You are on page 1of 16

7 Department of Education

National Capital Region


S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Araling Asyano
Unang Markahan – Modyul 1

Manunulat: Mark Nhowie A. Santos


Tagaguhit ng kober: Ma. Gwendelene J. Corañez

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin
Konsepto ng Asya
1

Alamin
Ang bansang Pilipinas ay matatapuan sa pinaka malaking kontinente
sa buong mundo at ito ay ang Asya, bilang isang Pilipino siguro mapapaisip
ka at mapapatanong na lamang na bakit kailangan pang pag-aralan ang
kontinente ng Asya gayon di ba dapat mas pagtuunan natin ng pokus ang
ating bansa pagdating sa kasaysayan, kultura, heograpiya, ekonomiya,
relihiyon at pang araw-araw na pamumuhay ng ating mga kababayan?. Pero
alam mo ba na may malaking impluwensiya ang Asya sa malayang bansa
natin, kaya’t samahan mo kaming tuklasin ang kahalagahan ng pag-aaral ng
Asya at ugnayan ng mga Asyano sa bawat bansa dito.

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay:

1. naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating


heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya,
Kanlurang Asya, Hilagang/Gitnang Asya;
2. nasusuri ang mga bansang Asyano na kabilang sa Kontinente ng Asya;

3. natutukoy ang kinabibilangang rehiyon ng mga bansang Asyano.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Subukin

Sa bahaging ito ng modyul ay susukatin ang lawak ng kaalaman at ideya


mo tungkol sa araling tatalakayin. Tukuyin ang sinasaad ng bawat
pangungusap.Bilugan ang letra ng tamang sagot.
.
1. Pinakamalaking dibisyon ng lipunan sa Daigdig.
A. mundo B. kontinente C. mapa D. rehiyon

2. Ang pinaka malaking Kontinente.


A. Africa B. Europe C. Asya D. Hilagang Amerika

3. Bahagi ng daigdig o kontinente na pinagbubuklod ng magkakatulad


na katangiang pisikal o kapaligiran
A. Asya B. Kontinente C .Europe D. rehiyon

4. Ang kabisera ng bansang Japan


A. Beijing B. Manila C. Doha D. Tokyo

5. Ang kabisera ng bansang Iran


A. Male B. Tehran C. Singapore D. Bangkok

6. Ang tawag sa pananaw ng mga kanluranin


A. Asian-Centric C. Asian-Concept
B. Eurocentric D. European- Concept

7. Bansang kabilang sa Gulf States


A. Sri Lanka B. Yemen C. Jakarta D. Tehran

8. Tinagurian Farther India


A, Timog Silangang Asya C. Timog Asya
B. Silangang Asya D. Hilagang Asya

9. Ang dating Soviet Central Asia


A. Timog Asya C. Silangang Asya
B. Hilagang Asya D. Kanlurang Asya

10. Ang kabisera ng Taiwan


A. Taipei B. New Delhi C. Seoul D. Male

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Balikan

Sa bahaging ito ng modyul ay muling babalikan ang mga kasanayang


nalinang na tungo sa bagong kaalaman. Tukuyin ang mga bansang malapit
na nakapalibot sa Pilipinas at pati na rin sa iba pang bansang Asyano.

Pilipinas India Iraq

1 Hilaga: _______________ 5 Hilaga: _______________ 9 Hilaga: __________


2 Silangan: _____________ 6 Silangan: ____________ 10 Silangan: _______
3 Kanluran: ______________ 7 Kanluran: ___________ 11Kanluran:________
4 Timog: _______________ 8 Timog: _______________ 12 Timog: ___________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Tuklasin
Sa bahaging ito ng modyul ay ipakikilala sa iyo ang bagong tatalakayin sa
pamamagitan ng isang gawain upang lubusang maintindihan at maunawaan ang
aralin.

Talasalitaan
Hanapin sa loob ng Word Box ang tinutukoy na salita ng bawat aytem sa
ibaba, isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_______________________ 1 . Pag-aaral ng pisikal na katangian


ng daigdig
_______________________ 2 . Ito ay palapad na representasyon ng daigdig
_______________________ 3 . Rehiyon na kinabibilangan ng India
Bansa sa Asya na bahagi ng tinatawag na.

_______________________ 4 . Gulf States

_______________________ 5 . Rehiyon sa Asya na matatagpuan ang


Bansang Pilipinas

Heograpiya Asya
Aprika Silangang Asya
Timog Asya Timog-Silngang Asya
Yemen Mapa

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang kaugnayan sa aralin ng mga salitang nasa loob ng kahon?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang pag-aralan at maintindihan ng mga Pilipino ang


Kontinente at Konsepto ng Asya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Suriin

Sa bahaging ito ay tatalakayin na ang araling nakapaloob sa modyul na


magbubukas sa mga kasanayang nais maipaabot sa mga mag-aaral

Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag


sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Hindi tiyak ang tunay na
pinagmulan ng salitang “Asya”. Maaring nagmula ito sa salitang Aegean na
asis na nangangahulugang “maputik” o sa salitang Semitic na asu
nangangahulugang “pagsikat” o “liwanag” patungkol sa araw. Tinawag din
na Orient o silangan ang Asya batay sa pananaw ng mg Europeo o
Eurocentric. Sa Eurocentrism ay hinati ang Asya sa tatlong rehiyon Near
East (ang mga lupain sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea hanggang
Persian Gulf), Middle East ( ang mga lupain mula Persian Gulf hanggang
Timog-Silangang Asya), Far East (ang rehiyon na nakaharap sa Pacific
Ocean).

