You are on page 1of 29

Nasyonalismo sa

Silangan at
Timog-Silangang
Asya
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Silangang Asya: CHINA

Rebelyong Taiping
- pinamunuan ni Hung Hsiu Ch’uan (Hong Xiuquan) laban sa Dinastiyang Qing na pinamunuan ng mga
dayuhang Manchu.

Petsa: Disyembre 1850-Agosto 1864


Lokasyon: Timog China
Layunin: Mapabagsak ang dinastiyang Qing (Dinastiyang Manchu) na pinamumunuan ng mga dayuhang
Manchu.
Bunga: Nagapi ng Dinastiyang Qing (Manchu) ang Rebelyong Taiping sa tulong ng British at French.

Hangad ng Rebelyong Taiping

-pagkakapantay-pantay ng karapatan para sa kababaihan


-pagpapalit ng mga relihiyong Confucianism at Buddhism sa relihiyong Kristiyanismo.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Silangang Asya: CHINA

Rebelyong Boxer

Petsa: 1899
- Tinawag na itong rebelyong boxer dahil ang mga naghimagsik ay
miyembro ng samahang I-ho Chu’an o Righteous and Haronious Fists.
Layunin: Patalsikin ang lahat ng mga dayuhang nasa bansa kabilang dito ang
mga kanluranin.
Ang China sa Gitna ng Dalawang Magkatunggaling
Ideolohiya

-Lumaganap sa bansa ang dalawang ideolohiya, ang demokrasya at


komunismo.

-ito ay nagdulot ng pagkakahati ng bansa at nagdudyat ng


tunggalian ng mga pinunong Tsino.
Ideolohiyang Demokrasya sa China

- Ang pagbagsak ng dinastiyang Manchu ay senyales ng pagwawakas ng


mahigit sa 2000 taon ng pamumuno ng mga dinastiya sa China.

Sun Yat Sen- isinulong niya ang pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang tatlong
prinsipyo: ang san min chu-i o nasyonalismo, min-tsu-chu-i o demokrasya at
min-sheng-chu-i o kabuhayang pantao.
Ideolohiyang Demokrasya sa China

SUN YAT SEN


- naging ganap ang pamumuno niya nang pamunuan niya ang mga Tsino sa
pagpapatalsik sa mga Manchu sa tanyag na Double Ten Revolution na
naganap noong Oktubre 10, 1911. Sa araw ding ito itinatag ang bagong
Republika ng China.
- Dahil sa kanyang tagumpay, pansamantala siyang itinalaga bilang pangulo
ng bansa noong Oktubre 29, 1911 at tinagurian siyang “Ama ng
Republikang Tsino”.
Ideolohiyang Demokrasya sa China

SUN YAT SEN


- Itinatag niya ang Partido Kuomintang o Nationalist Party noong 1912.
- Naging batayan sa kanyang pamumuno ang paggamit ng konsiliasyon
(conciliation) at pagkakasundo (compromise) upang maiwasan ang alitan
at maisulong ang kaunlaran ng bansa.
- Naniniwala siya na dapat pagtuunan ng pansin ang regulasyon ng
puhunan (regulation of capital) at pantay-pantay na pag-aari ng lupa
(regularization of land ownership).
- Hindi siya naniniwala na kailangan ang tunggalian ng mga uri o class
struggle upang makamit ang pagkakaisa, kaayusang panlipunan at
kaunlarang pang-ekonomiya.
Ideolohiyang Demokrasya sa China

HENERAL CHIANG KAI-SHEK

-humalili bilang pinuno ng Partido Kuomintang nang namatay si Sun Yat Sen
noong Marso 12, 1925.
-sa ilalim ng kanyang pamumuno, ipinagpatuloy ng Koumintang ang
pakikipaglaban sa mga warlords (nagmamay-ari ng lupa na may sariling
sandatahang lakas).

Matapos magapi ang mga warlords, hinarap ng Koumintang ang isa pang
kalaban-ang pagpasok ng katanggaling ideolohiya sa China-ang komuniso na
ipinalaganap ni Mao Zedong.
Ideolohiyang Komunismo sa China

-pumasok ang ideolohiyang komunismo noong 1918.

MAO ZEDONG
- pinamunuan ang komunismo
-sinuportahan at isinulong niya ang mga prinsipyo ng komunismo tulad ng
tunggalian ng uring manggagawa o proletariat laban sa uri ng kapitalista o
bourgeois.
Ideolohiyang Komunismo sa China

-upang ganap na maisulong ang kanilang ideolohiya, itinatag niya ang Partido
Kunchantang noong 1921.

