You are on page 1of 6

ANG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

1. kolonyalismo - patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang magamit ang likas na yaman
ng mga sinakop na bansa.
2. Imperyalismo - dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pangpolitika,
pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay ng mahina’t maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang
makapangyarihan
3. Portugal - Calicut, Diu at Goa sa India
4. England - India, Iraq, Palestine (ngayon ay Israel), Westbank, Gaza Strip at Jordan
5. France - Ilang bahagi ng India na hindi nagtagal at ang Syria at Lebanon
6. Netherlands - Isang bahagi ng India
7. KRUSADA - kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lugar, ang
Jerusalem sa Israel na napasakamay ng mga Muslim. pagbubukas ng pakikipagkalakalan ng mga Europeo sa mga
bansa sa Silangan
8. PAGLALAKBAY NI MARCO POLO - adbenturerong mangangalakal na taga Venice. nanirahan sa China sa panahon
ni Kublai Khan ng dinastiyang Yuan. tagapayo ni Kublai Khan at itinalagang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Asya
sa ngalan ng emperador. “The Travels of Marco Polo” (1477)
9. RENAISSANCE - kilusan na naganap noon sa Europa. ika-14 hanggang ika-16. muling pinanumbalik ang mga
klasikal na kultura ng Gresya at Roma. nagpabago sa larangan ng kalakalan at negosyo na nagdulot ng
pagbabago sa mga gawaing pang-ekonomiya sa Europa.
10. PAGBAGSAK NG CONSTANTINOPLE - pinakamalapit na teritoryo sa Asya na malapit sa Europa. Noong 1453.
Bumagsak ito sa mga kamay ng mga Turkong Muslim na nagtulak sa mga mangangalakal mula Europa na
maghanap ng panibagong ruta upang maipagpatuloy ang pakikipagkalakalan sa mga bansa sa Asya
11. MERKANTILISMO - prinsipyong pang-ekonomiya na umiral sa Europa. konsepto ng yaman ng isang bansa ay
nakabatay sa ginto at pilak na mayroon ito. kinailangan ng mga Europeo na humanap ng ligtas at mabilis na
rutang pangkalakalan

ANG NASYONALISMONG ASYANO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

1. NASYONALISMO - ay damdaming makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa


Inang Bayan
2. Defensive Nationalism - mapagtanggol na nasyonalismo. Ito ay ang pagnanais at ipaglaban ang kanilang bansa
laban sa mga manananakop
3. Aggressive Nationalism - mapusok na nasyonalismo. Ito ay ang naglalayon na manakop ng mga teritoryo upang
mapalakas ang kanilang kapangyarihan
4. pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo
a. Pagkakaisa
b. Pagmamahal at pagtangkilik ng mamamayan sa mga produkto, ideya, at kultura ng sariling bayan
c. Pagiging makatuwiran at makatarungan
d. Kahandaan na magtanggol at mamatay para sa kaniyang bayan
5. suttee - pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa libing ng kanilang namatay na asawa
6. female infanticide - pagpatay sa mga sanggol na babae
7. hindi pantay na pagtrato ang mga sundalong Indian dahil mas mataas ang ang nagiging ranggo at sweldo ng mga
sundalong Ingles
8. Rebelyong Sepoy - pag-aalsa ng mga sundalong Indian
9. Amritsar Massacre - Abril 13, 1919 kung saan 379 katao ang namatay at 1200 ang sugatan ng pagbabarilin ng
mga sundalong Ingles ang mga Indian na nasa isang pagtitipong na lubos na tinututulan ng pamahalaan ng mga
Ingles
10. All Indian National Congress - sa panig ng mga Hindu na naglayong makamtam ang kalayaan
11. All Indian Muslim League - 1906, itinatag ni Ali Jinnah. bigyan ng pansin ang interes ng mga Muslim. magkaroon
ng hiwalay na estado para sa mga Muslim
12. civil disobedience - ang hindi pagsunod sa pamahalaan
13. Taong 1935 - pagkalooban ng mga Ingles ng mga Indian na pamahalaan ang India ngunit hindi nasiyahan ang
mga Indian sa pagbabagong ito kaya nagpatuloy ang paghingi nila ng kalayaan
14. sistemang Mandato - isang bansa na naghahanda upang maging isang malaya at isang nagsasariling bansa ay
ipasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo.
15. unang lumaya na bansa ay ang Kuwait, Lebanon, Iraq, Turkey sa pamumuno ni Mustafa Kemal at Saudi Arabia sa
pamumuno ni Ibn Saud
16. Zionism - Pag-uwi sa Palestine ng mga Jew mula sa iba’t ibang panig ng daigdig at itinatag ang Israel. dahilan ng
pagsisimula ng tensyon sa pagitan ng Palestine at Israel

