You are on page 1of 11

6

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Ikatlong Linggo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Ano ang target ko?

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang nauunawaan mo ang kahalagahan ng


pagkakaroon ng soberanya at ang mga karapatang tinatamasa ng isang malayang bansa.

Ano ako magaling?

Basahing mabuti ang mga pangungusap at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Kailan natamo ng Pilipinas ang soberanya nang ipagkaloob ng Estados Unidos ang
ganap na kalayaan ?
A. Hunyo 12,1898 B. Hulyo 4,1946 C. Hunyo 12 , 1898 D. Hulyo 4,1946
2. Ano ang iakapat na sangkap ng estado nang matamo ng Pilipinas ang kasarinlan?
A. mamamayan B. pamahalaan C. teritoryo D. soberanya
3. Alin sa mga pahayag ang naglalarawan sa soberanya?
A. Pantay-pantay sa karapatan ang mga bansang malaya.
B. Mas mahalaga ang soberanyang panlabas kaysa sa panloob.
C. Maari tayong panghimasukan ng ibang bansa kung kinakailangan.
D. Dapat iwasan ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
4. Ano ang tawag sa kapangyarihan ng estado na hindi maaring ipasa o ipagkaloob
kaninuman?
A. permanente B. komprehensibo C. absolute D. may awtonomiya
5. Ano ang tawag sa kapangyarihan ng estadong pasunurin ang lahat ng mga tao at
pamahalaan ang lahat ng tao at bagay sa loob ng teritoryo ?
A. kapangyarihang pampulisya C. soberanyang panlabas
B. kapangyarihang pampulitiko D. soberanyang panloob
6. Bakit mahalaga ang panlabas na soberanya?
A. Makikilala ang karapat-dapat sa tungkulin.
B. Masasaklawan nito ang pamamahala sa bansa.
C. Magiging malaya ang bansa sa panghihimasok ng ibang bansa.
D. Lahat ng nabanggit.
7. Ano ang tawag kapag ang estado ay malaya sa anumang pakikialam ng ibang bansa?
A. kapangyarihang pampulisya C. soberanyang panlabas
B. kapangyarihang pampulitiko D. soberanyang panloob
8. Alin sa mga sumusunod ay hindi karapatang tinatamasa ng isang estado?
A. karapatang makapagsasarili C. karapatang makipag-ugnayan
B. karapatan sa pantay na pagkilala D. karapatang magpaalis ng mga dayuhan
9. Aling ahensya ng pamahalaan ang may tungkuling ipagtanggol ang kalayaan ng
bansa?
A. Kagawarang Panlabas C. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
B. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa D. Hukbong Panghimpapawid
10. Ito ay kilala bilang National Defense Act na kung saan ang Hukbong Sandatahang
Lakas ng Pilipinas ang may pangunahing layuning ipagtanggol ang bansa laban sa
rebelyong lokal at mga dayuhang nais sumakop sa bansa.
A. Department of National Defense C. Commonwealth Act. No.1
B. Artikulo 11 Seksyon 3 D. Rehabilitation Act

Aralin KAHALAGAHAN NG SOBERANYA NG


3 SA ISANG BANSA

Nang lubusang lumaya ang ating bansa at naitatag ang Ikatlong Republika noong 1946.
Ang ating bansa ay nagkaroon ng soberanya. May ideya ka ba kung ano ang kalhulugan ng
soberanya?

Ano ang balik-tanaw ko?

Panuto: Punan ng titik ang bawat kahon


1.
Isang tadhana sa Batas bell na nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at
Amerikano sa paggamit at paglinang ng likas na yaman at pamamalakad ng mga
paglilingkod na pambayan sa bansa.
2.
Pagsasaayos sa mga nasira sa bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
mula sa pagpapautang ng bansang Amerika kapalit ng karapatan sa pangangalakal at
pakinabang sa mga likas na yaman ng bansa.
3.
Nakatadhana dito ang pagpapataw ng buwis sa anumang produktong nanggagaling sa
Pilipinas patungong US. Itinakda rin nito na may kota sa dami ng asukal, bigas, tabako,
atbp.
4. US-RP
Kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagtatanggol sa isat-isa na
nilagdaan noong Agosto 30, 1951.
5.
Samahang pandaigdig na naitatag at sinapian ng Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig sa panahon ng pamamahala ni Pang. Roxas.
Ano ang gagawin ko?

