You are on page 1of 10

7 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Araling Asyano
Ikatlong Markahan – Modyul 6
Neo-Kolonyalismo
sa Timog at Kanlurang Asya

Manunulat: Daisy Amelia V. Abergos

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin 1 Neokolonyalismo
sa Timog at Kanlurang Asya

Alamin
Sa araling ito ay iyong malalaman ang makabagong uri ng pananakop ng mga
kanluraning bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

At sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay:


1. nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto ng neokolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya;

1.1 natutukoy ang kahulugan ng neokolonyalismo at ilang konsepto na may


kaugnayan dito;
1.2 naiisa-isa ang mga uri/pamamaraan ng neokolonyalismo;
1.3 nalalaman ang mga epekto ng neokolonyalismo sa mga bansa
sa Timog at Kanlurang Asya.

Subukin

Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Hanapin sa kahon ang tamang kasagutan.

1. Tumutukoy ito sa makabagong uri ng pananakop._________________________


2. Ang mga bansang ito ang kadalasang nakapagsasagawa ng neokolonyalismo.
___________________________________________________________________________
3. Batayan ito para mapabilang ka sa tinatawag na developing or developed countries.
____________________
4. Ipinagkakaloob ito ng mga maunlad na bansa sa mga papaunlad pa lamang na
bansa.________________________ at _______________________
5. Pinamamahalaan ito ng mga dayuhang ahensya sa mga paaralan o pamantasan ng mga
bansang papaunlad pa lamang. ______________________________

Pasilidad Neokolonyalismo
Tulong at Donasyon First World o Maunlad na Bansa
Ekonomiya Intelektwal

City of Good Character


1
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Balikan

Gawain 2-“Sino Siya?”


Itapat sa tamang pangyayari o nagawa ang mga pangalan/bansa sa pie shape sa katapat na salita
na nasa rectangle shape. Isulat ang letra sa linya na nasa rectangle shape para sa inyong
kasagutan.

•naisilang na •namuno
bansa nang para sa
lumaya ang kalayaan ng
India noong Turkey at
August.15, hanggang
1947 mula naging isang
sa kamay ng A. republika
England B. ang Turkey
•_________ •__________
MAHATMA
GANDHI ABDUL

C.
D.
MUSTAFA
PAKISTAN
KEMAL
•namuno sa •pinunong
kalayaan ng nasyona-
Saudi Arabia lismo sa
at hinirang India at nag-
ang sarili patupad ng
bilang hari paraang
•____________ non-violence
•________

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

•NEOKOLONYALISMO ay ang di-tuwirang pananakop sa isang


bansang malaya na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang
NEO makapangyarihang bansa.

•Mga bansang kabilang sa THIRD WORLD (o mga bansang


papaunlad pa lamang) ang madalas nakakaranas nito dahil sa
KO pagkakaroon ng mahinang ekonomiya.

•Umaasa ang mga bansang third world sa FIRST WORLD ( o mga


LON bansang maunlad na ) o mga bansang may maunlad na ekonomiya

•Nakikita ang pag-iral ng neokolonyalismo sa mga tulong at


donasyon na ibinibigay ng dating mananakop na may kapalit na
YA pagkontrol sa ekonomiya ng dating sinakop na bansa.

•Globalisasyon ng edukasyon ang mga tagapamahala sa mga


pamantasan ay nakikipag-ugnayan sa mga Kanluraning bansa para
LIS doon magmula ang kakailanganing aklat at kagamitan.

•Dahil sa kakulangan sa pondo ay dayuhang ahensya ang


namamahala sa mga pasilidad ng mga pamantasan at dayuhang
kurikulum ang naisasakatuparan. Sa pamamagitan nito ay
MO nagaganap ang intelektuwal na pananakop.

Lumaya ang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya matapos magsagawa ng pag-aalsa ang
iba’t ibang samahang nasyonalismo. Subalit tila may magnet na humihila sa mga mayayamang
bansa para patuloy na manghimasok sa mga bansa sa Asya lalo na sa mga bansang papaunlad
pa lamang.

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mula sa bahagi ng tuklasin ay naibigay na ang kahulugan ng salitang neokolonyalismo. Gayundin
ang ilang pamamaraan o uri ng neokolonyalismo. Ang nasa diagram sa ibaba ay ang literal na
kahulugan naman ng salitang ito.

