You are on page 1of 5

Aristokrasya: pamumuno ng mga elite o isang grupo na kinikilala dahil sa pagkakaroon ng mataas na

katayuan sa lipunan, yaman at kapangyarihang pulitikal.

Demokrasya: ang kapangyarihan ay nagmumula sa sambayanan

Monarkiya: ang isang tao ay nagtataglay ng minanang karapatan upang pamunuan ang isang partikular
na estado habang siya ay nabubuhay.

Kolonyalismo: patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang makagamit ng likas na
yaman ng mga sinakop para sa sariling interes

Imperyalismo: dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa isang mahina at maliit na


nasyon-estado sa aspektong pulitika, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay sa layuning maging
isang pandaigdigang kapangyarihan o puwersa.

Krusada: serye ng mga kampanya ng mga Kristiyanong kabalyero na ang layunin ay bawiin ang Jerusalem
mula sa mga Muslim

Seljuk Turk: lahi ng tao na instrumental sa pagpapasara at pananalakay sa tatlong rutang nag-uugnay sa
Asya at sa Europe.

Mohamend Ali Jinah: Siya ang nagsilbing pinuno ng Muslim League noong 1905

Mohandas Gandhi: Siya ay nakikibaka sa kalayaan ng India sa pamamagitan ng mapayapang paraan.

Jawaharlal Nehru: Sa kanyang pamumuno noong Agosto 15, 1947 natamo ng mga Indian ang kalayaan
nang ideklara ng mga English ang Republika ng India

Dahilan ng Kolonyalismo:

-Merkantilismo

-Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

-Industriyalisasyon

-White Man’s Burden

Epekto ng Kolonyalismo:

-Naipalaganap ang Kristiyanismo

-Kumita ng malaki ang mga Europeo

-Naipalaganap ang edukasyon

-May mga nagbago sa kultura ng mga Asyano

-Naging maayos ang linya ng transportasyon at komunikasyon


Nanghimasok ang mga Kanluranin sa Asya upang pakinabangan ang mga likas na yaman at yamang tao
nito. Bumuo sila ng mga imperyo sa Asya na nagpaunlad sa kanila habang nasadlak ang mga Asyano sa
iba’t ibang uri ng paghihirap.

Paglakbay ni Marco Polo-Sa tulong ng kanyang aklat, maraming nabatid ang mga Kanluranin tungkol sa
Asya.

Merkantilismo: Upang maparami ang ginto at pilak, mas maraming kalakal na iniluluwas ang mga
Europeo kaysa binibili.

Industriyalisasyon: Pangunguha ng mga hilwa na sangkap o materyales sa Asya

White man’s burden: Tinuruan ng mga Kanluranin ang mga Asyano. Nagpadala sila ng mga pari,
manggagamot at guro sa Asya.

Mandate system: Ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay naging handa upang maging isang malayang
bansa

Sapilitang pagtanim ng opyo: Malaki ang kinita ng pamahalaang kolonyal na English at ng mga
negosyanteng Indian

Pagpakilala ng telegraph: Ang linya ng komunikasyon sa India ay napaghusay nang husto.

Pakikialam at panghihimasok sa mga kaugaliang Indian: Nawala ang mga dating kultura ng mga Indian.

Pagpatay kay Archduke Francis Ferdinand: Nagsimulang sumiklab ang digmaan sa Europa.

Paghina at pagbagsak ng Ottoman Empire: Sinakop at pinaghati-hatian ng mga Europeo ang mga bansa
sa Kanlurang Asya.

Arms race: Dahil sa hinala na baka mauwi sa isa pang digmaan, nagkaroon ng pagpupulong kung saan
pinag-usapan ang limitasyon nang bilang ng mga armas at laki at dami ng mga barkong pandigma.

Paglaya ng India noong 1947: Nahati ang India. Ang India ay para sa mga Hindu at ang mga Muslim ay
nagtatag ng sariling bansa, ang Pakistan.

Sumidhi ang alitan ng mga English at Indian sa panahon ng kolonisasyon ng Great Britain sa India dahil
nagpatupad ang mga English ng mga patakaran na hindi katanggap-tanggap sa mga Indian.

Mahalaga ang papel na ginampanan ni Mohandas Gandhi sa kasaysayan ng India dahil siya ang naging
inspirasyon ng mga Indian na makamit ang kalayaan ng India sa pamamagitan ng mapayapang pagtutol.

Ang ibig sabihin ng mapayapang paraan ay ang:

-Paglalabas ng katotohanan

-Pagdarasal
-Meditasyon

-Pag-aayuno (fasting)

-Pagboykot o hindi pagbili sa mga kalakal o produktong English.

Bahagi ng nasyonalismo na pagtatanto ng isang nilalang o lahi na mahalagang ipagtanggol ang kanyang
bansa laban sa panlulupig ng mga dayuhan.

Isa sa mga sanhi ng galit ng mga Indian ay ang pagpapatupad ng mga English ng patakaran ng racial
discrimination.

Hindi naging maaga ang pagdating ng imperyalismo sa Kanlurang Asya dahil sa ang rehiyon ay nasa ilalim
ng isang malakas na imperyo, ang Ottoman.

Unti-unti, nagsikap ang mga taga-Kanlurang Asya na makamtan ang kalayaan sa pamamagitan ng
pagnanais na pamahalaan ang kanilang sarili.

Pemenista: Tagapagtaguyod ng pantay na karapatan sa pagitan ng lalaki at babae.