Bilang mga Asyano nararapat na gamitin ang Asian-centric o pananaw


ng mga Asyano sa pag-aaral ng Asya. Sa pananaw na ito, binigyang pansin
at ginamit ang mga konseptong Asyano upang pahalagahan ang mga bagay
na may kaugnayan sa Asya at sa mga Asyano. Pagdating naman sa rehiyon
ay hinati ng mga Asyano sa limang rehiyon ang kontinente ng Asya
tunghayan sa Talahanayan 1.1

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Talahanayan 1.1. Limang Rehiyon sa Asya (Bansa at kabisera)

Hilagang Kanlurang Asya Silangang Timog Asya Timog-


Asya/Gitnang Asya ay binubuo ng mga Asya Silangang Asya
-ay binubuo ng mga bansang arabo at gulf India – New Delhi -Minsan
dating Soviet Central states. Japan - Tokyo binansagang
India
Asia China - Beijing Mga Bansang Farther at
Bansang Musli
Arabo Taiwan m Little China dahil
Kazakhstan – Astana Saudi Arabia - Riyadh -Singapore Afghanistan - kabul sa impluwensiya
nasabin
Kyrgyzstan - Bishkek Lebanon - Beirut North Korea Pakistan - ng mga g
Tajikistan - Dushanbe Jordan - Amman -Pyongyang Islamabad kultura nito.
Azerbaijan - Baku Syria - Damascus South Korea Bangladesh -
Turkmenistan - Iraq - Baghdad -Seoul Dhaka Mainland
Southeast
Ashgabat Kuwait – Kuwait City Mongolia Asia
Uzbekistan - Tashkent -Ulaanbaatar Bansang Myanmar
Georgia – T’bilisi Gulf States Himalayan - Naypyidaw
Nepal -
Armenia - Yerevan Yemen – Sana’a kathmandu Thailand -
Oman - Muscat Bhutan - Bhutan Bangkok
United Arab Emirates Vietnam – Hanoi

Bansang Laos - Vientiane


Abu Dhabi Pangkapuluan Cambodia
Qatar -Doha Sri Lanka – Phnom Penh
Bahrain - Manama -Sri
Iran -
Tehran Jayawardenepura Insular
kotte Southeast Asia

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Israel - Jerusalem Maldives – Male Philippines
Cyprus -Nicosia -Manila
Turkey – Ankara Malaysia
Kuala
Lumpur
Indonesia -
Jakarta
Brunei –
Bandar
Seri
Begawan
Singapore
Singapore
City
Eas Timor -
Dili

Pamprosesong Tanong

Paano nagkakaiba ang Asiancentric at Eurocentric?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Bilang isang Pilipino, ano ba dapat ang ating susundin na paniniwala, Asiancentric
o Eurocentric? Pangatwiranan ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Pagyamanin

Sa bahaging ito ay kinakailangang mapagtibay ang iyong pang-unawa at

mga kasanayan sa paksa sa tulong ng mga gawaing inihanda sa bahaging ito

ng modyul.

Mapa-Kanta Tayo

Gumawa ng isang kanta hinggil sa limang rehiyon at mga bansang Asyano.


Sundin ang sumusunod na paraan ng paggawa ng Kanta
1. Mamili ng isang kanta
2. Ibahin ang lyrics ng kanta at ilapat ang mga rehiyon at mga bansa sa
Asya.
3. Isulat sa isang malinis na papel ang kanta na inyong gagawin.
4. Ipaliwanag ang kantang iyong ginawa kung bakit mahalagang malaman
ang mga rehiyon at bansa sa Asy
Rubrics
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
Kaangkupan ng Kinakailangang ang
output sa Aralin gagawing kanta ay 7
may kinalaman sa
kontinente ng Asya at
mga bansa nito
Presentasyon ng Malikhaing
Kanta sinimulan ang pag- 6
awit at nagpakita ng
kakaiba ngunit
orihinal na
presentasyon
Paliwanag Indikasyon na ang
mag-aaral ay 7
mayroong natutunan
sa Araling tinalakay
Kabuuan 20

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Isaisip

Sa bahaging ito, ang mag-aaral ay magbubuo ng paglalahat hinggil sa


araling natalakay.