•salitang Greek na nangangahulugang bago NEO

•ay isang uri ng pananakop KOLONYALISMO

Gawain 3- “Luma vs. Bago”


Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang pangungusap ay tama at ekis (X) kung ang pangungusap
ay mali.
___1. Makabagong paraan ng pananakop ang neokolonyalismo.
___2. Mga bansang mauunlad ang karaniwang nakapagsasagawa ng neokolonyalismo.
___3. Magkapareho ang paraan ng pananakop ng unang yugto ng kolonyalismo at
neokolonyalismo.
___4. Salita ng mga Griyego ang katagang “neo”.
___5. Hindi maaaring maapektuhan ng neokolonyalismo ang edukasyon.

Suriin
Basahin ang susunod na mga pahayag para sa pagkaunawa pa ng mas malawak hinggil sa
paksang tatalakayin sa modyul na ito.

Sa Kanlurang Asya Samantala sa Timog


tulad ng Saudi Arabia, Asya tulad ng India ay
Iraq at Kuwait na nagkaroon ng mas
nagtataglay ng malaking puhunan ang
SANHI NG
malaking deposito kompanya ng mga
NEOKOLONYALISMO SA
TIMOG AT KANLURANG ng langis ay Amerikano sa
ASYA nag-unahan ang mga taong1992-1993 nang
bansang Kanluranin na magbukas ang
masakop ang mga ekonomiya ng India sa
bansang ito. kalakalang panlabas
noong 1991.

Mga Gabay na Tanong


1. Ano-ano ang sanhi ng neokolonyalismo?
2. Sa pangkalahatan, tungkol saan ang layunin ng pananakop ng mga Kanluranin
sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin

Ilahad sa talahanayan ang SANHI at maaring BUNGA ng Neokolonyalismo

Sanhi Bunga
1. 1.
2. 2.
3. 3.

Isaisip
Basahin at unawain ang mga pahayag para sa iba pang mga pamamaraan ng
neokolonyalismo.
 nagagawang kontrolin ng mayamang
Neokolonyalismong Politika bansa ang pamamahala sa mga bansang
mahihina.
pagtulong ng hukbong sandatahan sa
Politikal at Suportang bansang dati nilang sinakop kapag ang
Militar bansa ay nanganganib lusubin ng ibang
bansa. Hal. Pagtulong ng U.S sa Kuwait ng
ito ay lusubin ng bansang Iraq.
kultura o paraan ng pamumuhay ng
dayuhang bansa ang umiiral sa
mahihinang bansa tulad ng sayaw, istilo ng
Neokolonyalismong buhok, pagkain at iba pang paraan ng
Kultural pamumuhay.
Tulad sa India na sistema ng edukasyon
ng mga British ang pinairal nang ipagamit
ang wikang Ingles sa pagtuturo sa mga
paaralang Indians.

Sa ilalim ng neokolonyalismo ay tunghayan natin kung ano ang naging epekto at paano
tumugon ang mga bansang sumailalim sa makabagong uri ng pananakop.

City of Good Character


5
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
Gawain 4- “Neo Para sa Neokolonyalismo”
Piliin mula sa loob ng kahon kung ano ang nararapat na hakbang upang makaiwas tayo sa
impluwensiya ng ibang bansa. Isulat lamang ang letra ng iyong kasagutan.

___1. Pagdami ng made in Korea/China na sapatos sa palengke ng Marikina.


___2. Pangungutang ng pondo sa ibang bansa para maipaayos ang mga imprastraktura.
___3. Pagtatayo ng mga dayuhang base militar sa Pilipinas.
___4. Pag-angkat ng mga teknolohiya mula sa dayuhang mga kompanya.
___5. Paggamit ng mga hiram na kurikulum kahit di akma sa mag-aaral.

A. Pagbibigay ng pagsasanay sa mga guro na makagawa ng angkop na


kurikulum para sa Pilipinong mag-aaral.
B. Pagbabayad ng tamang buwis para sa mga pampublikong serbisyo.
C. Tangkilikin ang sariling atin kaysa mga imported na produkto.
D. Paigtingin ang pagsasanay ng mga hukbong sandatahan.
E. Bigyang suporta ang mga Pilipinong imbentor.
F. Mas bigyang pansin ang pag export at hindi ang pag-import