-pinamunuan niya ang Red Army (komunistang sundalong Tsino) at sila ay


tumakas patungo sa Jiangxi. Tinawag itong long march dahil sa kanilang
nilakbay na may layong 6000 milya at inabot ito ng isang taon.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Silangang Asya: JAPAN

-tinanggap ng Japan ang mga kanluranin nang hilingin nito na ipatupad ang
Open Door Policy noong 1853. Dito umusbong ang damdaming nasyonalismo
ng mga Hapones, ipinakita ito ng mga Hapones sa kabila ng pananatili ng mga
kanluranin sa kanilang teritoryo. Ito ay pinasimulan ni Emperador Mutsohito
na siyang namuno sa panahon na kilala bilang Meiji restoration.
Ang Modernisasyon ng Japan: Panahon ng Meiji
Restoration

EMPERADOR MUTSOHITO

-tumagal ang kanyang pamumuno mula 1867 hanggang 1912.


-siya ang naglipat ng kabisera ng Japan sa Edo (Tokyo sa kasalukuyan).
-yinakap niya ang impluwensya ng mga kanluranin na kanyang ginamit upang
mapaunlad ang Japan at ilan sa mga ito ay ang mga larangan sa edukasyon,
ekonomiya at sandatahang lakas.
Ang Modernisasyon ng Japan: Panahon ng Meiji
Restoration

EDUKASYON

• Nagpatupad ng compulsory (sapilitang) edukasyon sa elementarya.


• Nag-imbita ng mga mahuhusay na guro mula sa ibang bansa.
• Ipinadala ang mga iskolar na Hapones sa ibang bansa.
Ang Modernisasyon ng Japan: Panahon ng Meiji
Restoration

EKONOMIYA

• Nagtungo sa United States at Europe upang matutuhan ang paraan ng


pagnenegosyo at pagpapaunlad ng iba’t-ibang industriya.
• Nagpagawa ng mga kalsada, tulay, linya ng kuryente na nagpaunlad sa
Sistema ng komunikasyon at transportasyon.
Ang Modernisasyon ng Japan: Panahon ng Meiji
Restoration

SANDATAHANG LAKAS

• Pinalakas ang sandatahang lakas sa pamamagitan ng pagpapagawa ng


makabagong barko at kagamitang pandigma.
• Isinaayos ang pagsasanay ng mga sundalong Hapones.
Modernisasyon ng Japan

BANSA NATUTUHAN

GERMANY • Sentralisadong pamahalaan,


ginawang modelo ang
konstitusyon nito.
ENGLAND • Kahusayan at pagsasanay ng
mga sundalong British.
UNITED STATES • Sistema ng edukasyon
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya: INDONESIA

Umunlad ang nasyonalismong Indones dahil sa paghahangad na matigil anng


mga hindi makatarungang patakaran ng mga mananakop na Dutch.
Nagsimula ang pakikibaka ng mga Indones noong 1825. Sa taong ito ay
pinamunuan ni Diponegoro ng Java ang isang malawakang pag-aalsa. Noong
1930 nalupig ng mas malakas na pwersa ng mga Dutch ang pwersa ni
Diponegoro.
Mga Makabayang Samahan sa Indonesia

Samahan Taon ng Kilalang Pinuno Layunin


Pagkakatatag

Budi Utomo 1908 Mas Wahidin Isang samahan pangkultural. Layunin nito na maipakilala sa
Sudirohusodo daigdig ang mayamang kultura ng Java at mabigyang karapatan
sa edukasyong kanluranin ang mga Indones.

Sarekat 1911 Omar Said Itinatag upang isulong ang kabuhayan ng mga Indones.
Islam Tjokroaminoto Binigyang diin din ang politikal na kalagayan ng Indonesia.

Indonesian 1920 Naghangad ng Kalayaan mula sa mga Dutch. Namuno sa pag-


Communist aalsa noong 1926 at 1927. parehong nabigo ang pag-aalsa na
Party makamit ang Kalayaan ng kanilang bansa.

Indonesian 1919 Sukamo Paglaban sa mga mapaniil na patakaran ng mga Dutch.


