You are on page 1of 21

7

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Unang Yugto ika 16 – 17
siglo, Pagdating sa Silangan at Timog -
Silangang Asya
Aralin Kolonyalismo at Imperyalismo ng
mga Kanluranin sa Unang Yugto
ika16-17 siglo, Pagdating sa
Silangan at Timog – Silangang Asya

Balikan

Bago natin sisimulan ang ating leksiyon, balikan muna natin ang nakaraang aralin sa
ikatlong markahan. Tukuyin ang mga sumusunod kung anong uri ng kontribusyon ng Timog at
Kanlurang Asya sa Kulturang Asyano ito nabibilang. Pumili ng mga sagot sa ibaba, isulat
lamang ang letra ng tamang sagot.

A. Arkitektura C. Pampalakasan B. Panitikan


D. Musika at Sayaw

____ 1. Taj Mahal ng India

____ 2. Sanskrit ng India

____ 3. Rubaiyat ng India

____ 4. Weight Lifter ng Turkey

____ 5. Instrumentong Trumpeta ng mga Iraqi

Tuklasin

1
Gawain 1: AYUSIN MO AKO!

Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang mga pangalan ng mga bansa sa mga
rehiyong nabanggit. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

SILANGANG ASYA TIMOG – SILANGANG ASYA

CINHA SAPILIPIN
1. ______________________ 1. _______________________

JAANP N E S I A I N DO
2. ______________________ 2. _______________________

WATAIN SIAMALAY
3. ______________________ 3. _______________________

Suriin

Silangang Asya

2
Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon ng ugnayan ang Silangang Asya sa mga
bansang kanluranin dahil sa mga sinaunang rutang pangkalakalan. Bagama’t maraming
naghangad na ito ay masakop, hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya ng unang
yugto ng imperyalismong kanluranin dahil na rin sa matatag na pamahalaan ng mga bansa
dito. Ipinatupad ng China ang paghihiwalay ng kanyang bansa mula sa daigdig (isolationism)
dahil mataas ang pagtingin niya sa kanyang kultura at naniniwala siya na makasisira ito kung
maiimpluwensiya ng mga dayuhan. Bagama’t pinahintulutan ang mga Kanluranin,
pinapayagan lamang sila sa daungan ng Guanghzou at dapat na isagawa ng mga dayuhang
mangangalakal ang ritwal na Kowtow bilang paggalang sa emperador sa China.

Ang bansang Portugal ay naghangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang Asya


partikular sa China. Nakuha ng Portugal ang mga daungan ng Macau sa China at Formosa
Taiwan. Hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga nabanggit na himpilan.

Timog-Silangang Asya

Sa unang yugto ng mga imperyalismong Kanluranin, karamihan ng mga daungan sa


rehiyong ito ay napasakamay ng mga kanluranin. Ang mataas na paghahangad na makontrol
ang kalakalan ng pampalasa at pagkuha ng ginto ay siyang nagtulak sa kanila na sakupin ang
Timog-Silangang Asya. Nauna ang bansang Portugal at Espanya sa pananakop ng mga

3
lupain. Nang lumaya ang Netherlands mula sa pananakop ng Espanya, nagtayo rin ito ng mga
bansa sa Timog-Silangang Asya. Hindi nagtagal ay sumunod din ang mga bansa ng England
at France.

Ang mga sumusunod ay bansa sa Timog-Silangang Asya na sinakop noong unang


yugto ng imperyalismong kanluranin:

A. PILIPINAS
BANSANG MGA LUGAR PARAAN NG PANANAKOP
SUMAKOP NA SINAKOP
Espanya Ilang bahagi ng Unang dumaong sa isla sa Homonhon si Ferdinand
Luzon at
Visayas at ilang Magellan, isang Portugese na naglayag para sa hari ng
bahagi ng Espanya noong March 16, 1521. Nabigo siyang masakop
Mindanao.
ang Pilipinas dahil napatay siya ng mga tauhan ni Lapulapu
sa labanan sa Mactan. Nagpadala ang Hari ng Espanya ng
iba pang manlalakbay sa pamumuno ni Miguel
Lopez de Legazpi na ang layunin ay masakop ang
Pilipinas.

