You are on page 1of 10

3

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito
Aralin
Kultura ng Rehiyon
1
Ano ang target ko?

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang nagagawa mong:


Mailarawan ang kultura ng mga lalawigan sa kinabibilangang
rehiyon.
n

Ano ako magaling?


Isulat ang titk ng tamang sagot.

_____ 1. Nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar.


A. Kultura C. Di – Materyal na Kultura
B. Materyal na Kultura
_____ 2. Karamihan sa kultura ng mga Pilipino ay nakuha mula sa
mga _________________.
A. Amerikano B. Espanyol C. Hapones
_____ 3. Lungsod kung saan ipinagdiriwang ang Pista ni Sta.
Anang Banak.
A. Maynila B. San Juan C. Taguig
_____ 4. Tawag sa pagbabatuhan ng prutas ng mga kalahok sa
pagdiriwang na ito.
A. Pagoda B. Pandanggo C. Pasubo
_____ 5. Naniniwala ang mga deboto na makakamit ang isang
milagro sa pagsali sa pagdiriwang ng pistang ito.
A. Pista ng Itim na Nazareno
B. Pista ni San Juan Bautista
C. Pista ni Sta. Anang Banak

Ano ang balik-tanaw ko?


Panuto: Piliin sa kahon ang titik ng kinabibilangang lungsod ng mga
natatanging lugar.

A. Lungsod ng Quezon D. Lungsod ng Maynila


B. Lungsod ng Taguig E. Lungsod ng Taguig
C. Lungsod ng Makati F. Lungsod ng Makati

_____ 1. EDSA Shrine


_____ 2. Libingan ng mga Bayani
_____ 3. Philippine Stock Exchange
_____ 4. Rizal Park
_____ 5. Kagawaran ng Agham at Teknolohiya

Ano ang gagawin ko?

Bilugan ang mga kaugaliang Pilipino na makikita sa palaisipan.


M M A S A M A T U L U N G I N F G B
A T U I O P F G G A S B N M C B A H
G S E R M Y T U I G J J N A F Y F F
A D S F E A R T U U I O K K A H F F
L E W R T M A S I P A G J A R F E F
A B N G N H F W F G U Y T D U J K J
N T I H S B N F A F R H B I F M O F
G V N G R U E R D I A N M Y T U T L
G M A S U N U R I N N B G O T U I R
P A K I K I S A M A M R H S H F H O
Anu-anong kaugalian ang iyong nabilugan? Ano ang
kaugnayan nito sa ating aralin?

Ano ang kahulugan?


Bago mo simulan ang aralin, basahin mo muna ang mga nakatala
“Ano ang Kultura?”
Ang kultura ay pinaghalong tradisyon, paniniwala, at
pamumuhay ng mga dayuhang sumakop at mga katutubong
Pilipino.
Ang mga awit, sining, kasabihan, kagamitan, at selebrasyon ay
bumubuo ng “kultura “.
Ang lahat ng lugar sa mundo ay may kani-kanilang kultura. Ito
ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar. May dalawang uri
ng kultura, ang “Materyal” at “Di-Materyal “.
Ang materyal na kultura ay hango sa tradisyon at mga nilikhang
bagay-bagay ng etnikong grupo. Ito ay nahahawakan at konkreto.
MATERYAL:
➢ Kasangkapan
➢ Pananamit
➢ Pagkain
➢ Tirahan

