You are on page 1of 11

6

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Unang Linggo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Ano ang target ko?
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang nasusuri mo ang mga pangunahing
suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972 batay sa kasarinlan
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ano ako magaling?


Basahing mabuti ang mga pangungusap at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Siya ang pangulong nagdeklara ng kalayaan ng ating bansa mula sa pananakop ng Espanya
noong Hunyo 12, 1898.
A. Emilio Aguinaldo C. Jose P. Laurel
B. Manuel L. Quezon D. Sergio S. Osmeña
2. Kailan naganap ang pagpupulong sa Kongreso ng Malolos upang bumuo ng Saligang
Batas?
A. Setyembre 14, 1898 C. Setyembre 16, 1898
B. Setyembre 15, 1898 D. Setyembre 17, 1898
3. Ano ang pinagtibay sa Pilipinas noong Setyembre 29, 1898 ngunit HINDI ito kinilala ng
Amerika dahil sa pagsakop nito sa ating bansa?
A. kalayaan B. kaugalian C. kayamanan D. kultura
4. Ilang taon ang ibinigay sa mga Pilipino sa pagpapatupad ng malasariling pamamahala sa
Pilipinas?
A. pitong taon B. walong taon C. siyam na taon D. sampung taon
5. Ano ang naging batayan ng pagtatatag ng Pamahalaang Commonwealth sa bansang
Pilipinas?
A. Kongreso ng Amerika C. Saligang Batas 1935
B. Kongreso ng Malolos D. Saligang Batas 1987
6. Sino ang Pangalawang Pangulo ng Pamahalaang Commonwealth sa bansang Pilipinas?
A. Elpidio Quirino C. Manuel Roxas
B. Jose P. Laurel D. Sergio Osmeña Sr.
7. Saan inilipat ni Pangulong Quezon ang Pamahalaang Commonwealth bago ipahayag na
Open City ang Maynila noong Disyembre 24, 1941?
A. Bataan C. Malacañang
B. Corregidor D. Malolos
8. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing suliraning kinaharap ng Pilipinas matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig maliban sa isa:
A. asamblea C. rekonstruksyon
B. kolaborasyon D. rehabilitasyon
9. Sino ang tumulong kay Manuel Roxas na mapawalang sala sa isyu ng kolaborasyon o ang
pagtataksil sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kalaban ng bansa?
A. Pangulong Franklin Delano Roosevelt
B. Pangulong Jose P. Laurel
C. Pangulong Sergio S. Osmeña Sr.
D. Heneral MacArthur
10. Anong pagbabago sa kulturang Pilipino ang nagdulot ng positibong epekto kung saan
tayo ay kilala hanggang sa ngayon?
A. Ang pagbubuklod ng mag-anak na Pilipino ay naging maluwag.
B. Nawala ang pagmamano sa nakatatanda.
C. Nagbago rin ang pananamit ng mga Pilipino.
D. Sumulat sa wikang Ingles ang maraming Pilipino.

Aralin PANGUNAHING SULIRANIN AT HAMON SA KASARINLAN


1 PAGKATAPOS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Sa araling ito ay matutuklasan natin ang mga pagsusumikap ng pamahalaan at


mamamayan upang malutas ang mga suliranin at hamon sa kasarinlan na kinahaharap ng
bansa matapos ang digmaan bilang nagsasariling pamahalaan.

Ano ang balik-tanaw ko?


Panuto: Isulat ang TSEK (/) sa __ bago ang bilang kung ang mga sumusunod na
pangungusap ay tumutukoy sa pagmamahal sa bayan na ipinamalas ng mga Pilipino at EKIS
(X) kung hindi.

__1. Nagtanim ng mga gulay ang mga Pilipino sa bakanteng lote.


__2. Tumaas ang presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan.
__3. Pagpapatira sa mga kamag-anak na nawalan ng tirahan dulot ng digmaan.
__4. Naging masipag at maparaan ang mga tao upang maiahon ang pamilya sa kahirapan at
makatulong sa gobyerno.
__5. Lumaganap ang nakawan at kriminalidad.

Ano ang gagawin ko?

Punan ang nawawalang titik sa guhit upang mabuo ang salita.

EPEKTO ng D _ G_ A _ N
1. Ano ang nabuong salita? _________________________
2. Ibigay mo ang magiging suliranin ng isang bansa matapos ang naganap digmaan?
Ano ang kahulugan?