Ang Karanasan at Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig sa Kasaysayan ng mga Bansang Asyano; at Ang Kaugnayan ng
Iba’t ibang Ideolohiya (Ideolohiya ng Malayang Demokrasya, Sosyalismo at Komunismo) sa mga Malawakang Kilusang
Nasyonalista

1. Agosto 1914 - sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig.


2. Dahilan
a. pag-aalyansa ng mga bansang Europe, dahil din sa pag-uunahan ng mga bansang ito sa teritoryo at
maisakatapuran ang kani-kanilang interes
b. Pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ng Austria (June 28, 1914) – pinatay sa pamumuno ni Gavrilo
Princip ng Young Bosnia Movement upang mapunta sa Yugoslavia ang Austria-Hungary’s South Slav
Provinces.
3. Central Powers - alyansa ng Germany, Austria-Hungary
4. Allies - France, England at Russia
5. Treaty of Versailles (Natalo sa digmaan ang Central Powers sa Versailles, France)- na naghudyat sa pormal na
pagtatapos ng digmaan.
6. Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
a. Pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya, at dahil din sa pagbagsak ng Imperyong Ottoman
b. Natuklasan ang mina ng langis sa Kanlurang Asya noong 1914 dahilan upang mas maging interesado ang
mga Kanluraning bansa rito at magtatag ng sistemang mandato.
c. Balfour Declaration noong 1917 - Palestine ay bubuksan sa mga Jew o Israelite upang maging kanilang
tahanan
d. Sistemang Mandato sa Kanlurang Asya:
i. France – Syria at Lebanon
ii. Ingles – Palestine
e. sumidhi ang ipinaglalaban ng mga taga-India para sa kalayaan ngunit ito ang naging daan upang muling
hindi magkaisa ang mga Indian.
7. 1947 - nahati ang India sa dalawang pangkat;
a. India - para sa mga Hindu
b. Pakistan - para sa mga Muslim
8. pinakamahalagang pangyayaring naganap sa Asya ay ang pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil
dito inaasahang makakamit ang kalayaang minimithi ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
9. ideolohiya - ay isang sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig
at pagbabago nito
10. Dalawang Pangunahing Kategorya ng Ideolohiya
a. Pang-ekonomiya - ay nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng paghahati ng
kayamanan nito sa mamamayan
b. Pampolitika - paraan ng pamumuno at sa paraan ng pagpapatupad ng mamamayan; mga kilusan para sa
panlipunang pagbabago; Hinihikayat nito ang mga tao na kumilos ayon sa ninanais nilang mga