 Relihiyong Kristiyanismo - relihiyong ipinalaganap ng


mga Espanyol.
 Sanduguan – paraan ng mga Espanyol sa
pakikipagkaibigan sa mga lokal na pinuno.

Patakaran na Ipinatupad ng mga Espanyol

Patakarang Patakarang Patakarang Patakarang


Reduccion Pangkabuyahan Pampolitika Pangkultura
4
- Naglalayon ng 1.Tributo – sa Sentralisadong 1. Pagpapalaganap ng
mailipat ang patakarang ito ay Pamamahala – Kristiyanismo -

mga katutubo na pinagbabayad ng buwis napasailalim sa niyakap ng mga


ng mga Espanyol ang pamumuno ng mga katutubo ang
naninirahan sa
mga katutubo. Maaari Espanyol ang halos Kristiyanismo.
malalayong lugar
kabuuan ng bansa.
upang matiyak nilang ipambayad ang
Itinalaga ng Hari ng
2.Wika at Pagdiriwang –
ang ginto, produkto at mga ari- Espanyol bilang natuto ang mga katutubo ng
kapangyarihan arian at dahil dito kaniyang kinatawan wikang Espanyol.
ng mga Espanyol maraming katutubo ang sa Pilipinas ang
gayundin ang naghirap at nawalan ng Gobernador-heneral.
pagpapalaganap kabuhayan. Siya ang
ng Kristiyanismo. 2. Monopolyo - pinakamataas na
kinokontrol ng mga pinuno ng Espanyol
Espanyol ang kalakalan. sa Pilipinas.
Hinawakan nila ang
pagbebenta ng mga Simbahang Katoliko
produktong nabili sa – dahil sa
Europa tulad ng tabako impluwensiya sa
at dahil dito maraming taong-bayan, naging
makapangyarihan din
pamilya ang nagutom ang mga Espanyol na
sapagkat hindi sila pari at kura paroko
noong unang
makapagtanim ng
panahon ng
kanilang makakain. pananakop ng mga
3. Polo y Servicio – Espanyol.
sa ilalim ng patakarang
ito ay sapilitang
pinagtatrabaho ang mga
kalalakihang may edad
16 hanggang 60 at dahil
dito marami sa kanila ang
nahiwalay sa pamilya at
namatay sa hirap.

HERARKIYA NG PAMAMAHALA NG MGA ESPANYOL


5
Gobernador Heneral

Alcade Mayor/Corregidor


Gobernadorcilio


Cabeza de Barangay

B. INDONESIA
SUMAKOP MGA LUGAR NA DAHILAN PARAAN NG PANANAKOP
SINAKOP
1. Portugal  Ternate sa Mayaman sa mga Dahil sa paghahangad sa
2. Netherlands Moluccas pampalasa mga pampalasa, narating ng
3. England  Amboine at (cloves, nutmeg, at Portugal ang Ternate sa
mace), sentro ng
Tidore sa Moluccas noong 1511.
kalakalan at
Moluccas maayos na  Nagtayo ng himpilan
 Batavia (Jakarta) daungan. ng kalakalan
 Relihiyong
Kristiyanismo
 Gumamit ng divide and
rule policy- isang
paraan ng pananakop
kung saan ay
naninirahan sa isang
lugar.

