You are on page 1of 9

A

Araling Panlipunan 8
Kwarter 3, LEARNING ACTIVITY SHEET 6
Mga Pagpapahalaga sa Pag-usbong
ng Nasyonalismo sa Europa at Ibang Bahagi
ng Daigdig

Asignatura at Baitang: Araling Panlipunan 8


Activity Sheet Bilang: 6

1
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar

Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na maghanda ng Gawain kung itoý pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

This Learning Activity Sheet na ito ay inilimbag upang magamit ng


mga Paaralan sa Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Walang bahagi ng Learning Activity Sheet na ito ang maaaring


kopyahin o ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot sa kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Bumuo sa Pagsulat ng Araling Panlipunan Activity Sheet

Manunulat: Lerma A. Llegado


Tagalapat: Janssen Louel C. Dabuet at Gibson J. Gayda
Editor: Eloisa R. Zartiga
Tagasuri: Diann C. Obingayan
Carmela R. Tamayo EdD., CESO V – Schools Division Superintendent
Moises D. Labian Jr. PhD., CESO VI – Asst. Schools Division Superintendent
Antonio F. Caveiro PhD. - Chief Education Supervisor, CID
Eloisa R. Zartiga - EPS – Araling Panlipunan
Josefina F. Dacallos EdD. – PSDS/LRMS Manager Designate
Jay G. Abia - District Head
Reldin R. Cajes Ph.D. - School Head

Araling Panlipunan 8

2
Pangalan ng Mag-aaral: ____________________ Baitang at Pangkat:_____

Paaraalan : ______________________________ Petsa:___________

Mga Pagpapahalaga sa Pag-usbong ng Nasyonalismo


sa Europa at Ibang Bahagi ng Daigdig

I. Panimula
Isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo, hindi ito
maaaring biglaan. Kailangan itong madama, at paghirapan ng mga tao upang
matutuhan nilang mahalin ang kanilang bansa. Sa iba, ang kahulugan nito ay
damdamin ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa. Sa iba, ito ay
pagsakripisyo pati ng buhay.
Kakambal ng nasyonalismo ang kawalan ng kasiyahan ng mamamayan.
Hangad ng mga tao na may ipagmamalaki sila bilang isang bansa. Habang
tumitindi ang kanilang paghahangad, higit nilang nararamdaman ang pagiging
makabayan.
Dumaraan ang lahat ng bansa sa iba-ibang pamamaraan kung paano
nadama ng mga tao ang pagiging makabayan. Habang ipinaglalaban nila ang
kanilang bansa, may mga pangyayari na kung minsan ay nagpapasidhi ng
kanilang damdamin na humahantong sa digmaan.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa


at iba’t-ibang bahagi ng daigdig. AP8PMD-IIIi-10

A. Simulan
Gawain 1: Suri Larawan
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang sumusunod na mga
tanong.

3
Mga tanong:
1. Tungkol saan ang mga larawan?
2. Anong uri ng damdamin ang namamayani sa puso ng mga taong nasa
larawan?
3. Bakit kaya gumagawa ng ganito ang isang tao?
4. Makatarungan ba na gawin ito ng isang mamamayan?
5. Magagawa mo ba ang katulad ng nasa larawan?

B. Alamin
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union
Ang Soviet Union o Russia ang pinakamalaking bansa sa daigdig.
Isa itong malawak na lupain na sumasakop sa dalawang lupalop ng Asia
At Europe. Halos doble ang laki nito sa Estados Unidos. Noong 988,
ipinalaganap ni Vladimir I sa Russia ang Kristiyanismong Griyego
(Orthodox) (CE) kaya tinawag siyang Vladimir The Saint.

4
Noong ika-13 na siglo, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa
Asia at sinakop ang mga mamamayan ng Russia nang mahigit sa 200
taon. Nag-iwan ng mga bakas sa pananalita, pananamit at kaugalian ng
Ruso ang nasabing panahon ng pananakop. Naging tagapagligtas ng
Russia, tumalo, at nakapagbagsak sa mga Tartar sa labanan ng Oka si
Ivan The Great.