Ang Aking Repleksiyon sa aralin batay sa ating talakayan, natutunan ko na


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Aking pahahalagahan ang mga Asyano sa pamamagitan ng


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Bilang isang Pilipino ako ay

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Isagawa
Sa bahaging ito ng modyul ay naglalaman ng mga katanungan. Sumulat sa
patlang ng mga pangugusap o talata upang maproseso kung anong natutunan
mo mula sa aralin.

1. Kung may pagkakataon kang maglibot sa mga bansa sa Asya, saan mo nais
magtungo at bakit?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
2. Halimbawa ay nagkaroon ka ng isang kaibigang Koreano at nais magtungo dito
sa Pilipinas upang mamasyal ,saang mga lugar sa ating bansa mo siya ililibot at
bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Nakakita ka ng isang Arabo na marunong magsalita ng wika natin at siya ay


naliligaw sa lungsod ng Marikina. Ano ang gagawin mo at paano mo tutulungan
ang isang kapwa mo Asyano?
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tayahin
Sa bahaging ito ng modyul ay naglalayong matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto mo sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

I Piliin ang letra ng tamang sagot, isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang

_______ 1. Ang kabisera ng bansang Iran


A. Male B. Tehran C. Singapore D. Hanoi

_______ 2 .Ang tawag sa pananaw ng mga Asyano


A. Asian-centric B. Eurocentric C. Westerncentric D. Eastercentric

_______3. Bansang kabilang sa kabilang sa Gulf States


A. Sri B. Oman C. Tokyo D. New Delhi

_______ 4. Tinaguriang Little China


A. Timog-Silangang Asya C. Silangang Asya
B. Silangang Asya D. Timog Asya

_______ 5 Ang dating Soviet Central Asia


A. Timog Asya C. Silangang Asya
B. Hilagang Asya D. Hilagang Asya

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
II Tukuyin ang kinabibilangang rehiyon ng mga sumusunod na bansa sa Asya
1. Kuwait __________________ 4. Thaliand ________________
2. Nepal ___________________ 5. Lebanon ________________
3. Myanmar ________________

-Hilagang Asya

-Timog-Silangang Asya

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito ng modyul ay may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang


pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

It’s Research Time!!

A. Gamit ang internet o mobile data mag research ng limang (3) piling
larawan ng mga kilala o di-kilalang siyudad sa Asya at magbigay ng inyong
kumento at pagsusuri sa mga siyudad na iyong nakita. Ilagay sa isang oslo
ang mga larawan ng mga siyudad at ang iyong pagsusuri.

B. Maaari ring magahanap sa mga lumang magazines o dyaryo kung walang


gadyet na magagamit. Gupitin ang mga napiling mga (3) larawan ng mga
kilala o di kilalang syudad sa Asya at magbigay ng kumento o pagsusuri sa
iyong nakita. Ilagay din ito sa isang oslo.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
Sanggunian

Cruz, Romela M, Ed.D., Jose Mary Dorothy dl., Mangulabnan, Joel B., Mercado
Michael M. at Ong, Jerome A., (2015). Araling Asyano – Tungo sa
Pagkakakilanlan, Vibal Group, Inc. Quezon City, Philippines, Edisyon 2015, 6-7

Blando, Rosemarie C., Sebastian, Adelina A., Espiritu, Angelo C., Golveque, Erna C.,
Jamora, August M., Capua, Regina R., Victor, Armi S., Balgos, Sandra I., Del
Rosario, Allan F. at Mariano, Randy R., (2014). Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba (Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral), Eduresources
Publishing Inc, Pasig City, Philippines, Unang Edisyon 2014, 6

Retrieved from:

https://www.google.com/search?q=ASIA+MAP&tbm=isch&hl=en&tbs=sur:fc&chips=q:
asia+map,g_1:lab

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12
Susi ng Pagwawasto

Subukin
1B 6B
2C 7B
3D 8A
4D 9B
5B 10 A

Balikan
1 Taiwan 5 Nepal 9 Syria
2 Wala 6 Bangladesh 10 Iran
3 Vietnam 7 Pakistan 11Jordan
4 Brunei 8 Sri Lanka 12 Kuwait

Tuklasin
1 Heograpiya
2 Mapa
3 Timog Asya
4 Yemen
5 Timog-Silangang Asya

Tayahin
1. B 6. Kalurang Asya 3..B 5. B 8. Timog-Silangang Asya
9 . Timog Silangang Asya
2. A 7. Timog Asya 4. A 10. Kanlurang Asya

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 13
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Mark Nhowie A. Santos (Guro, CISSL)
Mga Tagasuri: Gina Manalo (Guro, PHS)
Mita A. Abergos (Principal, CISSL)
Aaron S. Enano (Superbisor, AP)
Tagasuri – Panlabas: Jaime T. Escobia (Propesor, PNU)
Tagaguhit: Ma. Gwendelene J. Corañez (PES)
Tagalapat: Nathalia A. Malaga (NES)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 14
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like