

Kahit na natalo ang mga Pilipino sa kanilang pakikidigma sa mga Amerikano


dahil sa kakulangan ng mga armas, hindi sila nawalan ng pag-asang makalaya
ang bansa sa mga mananakop. Sa pagnanais ng mga Pilipinong makamtan
kaagad ang kasarinlan, naglunsad sila ng mga misyon upang mangampanyaa
para ipagkaloob na ng United States ang kasarinlan ng Pilipinas. Ipinadala sa
Washington ang Unang Misyon para sa pamumuno ni Manuel L. Quezon, ang
Pangulo ng Senado. Hiniling ng misyon na ipagkaloob na ng United States ang
kalayaan ng Pilipinas ngunit hindi nagtagumpay ang misyon.

Misyong Amerikano
Noon ika-20 ng Disyembre, 1920, iminungkahi ni Pangulong Wilson ng United
States, sa kanyang huling mensahe sa Kongreso, ang pagbibigay ng kalayaan
sa Pilipinas dahil mayroon na itong matatag na pamahalaan. Sa kasamaang-
palad, hindi ito nangyari dahil hindi sang-ayon sa mungkahi ni Wilson ang
sumunod na Pangulo ng United States, si Warren Harding. Ayon sa kanya, hindi
raw tumpak ang mga isinulat ni Gobernador Harrison sa Kongreso.
Nagpadala ng isang misyon na susuri sa tunay na kalagayan ng Pilipinas si
Pangulong Harding. Pinamunuan nina Gobernador-Heneral William C. Forbes at
Medyor-Heneral Leonard Wood ang misyon noong ika-4 ng Mayo, 1921.
Iniulat ng misyong Wood Forbes na hindi pa sapat ang napakaikling panahon
upang ipagkaloob sa mga Pilipino ang hinihingi nilang kalayaan at bumaba raw
ang uri ng gawaing pampubliko ng bansa dahil sa maling pangangasiwa ni
Harrison.

Mga Misyong Pilipino


Maraming misyon ang sunud-sunod na ipinadala sa United States upang
hilinging ipagkaloob na ang kasarinlan ng bansa. Noong 1924, ipinadala ang
pangalawang misyong pangkalayaan ng Pilipinas sa United States. Pinamunuan
ito ni Isauro Gabaldon at ipinagpatuloy nina Claro M. Recto at Manuel L. Quezon
ngunit hindi rin ito nagtagumpay. Hindi rin ito sinang-ayunan ng susunod na
Pangulo ng United States na si Pangulong Coolidge. Ang ibang misyon ay
ipinadala noong 1925, 1927, 1928, 1930 at 1931.
Bigong lahat ang mga misyong ito dahil nangamba ang mga Americanong
mawala ang Pilipinas bilang mamimili ng kanilang kalakal at hindi na nila
magagamit ang estratehikong lugar na ito sa Asia na magsisilbing depensa para
sa kanilang sariling kapakanan.

Misyong Osrox at Quezon


Nagpadalang muli ng misyong pangkasarinlan ang Pilipinas sa United States
noong Disyembre 5. 1931. Ang misyong ito ay pinamumunuan nina Sergio
Osmena Sr. at Manuel Roxas. Ito ay tinawag na Misyong OSROX dahil hinango
ang pangalan nito sa apelyido ng dalawang senador na namuno ng misyon.
Naging maganda ang takbo ng misyon dahil na rin sa pangyayaring dumami ang
mga Americanong pumapanig na ipagkaloob na ang kasarinlan ng bansang
Pilipinas. Naging mahina kasi ang pangangalakal sa America noong 1929 at
bumaba ang halaga ng mga pamilihang salaping puhunan. Sumang-ayon na ang
United States na bigyan na ng kasarinlan ang Pilipinas hindi dahil sa
paniniwalang kaya na ng mga Pilipino ang pagsasarili kundi natatakot sila na
magiging pabigat ang Pilipinas sa kanilang pamahalaan. Nais na rin mawala ang
kanilang kakumpitensiya sa mga kalakal na ipinadadala sa United States.
Nagtagumpay ang Misyong Osrox. Pinagtibay ang Batas Hare-Hawes Cutting
noong ika-17 ng Enero, 1933.