Ano ang iyong opinyon sa larawan tungkol sa pag-aagawan


ng mga bansa sa West Philippine sea?
_________________________________________________

Ano ang kahulugan?

Kahalagahan ng Soberanya sa Pilipinas

Ang soberanya ay isa sa mga kapangyarihan ng ating bansa bilang isang estado. Ito ay
elementong pinakamahirap makamit. Kailangang kilalanin muna ang isang estadong may
soberanya sa daigdig at ng mga Nagkakaisang Bansa.
Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga Amerikano noong Hulyo 4, 1946. Ito ay
kinilala na ng iba pang mga bansa sa daigdig na ang Pilipinas ay may soberanya. Upang
maunawaan ang soberanya , kailangang suriin kung ano ang estado.
Ang estado ay binubuo ng isang lipon ng mga mamamayang naninirahan sa isang
nakatakdang teritoryo. May pamahalaang nagtataglay ng awtoridad. Ito rin ay may
kapangyarihang magpatupad ng sarili nitong mga batas at nakakatamasa ng Kalayaan
.
Katangian ng Soberanya
Permanente : Ang awtoridad ng estado ay permanente at mananatili ito hanggang ang mga
mamamayan ay naninirahan sa teritoryo nito at may sariling pamahalaan
May awtonomiya : Ang tanging sakop ng awtoridad ng estado ay ang mga mamamayan nito
at iba pang mga tao at bagay na matatagpuan sa loob ng teritoryo nito. Hindi sakop ng
awtoridad ng estado ang mga naninirahan sa labas ng teritoryo nito.
Komprehensibo: Ang kapangyarihan ng estado ay sumasakop sa lahat ng mga bagay at taong
naninirarahan sa loob nito, kabilang ang kanilang mga anak. Maliban sa mga ito ang
pagsasailalim sa mga batas ng ugnayang panlabas at napagkalooban ng immunity for internal
courtesy.
Hindi naililipat o Lubos o Absolute: Ang kapangyarihan ng estado ay hindi maaring ipasa o
ipagkaloob sa kaninuman. Walang ibang estado ang maaring magkaroon ng hurisdiksyon dito.
Walang taning ang panahon: Ang bisa ng kapangyarihan ng isang estado ay walang taning
na panahon. May bisa ito sa ngayon hanggang sa mga darating na panahon.

Mga Dimensyon ng Soberanya ng Estado


Soberanyang Panloob (Internal Sovereignty) – ito ay kapangyarihan ng Pilipinas na
mamahala sa nasasakupan nito. Ang kapangyarihang pampamahalaan nito ay nasa
mamamayan. Sila ang may karapatang pumili ng mamumuno sa bansa.
Ang mga pinuno ng estado may kapangyarihang pasunurin ang lahat ng mga tao.
Pamahalaan ang lahat ng mga tao at bagay sa loob ng teritoryo nito. Sa pamamagitan ng ibat-
ibang ahensya ng gobyerno. Tanging ang Pilipinas lamang ang maaring magpasya tungkol sa
paglinang at paggamit sa mga likas na yaman nit
Soberanyang Panlabas (External Soveriegnty) – Ito ay kapangyarihan ng bansang
magpatupad ng mga layuning mapabuti at mapaunlad ang mga mamamayan at ang Pilipinas.
Kasama rin nito ang kapangyarihang lutasin ang mga suliranin o kaguluhan sa bansa. At nang
hindi pinapakialaman ng alinmang bansa. Malaya ito sa anumang kontrol o panghihimasok ng
ibang mga estado.