pagbabagong kaayusan
11. Demokrasya – Nagpapatamasa sa lahat ng pantay na karapatan (Demos – tao, Kratia – Pamahalaan)
12. Sosyalismo - ay isang panlipunan at pang-ekonomiyang doktrina kung saan ang salik ng produksyon ay nasa
ilalim ng pangangalaga ng estado o ng pamahalaan. teorya ni Karl Marx ang sosyalismo ay isang hakbang sa
pagitan ng kapitalismo at komunismo
13. Pasismo - Itinatag ito noong 1921 , pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. Kaisipan na itinuturing na mas
mahalaga ang kapakanan ng pamahalaan kaysa sa mamamayan. uri ng pamahalaan na pinapatakbo mula sa
tuktok pababa ng isang tao o isang partido na may kumpletong control. Adolf Hitler
a. Benito Mussolini – ang lumikha ng ideolohiyang ito
14. India at Pakistan - malaki ang impluwensiya ng demokrasya sa kilusang nasyonalista
15. Swarmi Dayanand Saraswati - nasyonalista ang muling pagbasa ng veda upang maging batayan ng pang-araw-
araw na pamumuhay ng mga Indian
16. Sri Lanka at Maliliit na Estado sa Timog Asya - Pinamunuan ng Great Britain ang Sri Lanka at ang buong sub-
kontinente ng India sa loob ng isa’t kalahating dantaon (1796-1947).
17. Don Stephen Senanayake - “Ama ng Kasarinlang Sri-Lanka” - pinamunuan ang pakikipaglaban para sa
kasarinlan
18. Pebrero 4,1948 - ipinahayag ang kasarinlan ng bansa.
19. Nepal 1990 - naganap ang mapayapang Rebolusyong People Power
20. Israel - Sa pagtatapos ng ika-19 na dantaon, sumibol ang mga pagkilos upang ang mga Hudyo ay makabalik sa
kanilang lupain.
21. Kilusang Zionismo – itinatag sa Basel, Switzerland noong 1897 ni Theodor Herzl (1860-1904), isang Austro-
Hungarian.
22. Mayo 14, 1948 – naging isang malayang nasyon ang Israel
23. Iraq at Palestine - naipasailalim sa pamamahala ng Great Britain pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
a. hindi maayos na pamumuno at kapabayaan ng mga Ottoman, sumibol ang mga kilusang makabayan noong
huling bahagi ng ika-19 na dantaon
24. Faisal – naging hari noong Agosto 23, 1921
25. 1932 – nagkaroon ng kasarinlan
26. Saudi Arabia - naghangad ng kasarinlan ang mga Arab mula sa mga Turk. Tumulong ang mga Arab sa mga
British.
27. 1744 – nagsanib ng pwersa sina Muhammad Ibn Saud at Muhammad Ibn Abd-al-Wahhab upang makabuo ng
alyansang political
28. Haring Abdul Aziz Ibn Saud – inihayag niyang hari ang sarili noong 1932. Absolutong Monarkiya

Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan

1. India, Pakistan, Sri Lanka, Bangladesh, Arab Region


2. Bharat Aslam - Keshab Chunder Sen ng Bramo Samaj (1870). pagsulong ng karapatan ng mga kababaihan sa
edukasyon
3. Arya Mahila Samaj - Pandita Ramabai at Justice Ranade (1880). pagsulong ng karapatan ng mga kababaihan sa
edukasyon
4. Bharat Mahila Parishad (1905) at Anjuman-e-Khawatin-e-Islam - itinatag ni Amir-un-Nisa. pagsulong ng
karapatan ng mga kababaihan sa edukasyon
5. All India Women’s Conference - pagsulong naman ng karapatan ng kababaihan sa paggawa, rekonstruksyon ng
mga kanayunan at batas ukol sa bata o maagang pagpapakasal
6. All Indian Coordination Committee - benepisyo sa pagbubuntis, pantay na pasahod at mga pasilidad ng
daycare. Nabigyang pansin din sa ptulong ng Indian Factory Act noong 1891 ang hindi makatarungang bilang ng
oras ng pagtatrabaho ng mga kababaihan
7. Women’s India Association - Sarojini Naidu. mabigyan ng karapatan ang mga kababaihan na bumoto. Taong
1950, nabigyan ng karapatan ang mga kababaihan sa India na bumoto. Factories Act noong 1948 na nagbawal sa
mga kababaihan na magtrabaho sa mga delikadong mga makinarya. 1952, naipatupad ang Mine’s Act na
nagtalaga ng hiwalay na palikuran para sa mga lalaki at babae. Hindu Marriage Act ng 1955, naging legal ang
diborsyo
8. pagbabago sa edukasyon - Syed Ahmed Khan
9. Kilusang Khilafat - pagsuporta kay Turkish Khilafat na naging simbolo ng pagkakaisa ng mga Muslim
10. nabigyan ng pantay na karapatan ang mga kababaihan at nailaan sa mga sa kanila ang sampung posisyon sa
National Assembly at sampung bahagdan (10%) sa Asembleang Panlalawigan. Nabigyan rin ang mga
kababaihan ng karapatan na mahalal sa matataas na posisyon
11. United Front for Women’s Rights (UFWR), Women’s Front, Aurat at Shirkat Gah - instrumento upang maitatag
ang Women’s Action Forum (WAF). nangalaga sa mga karapatan ng kababaihan at nakipagpulong sa mga pinuno
ng pamahalaan at partidong politikal sa mga isyu ng kababaihan
12. Women’s Action Forum (WAF) - nagtagumpay ang Sindhian Tehrik, isang partidong politikal sa Sindh ay
nagtagumpay sa kanilang layunin laban sa maagang pag-aasawa, poligamiya at ang karapatan sa pagpili ng
mapapangasawa
13. Mother’s Front – 1984. protesta sa pagkawala ng miyembro ng isang pamilya na inaresto at kinulong ng mga
sundalo
14. Sri Lanka’s Women’s NGO Forum - maisulong ang aktibong partisipasyon ng mga kababaihan sa politika
15. LTTE o Liberation Tigers of Tamil Eelam – 1983. militanteng gerilya. nagdulot ng digmaang sibil. malayang
estado ng Tamil sa Sri Lanka. 1983, itinatag ng LTTE ang Women’s Front of the Liberation Tigers. Maraming
kababaihan ang umanib dito na nagpalaganap ng mga propaganda, panggagamot at paghahanap ng pondo.
kababaihan ay naging aktibo na rin sa pakikipagdigma gaya ng mga kalalakihan
16. Ang Women for Peace - Oktubre 1984 ay naging tagapagbantay sa militarisasyon ng Sri Lanka
17. Mahila Parishadm – 1970. pinakamalaking samahan ng mga kababaihan sa bansa. Ang samahang ito ay may
kapangyarihan na makaimpluwensiya sa pagpapatupad ng mga polisiya ng pamahalaan
18. mapatalsik si Hussain Ershad noong 1990 na ginamit ang impluwensiya upang mamolitika gamit ang
relihiyong Islam at pagsikil sa demokrasya
19. CEDAW o ang Convention on the Elimination of all forms of Discrimination Against Women -
magkakaparehong Kodigo Sibil at dagdag na kota ng kababaihan sa serbisyo sibil
20. Collective Women’s Platform - nagsulong na mapigilan ang karahasan laban sa mga kababaihan
21. Isha L’lsha-Haifa Feminist Center - Security Council Resolution 1325 na humikayat sa mga kababaihan na
makiisa sa negosasyon ata talakayan tungkol sa sigalot ng Israel at Palestine. paano mapapangalagaan ang
kanilang karapatan.
22. Reyna Rania Al-Abdulla - panagangampanya laban sa pang-aabuso sa kababaihan
23. Susan Mubarak - batas pampamilya at pagbabawal sa pagkapon sa mga kababaihan ay isinulong ng National
Council on Women
24. Sheikha Fatima Bint Mubarak - UAE, nabigyan ng ng karapatan ang mga kababaihan na makapag-aral sa
kolehiyo at magkaroon ng karapatang ekonomiko
25. Arab Women Connect - 2000. Ito ay isang pangrehiyong network upang maisulong ang kamalayan ng mga
kababaihan sa kanilang mga Karapatan
Pagwawakas ng imperyalismo at ang mga Relihiyon at Kultura sa Timog at Kanlurang Asya

