You are on page 1of 5

ARALIN: Basahin at uawain Ika-apat na Linggo

Iba’t ibang ideolohiya sa mga malawakang kilusang Nasyonalista sa Tsina


Natatandaan mo pa na sa kasaysayan ng pananakop ng mga Kanluranin sa mga bansa sa
Silangang Asya, ang China ang nagdanas ng mas mahaba at matinding pakikibaka bago makamtan
ang minithing kalayaan.
CHINA AT ANG MAY FOURTH MOVEMENT ( May 4, 1919)
Sinimulan ng mahigit sa 3000 mag-aaral ng Peking University, bilang protesta sa
pananahimik ng pamahalaan sa hindi natupad na nilalaman ng Kasunduan sa Versailles. Naging
pambansa ang protesta dahil ito ay nilahukan ng mamamayan na nagmula sa iba’t ibang antas ng
lipunan. Tinagurian din itong New Culture Movement sapagkat itinakwil nito ang Confucianism at
ang ibang makalumang kaisipan sa China.
1934 – Ang Long March
Hindi lahat ng mga komunista ay nahuli, pinamunuan ni Mao Zedong ang mga nakaligtas na
Red Army, tawag sa mga komunistang sundalong Tsino at sila ay tumakas patungo sa Jiangxi.
Tinawag itong Long March (1934) dahil sa kanilang nilakbay na may layong 6,000 milya. Umabot ito
ng isang taon kung saan marami ang namatay dahil sa hirap, gutom at patuloy na pagtugis ng mga
sundalo ni Chiang Kai-shek. Pansamantalang natigil ang pagtutunggali ng puwersa nina Chiang Kai-
shek at Mao Zedong dahil sa banta ng pananakop ng mga Hapones.
1937 – PAAGKAKAISA LABAN SA JAPAN
Isang pambihirang pagkakataon ang pagkakaisa ng mga nasyonalista at komunista nang
magkasundo ang dalawang magkasalungat na panig na harapin at ibagsak ang kapangyarihan ng
Japan sa China. Naging bantog ang mga komunista sapgkat hindi tumigil ang mga ito hangga’t hindi
nalulupig ang kaaway.
Muling sumiklab ang labanan sa pagitan ng komunista at nasyonalista matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
1949- ANG PEOPLE’S REPUBLIC OF CHINA
Sa muling paghaharap ng dalawang magkatunggaling pangkat, nagwagi ang mga komunista.
Tumakas papuntang Taiwan ang mga nasyonalista at doon nagtatag ng sariling pamahalaan.
Samantala, sa China, ipinroklama ni Mao Zedong ang pagtatatag ng People’s Republic of China
noong Oktubre 1949. Ito na ang hudyat ng ganap na paglaya ng China mula sa kontrol at
pananakop ng mga dayuhan.

MGA PAGSASANAY

Gawain 1.A Isulat sa ½ crosswise o kalahating papel. April 23, 2024

Panuto: Piliin mula sa kahon sa ibaba ang tamang sagot na magpupuno


sa mga sumusunod na pangungusap o parirala.

1. Tinagurian din itong May 14th Movement sapagkat itinakwil nito ang kaisipang
Confucianism at ang iba pang makalumang paniniwala sa China. ______________
2. Ang pagkakatatag ng nito ang naging hudyat ng lubusang paglaya ng China sa
kontrol at pananakop ng mga dayuhan. ___________________________
3. Tawag ito sa mga sundalong komunista.
4. Siya ang pinunong komunista na nagtatag ng People’s Republic of China._______
5. Ang pagtakas ng mga sundalong komunismo noong 1934 dahil sa pagkagapi ng
mga ito laban sa mga nasyonalista ay tinawag na___________________________.
Gawain 1.B April 23, 2024
Panuto: Tsek at EkisX . Lagyan ng kung ang pangungusap o parirala ay nagsasaad
ng mga pangyayaring naganap para makamit ang kalayaan ng China, at X naman kung
hindi.
1. Pinalakas ng China ang kanilang pwersang militar upang maging
malaya.
2. Nagsanib-pwersa ang grupong komunista at nasyonalista upang
lupigin at itaboy ang mga mananakop.
3. Naglunsad ng mga protesta ang mga mag-aaral at ang iba’t ibang
myembro
ng lipunan laban sa pamahalaan dahil sa di maayos na pamamalakad.
4. Naging masigasig ang mga komunista sa pakikibaka.
5. Kusang-loob na ipinagkaloob ng mga mananakop ang kanilang
kalayaan.