Ang di-materyal ay hindi nahahawakan. Ito ay nakikita sa mga


gawain o ugali ng mga tao sa isang grupo.
DI MATERYAL
➢ Edukasyon
➢ Kaugalian
➢ Gobyerno
➢ Paniniwala
➢ Relihiyon
➢ Sining/Siyensya
➢ Pananalita
Karamihan sa kultura ng Pilipino ay nakuha mula sa mga
mananakop na Espanyol. Halimbawa nito ang bayanihan o ang
pagtulong sa kapwa. Isa rin dito ang malaking pagpapahalaga ng
Pilipino sa pamilya.
Ang mga pagdiriwang ay kabilang sa ating kultura. May mga
pagdiriwang na ginaganap sa iba’t ibang lungsod sa ating rehiyon.
Dinudumog ng mga dayuhan at Pilipino ang taunang International
Bamboo Festival sa Las Pinas. Ito ay upang marinig ang kahali-
halinang himig mula sa ihip ng kawayan.
Sa lungsod ng San Juan, ipinagdiriwang ang Pista ni San Juan
Bautista. Nagbabasaan ang mga handang makipagsaya sa pista.
Ang tradisyong ito ay pinananiniwalaang tanda ng ating
pagkakabinyag bilang Kristiyano.
Isa sa tanyag na pagdiriwang ay ang Pista ng Itim na Nazareno.
Ito ay ginaganap sa Quiapo, Maynila tuwing Enero. Naniniwala ang
mga deboto na mababasbasan ang kanilang buhay sa paglahok
dito. Mayroon ding naniniwala na makakamit ang isang milagro sa
paglahok dito.
Sa Taguig, inaabangan ang pagdiriwang ng PIsta ng Sta.
Anang Banak. Ito ay isinasagawa tuwing buwan ng Hulyo. Ang
pinakatampok sa pagdiriwang ay ang Pagodahan. Sa paradang ito
ay may tradisyunal na pagpapalitan ng regalo. Mayroon ding
“pasubo” kung saan nagbabato ng prutas sa isa’t isa ang mga kasali
rito. Ito ay bilang pasasalamat at pagpupugay kay Sta. Ana.
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang kultura?
2. Ano ang mga uri ng kultura?
3. Magbigay ng mga pagdiriwang na isinasagawa sa ating
rehiyon? Ilarawan ang mga ito
Ano pa ang gagawin ko?

A. Panuto: Isulat ang M kung materal at DM kung di-materyal ang


inilalarawan sa pangungusap.

_____ 1. Tinuturuan ng mga kalalakihan ang kanilang mga anak sa


pangangaso at pangingisda.
_____ 2. Ang kangan, bahag, at putong ay mga kasuotan ng
sinaunang Pilipino.
_____ 3. Ang mga sinaunang Pilipino ay nagpapalipat lipat ng
tahanan.
_____ 4. Ang mga lalaki ay naninilbihan sa bahay ng pamilya ng nais
niyang pakasalan.
_____ 5. Naniniwala ang ating mga ninuno sa iba’t ibang ispiritwal
na tagabantay tulad ng diyos, diwata at anito.

B. Panuto: Itambal ang mga materyal na kultura sa Hanay B sa


mga inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
___ 1. Bahag, kangan, potong A. Kagamitan
___ 2. Bahay sa tiyakad, bahay na pawid B. Tirahan
___ 3. Pagsasaka, pangangahoy C. Kasuotan
___ 4. Baboy damo, gulay, isda D. Pagkain
___ 5. Kuwintas, hikaw, singsing E. Paghanapbuhay
F. Palamuti/alahas
C. Panuto: Piliin ang mga pagdiriwang sa kahon na inilalarawan sa
bawat bilang.
A. International Bamboo Festival D. Pista ng Sta. Anang Banak
B. Pista ng Itim na Nazareno E. Pagoda sa Ilog
C. Pista ni San Juan Bautista F. Pista ni Sto. Nino

1. Nagbabasaan ang mga handang makipagsaya sa pistang ito.


2. Mayroon “pasubo” kung saan nagbabato ng prutas sa isa’t isa
ang mga kasali rito.
3. Dumadalo ang mga tao sa pagdiriwang na ito upang marinig
ang kahali-halinang himig mula sa ihip ng kawayan.
4. Isinasagawa ang pagdiriwang na ito tuwing Enero.
5. Tampok na gawain sa pagdiriwang ng Pista ng Sta. Anang
Banak.