Mga Karapatang Tinatamasa ng Isang Bansang Malaya


Karapatang Makapagsarili
Ito ay ang karapatan ng Pilipinas sa pamamahala sa pulitika , ekonomiya at lipunang
Pilipino. Taglay nito ang hindi mapakikialamang pagpapasya. Ito ay tungkol sa
pangangailangan ng pamahalaan at mamamayan.
Ang mga opisyal ng pamahalaan at mamamayan ng bansa ang maaring lumutas sa mga
suliranin ukol sa rebelyon. Maging ang paggamit ng likas na yaman, kahirapan at iba pa.
Gayunpaman, maari silang tumanggap ng mga mungkahi mula sa ibang bansa na makakatulong
sa kanilang pagpapasya.
Karapatan sa Pantay na Pagkilala
Ang lahat ng bansa sa daigdig ay may karapatan sa pantay na pagkilala. Maliit man o
malaki, mahirap man o mayaman. Anuman ang simulain o sistema ng pamahalaan , ang mga
bansa ay may pantay na pribilehiyo.
Ang Pilipinas ay kasapi ng Samahan ng Nagkakaisang Bansa (UNO). Ang samahang
kumikilala sa pantay na pribilehiyo ng mga bansa. Ang anumang suliranin at pangangailangan
ng Pilipinas ay maaring idulog sa samahan . May karapatan ang kinatawan ng Pilipinas na
mahirang o maihalal na pinuno ng alinmang ahensya nito.
Karapatan sa Pagmamay-ari
Karapatan ng bansa ang mag-angkin ng mga ari-arian tulad ng mga likas na yaman.
Maging ang mga kagamitan at mga gusaling pambayan. Nakapagbubukas din ito ng mga
embahada at kuta ng militar. Kung kailangan, ang pamahalaan ay maaring bumili at magmay-
ari ng mga lupa o mga gusali sa nararapat na presyo.
Karapatang Makipag-ugnayan
Ang pagiging kasapi ng Pilipinas sa mga samahang pandaigdig at panrehiyon ay
nagpapahiwatig ng karapatan nito sa pakikipag-ugnayan. Kaugnay nito ang magpadala ng
mga kinatawan (ambassador)sa iba’t bang bansa. At tumanggap ng mga embahada ng ibang
bansa.
Nakikipag-ugnayan din ang bansa sa ibat ibang pandaigdig na ahensya ukol sa
kalusugan at edukasyon. Pati rin sa batas, paggawa, pagsasaka, pagkain at pananalapi.
Pinapahintulutan din ng bansa ang pagdaraos ng mga pagtitipong pandaigdig at panrehiyon.
Karapatan sa Pamahalaan ang Nasasakupan
Karapatan ng estado na mamahala sa teritoryo at mga mamamayan nito. Walang ibang
maaring magpatupad ng mga batas at magpasya ukol sa mga likas na yaman ng bansa kundi
ang estado. Maari nitong ipagbawal ang pagluluwas ng mga kalakal ng bansa kung kailangan.
At ipasunod ang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapairal ng mga batas sa nasasakupan.
Karapatang Ipagtanggol ang Kalayaan
Ang soberanya ng bawat estado ay napapangalagaan kung ang kalayaan at teritoryo ng
bansa ay patuloy na ipagtatanggol ng pamahalaan at mga mamamayan nito. Bagaman
makapangyarihan ang estado, kailangan pa rin nito ng proteksyon ng kanyang mga
mamamayan.
Tungkulin at pananagutan ng pamahalaan at ng sambayanang Pilipino ang pagtatanggol
sa ating estado. Ibat-ibang ahensya at kagawaran ng pamahalaan ang nangangalaga sa
katahimikan, kaayusan aat kalayaan ng estado.
Ayon sa Artikulo II, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng Pilipinas, ang Kagawaran ng
Tanggulang Pambansa (Department of National Defense) ang siyang naatasang mangalaga sa
teritoryo at estado.
Ang Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines
(AFP) ay itinatag sa bisa ng Commonwealth Act No. 1 o kilala bilang National Defense Act.
Ang pangunahing layunin ay ang ipagtanggol ang bansa laban sa rebelyong lokal at mga
dayuhang nais sumakop sa bansa.
Mga Sangay ng Sandatahang Lakas
Ang Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army) ang may tungkuling ipagtanggol
ang teritoryo at tanod ng ating bansa laban sa sinumang dayuhang nagnanais na sakupin ito.
Lumaban sa mga nais magpabagsak sa pamahalaan. At maging sa pagtulong sa mga
mamamayan sa panahon ng kalamidad.
Ang Hukbong Panghimpapawid (Philippine Air Force) ay mga tanod ng himpapawid.
Tinitiyak nito na walang makakapasok sa Pilipinas na mga sasakyang panghimpapawid ng
ibang bansa nang walang pahintulot . At kung may pakay na masama.
Nasa Hukbong Pandagat (Philippine Navy ) naman ang pananagutang ipangtanggol ang
bansa laban sa mga kaaway na maaring dumaan sa ibat-ibang anyong tubig sa ating bansa.
Nagpapatrol sila sa ating dagat upang matiyak na walang makakapasok na dayuhan sa ating
teritoryo .
At binabantayan din nito ang pagpasok ng mga kontrabando sa bansa. Tumutulong din sila
na nasusunod ang mga patakaran ukol sa Doktrinang Pangkapuluan at Batas sa Dagat.
Ang Pambansang Pulisya (Philippine National Police) ang nangangalaga ng
katahimikan at kaayusan sa loob ng bansa. Ito rin ang naatasang magpatupad ng lahat ng batas
at ordinansa.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit mahalaga ang soberanya sa isang estado? ______________________________
2. Paghambingin ang soberanyang panloob at soberanyang panlabas?
3. Ibigay at ilarawan ang mga sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.___________

Ano pa ang gagawin ko?