Himagsikang Ruso
Isa sa mga himagsikang nakagimbal sa daigdig ang rebolusyon ng
mga Ruso na naganap noong unang bahagi ng ika-20 na siglo. Bago
nagkaroon ng himagsikan, ang Russia ang pinakamalaking burukrasya
sa mundo, kontrolado ito ng mga maharlika at pulisya. Magsasakang
nakatali lupa ang apat sa bawat limang Ruso, walang karapatan at
lagging nakabaon sa utang. Maging ang mga industriya ay nasa ilalim
ng pamamahala ng czar.
Nakahikayat sa mga manggagawa ang pagtatayo ng mga
pagawaan upang pumunta sa mga bayan at lungsod. Dito sila
nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral. Dahil sa paghihigpit ng
pulisya, lumikas ang mga intelektuwal na Ruso patungo sa kanlurang
Europe at doon nila nakatagpo ang mga disipulo ni Karl Marx at
Friedrich Engels. Nagtatag ang mga ito ng dalawang Partido.
Nagkaroon ng alitan ang pinakamasugid na tauhan na sina Josef
Stalin at Leon Trotsky tungkol sa kahalili ni Lenin at kung aling
alituntunin ang dapat sundin ng Russia. Si Trotsky ang may
paniniwalang dapat ikalat agad ang komunismo sa pamamagitan ng
rebolusyong pandaigdig.
Samantala, ayon naman kay Stalin, hindi ito napapanahon dahil
mahina pa ang Russia. Nagtagumpay si Stalin at napilitang tumakas si
Trotsky. Nanirahan siya sa Mexico at doon namatay noong 1940.
Pinasimulan ang October Revolution ng mga komunistang Soviet.
Sa unang pagkakataon, nagkaisa ang mga Ruso, nagapi ang mga czar at
nagwakas ang aristokrasya sa bansa. Napalitan ito ng diktadurya ng
Partido Komunista. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, sumanib ang
bansa sa Alyado. Noong 1923, naging Soviet Union ang pangalan ng
bansa. Namatay si Lenin at naghari si Stalin.

Ang Mga Creole


Tinawag na Creole ang mga ipinanganak sa bagong Daigdig na
may lahing Europeo. Minamaliit ang mga bansang Latin America na
creole ang populasyon, tulad ng Argentina na may populasyong Indian
at iba-ibang lahi. Sa magkahalong populasyon, kasama ang mga mestizo
(Espanyol at Indian), zambo ( Indian at ibang lahi), at mulatto (puti at
ibang lahi).

5
Ang pagkakaiba sa wika ang nagbigay ng kakaibang katangian sa
mga bansang Latin America. Halos lahat ng Latin A,erikano ay
nagsasalita ng Espanyol. Ngunit ang mga taga-Brazil ay nagsasalita ng
Portuges. Ang mga taga-Haiti ay nagsasalita ng Pranses at maraming
Indian ang nagsasalita ng kanilang katutubong wika.

Nasyonalismo sa Latin America


Pagkatapos makamit ng United States ang kanilang Kalayaan sa
Great Britain, nag-alsa ang mga lalawigan sa Latin America laba sa
Spain.
Nagkabuklod-buklod sila sa kanilang pagkamuhi sa awtokrasyang
Espanyol, katiwalian sa pamahalaan, walang kalayaang magpahayag ng
mga batas na naghihigpit sa pangangalakal.
Nakatulong ang heograpiya ng Latin America sa pagpapaliwanag
kung bakit ito umunlad bilang hiwa-hiwalay na bansa. Inihihiwalay ang
Chile sa hanay ng Bumdok Andes at ng Disyerto ng Atacama.
Nakalubig ang Paraguay sa malalim na gubat. Nahahati ng mga
talampas at bulkan ang Bolivia mula kanluran. Nahihiwalay sa isa’t-isa
ang Colombia, Venezuela, at Ecuador, ng mga bahagi ng Bundok Andes.

Ang bawat isa sa 20 bansa sa Latin America ay pinamayanihan ng


makabansang damdamin. May ilang mga tao ang nagkakamaling
tawaging bansa ang Latin America.
Hindi ito nakapagtataka. Maraming Latin Americans ang nagsasalita ng
Espanyol at may pananampalataya ng Katoliko Romano.

Ang Demokrasya at Nasyonalismo sa Latin America


Maraming pinuno ang Latin America na gumawa ng mga hakbang
sa pagpapaunlad ng demokrasya na sinalungat naman ng mga diktador.
Halimbawa, si Nivadavia, isang pinuno sa Argentina mula noong 1820
hanggang 1827, siya ang nagtaguyod ng edukasyon, nagsikap na
matamo ang karapatang bumoto para sa sa lahat, at gumawa ng paraan
upang magkaroon ng makatarungang sistemang legal.

6
Nawalan ng saysay ang mga ito dahil sa pananakot,
pagpapahirap. Katiwalian, at mga pagpatay na isinagawa ni Juan
Manuel de Rosas, ang sumunod na namahala sa Argentina hanggang
1852.