Nationalist Party Naniniwala sila na matitigil ang mga patakaran na
nagpapahirap sa kanilang kababayan kung makakamit ang
Kalayaan mula sa mga Dutch.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya: BURMA

Ang pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa Bura ay nagsimula noong


1900s sa pamumuno ng mga edukadong Burmeses ng nakapagaral sa loob at
labas ng bansa. Bagamat binigyan ng pagkakataon ng mga British na maging
bahagi ng lehislatura ang mga Burmese, hindi ito naging sapat upang
maisulong ang kapakanan ng Burma. Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga
Burmese sa pamamagitan ng rebelyon at pagtatag ng mga makabayang
samahan.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya: INDOCHINA

Bunga ng pagkakaiba ng kanilang lahi at kultura, hindi nakamit ng mga taga


Indochina ang pagkakaisa upang labanan ang mga mananakop na kanluranin.
Ang mga Vietnamese ay nagpakita ng damdaming nasyonalismo sa
pamamagitan ng pakikidigma sa mga kanluranin. Nagkaroon ng malaking
epekto sa kalayaan ng Indochina ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa
pagkakasangkot ng France na siyang nakasakop sa bansa.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya: INDOCHINA

Nagdeklara ng Kalayaan
Habang Nagaganap
ang Ikalawang Nasakop ng Japan
Digmaang ang Indo-China dahil
Pandaigdig sa pagkatalo ng Hinimok ng Japan Emperador Bao Dai ng Vietnam
France laban sa ang mga
Germany. namumuno sa Indo-
China na ideklara Haring Norodom Sihanouk ng
ang Kalayaan. Cambodia

Haring Sisavang Vong ng


Louangphrabang
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya: INDOCHINA

Nakipaglaban si Nahati ang Vietnam sa 17th parallel


Ho Chi Minh sa
Hilagang Vietnam Hilagang Vietnam
laban sa mga - pinamunuan ni Ho Chi Minh
Pagkatapos ng Tsino at British. - komunismo
Ikalawang
Timog Vietnam
Digmaang
- pinamunan ni Boo Dai
Pandaigdig
-demokrasya
Ipinahayag ng -sinuportahan ng USA
Laos ang isang
malayang bansa. Nagwagi ang Hilagang Vietnam
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya: INDOCHINA

Pagkamit ng Kalayaan

Pakikipaglaban sa mga Hapones

Anti-Facist People’s Freedom

All-Burma Students’ Union

Rebelyong Saya San

Mga pagkilos tungo sa pagkamit ng Kalayaan ng Burma


Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya: INDOCHINA

Saya Sen- pinamunuan ang serye ng rebelyon laban sa mga British mula
noong 1930 hanggang 1932.
All-Burma Students’ Union- tinatawag na thnkin ang mga miyembro ng
samahang ito na ang ibig sabihin ay master.
-isinulong nila ang kanilang mga hangarin sa pamagitan ng demonstrasyon at
rally.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya: INDOCHINA

Aung San
- itinatag ang Anti-Facist People’s Freedom League. Nakipagtulungan ang
samahan na ito sa hukbo ng Allied Powers. Nagtagumpay ang samahan na
mapatalsik ang mga Hapones.
-dahil sa kanyang pamumuno, itinalaga si Aung San bilang punong ministro ng
Burma noong 1947.

U nu- pumalit kay Aung San bilang pinunong ministro at noong 1951 ay
nahalal siya bilang pangulo ng bansa.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya: PILIPINAS

-nasakop ang Pilipinas ng mga Espanyol sa loob ng 333 na taon.


Indio- tawag ng mga Espanyol sa mga Pilipino

Sa pagpasok ng ika 19 na siglo, nagkaroon ng malaking pagbabago sa


ekonomiya at lipunang Pilipino. Umusbong ang gitnang uri o middle class.
Sila ay mayayamang Pilipino, mestisong Tsino at Espanyol na nakapag-aral
sa mga kilalang unibersidad ng Pilipinas at maging sa Spain. Ang grupong ito
ay tinatawag na ilustrado mula sa salitang latin na ilustre na ang ibig sabihin
ay naliwanagan.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya: PILIPINAS

Ang pagpapamalas ng nasyonalismong Pilipino ay pinasimulan ng mga


ilustrado na nagtatag ng Kilusang Propaganda at ipinagpatuloy ng mga
Katipunero na nagpasimula ng Katipunan.
EBALWASYON
1.

You might also like