You are on page 1of 4

Aralin: 3 Pagbibigay–halaga sa Kontribusyon ng People Power

I. Layunin :
Nabibigyang halaga ang kontribusyon ng “People Power I” sa muling
pagkamit ng kalayaan at kasarinlan sa mapayaang paraan.

II. Paksang Aralin :


A. Paksa : Pagbibigay- halaga sa Kontribusyon ng Power Power
B. Sanggunian : AP6TDK-IV-b-3
Makabayan: Kasaysayang Pilipino 5 ,p.266
https://www.youtube.com/watch?v=19Yd7E_V1TI
https://www.youtube.com/watch?v=dlPKfuR1jwc
C. Kagamitan : tsart, larawan aklat, video
D. Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa Kasaysayan.

III. Pamamaraan :
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan

Ipapanood ang balita sa mga mag-aaral.

“Pagpapalibing kay dating pangulong Marcos sa Libingan ng


mga Bayani idinepensa ng pangulo”

https://www.youtube.com/watch?v=19Yd7E_V1TI

Itanong:
 Ano ang nilalaman ng balita?
 Ano ang kaganapan na pinagtatalunan?
 Sang-ayon ba kayo sa ginawang pagdepensa ng pangulo?

2. Balik – aral
“Off the Wall”

Tumawag ng ilang bata at ipahanap ng mga salitang nakadikit


sa “wall” kung ito ay pangyayari na nagbigay wakas sa
diktaduryang Marcos.

3. Pagganyak

Ipakita ang video tungkol sa People Power.

THROWBACK: EDSA People Power Revolution 1986 Best


Images #EDSA30
https://www.youtube.com/watch?v=dlPKfuR1jwc
Itanong :
 Tungkol saan ang video na napanood?
 Bakit kaya maraming tao sa Edsa?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
a. Pagbabasa ng Teksto

Ipabasa sa mga bata ang nakasulat sa tsart tungkol sa


kontribusyon. ng People Power.

PAGPAPATATAG NG DEMOKRATIKONG PAMAMAHALA

Matapos ang People Power sa EDSA, hinarap naman ng


mga sumunod na pangasiwaan ang pagpapatatag ng
demokrasya sa bansa.Taglay ang aral mula sa dalawang
dekada ng pamahalaang Marcos, tiniyak ng sumunod na mga
pangulo na iiral muli ang batas, katarungan, at demokratikong
pamumuhay sa Pilipinas.
Kabilang sa sa naging pangkalahatang patakaran ng
bagong demokratikong pamahalaan ang pagsulong sa
karapatang pantao ng mga Pilipino. Matatandaan na ang
paglabag sa karapatan ang isang salik na nagpabagsak sa
pamamahala ni Pangulong Marcos. Tiniyak din na magiging
mapayapa ang bansa sa pamamagitan ng paglulunsad ng
kampanya laban sa krimen at rebelyon. Hinarap din ang
matagal na napabayaaang ekonomiya ng Pilipinas. Mula 1986
hanggang sa kasalukuyan, binigyan ng priyoridad ang pag-
angat ng kabuhayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga
trabaho, reporma sa lupa, industrialisasyon, at iba pang
programang pangkabuhayan.
Sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa ng mga pangulo
mula noong 1986, inaasahan ng mga Pilipino na hindi lamang
aangat ang kanilang kabuhayan. Bagkus, umaasa ang marami
na ang naturang mga programa ay makatutulong na mapanatili
at mapagtibay ang demokrasya sa bansa.

b. Pangkatang Gawain

Pangkat 1 : Gumawa o sumulat ng slogan tungkol sa


People Power I.

Pangkat 2 : Gumawa ng Poster ng kalayaan ng Masang


Pilipino.

Pangkat 3 : Isulat ang mabuti at di – mabuting epekto ng


People Power I.
Pangkat 4 : Sumulat ng maikling tula tungkol sa People
Power I.

2. Pagsusuri
 Ano ang People Power I?
 Ano ang layunin nito?
 Ano ang mga kaganapan sa People Power I?
 Ano ang naging kontribusyon ng People Power I para muli
nating makamtan ang kalayaan?

3. Paglalahat
 Ano ang naging kontribusyon ng “People Power I” sa ating
bansa?
 Paano natin mabibigyang halaga ang kontribusyon ng
People Power I sa muling pagkamit ng kalayaan at
kasarinlan sa mapayapang paraan?

Ang People Power I ang naging daan upang tuluyang


mawakasn ang Batas Militar at Diktaduryang Marcos.
Mabibigyang halaga natin ang kontribusyong ito sa
pamamagitan ng patuloy na paggunita at pag-aaral ng
pangyayaring ito.

4. Aplikasyon / Paglalapat

Magpasagawa ng pagsasadula na nagpapakita ng


pagpapahalaga sa kontribusyon ng “People Power I” sa muling
pagkamit ng kalayaan at kasarinlan sa mapayaang paraan.

IV. Pagtataya :

Panuto: Gumuhit ng poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa


kontribusyon ng “People Power I” sa muling pagkamit ng
kalayaan at kasarinlan sa mapayaang paraan.
V. Takdang Aralin :

Sumulat ng 3 Programa ng Pamahalaan mula 1986 hanggang sa


kasalukuyan.

Inihanda ni:

BETH V. GARROVILLAS
Guro I QSJES
Distrito ng Teresa

You might also like