You are on page 1of 7

GRADE V

PROYEKTO: KABABAIHAN SA PANAHON NG KOMONWELT

ALAMIN MO

Pagmasdan mo ang larawan. Ano ang inihahayag nito? Kailan nagaganap ang
ganitong pangyayari?
Sa nakaraang modyul natutuhan mo ang ilang pagbabago sa pamumuhay ng mga
kababaihan. Sa aralin natin ngayon, aalamin natin ang tampok na pangyayari sa buhay
ng kababaihan sa panahon ng Komonwelt.
Handa ka na ba?

1
HKS 5 M-29

PAGBALIK-ARALAN MO

Anong mga pagbabago sa pamumuhay ang naganap sa kababaihan sa panahon ng


Amerikano? Lagyan mo ng () o ( X ) ang iyong sagot

Mga Pangyayari

1. Kapag may pupuntahang okasyon ay


kailangang may kasama.
2. Nakapaghahanapbuhay nang marangal.
3. Nakapipili ng kurso na nais pag-aralan.
4. Nakalalahok sa mga isports.
5. Malayang nakapagpapahayag ng
opinyon o kuro-kuro.

2
HKS 5 M-29

PAG-ARALAN MO

Basahin mo ang usapan ng mag-ina na sina Lulu at Aling Nena.

Lulu

Inay, isa pala sa mahalagang nagawa ng pamahalaang Komonwelt


ay ang pagbibigay sa mga babae ng karapatang makaboto at
maiboto.

Aling Nena

Oo anak at ang unang babaeng nanguna sa kampanya upang


makamit ang karapatang ito ay si Dr. Maria Paz Mendoza
Guanzon. Siya ang kumakatawan sa liga sa pagdinig sa batasan
tungkol sa panukalang batas sa karapatan ng babae sa pagboto.
Nagsikap siya hanggang sa maging batas ito noong 1933.

Lulu

Ang galing niya Inay. Anu-ano pa ang nangyari upang matamo ng


kababaihan ang karapatang ito?

Aling Nena

Nagkaroon ng plebisito noong Abril 30, 1937 upang malaman ang


saloobin ng mga babae tungkol sa karapatang bumoto. Ayon sa
inaasahan, malaking bilang ng kababaihan ang sumang-ayon kaya
simula noon nakaboto na ang mga babae sa lahat ng eleksyon.

Lulu

Sinu-sino naman po ang naihalal sa panahong ito?

Aling Nena

Noong eleksyon ng 1937, nahalal si Corazon Planas. Siya ang


unang babaing konsehal ng Maynila. Noon namang eleksyong
pambansa ng 1941, nahalal si Gng. Elisa Ochoa ng Agusan. Siya
ang unang babaing mambabatas sa ating kongreso.

Lulu

Mabuti naman po at itinadhana rin sa Saligang-Batas 1935 ang


pagkakaloob ng karapatan sa mga babae na bumoto at maiboto.

Aling Nena

Oo anak, kaya ang karapatang bumoto ay isa ring tungkulin. Dapat


marunong din tayong pumili ng karapat-dapat na pinuno ng ating
pamahalaan.

3
HKS 5 M-29

Sagutin mo:
1. Ano ang pagkaunawa mo sa salitang karapatan?
2. Bakit masasabing isa ito sa mahalagang nagawa ng pamahalaang Komonwelt?

PAGSANAYAN MO

Punan ng wastong sagot ang bawat puwang. Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

eleksyon
Plebesito
Elisa R. Ochoa
Corazon Planas
Saligang Batas 1935
Dr. Maria Paz Mendoza Guanzon

1. Ang pagkakaloob ng karapatan sa pagboto ng mga kababaihan ay itinadhana


sa ______________.
2. Ang unang babaeng konsehal ng Maynila ay si _____________.
3. Ang pagpapasya sa isang pambayang isyu sa pamamagitan ng pagboto ng
mga mamamayan kung silay sang-ayon o di sang-ayon ay tinatawag na
______________.
4. Ang unang babaeng mambabatas sa ating kongreso ay si _____________.
5. Ang nanguna sa kampanya upang makamit ng kababaihan ang karapatan sa
pagboto ay si _______________.

4
HKS 5 M-29

TANDAAN MO

Ang mahalagang nagawa ng pamahalaang Komonwelt para sa kababaihan


ay ang pagkakaloob ng karapatang bumoto at maiboto.

Ang karapatan sa pagboto ay itinakda ng Saligang Batas 1935.

ISAPUSO MO

Narito ang isang ballot box.


matalinong botante.

Isulat mo rito ang mga dapat gawin ng isang

5
HKS 5 M-29

GAWIN MO

Humanap sa diyaryo o magasin ng mga larawan ng babaeng bumoboto. Sumulat


ng ilang pangungusap tungkol dito.

PAGTATAYA

Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

Hanay A

Hanay B

1. Unang babaeng mambabatas

A. Elisa Ochoa

2. Unang babaeng konsehal ng Maynila

B. Corazon Planas

3. Nanguna sa kampanya para makuha


ang karapatan sa pagboto

C. Nobyembre 11, 1941


D. Nobyembre 15, 1935

4. Nagkaroon ng plebisito
E. Ma. Paz Mendoza Guanzon
5. Nagdaos ng pambansang halalan

6
HKS 5 M-29

PAGPAPAYAMANG GAWAIN

Sumulat ng islogan tungkol sa matalinong pagboto.

Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na


modyul.

7
HKS 5 M-29

You might also like