Indian Factory Act 1891: Pagbibigay-pansin sa hindi makatwirang bilang ng oras sa pagtatrabaho ng
kababaihan.

All-India Coordination Committee of Working Women:

● Binibigyang-pansin nito ang mga isyu gaya ng:

-Benipisyo sa pagbubuntis

-Pantay na sahod

-Daycare facilities

Sarojini Naidu: Siya ang nanguna sa paghimok sa kababaihang gumagawa at bumibili ng asin bilang
protesta sa pamahalaang English.

Sa India, hindi pinahahalagahan ang anak na babae dahil siya ang nagbibigay ng dowry kapag ikinasal.
Ibig sabihin nito ay binabawasan niya ang kaban ng pamilya.

Purdah: Tradisyon kung saan ang babae ay itinatago sa mata ng publiko sa pamamagitan ng paggamit ng
damit na magtatakip sa katawan, mukha at buhok ng babae

Kinilala ng United Nations na may karapatan ang mga bata.

Karapatan ng mga bata:

1. Mabuhay
2. Mabigyan ng sapat na pagkain at malinis na tubig
3. Magpahayag ng sarili

4. Hindi dapat maparusahan ng kamatayan at panghabambuhay na pagkakakulong

5. Hindi dapat mapasailalim sa hindi makataong mga parusa

6. Mabigyan ng proteksyon ng pamahalaan sa panahon ng giyera

Karapatan ng kababaihan:

1. pagbibigay-diin sa diwa ng pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan sa pamamagitan


ng paglalagay nito sa Konstitusyon.
2. Bumoto at mailuklok sa isang posisyong pulitikal
3. Makatamasa ng edukasyon
4. Makapag-hanapbuhay
5. Kalusugan

Ang kalagayang pang-ekonomiya ng India ay may napakalaking impluwensya sa edukasyon ng bansa dahil
laganap ang kahirapan sa bansang ito. Hindi naibibigay ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng
kanyang mamamayan.

Kung ihahambing ang edukasyon ng kalalakihang Indian sa kababaihan, mas malaking bahagdan ng mga
lalaki ang literate. Dahil na rin sa mababa ang pagtingin sa mga kababaihan.

Sa Saudi Arabia, ang edukasyon ay ginagamit bilang isang instrumento ng pagpapalaganap ng relihiyon sa
pamamagitan ng pagtatatag ng mga paaralang may mga kurikulum na nakabatay sa turo ng Islam

Kontrolado ng pamahalaang Saudi Arabia ang lahat ng mga aklat na ginagamit ng mga mag-aaral sa mga
paaralan. Dahil gusto ng pamahalaan na ang mga aklat ay alinsunod sa layunin ng sistemang
pang-edukasyon ng bansa at hindi taliwas sa turo ng Islam.

Sati: Pagpapakamatay ng balong abbae sa pamamagitan ng pagsama sa cremation o pagsunog ng labi ng


asawang namatay. Marami ang tumututol dito dahil ito ay hindi makataong Gawain

Patuloy pa rin ang ang ilang Hindu sa pagsasagawa ng sati dahil naniniwala sila na ang pagsasagawa nito
ang maglilinis ng kasalanan ng asawang lalaki at maging ng byuda. Naniniwala din sila na makakamtan ng
mag-asawa ang kaluwalhatian sa kabilang buhay.

Sa lipunang Arabo, nanatili pa ring mababa ang katayuan ng kababaihan sa lipunan. Dahil na rin sa mga
diskriminasyon na nararanasan nila.

Ang diskriminasyon laban sa kababaihan ay sinasabing wala sa mga aral ng Islam na may paniniwala sa
ummah o konsepto ng pagkakapantay-pantay ng lahi, kasarian o uring panlipunan.

Neokolonyalismo sa Asya:

-Sa Ekonomiya: Pamamayani ng mga dayuhan at korporasyong multinasyonal


-Sa Politika: Pagbibigay ng tulong sa iba’t ibang aspekto nang may hinihinging kapalit

-Sa Kultura: Pagpasok ng iba’t ibang produkto, musika, pelikula, kasuotan at iba pang libangan

-Sa Edukasyon Paggamit ng wikang banyaga

World Trade Organization:

-Pagpapatupad ng kasunduang pangkalakalan

-Magsilibing porum kung saan pag-uusapan ang mga negosasyong pangkalakalan

-Magsaayos ng alitang pangkalakalan

-Magmonitor ng pambansang patakarang pangkalakalan

-Magbigay ng tulong-teknikal at pagsasanay sa mga papaunlad na bansa

Asia-Pacific Economic Corporation:

-Nagtataguyod ng kaunlarang pang-ekonomiya

-Nagpapababa ng taripa o buwis samga kalakal

-Tumutulong na magkaroon ng bukas na kalakalan sa mga bansa sa Pasipiko

Kontribusyon ng Asyano sa Daigdig:

-Klasikal na sayaw ng India

-Bollywood

-Pantikan (Mahabharata at Ramayana)

-Sports

Ang mga Asyano ay maipagmamalaki sa buong daigdig. Hindi pahuhuli ang mga bansa sa Asya sa mga
larangang makapagbibigay ng karangalan sa kanila. Ang mga tagumpay at papuring nakamit ng mga
kapwa natin Asyano ay dapat nating ipagpugay at ipagmalaki. Ang lahat ng mga ito ay pagpapatunay
lamang na ang mga Asyano ay maaaring makipagsabayan sa husay at galing sa iba’t ibang lahi sa buong
daigdig.

You might also like