1. Mohandas Gandhi - Humingi ng ng kalayaan ng India na hindi gumagamit ng karahasan, pag boycott sa mga
produktong Ingles, pagsasagawa ng civil disobedience o di pagsunod sa pamahalaan at hunger strike.
2. Mohammad Ali Jinnah - Namuno sa Muslim League na may layunin ng hiwalay na estado para sa mga Muslim
at ihiwalay o makalaya ang Pakistan sa India.
3. Mustafa Kemal Ataturk - Nagbigay daan sa Kalayaan ng Turkey sa kabila ng pagbabalak na paghatihatian ng mga
Europeo ang bansa. Nagpatawag ng pambansang halalan at namuno sa turkong militar na hingiin ang Kalayaan
ng Turkey sa mga Europeo.
4. Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini - Namuno sa pagkilos sa Iran at bumatikos sa kanilang Shah dahil sa
mga karahasan sa mamamayan, pagpanig nito sa mga dayuhan at pag-suporta sa
5. Ibn Saud - Tinalo ang kanyang katunggali sa pamumuno at tinipon ang halos kabuuan ng tangway ng Arabia at
itinalagang hari ang sarili at pinangalanang Saudi Arabia ang kanyang kaharian. Binigyangn ng oil concession ang
isang kompanya ng bansang United States. Naging neutral siya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at hindi
rin seryosong nakialam sa digmaang Arab-Israel.
6. Taliban - grupo ng mga radikal na Muslim na nagpapatupad ng mga kautusan laban sa mga kababaihan tulad ng
pagsuot ng bruka o ang tradisyunal na pananamit na tumatakip sa buong katawan, pagsusuot ng mga belo na
tumatakip maging sa kanilang mga mata. inalis ang mga karapatan ng mga kababaihan sa pagboto, pag-aaral,
pagtatrabaho at pagtanggap ng mga benepisyong pangkalusugan.

Ang Mga Pagbabagong Pang-Ekonomiya, Antas ng Pag-unlad at Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya

1. Look East Strategy – 1992. patakarang pang-ekonomiya na kaugnay sa ugnayang panlabas ng bansa. tumibay
ang ugnayang pangkalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng India at mga bansa sa Silangan at Timog Silangang
Asya lalo na sa mga bansang kasapi ng ASEAN. ANg pagpapatupad nito ay isang kakbang ng India tungo sa
globalisasyon. Binago rin ang sistema ng pagbubuwis at pagkontrol sa pagluluwas ng mga produktong
pangkalakal nito.
2. Information Technology - industriyang pang imprastraktura, kuryente, telekomunikasyon, paliparan at sektor ng
pananalapi
3. napaangat ng India ang ekonomiya at antas ng pamumuhay sa bansa dahil sa paglaganap ng
industriyalisasyon, pakikipagkalakalan sa ibang bansa, pagkakaroon ng mga Indian ng kasanayang kailangan sa
mga pabrika, industriya at mga korporasyon, pagiging buas na pamilihan dahil sa mga multinational na
kompanya na naglagay ng kanilang mga puhunan at pagkakaroon ng mga plantang nukleyar na nagbibigay ng
enerhiya ng bansa.
4. Ninanais ng Pakistan na maibigay sa mga tao ang mga pangunahing serbisyo gaya ng trabaho, kalusugan at
edukasyon.
5. Patuloy na umunlad ang industriya ng Pakistan maging ang mga imprastraktura nito sa kabilang ng pagiging
agrikultural na bansa nito
6. Kanlurang Asya ay kilala dahil sa mga mina ng langis na matatagpuan dito. Nangunguna rito ang mga bansang
Saudi Arabia, Iraq, Kuwait at Iran dahil sa taglay nitong malaking reserba ng mina ng langis at natural
gas.Naging maunlad ang mga bansa sa rehiyong ito dahil sa industriya ng langis.
7. Langis – pangunahing industry sa Saudi Arabia
8. Desalinisasyon - pag-aalis ng asin sa tubig mula sa dagat. ginamit ang tubig sa prosesong ito sa mga tahanan,
industriya, at paghahalaman.
9. pagpapaunlad ng sistema ng ng transportasyon, komunikasyon at mga imprastraktura ay ilan sa manipestasyon
ng pag-unlad ng bansang ito.
Mga Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa Kulturang Asyano

