Professional Documents
Culture Documents
Ibat-Ibang Ideolohiyang
Nakaimpluwensiya sa Pagtatag ng
Malawakang Kilusang Nasyonalista sa
Timog at Kanlurang Asya
IBAT-IBANG IDEOLOHIYANG LUMAGANAP SA
TIMOG AT KANLURANG ASYA
TIMOG ASYA: India at Pakistan
• Noong 1935, nagbigay ang Great Britain sa India ng isnag bagong konstitusyon na
nagkaloob ng isang lehislatibong bicameral at Pederal, sanggunian ng mga estado at ng
kapulungan.
• Upang mabigyang proteksyon ang kanilang mga karapatan at kapakanan, itinatag ang
Muslim League noong 1906.
• Naging masigla ito sa kanilang mga gawain. Hiniling niya noong 1947 ang isang hiwalay
na bansang Muslim. Ito ay nagbigay-daan sa pagbuo ng bansang Pakistan na naihayag ang
kasarinlan kasabay ng India noong Agosto 14, 1947.
SRI LANKA AT MALILIIT NA ESTADO SA TIMOG
ASYA
• Pinamunuan ng Great Britain ang Sri Lanka at ang buong sub-kontinente ng India sa loob ng
isa’t kalahating dantaon (1796-1947). Noong 1915, itinatag nila ang Ceylon National
Congress na unang partidong political
• Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinamunuan ni Don Stephen Senanayake,
ang itinuturing na “Ama ng Kasarinlang Sri-Lanka”, ang pakikipaglaban para sa kasarinlan.
• Samantala, sa Nepal, noong 1990, naganap ang mapayapang Rebolusyong People Power.
• Noong Mayo 28, 2008, idineklara ang Nepal bilang isang Federal Democratic Republic
KANLURANG ASYA: ISRAEL
• Dahil sa kalupitan at labis na paniningil ng buwis, naghangad ng kasarinlan ang mga Arab mula sa mga
Turk. Noong 1744, nagsanib ang puwersa nina Muhammad Ibn Saud, isang pinunong Arab at Muhammad
Ibn Abd-al Wahhab, isang kleriko upang makapagtatag ng alyansang political.
• Ang modernong kaharian ng Saudi Arabia ay likha ni haring Abdul Aziz Ibn Saud. Sinakop niya ang
Riyadh noong 1902 at ginawa niyang lider ang sarili ng kilusang Makabayan ng mga Arab. Noong 1932,
inihayag niya ang sarili bilang hari ng Saudi Arabia.
• Walang demokrasya sa bansa at hindi tinatanggap ng Absolutong Monarkiya ng Saudi ang mga pagtutol.
Kontrolado ang pamahalaan ng isang pamilya ng mga Saud. Ang hari ang gumagawa ng mga batas at
kasunduan. Walang eleksyon, walang partidong political, at walang lehislatura rito
• Sa pamamagitan ng langis, lakas sandatahan at ugnayang internasyonal, nagagawa ng mga taga-Saudi ang
makipag powerplay sa politika
MODULE 10
Nabatid ng mga kababaihan sa Asya ang kahalagahan ng pagbuo ng mga kilusan upang maisulong ang
kanilang interes at marinig ang kanilang mga boses. Minsan ng naranasan ng mga kababaihan ang iba’t
ibang anyo ng pang-aapi at diskriminasyon sa lipunan at sa kanilang pamilya. Mahalaga ang
pagkakaroon ng mga kilusang pangkababaihan dahil ang kanilang pangkat ang pangunahing
tagapagtaguyod ng karapatan ng mga kababaihan.
TIMOG ASYA: INDIA
• Ang mga kababaihan sa Sri-Lanka ay hindi gaanong nakalalahok sa usaping politika. Sa kabila ng patuloy na
nagaganap na digmaag sibil ay ang patuloy din sa paglabag sa mga karapatan ng kababaihan. Ang mga kababaihan
ay pumapangalawa lamang sa mga kalalakihan pagdating sa usaping ginagampanan sa sistemang political
• Ang Mother’s Front ay isa sa mahalagang samahan na naitatag noong 1984 bilang protesta sa pagkawala ng
miyembro ng isang pamilya na inaresto at ikinulong ng mga sundalo. Samantala, naging aktibo naman sa
pagtataguyod ng partisipasyon ng mga kababaihan sa pulitika ang Sri-Lanka Women’s NGO Forum na binuo ng
iba’t ibang samahan.
• Para sa mga kababaihan, ang naging implikasyon ng digmaang sibil ay ang pagkakaroon ng panibagong direksyon
sa isyu ng kababaihan. Ang Women for Peace na itinatag noong Oktubre 1984, ang nagsilbing bantay sa
militarisasyon ng Sri-Lanka. Naging aktibo sila sa iba’t iba pang mga samahang nagtatanggol ng mga karapatang
pantao at karapatang sibil.
BANGLADESH
• Ang rehiyong ito ay binubuo ng mga bansang Bharain, Egypt, Iraq, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Palestinian
Territories, Qatar, Saudi Arabia, Syria, United Arab Emirates at Yemen. Sa rehiyong ito, ang partisipasyon sa
pulitika at paghahanapbuhay ng kababaihan ay hindi halos nagbago.
• Milyong kababaihan ang nangangailangan pang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Sa Kuwait at Saudi Arabia,
ilegal para sa kababaihan ang makilahok sa eleksyon dahil sa kanilang kasarian.
• Sa pamamagitan ng Isha L’Isha-Haifa Feminist Center, pinangunahan nila ang implementasyon ng Security Council
Resolution 1325. Hinikayat nila ang kababihan na makilahok sa negosasyon at talakayan tungkol sa sigalot sa
pagitan ng Israel at Palestine. Sa pamamagitan nito, maipamumulat ang epekto ng sigalot lalo na sa kababihan at
kung paano nila maipagtatanggol ang kanilang karapatan.