PANGUNAHING SULIRANIN AT HAMON SA KASARINLAN


PAGKATAPOS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Ang Unang Republika
Panunungkulan ni Emilio Aguinaldo (Enero 23, 1899 – March 23, 1901)
Hunyo 12, 1898 idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng
ating bansa mula sa pananakop ng Espanya. Nagkaroon ng pulong ang
Kongreso ng Malolos noong Setyembre 15, 1898 kung saan bumuo ito
ng Saligang Batas na siyang naging batayan ng pamahalaan.
Pinagtibay nito ang kalayaan ng Pilipinas noong Setyembre 29, 1898
ngunit hindi ito kinilala ng Amerika dahil sa pananakop nito sa ating bansa. Pang. Emilio Aguinaldo
Ang pamahalaang ito ang kinikilala natin ngayon bilang Unang Republika ng
Pilipinas.
Ang Pamahalaang Commonwealth (1935-1946)
Panunungkulan ni Manuel L. Quezon (Nobyembre 15, 1935-Agosto 1, 1944)
Batay sa batas na ipinasa sa Kongreso ng Amerika, binigyan ng
sampung taon ang mga Pilipino upang maghandang makapagsarili at
itatag ang Pamahalaang Commonwealth. Ang batayan ng pamahalaang
ito ay ang Saligang Batas 1935.
Nang pasinayaan ang malasariling Pamahalaang Commonwealth Pang. Manuel L. Quezon
noong Nobyembre 15, 1935, nanumpa si Manuel L. Quezon bilang
Pangulo at si Sergio S. Osmeña, Sr. bilang Pangalawang Pangulo.
Sa pamumuno ni Quezon, hinarap ng mga Pilipino ang mga layuning maihanda ang
bansa para sa araw ng kalayaan nito. Bago ipahayag na Open City ang Maynila, inilipat ni
Pangulong Quezon ang Pamahalaang Commonwealth sa Corregidor noong Disyembre 24,
1941. Inatasan niya si Jose P. Laurel na maiwan sa Maynila upang sumalubong sa mga
Hapones.
Pebrero 20, 1942, inilikas ni Manuel L. Quezon ang Pamahalaang Commonwealth pati
ang kanyang pamilya, mula sa Corregidor patungong Washington, Amerika. Patuloy itong
kumilos sa kabila ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Sa kasamaang palad, Si Manuel
L. Quezon ay namatay noong Agosto 1, 1944 kaya pinalitan siya ni Sergio S. Osmeña, Sr.
bilang Pangulo ng Commonwealth.
Panunungkulan ni Sergio S. Osmeña Sr. (Agosto 1, 1944-May 27, 1946)
Magkasama si Pangulong Quezon at Osmeña sa Amerika sa
kampanyang pagpapalaya sa Pilipinas. Kasama din siya ng mga
Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at mga
puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944.
Naibalik ang kabisera ng Commonwealth sa Pilipinas noong
Pebrero 28, 1945. Sa isang seremonyang ginanap sa Malacañang Palace, Pang. Sergio S. Osmeña
ibinalik ni Heneral MacArthur kay Pangulong Osmeña ang lahat ng kapangyarihan at tungkulin
ng Pamahalaang Commonwealth ayon sa Saligang Batas. Ipinahayag din niya ang pagtatatag
ng pamahalaang ito sa ating bansa.