Ang Batas Hare-Hawes-Cutting at Tydings McDuffie


Ang Batas Hare-Hawes-Cutting ay nagtatadhana ng sampung taon ng
Malasariling Pamahalaan o Komonwelt sa Pilipinas at pagkatapos ng taning na
itoy pagkakalooban ang kasarinlan ng Pilipinas. Nakatadhana din ang
paghihiwalay sa Mindanao upang gawin itong base military, pagtatatag ng
taunang kota ang 50 Pilipinong dayo sa United States sa loob ng 10 taon ng
Malasariling Pamahalaan, at ang pahintulot na makapasok ang mga kalakal ng
bansang America sa Pilipinas nang walang bayad na buwis at pagkalipas
lamang ng limang taong ipinagkaloob ang kalayaan ng Pilipinas saka lamang
magbabayad ng buwis ang United States. Ang batas ay binetohan ni Pangulong
Herbert Hoover ng Estados Unidos ngunit muling pinagtibay ng Kongreso kayat
nagging batas ito nang maging Pangulo si Franklin Rossevelt.
Hindi naibigan ni Manuel L. Quezon ang iniuwing batas ng Osrox kayat siya ay
nagtongo sa United States upang humingi ng higit na mabubuting probisyon.
Kaunti lamang ang mga pagbabagong nilagay sa Batas Hare-Hawes-Cutting. Ito
ay inilagay sa pangalan nina Senador Tydings at Kinatawang McDuffie. Ang
Batas Tydings McDuffie ay halos katulad sa probisyong gagawing base military
ay pinalitan ng pagkakaroon ng base para sa hukbong pandagat at fuel station
ang Mindanao.
Para maihanda ang bansa ay gagawin ito: 1) ang pagtatatag ng Malasariling
Pamahalaan sa Pilipinas na tatagal ng sampung taon; 2) ang pagkakaroon ng
kumbensyong maghahanda ng saligang-batas 3) ang pagkakaroon ng
plebesitong magpapatibay sa saligang-batas; 4) ang paghahalal ng mga
mamumuno sa Malasariling Pamahalaan; at 5) ang pagtatakda ng araw ng
pagpapahayag sa Kasarinlan ng Pilipinas sa ika-4 ng Hulyo na kasunod ng
huling taon ng 24 ng Marso, 1934, nilagdaan ni Pangulong Franklin D. Roosevelt
ng United States ang Batas Tydings McDuffie.

Kumbensiyong Konstitusyonal
Alinsunod sa Batas Tydings McDuffie, nagkaroon ng halalan sa pagkadelegado
sa Kumbensyon sa Maynila para sa paghahanda ng Saligang-Batas noong ika
10 ng Hulyo, 1934. Dalawang daan at dalawang (202) delegado ang nahalal na
bubuo sa Kumbensyon. Nahalal na Pangulo ng Kumbensyon si Claro M. Recto.
Ilang buwang pinag-usapan at pinagtalunan ang mga tadhana ng Saligang-
Batas. Pinagtibay ito noong ika-8 ng Pebrero, 1935.

Ang Saligang Batas ng 1935


Ang mga sumusunod ang mahahalagang itinatadhana ng Saligang Batas ng
1935.
1. Tatlo ang sangay ng pamahalaan na may magkakapantay na
kapangyarihan, ang ehekutibo, ang lehislatibo at ang hudisyal.
2. Ang Pangulo at ang pangalawang pangulo ay halal ng bayan.
Maglilingkod sila sa loob ng anim na taon at hindi na maihahalal uli.
3. Ang kapangyarihang lehislatibo o tagapagbatas ay nasa Asamblea na
bubuuin ng 98 kagawad na ihahalal ng mga mamamayang may
karapatang bumoto at manunungkulan sa loob ng talong taon.
4. Ang kapangyarihang hudisyal o panghukuman ay nasa Kataas-taasang
Hukuman at iba pang hukuman;
5. Ang pagkakaroon ng “talaan ng mga karapatan” ng mga mamamayan
tulad ng kalayaan sa pagsulat, paglalathala, pagsasalita, pagsamba sa
anumang relihiyon at iba pa.
Noong ika-14 ng Mayo, 1935, pinagtibay ang nasabing Saligang Batas sa
pamamagitan ng isang Plebesito.

You might also like