Output 4 sa Araling Palipunan Isulat sa isang long bondpaper.


Panuto: Kopyahin at punan ang mga puwang sa Timeline sa ibaba.

Pagkamit ng Kalayaan sa Tsina

Pangyayari Pangyayari Pangyayari


Natatag ang
Long March People’s Republic
of China

ARALIN 2: Mga Samahang Pangkababaihan at mga


Kalagayang Panlipunan Ika-24 ng Abril 2024

Nakita ng mga kababaihan sa Asya ang kahalagahan ng pag-oorganisa upang


maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilangmga boses.
Sapagkat minsan na nilang naranasan ang ibat-ibang anyo ng pang-aapi at
diskriminasyon sa lipunan at sa kanilang pamilya. Mahalaga ang pagkakaroon ng
mga kilusang pangkababaihan sapagkat sila ang pangunahing tagapagtaguyod ng
mga karapatan ng mga kababaihan. Alamin natin ang ilan sa mga kilusang ito sa
ilang mga bansa sa Asya.
INDIA

Mababa ang katayuan sa lipunan ng kababaihan sa India. Naging aktibo ang mga
kababaihan sa bansa sa paglahok sa mga kilusang nagtataguyod ng repormang
panlipunan. Ilan sa mga kilusang naitatag ay ang mga sumusunod:
 Bharat Aslam ni Keshab Chunder Sen ng Bramo Samaj, ang Arya Mahila
Samaj na itinatag ni Pandita Ramabai at Justice Ranade, Bharat Mahila
Parishad at Anjuman-e-Khawatin-e-Islam na itinatag ni Amir- un-Nisa.
Ang mga kilusang ito ay nakatulong sa kababaihan upang maisulong ang
karapatan sa edukasyon.
 Ang Women’s Indian Association at ang National Council of Indian Women
ay nangampanya sa mga mambabatas upang makapagdulot ng pagbabago sa
pamumuhay ng karaniwang kababaihang Indian.
 Pinamunuan ni Sarojini Naidu ang Women’s Indian Association na
mangampanya upang ang kababaihan ay mabigyan ng karapatang bumoto
noong 1919. Noong 1950 ang karapatang bumoto ay iginawad sa kababaihan.
Nagbigay rin ito ng wastong pasilidad na pangkalinisan, daycare at
kompulsaryong maternity leave.
PAKISTAN
Ang Pakistan ay may malakas na kilusan ng kababaihan na nakatulong
upang ipagtanggol ang proseso ng demokrasya. Sa panahon ng pamumuno ni
Zulfiqar Ali Bhutto nagkaroon ng mga pagbabago sa pagtingin sa kababaihan.
Sa pamamagitan ng 1973 Saligang-Batas, may mga probisyon ito na nagbigay
ng pantay na karapatan sa kababaihan, kasama na rin ang paglalaan ng
bahagdan (10%) sa Asembleang Panlalawigan. Ang kababaihan ay nahirang sa
matataas na posisyon sa pamahalaan. Ang ilan sa mga samahang itinatag ng
mga kababaihan ay ang mga sumusunod:
 United Front for Women’s Rights, ang Women’s Front, Aurat at
Shirkat Gah na sa kalaunan ay naging instrumento sa pagkakaroon
ng Women’s Action Forum.
Sa paglipas ng mga taon, pinapangalagaan nila ang mga karapatan ng
mga kababaihan. Sila rin ang nakipag-usap sa mga pinuno ng mga
pamahalaan at mga patidong pulitikal tungkol sa mga isyu ng
kababaihan. Pagkatapos ng 1988 eleksyon, isinilang ng WAF ang
kanilang charter demands, na kung saan ay inilahad nila ang isang
komprehensibong programang politikal para sa mga kababaihan.
 Dahil sa impluwensiya ng WAF, ang Sindhian Tehrik, isang partido
pulitikal sa Sindh ay nagtagumpay sa kanilang kampanya laban sa
maagang pag-aasawa (Child marriage) at poligamya, gayundin ang
karapatan ng kababaihan sa pagpili at pagpayag sa mapapangasawa.