Pag-Unlad ng Nasyonalismo sa Africa


Ang Sahara ang naghihiwalay sa black at Caucasoid Africa. Ang
mha kayumangging Bushman ng Kalahari at ang mga Pygmy ang
sinasabing unang tao sa Africa. Naitaboy sila ng mga higit na maunlad
na mga lahing itim at mga Bantu sa Silangan. Hindi naglaon,
nakipamuhay sila sa mga Bushman at Pygmy.
Binuo ang mga lahing puti ng mga mangangalakal na Arab, mga
Asyano, at mga Europeo. Lumikha ang pakikisalamuha ng kulturang
masalimuot. Samantalang ang puting minorya (dalawang bahagdan ng
populasyon) ay nagtatamasa sa kayamanan ng Africa, ang
nakararaming lahing itim (98 bahagdan ng populasyon) naman ay
naghihirap.
Pinaghati-hatian ang kontinente at binalangkas ang ekonomiya
ayon sa kanilang sariling kapakanan. Nagtayo sila ng mga daang bakal
at industriya upang mapangalagaan ang kanilang kapangyarihan. Ang
pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mananakop ang naging dahilan ng
magkakaibang pag-unlad.
Lumaganap ang nasyonalismo pagkaraan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Maraming bansa ang naging Malaya nang walang
karahasan. May mga bansang dumanak ng dugo bago nakamtan ang
Kalayaan tulad ng Congo(Zaire) at Algeria. Ang Rhodesia at Nyasaland
ang naging Zimbabwe at Malawi. Lumaya ang Angola, Mozambique, at
Guinea Bissau noong 1975.

Kaugnayan ng Rebolusyong Intelektuwal sa Paglinang ng


Nasyonalismo
Ang nasyonalismo, bagaman masalimuot na damdamin, ito ay
nag-uugat sa pagkamulat sa mga kaisipang pinalalaganap ng pilosopo at
nagmumulat sa katotohanan na ang bawat tao ay isinilang na may
karapatang mabuhay, lumaya, at maging maligaya. Ang pagkakaroon ng
kamalayang sila pala ay nasisikil ay nagbubunga ng pagnanais na
wakasan ang pang-aapi ng mga mananakop.
May mga bansang nakamtan ang Kalayaan sa pamamagitan ng
mapayapang paraan subalit marami ding mga bansa na may mga buhay
na ibinuwis upang lumaya tulad ng mga Pilipino, Amerikano, Hindu, at
iba pa. Ang pagnanais na makamtan ang Kalayaan ang pinakamatibay
na taling bumibigkis sa mamamayan upang magkaisa sa pagkakamit ng
layunin. Nakahanda silang magbuwis ng buhay upang mapangalagaan
ang prinsipyong ipinaglalaban.

7
A. Bumahagi
Gawain 2: Sagutin ang mga pamprosesong tanong.
1. Paano nakaapekto ang Rebolusyong Intelektuwal sa pagsibol ng
damdaming nasyonalismo?
2. Paanong nakatulong ang wikang Latin at relihiyong Katolisismo sa
pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Latin America?
3. Naging madali ba ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa
Africa? Patunayan ang iyong sagot.
4. Batay sa karanasan ng mga bansa sa iba-ibang bahagi ng daigdig,
kailan nadarama ang nasyonalismo?
5. Ikaw, paano mo maipakikita ang iyong pagkamakabayan?
Magbigay ng halimbawa.

Gawain 3:
Panuto: Isulat sa katapat na kahon ng bawat lugar ang mga
pangyayari na umiral ang Nasyonalismo

____________________________________________________
Africa ____________________________________________________
_________________________________________________

____________________________________________________
Latin America ____________________________________________________
_________________________________________________

___________________________________________________
Soviet Union ___________________________________________________
___________________________________________________
_

____________________________________________________
Russia ____________________________________________________
______________________________________________

8
Gawain 4:
Panuto: Bilang isang mamamayan, paano mo maipapakita
ang pagmamahal sa bayan sa iyong pang-araw-araw na
pamumuhay? Magbigay ng lima na pahayag.
Hal. Pakikiisa sa mga gawaing pangmamamayan.
1.
2.
3.
4.
5.

IV. Mga Sanggunian


Kasaysayan ng Daigdig modyul para sa mga mag-aaral
Unang Edisyon 2014
Mga manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M.
Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal,
Yorina C. Manalo at Kalene Lorene S. Asis
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education-Bureau of Learning
Resources (DepEd-BLR)

V. Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1:
Ang larawan ay tungkol sa pagkamakabayan
Ang damdaming namamayani ay pagmamahal sa
bayan.
Upang ipaglaban ang Kalayaan at karapatan sa
sariling bayan
Opo. Lalo kung nalalabag ang karapatan at
Kalayaan.
Opo.
Gawain 2:
Ang pagpupuntos ay batay sa sagot
ng mag-aaral

Gawain 3.
Ang pagpupuntos ay batay sa sagot
ng mag-aaral

Gawain 4:
Ang pagpupuntos ay batay sa sagot ng
Mag-aaral
9

You might also like