Ang Ikalawang Republika


Panunungkulan ni Jose P. Laurel (Oktubre 14, 1943-Agosto 17, 1945)
Nang ang ating bansa ay tuluyang masakop ng mga Hapones
noong Mayo 6, 1942.Agad nilang binago ang ating pamahalaan sa
pamamagitan ng Pambansang Asamblea.
Ang Saligang Batas ay batay sa utos ng mga pinunong Hapones. Nahalal si Jose P.
Laurel bilang pangulo ng pamahalaan na kinilala bilang Ikalawang Republika ng Pilipinas.
Tinawag din itong Puppet Government dahil ito ay isang mapagkunwaring pamahalaan
na sa katunayan ay nasa ilalim ng mga Hapones.
Muling Pagtatatag ng Pamahalaang Commonwealth
Nang lumaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng Hapon noong Hulyo 5, 1945,
napasakamay muli ng mga Pilipino ang Pamahalaan. Naitatag muli ang Pamahalaang
Commonwealth, naging pangulo si Sergio S. Osmeña Sr. Dahil sa pinsalang idinulot ng
digmaan, naging mabigat ang kanyang tungkulin.
Itinaguyod ni Pangulong Sergio Osmeña Sr. ang pamahalaan sa pamamagitan ng
pagtatatag muli ng Gabinete, Council of State, Kataas-taasang Hukuman at iba pang mababang
hukuman, iba’t-ibang bagong tanggapan, at ang mga pamahalaang panlalawigan, pambayan,
at panlungsod.
Nagbalik ang mga kawani ng mga tanggapan ng pamahalaan. Nagkaroon ng mga
bagong tanggapan upang matugunan ang mga pangangailangan ng bayan. Ang mga talaang
pamahalaan at mga kuwenta ng pananalapi ay kanyang ipinaayos. Pinaimbentaryo niya ang
mga halaga ng mga ari-ariang napinsala ng digmaan.
Sa halagang $81, 000 na ibinigay ng pamahalaang Amerikano, sinimulan agad ang
pagsasaayos ng mga gusali, daan, at impraestrukturang nasira ng digmaan. Itinatag muli ang
mga hukuman upang matugunan ang mga pangangailangan ng hudikatura. Binuksang muli ang
Kataas-taasang Hukuman, Court of Industrial Relations, at ang Public Service Commission.
Muli ring itinatag ang mga pamahalaang panlalawigan, panlungsod, at pambayan.
Mga Suliranin
1. Rehabilitasyon o ang pagpapanumbalik ng normal na pamumuhay ng mga tao.
2. Rekonstruksyon o ang pagsasaayos ng mga pasilidad at imprastrakturang nawasak ng
digmaan.
3. Isyu ng kolaborasyon o ang pagtataksil sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa
kalaban ng ilang pinuno ng bansa. Naging mabigat na suliranin ito para kay Pangulong
Osmeña lalo na nang ipahayag ni Pangulong Franklin Delano Roosevelt ng Amerika
na aalisin at ititiwalag lahat ng tumulong sa pamahalaang Hapones.
Upang malutas ang isyu, itinatag ni Pangulong Osmeña ang Hukumang Bayan
o People’s Court. Ito ang nangasiwa sa paghaharap ng kaso laban sa mga mamamayang
nakipagsabwatan o nakipagtulungan sa mga Hapones.
Isa si Manuel Roxas sa mga naparatangan ng pagtulong sa mga Hapones.
Napawalang sala siya dahil sa tulong ni Heneral MacArthur. Ikinatwiran nila na ginawa
lamang ni Roxas iyon upang makaiwas sa karahasan na maaaring idulot ng kanilang
pagtanggi sa malulupit na sundalong Hapones.

Mga Hamon sa Isang Bansang Nagsasarili


• Pambansang Seguridad - Laganap ang labanan sa pagitan ng mga militar at mga
rebelde tulad ng mga Huk o Hukbong Mapagpalaya ng Bayan at Partido Komunista
ng Pilipinas (PKP).
• Neokolonyalismo – Pakikialam ng mga Amerikano sa mga patakarang pang-
ekonomiya at pulitikal sa bansa.
• Kaisipang Kolonyal o Colonial Mentality – Naging mala-Kanluranin ang paraan ng
pamumuhay ng mga Pilipino. Nasanay sila sa paggamit ng mga bagay na yari sa
Amerika. Naging ugali ng mga Pilipino ang pagtangkilik sa mga produktong gawa
sa Amerika at napabayaan ang sariling atin.
Iniisip nila na ang mga bagay na yari sa Amerika, pati na mga gawain at ugaling
Amerikano o nabibilang sa maputing lahi ay higit na maganda at mabuti kaysa sa
sariling atin. Nagkaroon ng pagbabago sa kultura ng mga Pilipino.
Nagbago ang pagpapahalaga ng mga Pilipino. Naiba ang pakikitungo sa mga
magulang. Nawala ang pagmamano sa nakatatanda. Ang pagbati ng “Hi” ang ipinalit
sa pagmamano.Ang pagbubuklod ng mag-anak na Pilipino ay naging maluwag.
Sumulat sa wikang Ingles ang maraming Pilipino.
Nagbago rin ang pananamit ng mga Pilipino. Bestida ang naging kasuotan ng
mga babae. Ang mga sapatos nila ay may mataas na takong at may handbag.
Amerikana, polo shirt, at kurbata naman ang naging kasuotan ng mga lalaki.
Ang ilan sa ating mga pangalan tulad ng John, Charles, Mary, at Ann ay galing
din sa mga Amerikano. Ang ilan sa mga pagkain ay nabago rin. Nadagdag ang steak,
hotdog, corned beef, at soft drinks.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa iyong pagkakaunawa sa nabasa.
1. Ibigay at ilarawan ang mga pamahalaang naitatag sa ating bansa sa panahon ng mga
mananakop. ___________________________________________________________
2. Ano ang mga suliraning kinaharap ng ating bansa makalipas ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig? Ipaliwanag ang sagot. ______________________________
3. Bilang isang bansang nagsasarili, isa-isahin at ipaliwanag ang mga hamon na
kinaharap nito sa pagkamit ng kasarinlan. ___________________________________
4. Sa iyong palagay, napagtagumpayan ba nila ang bawat hamon? Bakit? ____________