GAWAIN A. Panuto : Uriin aang mga sumusunod na pahayag ayon sa Soberanyang Panloob o
Soberanyang Panlabas . Isulat ang sagot sa patlang bago ang ang bawat bilang.
_______1. Magpasya tungkol sa paglinang at paggamit sa mga likas na yaman nito.
_______2. Pagdaraos ng halalan at pagbibilang ng boto.
_______3. Pagpapadala ng pwersang Plipinong sundalo sa Congo bilang
pakikiisa sa UN.
_______4. Pangangalaga ng Philippine Coast Guard ang Sabah na sinasabing
pagmamay-ari ng Pilipinas.
_______5. Pagsali sa mga paligsahan sa sports tulad ng Asian Games.
GAWAIN B. Panuto: Ano ang karapatang tinutukoy. Pillin sa ibaba ang tamang sagot. Isulat
lamang ang titik sa patlang bago bilang.

A. Karapatang makapagsarili
B. Karapatang maipagtanggol ang kalayaan
C. Karapatan sa pantay-pantay na pagkilala
D. Karapatang makipag-ugnayan
E. Karapatan sa pagmamay-ari
F. Karapatang pamahalaan ang nasasakupan.
___1. Nilulutas ang anumang suliranin nang hindi umaasa sa tulong ng ibang bansa.
___2. Pinapangalagaan ang teritoryo ng bansa laban sa pagsakop ng mga dayuhan.
___3. Pagpapatupad ng mga batas para sa nasasakupan.
___4. Pinapangasiwaan ang likas na yaman, mga gusali, lupain at mga kampo.
___5. Pagdaraos ng 30th SEA Games sa Pilipinas na dinaluhan ng ibat-ibang bansa sa Asya.

GAWAIN C: Panuto : Pagtambalin ang tungkulin sa HANAY A sa ahensya sa HANAY B .


Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
HANAY A HANAY B
___1. Tagapangalaga ng sambayanan A. Department of National Defense
___2. Protektahan ang mga baybayin at karagatan B. Philippine Army
___3. Ipatupad ang mga batas at ordinansa C. Philippine Air Force
___4. Bantayan ang teritoryong panghimpapawid D. Philippine National Police
___5. Tumulong sa mga mamamayan sa E. Philippine Navy
panahon ng kalamidad.

Ano ang natamo ko?

Tandaan Natin Ito!


Ang soberanya ang pangunahing sangkap na nagpapakilala ng pagiging malaya ng
ating bansa. Ito ang kataas-taasang kapangyarihang umiiral sa bansa upang pangasiwaan ang
kanyang nasasakupan. Ito ang nagpapatupad ng mga layunin sa taong bayan na hindi
maaaring saklawan ng alinmang bansang dayuhan ang ating bansa.
May dalawang uri ito; ang soberanyang panloob at soberanyang panlabas.
Ang mga karapatang tinatamasa ng isang bansang may soberanya ay ang karapatang
makapagsarili, pantay na pagkilala at pagmamay-ari. Maging ang karapatang makipag-
ugnayan, pamahalaan ang nasasakupan at ipagtanggol ang kalayaan.
Ano ang kaya kong gawin?

GAWAIN Panuto: Sagutin ang pangunahing tanong sa malikhaing paraan batay sa natutunan
mong aral.
Ipagtatanggol ko ang Pilipinas kapag _______________________________________
__________________________________________________________________________
sa pamamagitan ng____________________________________________________________

Kumusta na ang target ko?