Ano ang natamo ko?

Ang bawat lugar ay may mga nakagawiang mga gawain na


nagpapasalin – salin mula pa sa mga ninuno hanggang sa kasalukuyan.
Ito ang pamamaraan na ginagawa ng mga tao upang sagutin ang
kanilang suliranin o tugunan ang kanilang pangangailangan. Nakikita ito
sa araw – araw nilang pamumuhay. Sa kanilang mga tradisyon at
paniniwala, sa kanilang mga pagdiriwang panlalawigan, sa mga
kagamitan, sa mga kasabihan at pananaw, at sa kanilang mga awit at iba
pang sining.

Ano ang kaya kong gawin?

Punan ang bawat patlang sa talata tungkol sa pagdiriwang ng inyong


lungsod/bayan.

__________________
Pamagat
Ang aming pagdiriwang ay tinatawag na _______________.
Ito ay dinaraos tuwing ___________________. Ang pagdiriwang
na ito ay tungkol sa ________________________________________.
Ipinagdiriwang ito dahil _____________________________________.
Maraming dayuhan at taga-karatig lugar ang dumadalo sa
pagdiriwang na ito.

Kumusta na ang target ko?


Panuto: Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
_____ 1. Ito ay uri ng kutlura na nahahawakan at konkreto.
A. Kultura C. Di-Materyal na Kultura
B. Materyal na Kultura
_____ 2. Ito ay hindi nahahawakan ngunit nakikita sa
pamamagitan ng pagsasagawa nito.
A. Kultura C. Di-Materyal na Kultura
B. Materyal na Kultura
_____ 3. Ang Pista ng Itim na Nazareno ay pagdiriwang ng mga
taga __________________.
A. Las Pinas B. Maynila C. Taguig
_____ 4. Anong pagdiriwang ang ginaganap sa lungsod ng Las
Pinas?
A. International Bamboo Festival
B. Pista ng Itim na Nazareno
C. Pista ni San Juan Bautista
_____5. Kailan ipinagdiriwang ang Pista ni Sta. Anang Banak ?
A. Enero B. Hunyo C. Hulyo

Ano pa ang kaya kong gawin?

A. Isulat ang mga inilalarawan ng sumusunod.


_______ 1. Ito ay uri ng kultura na nakikita at isinasagawa ng
mga tao.
_______ 2. Ito ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga
tao sa isang lugar.
_______ 3. Ito ang uri ng kultura na kinabibilangan ng kasuotan,
kagamitan at iba pa.
_______ 4. Ito ang uri ng kultura na di nakikita o nahihipo.
B. Para sa karagdagang kaalaman, panoorin ang video gamit ang
link sa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=jun1_aY6yXA
https://www.youtube.com/watch?v=HQ5C4_ETNKU
https://www.youtube.com/watch?v=zyeSMPYhL-8
SANGGUNIAN
• Goyal, Mary Ann DG., Gerilla, Emilyn F., Cruz, Cristina DC.,Aralin
Panlipunan 3, Kagamitan ng Mag-aaral pp. 296-306; pp.317-320

• Google.com
• https://www.scribd.com
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ
Writer: CHERYL C. IBARRETA
Content Evaluator: MA. CORAZON P. JIMENEZ
Language Evaluator: ERWIN DOMINGO
Reviewers: FERDINAND PAGGAO
MA. CORAZON P. JIMENEZ
Lay-out Artist : CRISELLE G. FERRERAS
MA. CRISTINA M. JAVIER
Illustrators: MELANIE O. ALORRO
MICHELLE B. MANAGUELOD

Content Validator: CAROL C. JINAHON


REYNILDA D. BUNYI
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)

EPS In-charge: MR. FERDINAND PAGGAO, EPS AP


DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig City and Pateros

Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Telefax (02) 8533-1458; (02) 8514-7970

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph; division_sds@yahoo.com

You might also like