1. Panitikan, Musika, Arkitektura, Sports


2. Sanskrit - Timog Asya, India. sa wikang ito naisulat ang mga klasikal na panitikang Indian.
3. Mahabharata – Timog Asya, India. nagsasalaysay ng pantribong digmaan.
4. Ramayana – Timog Asya, India. tungkol sa buhay ni Rama, ang lalaking bida sa epiko
5. Kalidasa – Timog Asya, India. ang pinakadakilang dramatist ng India, may-akda ng Shakuntala.
6. Panchatantra – Timog Asya, India. pinakamatanda at pinakatanyag na koleksiyon na naglalaman ng mga
kuwento ukol sa alamat, engkantada at pabula.
7. Rabindranath Tagore – Timog Asya, India. manunulat na taga Bengal at kauna-unahang Asyano na nagwagi
noong 1913 ng Gawad Nobel para sa panitikan.
8. Gitanjali – Timog Asya, India. isang aklat ng mga tula.
9. Golpa Guccha – Timog Asya, India. koleksyon ng mga kuwento ukol sa ordinaryong pamumuhay at dinadanas na
paghihirap ng mga tao.
10. A Thousand and One Nights o Arabian Nights – Kanlurang Asya, Iran (Persia). kuwentong Persiano na hango sa
kuwentong Indian.
11. Rubaiyat – Kanlurang Asya, Iran (Persia). napakagandang tula na isinulat ni Omar Khayyam.
12. Shmuel Josef Agnon – Kanlurang Asya, Israel. siya ang kauna-unahang Hudyo na nakatanggap ng Noble Prize sa
kaniyang akda na “The Bridal Canopy” at “A Guest for the Night”
13. Yehuda Anichi – Kanlurang Asya, Israel. nakilala sa kaniyang akda na “Songs of Jerusalem and Myself.
14. Sitar – India. ito ay gawa sa pinatuyong upo at maraming kuwerdas ang pinakabantog na instrumento.
15. Ragas – India. ito ay isang musika na nag-aalis ng sakit. Mayroong tiyak na oras at panahon sa pagtugtog nito.
16. tamburin, plawta (vina) at tambol (maridangan) – India
17. mi’zafa, gussaba, mizmar, tambourine – Kanlurang Asya, Saudi Arabia
18. Stupa - India. ito ay mga templong Budista na gawa sa laryo o batong may bilugang umbok na may tulis na tore.
19. Taj Mahal- India. ipinatayo ni Shah Jahan para sa kaniyang asawa na si Mumtaz Mahal na namatay sa
ikalabingapat nilang anak.
20. Mecca -Saudi Arabia. banal na lungsod ng mga Muslim, matatagpuan sa Saudi Arabia.
21. Masjid o Mosque – Saudi Arabia. itinuturing na pinakamahalagang pagpapahayag ng sining Islamik.
22. Ribat – Saudi Arabia. gusaling panrelihiyon na may parisukat na hugis, ang entrada ay napapalamutian at sa
gitna ay may patyo.
23. Turbe – Saudi Arabia. musoleo ng mga Shi’ite Muslim na may maliliit na gusali na hugis bilugan, ang bubungan
ay may turret na hugis dulo ng lapis
24. Kabaddi- India. Sa larong ito, gagawin lang ng magkabilang pangkat ay manghuhuli ng miyembro ng
katunggaling pangkat.
25. Baraha- India. popular na laro sa mga hari at maharlika ng kahariang korte
26. Chess- India. kilala sa India bilang Chaturanga
27. Judo at Karate- India. mahalagang pananggalang ng mga Budista sa mapanganib na paglalakbay patungong
Japan, China, at Korea na naguugnay sa repleksiyong panloob ng mga Budista sa kanilang buhay.
28. Iraq (Mesopotamia), Kanlurang Asya - clay tablet ng naglalaro ng buno (wrestling) at boksing.
29. Iran (Persia), Kanlurang Asya - Pangangabayo
30. Syria, Kanlurang Asya - Gwada Showaa sa hurdles at high jump
31. Turkey, Kanlurang Asya - weightlifting nakilala si Naim Suleymanoghi na nag-uwi ng tatlong gintong medalya.

You might also like