You are on page 1of 2

Modyul 5 Mga Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo at Samahang

Pangkababaihan

Kahulugan ng Ideolohiya
• Ang ideolohiya ay sistema o kalipunan ng mga ideya/kaisipan na naglalayong magpaliwanag
tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito.

Klasipikasyon ng Ideolohiya
• Ideolohiyang pang-ekonomiya – Nakatuon ito sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa.
• Ideolohiyang pampolitika – Nakatuon ito sa paraan ng pamumuno sa isang bansa. Halimbawa
nito ay
a. Demokrasya - kung saan ang kapangyarihan ay nasa mamamayan
b. Totalitaryanismo - kung saan hawak ng estado o mga pinuno ang pamamahala sa
bansa
c. Teokrasya - kung saan ang mga pinuno ng relihiyon ang namumuno sa bansa.

Kaugnayan ng mga Ideolohiya sa Kilusang Nasyonalista sa Timog Asya at


Kanlurang Asya
• Mga kilusang may kaugnayan sa ideolohiyang pampolitika:
a. Indian National Congress (1885) – Itaguyod ang mga karapatan ng mga Indian at
makapagtatag ng pamahalaang hiwalay sa Great Britain.
b. All india Muslim League (1906) – Makapagtatag ng sariling pamahalaang pinamumunuan ng
mga Muslim. Paglaon ay nagbunga ng paghihiwalay sa India at pagtatag ng bansang Pakistan.
c. Ceylon National Congress (1915) – Naglalayong humiwalay sa India at makapagtatag ng
sariling estado.
d. Jana Andolan o People’s Movement (1990) – Pinagsanib na kilusan sa Nepal na binubuo ng
Nepali Congress at United Left Front na nagsagawa ng People Power sa Nepal na
nagpabagsak
sa absolute monarchy at nagtatag ng demokratikong pamamahala sa bansa.
e. Zionism sa Israel – Ito ay kampaya ng muling pagbabalik ng mga Hudyo (Jews) sa kanilang
“Lupaing Pangako” at paghayag ng pagiging malayang estado ng Israel noong 1948.
f. Arab Nationalist Movement (1932) – Kilala bilang Arab National Congress (1913) na may
layuning humiwalay sa Ottoman Empire. Kalaunan ay naging sphere of influence ng Great
Britain at France. Patuloy na nakipaglaban hanggang mabuo ang nagsasariling bansa bilang
Saudi Arabia

Mga Karanasan ng Kababaihan sa Timog Asya at Kanlurang Asya


• Hindi pantay ang kalagayan ng kababaihan sa rehiyon sa larangan ng politika, ekonomiya,
edukasyon, at mga batas sibil.
• Nakararanas ng iba’t ibang anyo ng pang-aapi, diskriminasyon at karahasan sa kanilang
pamilya at lipunan.
• Sa Timog Asya, nararanasan ng kababaihan ang hindi maayos na kalagayan ng paggawa sa
kanayunan, child labor, hindi pantay na sahod at benepisyo sa paggawa, kakulangan sa
pasilidad
para sa day care, pagtatrabaho sa mga delikadong makinarya habang umaandar ang mga ito,
maagang pagpapakasal, pang-aabusong seksuwal, at iba’t ibang anyo ng domestic violence o
karahasan sa tahanan.
• Sa Kanlurang Asya, nararanasan ng kababaihan ang hindi pantay na kalagayan sa lipunan,
politika, edukasyon, at ekonomiya. Pinagbabawalang makilahok sa eleksiyon, negosasyon, at
talakayan tungkol sa sigalot sa Israel at Palentine. noong 1932.

Mga Kilusang Pangkababaihan sa Timog Asya at Kanlurang Asya


• Women’s Indian Association (1917) at National Council of Indian Women (1925) –
Nangangampanya sa mga mambabatas upang makapagdulot ng mga pagbabago sa
pamumuhay ng karaniwang kababaihang Indian.
• Haifa Feminist Center (2008) – Sa Israel, ang tanggapang ito ay nagtataguyod ng karapatang
magkaroon ng kapayapaan, seguridad, at pagkakapantay-pantay para sa kababaihan, kabilang
ang mga batang babae.
• Arab Women Connect (2000) – Isang panrehiyong network ng kababaihang Arabe na
nagsusulong na magkaroon ng kamalayan ang mga babae sa kanilang mga karapatan at legal
na katayuan sa rehiyon.

You might also like