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang angkop na letrang iyong
napili sa inyong sagutang papel.
1. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa kapangyarihang kinikilala ng mga bansang
malaya?
A. pamahalaan B. soberanya C. mamamayan D. teritoryo
2. Ano ang tawag isang lipon ng mga mamamayang naninirahan sa isang takdang
teritoryo, may pamahalaang nagtataglay ng awtoridad na kinikilala ng karamihan ng
mga mamamayan nito, may kapangyarihang magpatupad ng sarili nitong mga batas
at makatamasa ng Kalayaan?
A. batas B. mamamayan C. estado D. soberanya
3. Ano ang tawag sa katangian ng soberanya na ang awtoridad ng estado ay pamananatili
hanggang ang mga mamamayan ay naninirahan sa teritoryo nito at may sariling
pamahalaan?
A. komprehensibo B. permanente C. may awtonomiya D. lubos
4. Alin ang nagpapaliwanag ng kahulugan ng panlabas na soberanya?
A. Aasa sa mga bansang makapangyarihan.
B. Ang kabuhayan at pamamahala sa bansa ay hindi maaring pakialaman ng
anumang bansa.
C. Ang Pilipinas bilang isang malayang bansa ay maaring diktahan ng ibang bansa.
D. Ang Pilipinas ay may kapangyarihang isakatuparan ang mga batas sa buong
nasasakupan nito.
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahalahagan ng panloob na soberanya?
A. Lumikha ng sariling batas.
B. Maging malaya sa pagsupil ng dayuhan.
C. Sumunod sa batas ng ibang bansa.
D. Ipaalam na huwag panghimasukan ang Pilipinas
6. Ano ang tawag sa kapangyarihang maging malaya sa pagsupil o panghihimasok ng
mga dayuhan?
A. soberanya C. panloob na soberanya
B. panlabas na soberanya D. panloob at panlabas nasoberanya
7. Anong karapatan ang tumutukoy sa pagpapadala ng mga “ambassador” at ang
pagtanggap ng kinatawan sa ibang bansa?
A. makipag-ugnayan C. pamamahala sa nsasakupan
B. pagmamay-ari D. makapagsarili
8. Ang isang bansang malaya ay may karapatang mag-angkin ng ari-arian tulad ng
gusaling pambayan, mga kuta ng militar, mga embahada, lupain at iba pa.
A. karapatang ipagtanggol ang kalayaanC. karapatang mamahala sa nasasakupan
B. karapatan sa pagmamay-ari D. karapatan sapantay-pantay na pagkilala
9. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang ipagtanggol ang
teritoryong sakop ng Pilipinas. Alin ang hindi?
A. Makapasok ang kontrabandong produkto mula sa ibang bansa.
B. Mapangalagaan nang wasto ang mga kayamanang matatagpuan ditto.
C. Upang hindi tayo masakop ng ibang bansa at manatiling malaya.
D. Dito tayo kumukuha ng ating pangunahing pangangailangan.
10. Tumutukoy sa kagawaran ng pamahalaan na naatasang mangalaga sa soberanya,
sumuporta sa Saligang Batas at magtanggol sa teritoryo ng Pilipinas laban sa mga
kaaway.
A. DOLE B. AFP C. DILG D. DOJ

Ano pa ang kaya kong gawin?

GAWAIN A : Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng kahalagahan ng


soberanya sa isang bansa. __________________________________________________
GAWAIN B: Panuto: Panoorin ang video gamit ang link na nasa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=9dPGV36cBRQ
Ipahayag ang iyong opinyon sa balitang iyong napanood sa pamamagitan ng 3 hanggang 5
pangungusap.
_____________________________________________________________________
Sanggunian
• Antonio, Eleonor D, Banlaygas, Emilia L, Dallo, Evangeline M. (2015)
KAYAMANAN 6, Rex Publishing; Sampaloc Maynila pp.186-202.
• Pilipinas Kong Mahal 6 , Ronnie Oneza Chavez, Emelyn E. Somera, Maria Eliza
Afable, Ariel Dancel Tamayo, Amrcelino A. Arabit
• Capina Estelita B.. Palu-ay Alvenia P (2000)
Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 208-212
• https://www.youtube.com/watch?v=9dPGV36cBRQ
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: FLORENCE A. VALDEZ


Content Evaluator: JULITA L. MACARANAS
Language Evaluator: NAPOLEON G. JUNIO
Reviewers: FERDINAND PAGGAO
JULITA L. MACARANAS
NAPOLEON G. JUNIO
Illustrator: CRISELLE G. FERRERAS
Lay-out Artist: ROGER N. AGCAOILI
Content Validator: JULITA L. MACARANAS
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-Charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-Charge: FERDINAND PAGGAO, EPS – ARALING PANLIPUNAN
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig City and Pateros
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City
Telefax (02) 8533-1458; (02) 8514-7970
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph; division_sds@yahoo.com

You might also like