6
Hindi tulad ng mga Espanyol, sinakop lamang ng mga Dutch ang mga sentro ng
kalakalan ang mga Indones noong 1511. Ito ang naging pangunahing patakaran ng mga
Dutch sa pamumuno ng Dutch East India Company sa pananakop dahil sa mas malaki ang
kanilang kikitain at maiwasan pa nila ang pakikipagdigma sa mga katutubong pinuno. Subalit,
kung kinakailangan, gumamit din sila ng pwersa o dahas upang masakop ang isang lupain.
Bunga nito, pangunahing naapektuhan ang kabuhayan ng mga katutubong Indones. Lumiit
ang kanilang kita at marami ang naghirap dahil hindi na sila ang direktang nakipagkalakalan
sa mga dayuhan. Sa kabila ng pagkontrol sa kabuhayan, hindi naman lubusang
naimpluwensiya ng mga Dutch ang kultura ng mga Indones.

C. MALAYSIA
SUMAKOP DAHILAN EPEKTO
1. Portugal Pagkontrol sa sentro ng  Hindi napalaganap ang
2. Netherlands kalakalan
Kristiyanismo dahil sa malakas
3. England
na impluwensiyang Islam sa
rehiyon.
 Maraming katutubo ang
naghihirap dahil sa pagkontrol ng
mga nabanggit na bansa sa mga
sentro ng kalakalan.

7
KARAGDAGANG KAALAMAN

TALASALITAAN
Kolonyalismo tumutukoy sa tuwirang pananakop ng isang bansa sa ibang dako para
pagsamantalahin ang yaman nito o makuha rito ang iba pangangailangan
ng mga kolonisador.

Imperyalismo ay batas o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o


makapangyarihang bansa ang naghahangad upang palawakin ang
kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng
mga paglaban o control na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng
ibang mga bansa.

Kolonya isang bansa o rehiyong nasakop ng isang mananakop.


Sphere of isang panlabas na kapangyarihan ang umaangkin ng mga pribilehiyong
Influence pampamuhunan at pangangalakal.

Protektorado isang rehiyon na may sariling pamahalaan subalit nasa ilalim ng kontrol ng
isang panlabas ng kapangyarihan.

Ekonomiko isang nagsasarili o malaya ngunit hindi pa gaanong maunlad na bansang


pinamamahalaan ng mga pribadong kumpanya na may kanaisang
pangnegosyo sa halip sa ibang mga pamahalaan.

Moluccas tinatawag ding Maluku at kilala bilang Spice Island


Dutch ang tawag sa mga naninirahan sa bansang Netherlands.

8
Pagyamanin

Gawain 2: JUMBLED LETTERS

Panuto: Ayusin ang mga pinaghalu-halong pantig (jumbled syllable) para mabuo ang mga
salitang ipinaliliwanag sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel.

1. Ang bansang kanluranin na sumakop sa Pilipinas. Esyapan

2. Mayaman ang bansang Indonesia nito. salapapam

3. Ang relihiyon na ipinalaganap ng mga Kastila. monisyakristi

4. Isa sa mga dahilan sa pagpasok ng mga kanluranin. lankalaka

5. Isa sa mga epekto ng pananakop sa Asya. panrahika

9
Isaisip

Gawain 3: Fill Me In!


Panuto. Punan ng mga angkop na salita ang patlang. Isulat sa sagutang papel.

Ang (1) ____________ ay batas o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o
makapangyarihang bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan.

Tinatawag na (2) __________ ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa ibang dako para
pagsamantalahin ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mga
kolonisador.

Bilang (3) ______________ng mga Kanluranin, ang mga bansang Asyano ay


pinagkukunan ng (4) ___________na (5) ______________at pamilihan ng produktong
Kanluranin.

10
Isagawa

Gawain 4: Kompletuhin Mo Ako!


Bumuo ng data information sheet na nagpapakita ng mga dahilan at epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at Timog –Silangang Asya. Gawin ito sa sagutang
papel.

KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA

Bansa Dahilan Epekto

1. China

2. Taiwan

3. Indonesia

4. Malaysia

5. Pilipinas

11
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel.