Tayahin
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang letra ng wastong sagot.
1. Tumutukoy ito sa makabagong uri at di-tuwirang pananakop ng mga bansang mayayaman
sa mga bansang papaunlad pa lamang.____
A. kolonyalismo sa Asya C. neokolonyalismo
B. kolonyalismo sa unang yugto D. pananakop ng Japan
2. Mga materyal o pinansiyal na ayuda mula sa dayuhan na ipinagkaloob sa mga papaunlad
na bansa._____
A. Donasyon o tulong C. Gift certificate
B. Gamit pang paaralan D. pagkampi sa kaaway
3. Dahil sa kakulangan ng pondo ay dayuhan ang namamahala sa pasilidad ng mga
unibersidad. ______
A. Globalisasyon ng edukasyon C. Globalisasyon ng militar
B. Globalisasyon ng ekonomiya D. Globalisasyon ng politika
4. Hindi maisaayos ng isang bansa ang sariling kurikulum sa edukasyon dahil sa dayuhang
layunin ang umiiral sa mga paaralan. _______
A. Di-tuwirang pananakop C. Neokolonyalismong politikal
B. Intelektuwal na pananakop O. Open door policy
5. Ang aspetong ito ang nakokontrol kapag maunlad na bansa ang nagtatalaga ng mga presyo
sa pamilihan. ______
A. Ekonomiya C. Politika
B. Kultura D. Pamahalaan

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6. Aling yaman ng bansa ang naging sanhi ng pagnanais ng mga Kanluranin na makontrol
ang presyo ng langis sa pamilihan? _____
A. Yamang dagat C. Yamang gubat
B. Yamang lupa D. Yamang mineral
7. Uri ng neokolonyalismong nakatuon sa paraan ng pamamahala ng mahirap na bansa tulad
sa eleksyon. ______
A. Neokolonyalismo sa Edukasyon C. Neokolonyalismong militar
B. Neokolonyalismong kultural D. Neokolonyalismong politikal
8. Sa neokolonyalismong ito ay nagtatayo ng mga base militar sa ibang bansa para umano
tulungan ang bansang pinagtayuan sakaling may nais na lumusob dito. _____
A. Neokolonyalismo sa Edukasyon C. Neokolonyalismong militar
B. Neokolonyalismong kultural D. Neokolonyalismong politikal
9. Paraan ng pamumuhay ng neokolonyalismong ito tulad ng paraan ng pananamit. _____
A. Neokolonyalismo sa Edukasyon C. Neokolonyalismong militar
B. Neokolonyalismong kultural D. Neokolonyalismong politikal
10. Dahil sa neokolonyalismo ay natutung sumandal ang mahihirap na bansa sa mga
mauunlad na bansa sa halip na magsumikap. Anong kasingkahulugan ng salitang naka
italicized? _____
A. pananggalang C. umaasa
B. sumasaklolo D. yumakap

Karagdagang Gawain

Isulat kung anong uri o paraan ng neokolonyalismo ang tinutukoy sa bawat islogan.

1. “Dati ay baro’t-saya ang kasuotan, ngunit


ngayo’y naka spaghetti itong kadalagahan” _____________________________________________
2. “Ang laban ko’y naging laban mo, pagka’t ____________________________________________
iyong binihisan aking sundalo.”
3. “Dito sa aking teritoryo nakapangyayari
aking sinasabi, nang sa kapangahasan ni
Joe sila ngayon ang may silbi.” ____________________________________________
4. “Sa dami ng yamng mineral sa sariling lupa
ko, pero sila sa kabilang ibayo ang
nagtatakda ng presyo.” ____________________________________________

Sanggunian

Blando et al. ASYA:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.Unang Edisyon.


EduresourcesPublishing, Inc. 2014. pp.280-282.

Blando et al. Kasaysayan ng Daigdig Unang Edisyon.Deped Instructional Materials Council


Secretariat 2013. pp 512-515

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
8 DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
GAWAIN 1
1.NEOKOLONYALISMO
2.FIRST WORLD O MAUNLAD NA BANSA
3.EKONOMIYA
4.TULONG AT DONASYON
5.PASILIDAD
6.INTELEKTUWAL
GAWAIN 2
1.D
2.C GAWAIN 4
3.B 1.C
4.A 2.B
3.D
GAWAIN 3 4.E
1. √ 5.A
2. √
3. × TAYAHIN
4. √ 1. C
5. × 2. A
Pagyamanin 3. A
Ipoproseso ng guro 4. B
5. A
6. D
7. D
8. C
9. B
10.C
KARAGDAGANG GAWAIN
1. NEOKOLONYALISMONG KULTURAL
2. NEOKOLONYALISMONG MILITAR
3. NEOKOLONYALISMONG POLITIKAL
4. NEOKOLONYALISMOMG EKONOMIKS
Susi ng Pagwawasto
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Daisy Amelia V. Abergos
Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano
Tagaguhit: Gwendelene J. Corañez

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource, Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like