SRI-LANKA
Ang kababaihan sa Sri-Lanka ay hindi gaanong nakakalahok sa politika.
Kaalinsabay ng patuloy na digmaang sibil ay ang patuloy na paglabag sa
mga karapatan ng kababaihan.

 Ang isa sa mahalagang samahan na naitatag noong 1984 sa


bansa ay ang Mother’s Front bilang protesta sa pagkawala
ng miyembro ng isang pamilya na inaresto at ikinulong ng
mga sundalo. Samantala, ang Sri-Lanka Women’s NGO
Forum na binuo ng ibat ibang samahan ay naging aktibo sa
pagtataguyod ng partisipasyon ng mga kababaihan sa
politika.
 Noong 1983, itinatag ng LTTE ang Women’s Front of the
Liberation Tigers. Maraming kababaihan ang sumapi rito
na sa simula ay aktibo lamang sa pagkalat ng mga
propaganda, panggagamot at maghanap ng pondong
pinansyal. Sa kalaunan, sila ay naging aktibo na rin sa
pakikipagdigma tulad ng kalalakihan.

BANGLADESH
Ang kilusan ng kababaihan sa Bangladesh ay isinilang bunga ng kilusang nasyonalista.

 Noong 1970 ang makakaliwang Mahila Parishad ay itinatag. Ito ang itinuturing na
pinakamalaking samahan ng kababaihan sa bansa. Naimpluwensyahan nito ang
pagpapatupad ng mga polisiya sa pamahalaan kabilang ang kompanya na sumuporta sa
pagsasabatas ng pagbabawal ng pagbibigay ng dote at ratipikasyon ng CEDAW
(Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women).
 Maliban sa samahang ito, naitatag din ang Collective Women’s Platform na pumigil sa
anumang uri ng karahasan sa kababaihan. Isinilang din ang Platform Against Sexual
Harassment.
MGA PAGSASANAY April 24, 2024
Gawain 1 Kopyahin at isulat sa 1 whole sheet of paper
Panuto: Sa bawat bilog na nasa ibaba, isulat ang samahang
naitatag sa ilang bansa sa Asya at ibigay layunin ng mga nabanggit na mga
samahan.

Mga Samahang
kababaihan na
naitatag sa Asya

Pamprosesong tanong:

1. Anu-anong kalagayang panlipunan ang nararanasan ng mga


kababaihan sa mga nabanggit na mga bansa?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Magbigay ng mga naging epekto ng mga samahang
pangkababaihan at ng mga kalagayang panlipunan tungo sa
pagkakapantay- pantay, pagkakataong pang ekonomiya at
karapatang pampolitika.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pagsasanay Gawain 2: (sa likod ng iyong papel sa Gawain 1)


Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin sa kahon
ang letra ng tamang sagot at isulat ang sagot sa patlang.

A. Pakistan

1. Dahil sa kilusang ito ang kababaihan ay nabigyan ng


karapatang bumoto noong 1919.
2. Sa bansang ito naitatag ang Sindhian Tehrik, isang partido
pulitikal kung saan nagtagumpay ang kanilang kampanya laban sa
maagang pag-aasawa (Child marriage) at poligamya.
3. Ito ang itinuturing na pinakamalaking samahan ng
kababaihan sa bansa ng Bangladesh.
4. Maraming kababaihan ang sumapi rito na sa simula ay
aktibo lamang sa pagkalat ng mga propaganda, panggagamot at
maghanap ng pondong pinansyal.

5. Ito ay samahan na pumipigil sa anumang uri ng


karahasan sa kababaihan. Isinilang din ang Platform Against
Sexual Harassment.
PAGPAPAHALAGA

Panuto: Isulat sa loob ng bawat puso ang mga mahahalagang


pagpapahalaga na iyong natutuhan mula sa mga pinagdaanan ng mga
kababaihan para makamtan ang kanilang karapatan.
Samantala, sa loob ng kahon, isulat naman kung sa paanong paraan higit
na malilinang ang mga pagpapahalagang ito sa kasalukuyan.

You might also like