____1. Ang unang lugar na narating ng mga Portugese.


A. Silangang Asya
B. Timog Asya
C. Kanlurang Asya
D. Timog- Silangang Asya
____2. Ang Katolisismo sa mga pulo ng Silangan at Timog-Silangang Asya ay ipinalaganap ng
mga;
A. Portugese
B. Dutch
C. English D. Hapon
____3. Dahil nito naisakatuparan ang mithiin ng mga Espanyol na ayusin ang populasyon sa
mga lungsod nito;
A. reduccion
B. pueblo
C. barangay D. siyudad
____4. Ang bansa sa Timog- Silangang Asya kung saan mayaman sa pampalasa.
A. Taiwan
B. Malaysia
C. Indonesia
D. Pilipinas
____5. Ito ay kilala bilang Spice Island ng Indonesia.
A. Pulo ng Moluccas
B. Sumatra
C. Java
D. Sulawesi
____6. Ang tawag sa mga naninirahan sa bansa ng Netherlands.
A. Amerikano
B. Dutch
C. Indonesian D. Malaysian
____7. Sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang pinagtratrabaho ang mga kalalakihang may
edad 16 hanggang 60 taong gulang.
A. tributo
B. reduccion
C. polo y servicio
D. monopolyo

12
____8. Isang rehiyon na may sariling pamahalaan subalit nasa ilalim ng kontrol ng isang
panlabas na kapangyarihan.
A. kolonya
B. ekonomiko
C. imperyo
D. protektorado
____9. Isang paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng mananakop ang mga
lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar.
A. Divide and rule policy
B. Tributo
C. Monopolyo
D. Polo y Servicio
____10. Relihiyong ipinalaganap ng mga Espanyol sa Pilipinas.
A. Kristiyanismo
B. Islam
C. Protestante
D. Seventh Day Adventist

____11. Ito ay ang mga bansang sumakop sa Malaysia maliban sa;

A. England
B. Portugal
C. Netherlands D. Africa
____12. Isang Portugese na manlalayag na pinahintulutan ng hari ng Espaňa na maglayag sa
Karagatan noong March 16, 1521.
A. Marco Polo
B. Miguel Lopez de Legaspi
C. Ferdinand Magellan
D. Ruy Lopez de Villalobos

____13. Ang mga katutubo ay sapilitang pinagbabayad ng buwis ng mga Espanyol sa


patakarang ito.
A. Monopolyo
B. Protektorado
C. Tributo
D. Polo y Servicio
____14. Ang bansang ito ay mayaman sa mga pampalasa tulad ng cloves, nutmeg, at mace.
A. Malaysia
B. Pilipinas
C. Indonesia
D. China
____15. Ang bansa sa Timog- Silangang Asya kung saan mayaman sa ginto.
A. Taiwan
B. Malaysia
C. Indonesia
D. Pilipinas

13
Karagdagang Gawain

Gawain 5: NAME THAT PICTURE!


Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na larawan sa ibaba at punan ng mga letra ang mga
salita upang mabuo ito. Isulat sa sagutang papel.

1. 2.

d__ung__n k__l__ka__an

3. 4.

k__is__iy__n__sm__ C__in__

5.
T__iw__n

14
15
Sanggunian

Mga Aklat

Blando, Rosemarie C., et al. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan.
Eduresources Publishing, Inc., Pasig City, Philippines, 2014. pp. 314 - 329.

Mateo, Ph.D., Grace Estela C., et al. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan. Vibal
Publishing House Quezon City, Philippines. 2008. pp. 290 - 299.

Balonso, Ph.D., Celinia E., et al. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan,Araling Panlipunan. Manwal ng
Guro.Vibal Publishing House Quezon City, Philippines. 2008. pp. 83 - 85

Mga Website

Tl.wikipedia.org

Quizzi.com

Slideshare.net/jareddram 55

www.ibiscom.com/magellan/htm

Mga Mapa

Mapa ng Taiwan

Mapa ng China

Mapa ng Europa

16
17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang
Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E -mail Address: reiogn10@deped.govph

You might also like