Ano pa ang gagawin ko?


GAWAIN A: Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Hanapin sa
loob ng kahon ang sagot at ilagay ito sa patlang bago ang bilang.

Jose P. Laurel Sergio S. Osmeña Sr. Manuel L. Quezon


Emilio Aguinaldo Manuel Roxas

______1. Siya ang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas mula 1899-1901.


______2. Nanumpang pangulo ng Pamahalaang Commonwealth at lumikas kasama ang
pamilya patungong Washington, Amerika dahil sa pananakop ng mga Hapones sa
bansa.
______3. Siya ang pumalit na pangulo ng Pilipinas ng mamatay si pangulong Quezon noong
Agosto 1, 1944.
______4. Kinikilalang pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas mula 1943-1945.
______5. Naging pangulo sa muling pagtatatag ng Pamahalaang Commonwealth

GAWAIN B: Panuto: Bilugan ang simbolong thumbs up ( ) kung ang salita ay


tumutukoy sa mga suliranin pagkatapos ng digmaan at simbolong thumbs down ( )
hindi.
1. Rehabilitasyon
2. Rekonstruksyon
3. Commonwealth
4. Kolaborasyon
5. Kultura
GAWAIN C: Panuto: Pag-ugnayin ang mga salitang nasa hanay A at hanay B. Isulat ang
titik lamang sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
___1. Colonial Mentality A. Mga pagkaing natutunan nating
___2. Huk o Hukbong Mapagpalaya ng Bayan kainin sa mga Amerikano.
___3. polo shirt, at kurbata B. Kasuotang sinusuot ng mga lalaki
___4. bestida at may mataas na takong ang sapatos C. Kasuotang sinusuot ng mga babae
___5. steak, hotdog, corned beef at soft drinks D. Mga rebeldeng lumaban sa military
E. Naging ugali ng mga Pilipino
ang pagtangkilik sa mga produktong
gawa sa Amerika.

Ano ang natamo ko?

Tandaan Natin Ito!


Noong Hunyo 12, 1898 idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng ating bansa
mula sa pananakop ng Espanya. Nagkaroon ng pulong ang Kongreso ng Malolos noong
Styembre 15, 1898. Bumuo ang Kongreso ng Saligang Batas na maging batayan ng
pamahalaan. Pinagtibatay nito ang Kalayaan ng Pilipinas noong Setyembre 29, 1898. Ngunit
hindi ito kinilalang Amerika dahil sa pananakop nito sa ating bansa. Ang pamahalaang ito ang
kinikilala natin ngayon bilang Unang Republika ng Pilipanas.
Ang Pamahalaang Commonwealth (1935-1946)
Batay sa batas na ipinasa sa Kongreso ng Amerika, binigyan ng sampung taon ang mga
Pilipino upang maghandang makapagsarili . Binigyan din sila ng panahon na itatag ang
Pamahalaang Commonwealth.

Ano ang kaya kong gawin?

GAWAIN: Gumawa ng slogan gamit ang short coupon bond na nagpapakita ng pagmamahal
sa ating bayan at pagwawaksi ng kaisipang kolonyal.

Kumusta na ang target ko?

Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang angkop na letrang iyong napili sa
inyong sagutang papel.
1. Saan dumaong ang mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at mga
puwersang Amerikano noong Oktubre 20, 1944?
A. Cebu B. Leyte C. Limasawa D. Samar
2. Bakit tinaguriang Puppet Government ang Ikalawang Republika?
A. Dahil ito ay isang maka-Diyos na pamahalaan.
B. Dahil ito ay isang maka-Bansa na pamahalaan.
C. Dahil ito ay isang maka-Tao na pamahalaan.
D. Dahil ito ay isang mapagkunwaring pamahalaan.
3. Sino ang Pangulong nagtatag muli ng Gabinete, “Council of State”, Kataas-taasang
Hukuman at iba pang mababang hukuman?
A. Emilio Aguinaldo C. Manuel L. Quezon
B. Jose P. Laurel D. Sergio Osmeña Sr.
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paraan ng pagtatatag ng Pamahalaang
Commonwealth?
A. Nagbalik ang mga kawani ng mga tanggapan ng pamahalaan.
B. Nagkaroon ng mga bagong tanggapan upang matugunan ang mga pangangailangan
ng bayan.
C. Ang mga talaang pamahalaan at mga kuwenta ng pananalapi ay kanyang ipinaayos.
D. Pinagbili ang mga natitirang likas yaman at pag-aari ng gobyerno.
5. Magkano ang halagang ibinigay ng pamahalaang Amerikano upang masimulan agad ang
pagsasaayos ng mga gusali, daan, at impraestrukturang nasira sa digmaan?
A. $ 80, 000 B. $ 81, 000 C. $ 82, 000 D. $ 83, 000
6. Ito ang ibang katawagan na tumutukoy sa pagpapanumbalik ng normal na pamumuhay ng
mga tao.
A. kolaborasyon B. kultura C. rekonstruksyon D. rehabilitasyon
7. Paano nilutas ni Pangulong Osmeña ang isyu ng kolaborasyon o pagtataksil sa
pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kalaban ng bansa?
A. Itinatag niya ang Council of State.
B. Itinatag niya ang People’s Court.
C. Itinatag niya ang Kataas-taasang Hukuman.
D. Itinatag niya ang pamahalaang panlalawigan, pambayan, at panlungsod.
8. Alin sa mga sumusunod na hamon sa kasarinlan ang tumutukoy sa laganap na labanan sa
pagitan ng military at rebelde tulad ng Huk at PKP?
A. kaisipang kolonyal C. pagbabago sa kultura
B. neokolonyalismo D. pambansang seguridad
9. Tumutukoy ito sa pakikialam ng mga Amerikano sa mga patakarang pang-ekonomiya at
pulitikal sa bansa.
A. kaisipang kolonyal C. neokolonyalismo
B. kolaborasyon D. rehabilitasyon
10. Ang paggamit ng mga pangalang John, Charles, Mary at Ann ay hango sa kulturang
__________.
A. Amerikano B. Arabo C. Pilipino D. Tsino

Ano pa ang kaya kong gawin?

GAWAIN A: Panuto: Sumulat ng maikling balita kung saan mailalahad mo ang


kasalukuyang suliranin at hamon sa kasarinlan na kinakaharap ng ating bansa sa pamumuno
ni Pangulong Duterte.
___________________________________________________________________________
GAWAIN B: Panuto: Panoorin ang video gamit ang link na nasa ibaba.
(https://youtu.be/hrpj8bS8kes)
Pagbangon at Hamon Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
1. Itala sa inyong kuwaderno ang mga nabanggit na pinsala sa video matapos ang
digmaang naganap sa ating bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sanggunian
• Antonio, Eleanor D., et. al., Kayamanan: Batayan sa Sanayang Aklat sa
Araling Panlipunan 6, Rex Bookstore, Inc., 2015, pp. 169-173.
• Zaide, Sonia M. Philippine History and Government, Third Edition. All-
Nations Publishing Co., Inc. 1994, pp. 154-160.
• https://youtu.be/hrpj8bS8kes-Pagbangon at Hamon Matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
• https://youtu.be/Tf7SW1EDaRs-Araling Panlipunan 6 Ang Pilipinas Matapos
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: SHIRLEY S. MAMARIL


Content Evaluator: JULITA L. MACARANAS
Language Evaluator: NAPOLEON G. JUNIO
Reviewers: FERDINAND PAGGAO
JULITA L. MACARANAS
NAPOLEON G. JUNIO
Illustrator: CRISELLE G. FERRERAS
Lay-out Artist: MA. CRISTINA A. NARVAS
Content Validator: JULITA L. MACARANAS
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-Charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-Charge: FERDINAND PAGGAO, EPS – ARALING PANLIPUNAN
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig City and Pateros
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City
Telefax (02) 8533-1458; (02) 8514-7970
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph; division_sds@yahoo.com

You might also like